Chapter 292 - Chapter 4

NARINDI si Yoanna sa sunud-sunod na ring ng telepono sa tabi niya. Dumapa siya sa kama at saka dinampot ang awditibo. "Hello!" Masarap na masarap pa ang tulog niya. Di niya alam kung bakit may nambubulahaw sa kanya.

"Yoanna! Kagigising mo lang?" bulalas ni Jenna Rose na nasa kabilang linya.

Bahagya niyang isinubsob ang mukha sa unan. "Anong kagigising lang? Katutulog ko lang dahil ilang araw na akong walang tulog."

Ilang araw na absent ang night manager ng guesthouse. Kailangan niyang alalayan pati ang assistant night manager at kailangan din siyang dilat sa umaga dahil iyon ang shift niya.

"Pero ngayon ang farewell party ni Doc Celeste," anito at narinig niya sa background ang maingay na tugtugan.

Napaungol siya nang maalala. "Nakalimutan ko." Alas nuwebe na kaya nagsisimula na ang party. "Give me an hour. Susunod ako diyan."

"An hour? The Switch will be performing soon. Mga thirty minutes pa. Kaya kung di ka pa dadating, di mo maririnig ang bagong composition ni JED."

Nobyo ni Jenna Rose ang vocalist ng bandang Switch na si Jason Erwin Dean. At kahit na rock band pa, makiki-jive ang banda sa 60's at 70's theme ng farewell party para sa resident doctor ng riding club. At favorite niya ang banda kahit noong nagsisimula pa lang ang mga ito. Pero di halos siya makagalaw sa pagod kahit na gusto pa niyang maki-party.

"I think I am starting to feel too old for this." Parang gusto na lang niyang matulog kundi lang gusto niyang makiisa sa pagpapaalam sa butihing doktora. Lilipad na ito papunta sa London upang sundan ang fiancé na businessman doon. Doon na rin magpapakasal ang mga ito at titira.

"Mag-stay ka lang kahit na one hour. Saka ka ulit matulog. Magtatampo sa iyo si Doctora kapag hindi ka pumunta."

Bumangon siya. "Okay. Okay. Give me thirty minutes."

Basta na lang niyang hinablot ang red layered dress sa closet niya at ihinagis sa kama. Saka siya nag-shower. Within thirty minutes ay dumating na siya sa labas ng Lakeside Bistro and Music Lounge kung saan ginaganap ang party.

Halos lahat ng members ng riding club maging ang kanya-kanyang companion ng mga ito ang pumuno sa grounds. Karaniwan na iyon kapag may party sa riding club. Stallion Riding Club was not only a place for those busy men to relax. Ang marami sa mga ito ay idinadala din ang kanya-kanyang business agenda sa club. Karamihan naman kasi ng members ng riding club ay may sinasabi sa lipunan.

"Finally, dumating na rin si Sleeping Beauty," wika ni Doctora Celeste nang mamataan siya. "Akala ko hindi ka na dadating."

Humalik siya sa pisngi nito. "I am sorry. Di bale may gift naman ako." Wala na kasi silang chance pa para mag-bridal shower dahil lahat ng mga tao sa riding club ay busy. "Para sa honeymoon ninyo," aniya at bumulong dito.

Napangiti na lang ito nang may halong kapilyahan. "You are forgiven."

"I am so happy for you." Tulad kasi niya, inisip din nito noon na dito na ito mag-aasawa at mabuburo na lang sa riding club. Hanggang magkita ito at ang dating nobyo na nagbakasyon mula sa London. Inayos na agad ang papers nito dahil ayaw na daw ng nobyo nito na magbago pa ang isip nito. "Mami-miss ka talaga namin dito."

"Don't worry. May papalit naman sa akin. I think he is yummy. He is the type of guy who would make your blood boil. Kung di ko lang love si Denver, iyon na lang ang pipikutin ko. Kaya sa iyo ko na lang siya ihahabilin."

Matagal na siya nitong ipinagtutulakan na magkanobyo. Bata pa daw siya kaya dapat ay ma-enjoy niya ang buhay niya. "Bakit naman ako agad? Andiyan pa si Doktora Tamara. Mas matanda sa akin iyan. Magti-thirty na," aniya at inginuso ang resident veterinarian ng riding club.

"Wala sa edad iyan," sabi naman ni Tamara. "Not interested."

"Naku! Mas mahihirapang magka-boyfriend iyang si Tamara. Alam naman natin na bawal iyang mag-asawa hangga't di sinasabi ni Haring Reid," sabi ni Celestine, ang may-ari ng Lakeside Bistro and Music Lounge. Si Reid Alleje ang may-ari ng Stallion Riding Club. They usually call him as The King. Pakiramdam kasi nito ay kaya nitong kontrolin ang lahat ng nasa lupain nito.

"Mas lalo namang ayoko sa doktor," protesta agad niya. "I have this aversion to blood." Pero mas matindi ang aversion niya sa mga male doctors na guwapo.

"Nasaan nga pala si Doc?" tanong naman ni Sindy. "Excited na akong ma-interview siya." Bilang resident writer ng riding club, trabaho nito na mag-interview o mas tamang intrigahin ang buhay ng mga bagong empleyado para sa website ng riding club at sa isusulat nitong nobela. "May girlfriend na ba siya?"

"Mukha namang wala. Sabi ni Reid, nasa kabundukan pa ang bago nating doktor," sabi ni Tamara. "Mahilig siya sa mga medical mission at mahilig ang pamilya niya sa mga charity works."

"I am a charity case," singit ng isa sa mga guest. "I am single. Baka pwede nang siya ang maging boyfriend ko."

Lalong sumakit ang ulo niya. Ayaw niya sa mga doktor na guwapo at mahilig sa charity works. Naiisip lang niya si Kester. "Excuse me." Ayaw na niyang makarinig pa nang kung ano tungkol sa bago nilang doktor. Naririndi na siya.

Gaano na ba katagal nang huli niya itong nakita? Isa? Dalawang linggo? Mas pabor siya kung di niya ito makikita. Narinig niya sa usapan nito at ng mga magulang nito na may medical mission ito sa Cagayan at Isabela para sa mga katutubong Dumagat na nakatira doon. Mas mabuti pang doon na lang ito para mas maging kapaki-pakinabang ito. Kaysa naman magkita sila pero sisirain naman nito ang araw niya. Mabuti na lang di ito maliligaw sa riding club.

Bitbit ang piña colada niya ay magmumukmok sana siya sa isang sulok nang harangin siya ni Reichen, ang kapatid ni Reid at itinuturing niyang pinaka-notorious na playboy sa riding club. "Let's dance, Yoanna."

"Iba na lang ang yayain mo, Reichen."

"Ikaw lang naman ang kilala kong magaling magsayaw ng swing. Kapag di ka nakipagsayaw sa akin, araw-araw kitang kukulitin na makipag-date sa akin."

Natigilan siya sa banta nito. Mas ayaw naman niya iyon. Tiyak na magiging tampulan siya ng tsismis. Sinumang madikit ang pangalan kay Reichen ay nasisira ang magandang reputasyon. At ayaw niyang mangyari iyon.

"Sige. Just this one and you won't bother me anymore."

"That is a promise," he said then pulled her at the dance floor.

Reichen was a great dancer. Kaya naman pati siya ay nadala sa pagsasayaw nito. Hanggang sila na lang dalawa ang naiwan sa dance floor at pinapanood ng lahat. Humihingal na siya nang mag-side dip upang tapusin ang sayaw.

Inulan sila ng palakpakan. Nang ibalik siya ni Reichen sa table niya, dinumog naman siya ng mga lalaking gusto siyang isayaw. "Sayaw din tayo, Yoanna."

"Next time na lang," sabi niya. "Pagod pa ako."

"Dance with me instead," anang isang anak ng senador.

"E-Excuse me. Sa powder room lang ako," aniya at tumayo. Subalit sinundan pa rin siya ng makukulit na guests. Tumigil siya sa malapit sa pinto at hinarap ang mga. "Please leave me alone!"

Dali-dali siyang tumalikod hanggang mabangga siya sa matigas na katawan ng isang lalaki. Naitukod niya ang palad sa katawan ng nabangga. "I-I'm sorry… I…"

"Having trouble with your admirers, Yoanna?"

Napakurap siya at napatitig sa nabangga niya. She was shocked. "K-Kester…" Tinitigan pa niya itong mabuti. "Kester! What are you doing here?"

"Finally, our new doctor is here," wika ni Reid at tinapik ito sa balikat. "Everyone, let's welcome Doctor Kester Mondragon."

Related Books

Popular novel hashtag