"Ah! They are so sweet," usal ni Yoanna habang pinapanood ang pagsasayaw ng mga magulang ni Alastair. Mahigit singkwenta na ang mga ito pero bakas pa rin ang pagmamahal sa isa't isa. They were dancing the Argentinean tango and there was too much passion in their eyes. "Sana ganyan din ako kapag ikinasal na ako."
"That's what you call love," Alastair said with longing in his voice. Bigla itong tumikhim nang makita nitong nakatingin dito si Kester at umupo ito nang tuwid. "E-Excuse me. May nakalimutan akong ibilin sa assistant ko. I have to make a call."
"Hanggang dito ba puro trabaho ka pa rin. Mamaya na iyan," angal niya. Boyfriend lang naman nito ang tatawagan nito. Kapag umalis ito, silang dalawa na lang ni Kester ang maiiwan.
"Babalik din ako agad," anito at tinanguan ang kapatid.
The air suddenly grew thick when Alastair left. Itinuon na lang ulit niya ang atensiyon sa mga nagsasayaw sa dance floor. "You must be really bored at the moment," Kester uttered and took the seat beside her.
"No. I am actually enjoying the night," she said then sipped the red wine.
"You really don't have to pretend, Yoanna. I know the things you enjoy. You want it loud and wild with dancing lights. Relaxing music bores you. Saan ka ba madalas ngayon? Street parties perhaps or underground bars…"
Nakataas ang kilay niya itong nilingon. "Are you sure?"
"That's the Yoanna I know. I am sure marami pang hindi nagbabago sa iyo. Like the fact that you still abhor blood."
Naalala niya nang minsang isama siya ni Kester sa medical mission nito. Nagkataon na may sugat ang unang pasyente na in-assist niya. She nearly fainted. Takot naman talaga siya sa sugat. Pero ang akala ni Kester ay umaarte lang siya o sadyang maarte. Lalo tuloy sumama ang impression nito sa kanya.
She smiled sweetly. "How sweet of you, Kester. Ibig sabihin, after seven years iniisip mo pa rin ako. That is so touching," she said in an exaggerated tone. "I am wondering. Ano pa kayang ibang bagay ang naaalala mo tungkol sa akin?"
She used a sultry voice. Parang nang-aakit. He stiffened. Of course, he also remembered the last night they were together. The night she offered her self to him and she was blatantly rejected.
Iniwas nito ang tingin sa kanya. Ngumiti ito nang makitang papalapit na sa table nila ang mga magulang nito. "That was great, Ma, Pa!"
"Do you like it, too, Yoanna?" tanong ni Katalina.
Tumango siya. "Of course. That's what I call authentic Argentinean tango."
"Hindi mo lang alam kung anong ginawa ng Tita Kat mo sa akin, Yoanna," wika ni Gudofredo. "She forced me to attend that dance class with her. Gusto daw niyang matuto rin ako. At nang sinabi kong busy ako, nag-employ pa siya ng stay-in na dance instructor para sa amin. She nearly killed me."
"You should also dance with Yoanna, Kester," wika ni Katalina. "Show her how Argentinean tango is done."
"Oh! He can dance!" she exclaimed with a hint of sarcasm.
"I don't think dancing that one is a nice idea." Argentinean tango was not a usual tango. It was a dance about passionate lovemaking. Dahil sa sobrang sensual ng sayaw ay ibinawal pa ito ng simbahan sa Argentina. Kester looked at her wearily. "I don't think dancing with Yoanna is a nice idea at all."
Di niya mapigilang ngumiti. Naisip siguro nito kung ano ang tumatakbo sa utak niya. With that popular kick between the legs step, she might hit his shin… bull's eyes! Sayang ang magandang lahi nito kapag nagkataon.
"Don't you like dancing with her?" tanong ni Katalina.
"She's a dance diva. I would pale in comparison."
