Chapter 248 - Chapter 15

"WALA namang problema sa sugat mo. It is just an ordinary superficial wound. It would dry up in a few days. At wala rin iyang scar kung gagamitin mo ang ointment na ini-recommend ko sa iyo," anang resident doctor ng riding club.

"Thank you, Doctora," aniya.

"Mag-thank you ka kasama mo. Kung umarte siya parang mamamatay ka na. Akala ko kung anong emergency ang sinasabi niya kanina. Hindi ba siya si JED ng The Switch? I think he likes you," panunukso pa nito.

"I don't think so," she said with a grim smile. Dati ay naisip na rin niyang gusto siya ni JED. She expected too much until he hurled it back to her face that she didn't mean a thing to him.

"Huwag ka munang mag-jogging," sabi ni JED. "Baka masakit pa ang tuhod mo. The doctor said that you are out of danger."

"Ikaw lang naman ang nag-insist na may internal damage ako. Anyway, thanks for the concern," matabang niyang sabi.

"It is nothing. Ayoko lang na makita kang nasasaktan." Ngumiti ito. "Do you want to join me for breakfast? We haven't seen each other for a long time. Magkwentuhan tayo. Sa palagay ko marami tayong mapag-uusapan."

"I am busy," walang kangiti-ngiti niyang sabi. "I am not here for a vacation. Wala akong oras makipag-kwentuhan. Trabaho ang ipinunta ko dito."

"Some other time maybe. How about lunch or dinner later?"

Huminga siya nang malalim. Di na kasi niya niya mapigilan ang matinding iritasyon dito. "Do you really think that the sun shines and sets on you, Mr. Dean? Na kahit anong gawin mo, okay lang. Walang magagalit. Because you are a famous rockstar and you think that girls would kiss the ground you walk on?"

Nagulat ito. "W-Wait! Na-offend ba kita dahil sa flowers na ibinigay ko kagabi? Then I apologize. Baka…"

She rolled her eyes. Mas lalo lang siyang nairita sa pagso-sorry nito. Dahil di nito nare-recognize ang totoong kasalanan nito sa kanya. Ang malaking kasalanan nito sa kanya. "Enough! Just don't say anything," she said as she gnashed her teeth.

Sumakay siya sa dumadaang golf cart. Ni hindi na niya tinapunan ng tingin ang naguguluhang binata. "The nerve!" gigil niyang usal. "Matapos ang ginawa niya sa akin, nagpapa-inosente pa siya ngayon. Na parang di niya ako ipinatapon sa kulungan. And now he is acting as if he was thrilled to see me? Nagagawa pa niyang magtanong kung bakit ako galit. He is the most insensitive guy I ever know. I really, really hate him this time!"

RELAX na relax ang pakiramdam ni Jenna Rose habang sina-shampoo siya sa salon gamit ang Stallion Shampoo and Conditioner. Maya maya lang ay pupunta siya sa meeting ng gagawing commercial ng shampoo. Siya ang tatayong costume designer katulad nang ilan nang naunang commercial. Pero sa pagkakataong ito, nararamdaman niya na mas matsa-challenge siya sa trabaho. Mukhang may bago na namang pakulo ang CEO ng manufacturer ng Stallion Shampoo na si Neiji Villaranza.

"Pati ikaw magpapaganda rin para sa commercial?" tanong ni Yoanna, ang manager ng Stallion Guesthouse. Katulad niya ay nagpapa-salon naman ito. Iyon lang daw kasi ang form of relaxation nito lalo na kapag day off.

"Of course. Gusto ko ng new look para ma-inspire akong gumawa ng costume." Magpapa-trim lang siya ng buhok at magpapalagay ng bangs.

"Baka naman inspired kang magpaganda dahil kay Jason Erwin Dean."

"Of course not." Inikot niya ang mga mata. Kung alam lang nito na kaya siya relax na relax siya ay dahil hindi na niya nakikita si JED. Ang balita niya ay busy ito sa mga gigs at tour nito kaya di ito makakadalaw sa riding club.

"Ikinuwento sa akin ni Doktora na inangkas ka daw ni JED sa kabayo niya. Sweet pa nga daw kayong dalawa," nanunukso nitong sabi.

"Nakonsensiya lang siya dahil kasalanan niya kung bakit nadapa ako."

"I guess he is better than other guys here at the riding club. I think he really cares for you. Isn't it romantic?"

"Dapat ikaw ang magkaroon ng romance," kantiyaw niya dito. "Mas maganda iyon kaysa nakikikilig ka lang sa lovelife ng ibang tao. Masyado ka kasing pihikan."

"Naku! Ayoko ng komplikadong buhay. Resign na ako diyan," anito at di na nagsalita pa. Pagdating sa lovelife nito o sa nakaraan nito ay di ito palakwento. Habang siya ay si JED lang ang bahagi ng nakaraan niya na di niya maaring ikwento.

She felt new and vibrant when she entered the conference room. Sinalubong siya ng bading na promotions head ng Stallion Shampoo and Conditioner na si Arnette. "Hello, sister! You are late!"

"On time lang ako," aniya at ipinakita ang relo. Natigilan siya sa pagpapalusot nang makitang okupado na halos lahat ng upuan sa conference table. "Well, I'm sorry I am late."

"You are forgiven," sabi ni Arnette. "Binawi mo naman dahil mataray ang bangs mo. Akala ko tuloy ikaw ang bagong endorser ng shampoo."

"Kuripot ang CEO ninyo. Hindi niya kaya ang talent fee ko," pabiro niyang sabi. Kada may commercial kasi na gagawin para sa Stallion Shampoo and Conditioner, lagi na lang tinitipid ng CEO na si Neiji Villaranza ang pondo. Ginagamit nito ang mga koneksiyon nito at mga kaibigan para di maningil ng mataas na talent fee. Mabuti na lang at di nito tinitipid ang bayad sa kanya.

Humalukipkip si Neiji. "Anong tinitipid? You will see how extravagant this commercial will be once you hear my plans."

Umupo siya sa tabi ng bag designer niya na si Marist. "Ako na lang ang late?"

"Hindi. May hinihintay pa daw. Na-trafffic daw kasi."

Pasimple nilang pinag-uusapan ni Marist ang mga susunod na trend sa fashion world nang bumukas ang pinto at pumasok ang members ng The Switch.

"I am sorry, we are late," wika ni JED.

"The Switch!" pagpapakilala ni Neiji. "Their new song will be the commercial's theme. And I am sure that everyone will love it."

Related Books

Popular novel hashtag