Pitong kalalakihan ang pumasok kabilang ang Kuya Rolf niya at ang kaibigan ng mga ito. Kumunot ang noo niya nang makitang pare-pareho ng design ang costume ng mga ito. They looked like Japanese warriors complete with samurai. Umugong ang bulungan dahil iyon grand entrance nga ang pito. Nag-iba pa ang musika pagpasok ng mga ito.
"You're late!" banat agad niya sa kapatid niya. Nagulat siya nang makitang kasama rin nito si Romanov na di makatingin nang diretso. Kulang na lang kasi ay ibaba nito sa mata ang piraso ng tela na nakatali sa ulo nito. "Nandito ka rin?"
"Parang gusto ko na ngang umuwi," anito at napalunok.
"Tanungin mo ako kung sino kami," pangungulit ni Eiji.
"We are the Seven Samurai!" pagmamalaki ni Reichen at inilabas pa ang samurai. It looked authentic and dangerous. "Hindi ba kamukha namin ang nasa movie ni Akira Kurosawa?" Si Akira Kurosawa ay sikat na Japanese director na gumawa ng mga classic Japanese films.
Pasimpleng lumayo si Yuan sa grupo. "Six lang naman kayo. Hindi ko alam kung bakit ako nasama samantalang nananahimik lang naman ako."
"Hindi makukumpleto ang Seven Samurai kung wala ka," anang si Rolf at hinila ito pabalik sa hanay.
"Anong palagay ninyo dito? Costume play?" tanong niya. Kung di lang kagalang-galang ang nasa harapan niya ay baka bumulanghit siya ng tawa. Parang bata kasi ang mga ito na gustong makakuha ng atensiyon.
"Hindi kasi kami papayag na magpahuli. Sabi ni Kuya Reid, siya daw si Battosai." Naka-samurai costume nga si Reid na may marka ng X sa mukha. Sa palagay niya ay ito si Battosai, ang legendary swordsman, noong mahilig pa ito sa bloodbath. "Si Hiro naman si Yoshitsune. Iyong sikat na young warrior sa Japan. Tapos si Jemaikha si Azumi, iyong malupit na warrior girl. Mga bida sila. Papayag ba naman kami na maging alalay o extra lang? Bida rin kami."
"Bakit pati si Romanov isinali ninyo dito?" tanong niya.
"This is his idea," giit ni Rolf. "Siya nga ang nag-explain sa amin kung sino sila Battosai at si Yoshitsune. Siya rin ang nagbigay sa amin ng idea tungkol sa Seven Samurai. Siya rin ang nagsabi sa amin kung ano ang costume. Pati music na gagamitin namin sa entrance, sa kanya din galing."
Sa huli ay parang si Romanov pa ang may kasalanan. Umabrisyete siya sa binata. "Excuse us," aniya at iginiya ang binata palayo sa magulong grupo. Isa pa, gusto niyang bantayan si Romanov bago pa ito dumugin ng ibang babae. "Those lunatics! Isasali ka pa nila sa kalokohan nila."
"They are right. It was my idea. My first public appearance and I look like this. I must be an eyesore."
Pinisil niya ang pisngi nito. "Hey, you are cute."
"You are not scared of me? I am the Dark Samurai, remember?" he asked in a dark, brooding voice.
"Cut the act. It doesn't suit you anymore." He was not that dark person she used to know. Lalo na't nakita na niya itong ngumiti at tumawa. "And besides, they treat you as their friend now. Kita mo nga, sinunod nila lahat ng idea mo. I wonder if they even know who Akira Kurosawa is. Wala silang hilig sa classic films."
Itinapik nito ang paa na may wooden slippers. "I wonder why I ever detailed the entire costume to them. Lalo na itong bakya. Parang gusto kong tanggalin."
Tumawa siya nang malakas. "Its okay. Guwapo ka naman. And this is the ancient Japanese times. You might as well experience it. Enjoy it like they do."
Sa nakikita niya, parang bata ang kuya niya at ang mga kaibigan nito na nakatagpo ng laruan sa Stallion Riding Club. Iyon lang kasi ang lugar para sa mga ito upang mag-relax at mag-enjoy. Life outside the riding club was tough for them. Kaya ine-enjoy ng mga members ang bawat pagkakataon na nakukuha ng mga ito.
"Romanov!" tawag ng sikat na TV host na si Crawford Oreña dito. "Mukhang nag-e-enjoy ka dito sa riding club. Wala ka nang balak na umalis."
"Come on. I had just started enjoying my self. This is Illyze Guzman," pagpapakilala sa kanya ni Romanov.
"Nice to meet you. You are Rolf's sister," anang si Crawford at kinamayan siya. Ipinakilala rin nito ang kasama. "This is Neiji Villaranza. His company manufactures Stallion Shampoo and Conditioner."
"I heard so much about you, Mr. Cuerido. Ilang beses ko na ring nakita ang mga award winning movies mo. Even the commercials. We are planning to launch a huge campaign for Stallion Shampoo. Commercial, MTV and even movie. I would like to hire you as the director for the whole campagne."
"Wow! That's great!" nausal niya at excited na nilingon si Romanov.
"Thanks for the offer, Mr. Villaranza," wika ni Romanov. "But I am not sure…"
Parang may takot sa mga mata ni Romanov. How could he pass up such a great opportunity? Ano bang kinatatakutan nito?
"I am sure you would love to discuss this by yourselves," wika niya at ngumiti. "So I'd better excuse myself, gentlemen."
Pinigilan siya ni Romanov sa kamay. "Illyze, don't leave."
Tinapik niya ang kamay nito. "Don't worry. I will be back."
Romanov couldn't hide inside the shadows of the Stallion Riding Club forever. He couldn't go on living in a dream. And she would still be there for him once he wakes up.