Chapter 247 - Chapter 14

"WHAT a nice morning!" nakangiting sabi ni Jenna Rose paglabas niya ng boutique para mag-jogging. Bagong araw iyon para sa kanya. The air was cold. Ayaw na lang niyang isipin na iisang hangin langa ng hinihinga nila ni JED. "This is a start of a new day. Kailangan ko nang matutong mamuhay kasama ang halimaw na iyon. I am a fighter. And I will make sure that he won't get the best of me this time!"

Iiwas sana siya sa hotel styled guesthouse kung saan tumutuloy si JED at ang iba pang member ng The Switch. "Bakit naman ako iiwas?" aniya at bahagyang umingos pagdaan sa guesthouse. "Malamang tulog pa iyon dahil magdamag silang nagkantahan sa Bistro." Tiyak na di ito tinantanan nang kung anu-anong request. Parang welcome party kasi iyon sa grupo bilang bagong member ng riding club.

Normal na ang pakiramdam niya makalipas ang ilang minutong pagdya-jogging. Basta naman wala si JED sa paligid ay normal ang pakiramdam niya. Naramdaman niyang may sumabay sa kanyang tumatakbong kabayo maya-maya pa. Noong una ay di niya pinansin. Kadalasan naman kasi ay may mga members ng riding club na nagpapa-cute sa kanya. Magsasawa din naman iyon sa pagsunud-sunod kapag di niya kinausap o sinulyapan man lang.

"Good morning, my fairy!"

Nagulat siya nang marinig ang boses ni JED. Di niya napigilan ang sarili na lingunin ito. He was riding a horse and he was wearing a black sando and blue jeans. He looked like a rebel rockstar on horseback. That made him raw and masculine. Parang sanay nga itong sumakay ng kabayo tulad nang kung gaano ito sa kasanay na mag-perform sa stage. His form was perfect. And he was so handsome he simply took her breath away. He just rendered her speechless.

Sa katitingin niya dito ay di niya napansin ang ugat ng puno na nakausli sa harapan niya. Napatili siya nang matalisod siya at sumadsad siya sa semento.

Naramdaman niya na masakit ang kamay at tuhod niya dahil sa gasgas. Pero mas matindi ang kahihiyang dinadanas niya. Grabe! Nakakahiya ito. I told myself that I don't care about him anymore. Na iisipin kong di siya nag-e-exist. But how could I ignore his existence if he is so handsome and so male? Lumalabas tuloy ang katangahan ko dahil sa kanya.

"Jenna Rose!" tawag nito sa pangalan niya at bumaba ng kabayo. Inalalayan siya nitong tumayo. "Are you okay?"

Mas maagap na siya sa pagkakataong ito. "Don't touch me!" saway niya dito. She didn't want to succumb to his charm anymore. She was not a seventeen-year-old starry-eyed teenager anymore. She was twenty-three now and more matured.

"I am sorry," malungkot na usal nito.

"May magagawa pa ba ang sorry mo? Nadapa na ako. And it is all your fault." Kung bakit hahara-hara ang kaguwapuhan mo sa riding club. Minamalas tuloy ako.

"You are bleeding!" bulalas nito at inilabas ang panyo sa bulsa. Umuklo ito sa harap niya at walang sali-salitang tinalian ang nagdudugo niyang tuhod. Di siya makapagsalita at natigagal na lang dito. "I am sorry but I have to do this."

Bago pa siya nakapagtanong ay binuhat na siya nito. "W-Wait! Where are you taking me?"

"Sa clinic. Ayokong ma-infect ang sugat mo."

"Isasakay mo ako sa kabayo mo? Ayoko!"

"I don't have to argue with you." His face looked grave serious. And there was no gentleness in it. Parang buo na ang desisyon nito.

"Do you know the riding club's tradition? Alam mo ba ang ibig sabihin kapag nakita ng ibang tao na nakasakay lang tayo sa iisang kabayo?" Gusto niyang magpumiglas para makababa. But his arms were so strong around her. Parang kayang-kaya nitong pigilan siya kahit na magwala pa siya.

"Do you think I care about the tradition and what other people would think at the moment?" he asked. "Iisipin ko pa ba iyon kung mas importante ang buhay mo?"

"B-Buhay ko?" naguguluhan niyang usal nang isakay siya nito sa kabayo.

Sumampa din ito sa likuran niya. "Yes. Baka may internal injury ka pa."

"Nadapa lang naman ako. Kaya kong gamutin ang sugat kong mag-isa." Kung may internal injury siya, malamang ay katangahan na lang niya iyon.

"Doktor ang bahalang mag-confirm niyan. So for now, stop arguing with me."

"Ikaw ang bahala," aniya at nanahimik na lang.

Natunaw na ang lahat ng pagtutol niya. The truth was she felt safe with his arms around her. Naalala niya nang gabing magkaroon ng stampede sa concert nito. At first, she was protecting him. Pero sa bandang huli ay ito na ang nagprotekta sa kanya. And she still felt the same way. Na parang handa siya nitong alagaan at hindi nito hahayaan na masaktan siya.

Jenna Rose, ayan ka na naman. Nangangarap ka na naman, sermon niya sa sarili. Ngayon lang iyan. Oras na magamot ka na ng doktor, di mo na pwedeng ilusyunin ang lalaking iyan. He is your nemesis now. He broke your heart and put you in jail after everything you did for him. And that was unforgivable.

Related Books

Popular novel hashtag