"JEN, naiilang ako na may camera," reklamo ni Marist habang inaayos niya ang summer dress nito. Unang araw iyon ng shooting at sa wooden dock sa lake ang location. "Di naman talaga ako model, hindi ba? Dati lang naman akong tagatinda ng bag. Nanalo lang ako sa raffle…"
Bahagya niyang niyugyog ang balikat nito. "Relax. Just act naturally. You are naturally beautiful and talented. Doon ka minahal ni Emrei. And the camera will love you that way. Huwag nang kung anu-ano ang iisipin mo."
May pagkakataon na lumalabas ang inferiority complex ni Marist sa mga taong may kaya lalo na sa mga taga-riding club. Kahit pa nga boyfriend na nito ang anak ng isang oil sheik, nananatili pa rin itong mababa. Samantalang hamak na may ipagmamalaki naman ito kumpara sa ibang babae sa riding club. Dahil magkasama sa trabaho, sa kanya pinakamalapit si Marist. Sa kanya ito nakikinig.
"Marist, eksena mo na!" tawag dito ng production assistant.
Pinagkrus nito ang daliri. "Sana hindi ako pumalpak. Thanks sa tips."
Pinanonood niya ang paghahanda sa eksena ni Marist nang may magsalita sa may balikat niya. "Well, that's nice. Hindi ka lang pala magaling na designer. Magaling ka rin na motivator."
Gulat siyang napalingon. "JED! What are you doing here? Hindi ba bukas pa naman ang eksena mo?"
"I just want to watch you work."
"Ha? Ako? Hindi naman ako ang commercial model. Sila!" aniya at tiningnan kunyari ang mga damit na isusuot pa ni Marist sa eksena. Di naman niya iyon kailangang gawin. Gusto lang niya makaiwas sa titig nit JED.
"I don't know. It just makes me happy to watch you."
Bahagya niya itong nilingon. "Why? Do I look like a clown?"
"If you are a clown, you must be the prettiest one on earth."
Sinalubong niya ang tingin nito. "Mukhang hindi ka lang nandito para manood. Nandito ka rin para mambola."
Ngumiti lang ito. "Salamat sa pagpapa-dry clean sa damit ko."
"Inutos ko lang ipa-dry clean siya. Naka-charge iyon sa account mo. So you don't have to thank me."
"You fixed my shirt and you didn't charge me with anything."
"And you sent roses to thank me."
Ikiniling nito ang ulo na parang hinuhuli ang tingin niya. "Do you like them?"
"The roses? Yes. They are lovely."
"Hindi ka galit?"
Maang siyang napatingin dito. "JED, bakit naman ako magagalit sa iyo? Wala namang masama sa mga roses, hindi ba? And besides, they are pretty."
"Are you sure that you love them? And you are not mad either?"
She rolled her eyeballs. "Yes and yes! I like them. Kaya bago pa ako magalit sa iyo, manood ka na lang sa shooting. Let me work peacefully."
"I'll see you around," anito at pasipol-sipol na nakihalo sa kulumpon ng mga tao na nanonood din ng shooting.
"He is a bit weird. Nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit na medyo sinungitan ko siya," aniya at itinuloy na lang ang kunya-kunyariang trabaho.
Kinahapunan ay bumalik siya sa boutique. Nagulat siya nang sa halip na mga damit ay santambak na bulaklak ang bumungad sa kanya. Napalabas siya ng pinto at tiningnan ang karatula. Boutique naman niya ang nakalagay doon ay may mannequin pa rin naman nasa display window suot ang bago niyang creation. Pumasok ulit siya at naabutan ang mga tauhan niya na kanya-kanya sa pag-amoy-amoy at paghaplos-haplos sa mga bulaklak habang kinikilig.
"Excuse me, mali ba ako ng napasukan? Mukhang flower shop na ang boutique ko! What the hell is going on?"
"Basta na lang po may nag-deliver, Ma'am," wika ni Karyl.
"Ang habang ng hair ninyo, Ma'am," sabi naman ni Bianca. "Aba! Kung ako ang padadalhan ng ganito karaming bulaklak, pakakasalan ko na. Mantakin ninyo alayan ba naman ako ng flower shop."
"Sino kaya siya?" tanong naman ni Riziel. "Wala kasing clue kung sino. Hindi naman kasi nagpadala ng card."
Naghuhulaan ang mga ito nang mag-ring ang cellphone niya. "Hello!"
"Do you like the flowers, my fairy?"