"Illyze, huwag kang masyadong magpapaganda," bilin sa kanya ng Kuya Rolf niya habang naghahanda siya para sa dinner. Pumasok ito sa kuwarto niya habang namimili siya ng sapatos na isusuot. "Baka dumugin ka ng mga lalaki sa Lakeside Café. Pahihirapan mo pa akong protektahan ka."
"Wala naman akong pakialam sa kanila, Kuya. If I would look pretty tonight, it would be for Rome's eyes only," she stated with a smile. "Kaya nga ako nagpakahirap na magpaganda para mapansin niya."
"Ang tanong, pansinin ka naman kaya niya? Saka malay mo hindi siya mag-dinner sa Lakeside Café. Madalang ko kasi siyang makitang kumain. Ang alam ko, nagpapa-deliver lang siya ng pagkain niya," anito at sumilip sa bintana.
"Well, I won't rely on coincidences right now. I will make sure that he will join us for dinner. Yayayain ko siya," aniya at dinampot ang brown open-toed shoes.
Nilingon siya ni Rolf. "What? Ikaw ang magyayaya ng date sa lalaki?"
Kinunutan niya ito ng noo. "Ikaw din naman niyayayang makipag-date ng babae, ah! And besides, I already traveled the world just find the man for me. Ano ang masama kung yayain ko siyang mag-date?"
Napasandal ito sa glass window. "My baby sister is all grown up!"
"Yes, I am. Kaya ituro mo na sa akin kung saan ang bahay ni Romanov. Kung sa tingin mo kailangan ko pa ang guidance mo, samahan mo ako. Sabay natin siyang yayain na mag-dinner."
Umiling ito. "Hindi na. Ikaw na lang. Baka maging human blizzard pa ako kapag natitigan niya ako."
"Human blizzard?"
"Oo. Noong minsan niyaya namin siyang mag-polo ni Reichen. Sabi namin maraming magagandang babae na manonood doon. We just want to cheer him up because he is always inside that dark villa of his. Aba! Busy daw siya. At nang mangulit kami, tinitigan kami nang matalim. Daig pa naming ang na-freeze sa bloke ng yelo. Binangungot kami ni Reichen nang isang linggo."
Binato niya ito ng sapatos niya. "OA ka, Kuya! Itutulad mo pa ako sa iyo na duwag." Kahit pa may human blizzard effect si Romanov sa ibang tao, di iyon eepekto sa kanya.
"O, sige! Yayain mo siya. Diyan siya sa haunted house sa tapat nakatira," anito at itinuro ang Mediterranean villa na matatanaw sa bintana ng kuwarto niya.
Nagtitili siya sa excitement. "Kapitbahay lang natin siya? Destiny nga ito!" Humalik siya sa pisngi nito. "Sandali lang, Kuya. Yayayain ko siyang mag-dinner," aniya at nagtatakbo palabas ng kuwarto.
"Illyze! You are barefoot if you don't notice."
"Ha?" Tiningnan niya ang paang nakayapak. "Nakalimutan ko!" Dinampot niya ang isa sa rack. "Nawawala ang kabiyak!"
Ihinagis nito ang kabiyak. "Heto! Ibinato mo sa akin kanina."
"Thanks, Kuya."
"Huwag ka lang masyadong excited, ha? Ayokong ma-disappoint ka."
Kaway lang ang isinagot niya sa bilin nito. Matapos isuot ang sapatos sa baba ng hagdan ay patakbo siyang tumawid sa villa ni Romanov. Wala siyang pakialam kahit na nakatakong pa siya. Madilim ang villa mula sa labas.
"Bakit parang walang tao?" tanong niya at nag-doorbell. Walang sumagot kaya inulit pa niya ang pagpindot sa button. "Wala nga yata siya."
Tumalikod siya nang bumukas ang maliit na gate. "What do you want?"
Nang humarap siya ay nakatayo si Romanov sa gate. Nakatukod ang kamay nito. Bahagya pang magulo ang buhok nito at matalim ang mata. Mukhang kagigising pa lang. At mukhang masama din ang gising nito.
Then she remembered the dark tales about him. Kung paanong sabihin ng kapatid niya na nagiging human blizzard ang titigan nito nang matalim. At haunted house din ang bahay nito. Kung siya naman ang bampira, wala akong pakialam kahit kagatin niya ang leeg ko. Okay lang. He is a gorgeous vampire after all.
He was only wearing a gray sports shorts. The upper part of his body was naked. Kaya naman nagpipiyesta ang mata niya sa maganda nitong katawan. At ang tanging nakabalabal dito ay ang maliit na puting tuwalya. I never thought that I would see him like this right away. Lucky!
Ngiti ang isinagot niya sa masamang mood nito. "Hi! Nagising ba kita?"
"Ano sa palagay mo?"
Ngiii! Bad mood nga. "Sorry for the bother. Remember me? I am Illyze. I am Rolf Guzman's sister. Diyan lang siya nakatira sa tapat. Magkapitbahay pala kayo ni Kuya. Kaya magiging magkapitbahay na rin tayo since dito ako magbabakasyon."
"Didn't your brother tell you that I am not a friendly neighbor?"
She shook her head. "Wala nga daw kayong chance na magkakwentuhan. Kaya yayayain ka sana namin na mag-dinner. He wants to formally thank you for helping me out a while ago."
"You already thanked me, remember?"
"Hindi pa nagpapasalamat si Kuya Rolf. Siya mismo ang nagsabi na gusto ka niyang maka-kwentuhan sa dinner. Please?" pakiusap niya at pinalamlam ang mata. "Kung gusto mo, hihintayin ka naming mag-prepare. Just come with us. Sa Lakeside Café lang naman ang dinner." Titigan mo ang mga mata ko. Wala pang nakakatanggi sa akin. Be awed by my feminine charms.
Sumandal ito sa hamba ng gate at pumikit. "I am afraid I can't go with you. I already have a date."
Daig pa niya ang binagsakan ng bloke-blokeng yelo. Natigagal siya habang nakatitig lang dito. "M-May ka-date ka na?"
Tumango ito. "Thanks for the invitation anyway. Tell your brother that your thank you is enough for me."
Parang wala siya sa sarili nang talikuran ito. "He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny."
Durog na ang puso niya. She was not used to rejection. At ang masakit, galing pa sa lalaking gusto niya ang salitang 'no'. Unang beses na nga niyang nagyaya ng date, basted pa siya. Ito ba ang destiny niya?
Kung may humahagibis nga lang na sasakyan nang mga oras na iyon ay baka nasagasaan na siya. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi sa kanya ni Romanov. Ganoon pala ang pakiramdam ng isang bigo.
"Illyze, anong nangyari? Nakausap mo ba si Romanov?" tanong ni Rolf.
"He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny," malungkot niyang sabi sa kapatid.
"Okay lang iyan," anito at inakbayan siya. "Marami pang lalaki sa mundo. Hawak na mas guwapo at approachable sa Romanov na iyon."
Maluha-luha siyang tumingin sa kapatid. "He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny."
Nanlaki ang mata nito. "Illyze, anong nangyayari sa iyo?"