Subalit ibang business conference ang ginawa ni Alastair sa Batangas. He was at their friend's ranch so he could learn the basic of horseback riding. Kailangan nitong matalo ang takot nito sa pagsakay ng kabayo kung ayaw nitong malaman ng pamilya nito ang sekreto nito kahit di pa tamang panahon.
At kung aatake pa rin ang takot nito, napagkasunduan nilang isang maamong kabayo ang pipiliin nila para hindi ito mahirapan. Nakausap na niya ang stable manager. Ito ang magre-recommend ng maamong kabayo.
Tinapik ni Gudofredo ang balikat ni Alastair. "That is my son! Ilang panahon pa at mahihigitan mo na ang mga accomplishments ko."
Ngumiti si Alastair subalit malungkot ang mga mata nito. She knew that he was scared to disappoint his father down. Malaki kasi ang expectation dito bilang isang anak na lalaki.
"That's enough, you two," saway ni Katalina. "Wala na kayong pinag-usapan kundi negosyo. Relax. We came here to relax. Isa pa, ihahanap pa natin ng perfect girlfriend ang mga anak natin. I can't wait to see them marry."
"Where are the pretty girls here?" tanong ni Alastair sa lalaking-lalaking boses. "Gusto ko na silang makilala."
"Maraming oras para sa mga babae, Al. Magsasawa ka mamaya," sabi ni Kester. "But for now, let's explore the place." Masyado itong busy sa clinic at sa foundation kaya di ito nakakaikot ng riding club.
"Killjoy ka talaga pagdating sa mga babae, Kuya," sabi ni Alastair. "Pumunta na lang tayo sa stable."
"You don't have to hurry, Al," wika ni Gudofredo. "I asked for two of fiercest horses in the riding club just for you two."
"Ha?" sabay nilang bulalas ni Alastair. "Akala ko kami ang pipili, Pa. I want to choose my own horse." Halos histerikal na ito. Maisip lang nito na ang pinaka-mabalasik na kabayo ang sasakyan nito, mas gusto pa nitong kumaripas ng takbo.
Tinapik ni Gudofredo ang balikat nito. "I know that you want to choose your own horse, hijo. Pero parang ikaw na rin ang pumili dahil ako naman ang nag-recommend. If you can handle a fierce horse, you can handle almost everything."
"Baka naman delikado iyon," sabi ni Katalina. Masyado kasi itong malambot pagdating sa mga anak. Parang bata pa rin kung tratuhin nito minsan.
"Don't worry about us, Ma. Macho kami ni Kuya Kester," malakas ang loob na sabi ni Alastair kahit pa nga parang marshmallow na ang tuhod nito. "Wala kaming kinatatakutan. Kabayo lang iyan."
Humalakhak si Gudofredo. "That is my son! That is my son!"
Nagkatinginan sila ni Alastair. They knew the truth. He was in jeopardy.
HARD LUCK looked like a mean horse indeed. He was red chestnut stallion with a mean streak, according to his handlers. Lalapitan pa lang ni Alastair ang kabayo ay nag-buck na si Hard Luck. Parang ayaw nitong magpahawak. Mabuti na lang at hindi nangibabaw ang kaba ni Alastair.
"Slowly approach him and touch his neck," bulong niya dito.
Napalunok si Alastair at sinunod siya. The horse didn't buck anymore. Mukhang nasasanay na ito sa presensiya ni Alastair. Inamoy-amoy nito ang kamay ni Alastair at hinayaan na itong magpahawak. "Good horse. Makisama ka. Parang awa mo na," pakiusap nito sa kabayo.
"Is he hard to tame?" tanong ni Kester na kampanteng-kampante na sa pagkakaupo sa kabayong para dito. Kung tutuusin nga ay mas matindi ang temper ng kabayo nito kaysa kay Hard Luck. Pero walang kahirap-hirap itong nakasakay.
"You call it bonding, bro," sabi ni Alastair at sumampa na kay Hard Luck. Nakaalalay na ito sa rein ng kabayo. He already showed who the master is. "Hindi naman pala mahirap pakisamahan si Hard Luck."
Mukhang nakinig ang kabayo sa pakiusap nito. Saka lang siya pumunta sa mare na napili niya para sa sarili. Nanlalambot pa ang tuhod niya dahil dito.
"Yoanna, you need help with riding your horse?" tanong ni Kester at bumaba ng kabayo. "Baka gusto mong tulungan kita."
Iningusan niya ito. "I can do it myself. Thank you." Di naman siya lampa. Ilang beses na rin naman siyang nakasakay ng kabayo.
Subalit parang wala itong narinig. Sinambilat nito ang baywang niya at binuhat. She just found her self mounted on the horse. "You're welcome," nakangiting sabi nito at sumampa na sa sariling kabayo.
"My son is really sweet, isn't he?" Katalina asked.
"Yes, he is." Kapag siguro may topak ito. Baka sinapian na naman ng mabuting espiritu kaya mabait sa kanya. Baka pakitang-gilas lang ito sa magulang nito. Gusto lang magpa-impress.
She was not impressed. Subalit nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa renda. Yes, she could repel his charms now. Pero bakit di pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya? He could still make her tremble like no other man could.