She was a good dancer. Member siya ng dance troupe mula elementary. Isa pa, sadyang di forte ni Kester ang pagsayaw. At ayaw nitong magkaroon ng pagkakataon na maging intimate sila o magkalapit sila. She could see the fear in his eyes. Or maybe he simply loathed her presence until now. Tanggap na niya iyon pero may bahagi pa rin sa puso niya na nasasaktan sa rejection nito. Pero hanggang doon lang iyon. Di nito malalamang naaapektuhan siya.
"Tita, it's okay," nakangiti niyang wika kay Katalina. "Dati pa naman, alam nating walang hilig ang sayaw kay Kester. Kami na lang pong dalawa ni Alastair."
Nakita niya ang kaibigan na papalapit sa kanila. Bago pa makalapit sa table si Alastair ay hinila na niya ito sa dance floor. "Let's dance," she whispered.
Napilitan itong sumunod sa kanya at di na nakipagtalo. Saka lang siya naging komportable sa pagkilos niya dahil nakalayo siya kay Kester. It was another round of traditional tango. "So what happened between you and my brother?" he asked. Isa sa talent nito ay I-lead siya sa pagsasayaw ng tango habang nakikipag-kwentuhan.
"Hindi mo kami dapat iniwan," mariin niyang wika. "Magpasalamat talaga ang kuya mo. Kung hindi, baka nasakal ko na talaga siya."
"Hanggang ngayon nag-aaway pa rin kayong dalawa?"
She tried to smile even if her skin was itching to make a face. "Sabi niya, huwag na daw akong magkunwari na nag-e-enjoy ako sa ganitong klaseng crowd. That I still prefer the lively and wild ones. Sa harap ng parents mo, tinanggihan niya akong isayaw. Na parang magsayaw lang kaming dalawa, masisira ang reputasyon niya. Masama pa rin ang impression niya sa akin. He still hates me."
When she and Alastair were in college, he loved bringing her to underground bars specially designed for closer gays like him. Sa lugar lang kasi na iyon nito nailalabas ang frustration nito. Naipapakita nito ang tunay nitong pagkatao nang walang nanghuhusga dito. Minsan ay nagtalo ito at ang Papa nito tungkol sa dapat ay pagsunod nito sa Argentina. Naglasing ito at siya ang sinisi ni Kester nang makauwi si Alastair. Masama daw siyang impluwensiya.
"Huwag ka na lang magpaapekto kay Kuya Kester. Alam mo naman ang lalaking iyon. Killjoy. Masyado iyang santo. Lahat ng dapat gawin ay para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Minsan nga iniisip ko kung virgin pa rin siya ngayon o nakahalik na siya ng babae," anitong pigil ang ngiti.
"At the age of thirty-four?" Nanlaki ang mata niya. "You must be kidding."
"Hindi na ako magtataka kung mangyari iyon. Kung na-rape mo siya dati, at least alam kong hindi na siya virgin?"
Magpasalamat ito dahil ayaw niyang masira ang sayaw nila. Kung hindi ay tinapakan na niya ito. Pamatay na stiletto heels pa mandin ang suot niya. "Last warning, Alastair Mondragon. I-open mo pa ulit ang topic na iyan at tiyak na mapapatili ka sa gagawin ko sa iyo."
"Sa orgasm lang ako tumitili. At malabong maibigay mo iyon sa akin," ngingisi-ngisi nitong sabi. "Pero kung gusto mong pagtangkaan ang puri ni brother dear, I am willing to help. Ipapa-kidnap ko siya tapos ide-deliver ko sa iyo. Tingnan ko lang kung matanggihan ka pa niya."
"Kahit maghubad pa ang kapatid mo sa harap ko, di na ako magiging interesado sa kanya. Salamat na lang," mataray niyang sabi.
She would never like the man who judged her easily and thought that she was a loose woman. Di naman niya mababago ang anumang iniisip ni Kester tungkol sa kanya. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito.