Chapter 253 - Chapter 20

PASIMPLENG dumungaw sa bintana si Jenna Rose. Nang di makita kahit anino ni Fridah Mae o ni JED ay binalikan niya ang gown na nilalagyan ng sequence.

"Ma'am, nakakahilo naman kayo," anang si Bianca. "Kanina pa kayo tingin nang tingin diyan sa bintana."

"Oo nga. Sana sumama na lang kayong mag-horseback riding para hindi kayo silip nang silip. Ang hirap talaga ng nagseselos," dagdag ni Riziel.

"Hindi ako nagseselos. Ni hindi ko nga gusto si JED. Nag-aalala lang ako para kay Fridah Mae dahil di pa rin siya bumabalik hanggang ngayon. Malapit nang magdilim pero wala pa rin siya." Hinarap niya ang mga ito. "Saka magtrabaho nga kayo diyan. Huwag na lang ninyo akong pansinin dito."

"Alam ba ninyo, may kakilala ako na galit na galit daw siya sa isang lalaki. Pero nang makita niyang may punit, tinahi naman niya. Siya pa ang nagprisinta. Hindi daw niya gusto pero inaamoy-amoy niya ang damit habang tinatahi niya."

Napalingon siya kay Karyl. "W-What the…" Pinigil niya ang bibig. Nakita siya nito na inaamoy-amoy ang shirt ni JED? Mariin siyang pumikit. Gusto man niyang komprontahin ang mga ito, tiyak na siya ang maigigisa sa huli. Nanahimik siya.

"Talaga?" tanong naman ni Bianca. "Akala ko ba ayaw niya doon sa guy."

"Oo nga. Anong tawag sa ginagawa niya?" tanong ni Karyl.

"It must be love!" duet nina Riziel at Bianca.

"May kukunin lang ako sa kuwarto ko," paalam niya at umakyat sa hagdan. Di na kasi niya matatagalan ang pangangantiyaw ng mga ito sa kanya. Oh, no! I am sure iniisip nila ngayon na gusto ko si JED. Bakit ba inamoy-amoy ko pa ang shirt niya kanina? Mukha tuloy akong tanga.

JED"s shirt still possessed his masculine scent. Naalala lang niya nang isakay siya sa kabayo at nang yakapin siya nito noon.

"Ma'am, nandito na si Miss Fridah Mae," untag sa kanya ni Karyl.

Nagdadabog na pumasok si Fridah Mae sa boutique niya at ibinagsak ang sarili sa couch. "How's your date?" tanong niya.

"That guy is so annoying! HIndi man lang siya maka-recognize ng tunay na kagandahan! Nakakainis!" usal nito at tumayo. Saka nagkulong sa restroom.

"Anong problema niya?" tanong niya.

Maya maya pa ay isang lalaki na nakasuot ng uniform ng flower shop ang umasok sa boutique bitbit ang isang basket ng yellow roses. "Delivery for Miss Jenna Rose," nakangiti nitong sabi.

Pinagkulumpunan ng mga tauhan niya ang mga bulaklak habang pumipirma siya sa delivery receipt. "Uy, yellow roses! Kanino galing?" tanong ni Riziel.

"Sa akin ba iyan?" tanong ni Fridah Mae paglabas ng restroom. Inagaw nito ang card sa kamay niya at binasa ang nakasulat. "Thanks for fixing my shirt. I hope that we can go out sometimes. JED." Nawala ang ngiti sa labi nito at maang na napatingin sa kanya. "Fixing my shirt? Sa iyo ito?"

"Oo. Iyon din ang sabi ng nag-deliver," aniya at nakagat ang labi. Ayaw niyang may isiping hindi maganda sa kanya si Fridah Mae. Ito nga naman ang kasama ni JED kanina pero siya ang pinadalhan ng bulaklak.

"Nasaan ang flowers ko?" tanong ni Fridah Mae.

"Ah… Baka na-traffic?"

Nagdadabog itong umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto nito. "This is so unfair! Ako ang ka-date niya kanina pero ikaw ang binigyan niya ng bulaklak!"

"Nagte-thank you lang siya dahil tinahi ko ang shirt niya," paliwanag niya. Ayaw niyang masira ang friendship nila ni Fridah Mae dahil lang kay JED. Bakit nga ba siya lang ang pinadalhan ng bulaklak ni JED?

"Ganoon lang ba talaga iyon? Wala nga siyang bukambibig kundi ikaw. Nang magpunta kami sa falls, sabi niya doon ka din daw nagpupunta kapag gusto mong mag-isip ng designs mo. Tapos kung anu-ano pa ang ikinuwento niya. I thought that you dislike him. Bakit parang madalas kayong magkasama at madami siyang alam tungkol sa iyo?" matalim ang mata nitong tanong sa kanya.

Umiling siya. "Hindi ko alam. I don't like him, remember?"

"I don't think you really hate him like what you are claiming. Nakita ko iyon nang magprisinta kang ayusin ang punit sa damit niya."

"Fridah Mae, it is just the shirt. Sa palagay mo ba magugustuhan ko siya matapos ang ginawa niya sa atin dati?"

Nagkibit-balikat ito. "Why not? Napatawad ko na siya. After all, he is a very nice guy. Masaya siyang kasama kahit pa nga wala siyang ipinakitang ibang motibo sa akin. He is a gentleman. I think he is nice to you as well."

"Madali siguro sa iyo na magpatawad. But I don't think I can easily forgive him. Nag-sorry nga siya sa akin dati pero ni hindi niya alam kung para saan siya magso-sorry. Hindi daw niya alam kung anong kasalanan niya."

"Paano kung wala siyang alam sa pagpapakulong sa atin? I think he is too nice to do that to us," depensa nito. "Baka wala siyang alam."

"I don't know. Hindi mo ba sinubukang I-open sa kanya?" tanong niya.

"I think it is too late to discuss this. Hindi ko na kasi ginawang malaking isyu iyon dahil nalagpasan ko naman. But it seems like you are not over it yet."

"I will never get over it." Di lang kasi ang kahihiyan niya ang nalagay sa alanganin. JED also broke her young heart.

"Why don't you just discuss it with him? Mas maganda kung ikaw na ang mag-open sa kanya para matapos na ang lahat. Masyadong komplikado ang nararamdaman mo kung di mo siya makakausap agad tungkol dito."

"Paanong magiging komplikado?"

"You want to hate him but you still like him. Sa palagay ko, hindi lang simpleng gusto. You don't like the rockstar this time but you are falling for the real guy, for the real JED instead. Kaya hindi mo maamin sa sarili mo na gusto mo siya dahil pilit mong pinangingibabaw ang galit mo. JED likes you. Pero itinutulak mo siya palayo dahil may galit ka pa sa kanya. Nasasaktan mo lang siya habang itinutulak mo siya palayo."

Nilingon niya ito. "You are so weird. Paano naman mangyayari ang sinasabi mo? I don't really like him!"

Dinuro nito ang dulo ng ilong niya. "Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Bistado na kita. You are falling for him. Kaya huwag ka nang magkunwaring galit sa kanya. If you'll keep on pushing him away, aagawin ko siya sa iyo. Hindi naman mahirap iyon dahil mas maganda naman talaga ako sa iyo."

Related Books

Popular novel hashtag