"SHE is cursed!" deklara ni Reichen. "That dark man casted a spell on her."
"Just as I thought," iiling-iling na sabi ni Rolf at may awa sa mga mata nang lingunin siya. "My poor sister."
Si Illyze ang sentro ng usapan sa mesang iyon. Tulala kasi siya at wala sa sarili kahit nang makarating sa Lakeside Café.
"Anong dapat nating gawin?" tanong ng babaeng ka-date nito. "I think we should call a faith healer or something."
"Faith healer? How did you know about it?" tanong naman ng ka-date ni Eiji. "You must be from the slums then or maybe a probinsiyana. Yuck!"
"Idiot. They even feature them on cable," depensa ng ka-date ni Reichen. "But what can I expect about you? You don't have brains at all."
"What did you say?" galit na tanong ng ka-date ni Eiji.
"Girls, this is not the right time to argue," anang si Eiji at gumitna sa dalawang babae. "We are in a middle of a crisis. We have to help Illyze. Sino ba ang may kilalang albularyo dito?"
"Cut it, will you?" saway ni Jenna Rose sa mga ito. "Puro kayo kalokohan. Illyze is broken hearted. Well, you can also tell that she's depressed and delusional at the moment. Pero hindi siya naengkanto o isinumpa!"
"Engkanto?" anang si Reid na biglang sumingit. "Paanong nagkaroon ng engkanto sa lupain ko? Wala silang permiso na magtayo ng settlement dito."
Napanganga ang lahat dito. "Kuya Reid, joke ba iyan?" aniyang biglang natauhan. Kung may tuliro kasi sa lahat ng tao doon, si Reid marahil iyon.
Tinitigan siya nito. "I am always serious when my estate is concerned. Kung may gustong makapasok sa lupain ko, kailangan ng approval ko. Nagkakaintindihan ba tayo? Kaya huwag kang mag-alala. Walang mga engkanto dito. I can guarantee that my land is safe and supernatural-free."
Nagtaas ng kamay si Eiji. "Master Reid, bakit hinayaan ninyong maging member ng riding club si Romanov? Parang si Dracula siya, ah!"
"Romanov Cuerido has the money and the name. Wala akong pakialam kung ano ang reputasyon niya. As long as he have those two. May reklamo?" tanong nito at matalim na inikot ang paningin sa kanila.
Sabay-sabay silang umiling at nakahinga lang nang maluwag nang bumalik sa table nito si Reid. "Whew! That's my legendary brother, the original human blizzard," komento ni Reichen.
"He said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny," usal na lang niya. Mas gusto pa yata niyang magdelusyon kay Romanov kaysa bangungutin sa kasungitan ni Reid.
"Excuse us," anang si Jenna Rose at hinatak siya papunta sa restroom. "They are nuts! Hindi ka dapat dumidikit sa mga katulad nila. Mababaliw ka talaga."
Napayakap siya dto. "Jen, he said no to me because he already have a date tonight. Who is that girl? I should be his date. I am his destiny."
Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Oo na. Narinig ko na iyan. Ilang beses na."
Pinahid niya ng Kleenex ang luha. Buti na lang waterproof ang mascara niya. "Kasi naman ngayon lang ako nagyayang makipag-date, ni-reject pa ako. Akala ko naman nararamdaman niyang ako ang destiny niya."
"Illyze, you work on your own destiny. Mabilis ka namang sumuko. Remember, nag-away kayo ng daddy mo dahil gusto mong mag-travel sa buong mundo at gusto niyang mag-concentrate ka sa Fine Arts. You fought with him for so many times. Until he agreed and said yes. Ganoon din kay Romanov. Walang mangyayari kung magmumukmok ka dito."
"Okay lang naman sa akin kahit na masungit siya. Kaso sabi niya may ka-date siya. Sino ba ang babaeng iyon, ha?"
Nagkibit-balikat ito. "Who cares? Ang importante ikaw. Don't tell me iko-compare mo ang sarili mo sa kanya? