Chapter 255 - Chapter 22

Napigil niya ang paghinga nang marinig ang boses ni JED. Ito ang nagpadala ng roses sa kanya. Ang lalaki na pwede na niyang pakasalan. Nasapo niya ang dibdib at nilingon ang mga bulaklak. "Y-Yes. Pero sobrang dami naman."

"You told me that you like flowers."

"Yes. But I didn't say the whole flower shop. Parang malulunod na nga ako sa dami ng mga bulaklak dito."

"Galit ka ba?" nag-aalala nitong tanong.

"I am not," she said in a more gentle voice. "I am just a bit shocked. But JED, a single rose from you is enough to make me smile.

"I'll keep that in mind," he said with glee in his voice. Parang bata ito na excited at nagpaalam na.

Napatingin na lang siya sa cellphone. "Bakit ko ba sinabi iyon? Na kahit isang rose lang galing sa kanya, ngingiti na ako. Baka akala niya gustong-gusto ko siya."

Sa ibang nagbibigay ng bulaklak sa kanya, di siya makangiti. She appreciated the roses but never the sender. Di tulad kay JED. Nang makita niya ang bulaklak at sabihin nitong galing dito, nakadama rin siya ng kilig. Parang gusto rin niyang makiamoy sa mga roses kung di lang nakatanghod sa kanya ang tatlong asungot.

"O, anong tinitingin-tingin ninyo diyan?" tanong niya.

"Si JED ba ang nagpadala?" tanong ni Karyl.

"Nililigawan ka ba niya, Ma'am?" tanong naman ni Bianca.

"Ay, hindi! Hula ko sinagot na niya!" kinikilig na tili ni Riziel. "Ay naku! Kung si Jason Erwin Dean lang naman, kahit ako pa ang mamikot sa kanya."

Namaywang siya. "Mga tsismosa talaga kayo! Wala kayong narinig. Wala kayong alam. Oras na kumalat ito sa riding club, lagot kayo sa akin."

"Ma'am, malamang kumalat na ang balita," wika ni Riziel. "Bilhin ba naman ni JED ang buong flower shop at ialay sa inyo."

Nasapo niya ang noo. "Naku, JED! Sakit ka talaga ng ulo. Sa dinami-dami ng babae, bakit ako pa ang kinukulit mo? Ganoon ba ako kaganda?"

"JED! JED!" tilian ng mga babaeng nagkakagulo kay JED habang breaktime sa shooting commercial. Ito na lang kasi ang walang girlfriend sa banda kaya ito ang dinudumog. Habang ang ibang member ng The Switch ay nakabantay ang nobya.

Nangingiti na lang si Jenna Rose habang pinapanood ito kung paano iha-handle ang mga makukulit na fans. The riding club companions who branded themselves as 'true ladies' were giggling like teenagers. Parang nakalimutan ng mga ito ang rules ng pagiging 'lady' habang nasa riding club.

"Well, I used to be one of them when I was younger," isip-isip niya. But she was not a kid anymore. Di nga lang niya alam kung bakit may kakaiba pa rin siyang nararamdaman para kay JED kahit di na siya fan nito.

Napansin niya si Reichen na nakasandal sa isang puno at nakahiwalay sa karamihan. Nakatingin lang ito kay JED na pinagkakaguluhan ng mga babae.

Nilapitan niya ito. "Hey, mukhang mag-isa ka lang. Nasaan na ang ka-date mo?" Di kasi siya sanay nang wala itong kasamang babae.

Malungkot lang itong tumingin sa direksiyon ni JED. "I guess t is cool to have a nice voice. Pinagkakaguluhan ka ng mga babae. Di mo kailangang magsalita o gumamit nang kung anu-anong salita."

Nakuha na niya ang punto nito. Iniwan ito ng ka-date nito para lang makitili kay JED. And it didn't do well for Reichen. Sanay itong hinahabol-habol ng mga babae di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa dahil isang world-renown equestrian ito. Ngayon lang niya ito nakitang na-insecure sa kapwa lalaki.

"Well, you can't really blame them. Na-star struck lang sila." Tinapik niya ang balikat nito. "But it is okay. Kahit wala kang boses na kasingganda nang kay JED, girls still go after you. And you don't even have to talk. You are a natural charmer. As if you don't know that."

Saka lang ito ngumiti. "Thanks, Jen. May nakaka-recognize pa pala ng kaguwapuhan ko. I must admit that for a moment, I feel insecure."

"Iyan ang huwag na huwag mong mararamdaman. Ang ma-insecure."

Nagtaka silang nang tumigil ang tilian. Nakita niya na papalapit sa kanila si JED at walang kangiti-ngiti. Ano kayang problema? Di siya sanay nang di ito nakangiti. Mukha tuloy itong masungit at nakakatakot.

"Excuse me, Reichen. May I borrow Jen for a while?" tanong ni JED. "May kailangan lang akong ipaayos sa kanya."

"Sure," anang si Reichen nang ngumiti nang bumalik ang ka-date nito dito.

"Anong ipapaayos mo sa akin?" tanong niya nang akayin siya ni JED papunta sa van ng grupo nito.

"Hindi ko napansin na may punit ang damit ko." He was wearing a black sando topped with white short sleeved shirt polo and jeans. "Can you fix it?'

"May sira ang damit mo? Nasaan?" tanong niya at sinipat-sipat ang damit nito. "Wala naman akong makitang punit. Baka naman minor na sira lang iyan. Pero wala talaga, eh!"

"Heto!" anito at hinila ang manggas ng polo nito nang ubod lakas.

Napunit iyon. Nanlaki ang mata niya. "JED, bakit mo pinunit?"

"Maliit lang kasi ang sira kanina kaya hindi mo makita. Ngayon malaki na ang sira. Siguro naman pwede mo nang tahiin."

Lalo siyang naguluhan dito. "Ano bang problema mo?"

"Sira nga ang damit ko. Pagagalitan ako ni Direk Rome kapag di naayos iyan." Hinubad nito ang polo at inabot sa kanya. "Pwede mo na bang tahiin?"