"JED, Jen, is there a problem here?" tanong ni Romanov na siyang director ng MTV-commercial.
"I ruined my polo, Direk," malungkot na sabi ni JED. Sa itsura nito ay parang aksidente ang pagkakasira ng polo nito.
"Malapit na ang eksena mo at ito pa rin ang isusuot mo," anang si Romanov na halatang dismayado. Perfectionist at mabusisi kasi ito sa lahat ng ginagawa. Ayaw niyang kahit na maliit na detalye ay maibubutas sa project nito.
"Don't worry, Direk. Jen will help me fix it," pagmamalaki ni JED. "Hindi ba, tutulungan mo ako na maayos ang polo ko?"
"Walang problema, Romanov. Ako na ang bahala," aniya.
"Well, if you can't repair it on time or if it is really irreparable, pwede naman siguro na huwag na lang nating gamitin sa eksena," wika ni Romanov.
"Hindi, Direk!" kontra agad ni JED. "Ayokong masira ang commercial. Masisira ang continuity ng eksena. Kayang-kaya naman ni Jen na ayusin iyan."
"Can you really fix it?" tanong ni Romanov sa kanya.
Tumango siya. "Sure. Just give me a few minutes." Saka niya kinuha ang polo ni JED at di maipinta ang mukhang pumunta sa pwesto niya sa shooting location para kunin ang sewing kit niya.
Nakasunod naman sa kanya si JED. "Thanks for helping me out. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."
Maasim niya itong nginitian at umupo sa folding chair niya. "Ganoon ba? You don't really have to thank me, JED. I am just doing my job."
Umuklo ito sa harap niya at pilit na hinuhuli ang tingin niya. "Are you mad at me?" he asked in a soft voice. Na parang takot itong magalit siya.
"May dahilan ba para magalit ako sa iyo?"
"Bakit hindi ka ngumingiti?"
Inangat niya ang tingin mula sa sinusulsi. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinunit mo na lang basta ang damit mo. Are you insane?"
He breathed deeply. "Perhaps I am."
Malungkot ito habang pinagmamasdan siya. Di niya alam kung ano dapat nitong ikalungkot. Wala naman siyang ginawagang masama dito. Sa katititig nito ay di tuloy siya makapag-concentrate sa pagsusulsi ng polo nito. Nanginginig ang kamay niya. At baka mamaya ay matusok pa niya ang daliri kapag natuliro siya.
"JED, bumalik ka na muna kaya sa bandmates mo? Dadalhin ko na lang sa iyo mamaya kapag natapos ko na ito," wika niya.
She felt his apprehension to leave her. Sa huli ay nanatili pa rin itong nakatayo sa harap niya at nakatingin. "Do you like Reichen?"
"Ha? What do you mean like?"
"Like. Kung gusto mo siya. Or are you even in love with him?"
"Si Reichen?" Natawa lang siya. "Mukha ba akong may gusto sa kanya?"
"Well, it looks like you get along together. Mukhang nag-e-enjoy din siyang kasama ka."
"Reichen is just like my older brother. Pareho kasi silang playboy. And I know that he also considers me as his little sister. One of the few. Isa siguro ako sa mga babae na hindi niya ide-date kahit kailan. Bakit mo naitanong?"
"Well, most of the girls here like him. Magkausap nga kayo kanina, di ba?"
"I am just trying to comfort him because his date left him just to get your autograph. Nagseselos kasi siya na nasa iyo ang lahat ng atensiyon ng mga babae dito sa riding club," paliwanag niya.
"Wala siyang dahilan para magselos. Hindi ako interesadong makuha ang atensiyon ng ibang babae. All I want is your attention."
Her mouth gaped open. "A-Atensiyon ko? Para saan? Para matahi ko ang damit mo? Well, you got my attention, alright. And I am fixing it. Satisfied?"
"That is not what I mean…"
"JED, it is almost time," tawag dito ni Eunice. "Magre-retouch ka na."
"Ugh!" usal ni JED. "I really hate putting on make up."
Di niya mapigilang humagikgik. Daig pa kasi nito ang bibitayin. "It is a part of your job. Malapit nang matapos ito. Ipapadala ko na lang."
Napapitlag siya nang halikan siya nito sa pisngi. "Thanks. How about another batch of flower shop later for fixing my clothes?"
"Uh… well…" Her heart was beating fast. Ano bang ginagawa nito sa kanya? Ganoon ba siya kaespesyal para padalhan na naman ng santambak na bulaklak para lang sa pagsusulsi niya sa damit nito. He was really so weird. "JED, nasabi ko nang hindi ko kailangang ng flower shop, di ba?"
"How about dinner tonight?" alok nito.
"Dinner?" Niyayaya ba siya nito na makipag-date? She was about to say yes when Eunice called him again in a shrilled voice.
"JED!" naiinip na tawag ni Eunice dito at nilapitan na ang binata. "Nakakahiya kung paghihintayin mo sila. At hindi ka pwedeng makipag-dinner sa iba mamaya. May naka-schedule ka nang meeting mamayang gabi." At saka siya nakaismid na tiningnan ni Eunice.
"What meeting?" tanong ni JED.
Hinila na ito ni Eunice palayo. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo." Nang inaayusan na si JED ng make up artist ay nilapitan ulit siya ni Eunice. "Will you stop bothering JED? Nakita mo naman na busy siya sa trabaho, hindi ba?"
HIndi niya nagustuhan ang tono ng boses nito. "Iyon ba sa palagay mo ang ginagawa ko? Na ginugulo ko ang trabaho niya?"
Humalukipkip ito. "I think it is where you are good at. You are too hungry for his attention."
Iwinagayway niya ang polo ni JED. "I am just fixing his shirt."
"What a cunning way to get his attention."
Parang pinalalabas nito na siya ang may pakana para masira ang damit ni JED at siya mismo ang nagprisinta na ayusin ang damit ng binata. "So mas gusto mo na nasa iyo ang lahat ng atensiyon ni JED?" Inabot niya ang polo ni JED dito. "Next time JED ruins his dress, fix it yourself. Ikaw na ang gumawa pati ng trabaho ko. O baka gusto mo rin ikaw na rin ang maging make up artist niya at lahat na para walang ibang makakuha ng atensiyon niya. Ikaw na lang ang mabuhay."
Padabog niyang isinara ang sewing kit niya at sumakay sa kotse niya. Di na kasi niya matagalang makita ang mukha ni Eunice. Nag-iinit ang dugo niya. Baka mapatulan lang niya ito nang wala sa oras. Mukha ba siyang naghahabol ng atensiyon ni JED? Kung ayaw nitong maagaw ang atensiyon ni JED ng ibang babae, sakluban na lang nito ng sako sa ulo para walang ibang makakita.
Tinawagan niya si Riziel sa boutique. " Pabalik na ako diyan. Ikaw na lang ang magbantay dito sa shooting. Ayokong makakita ng monster! Sira na ang araw ko."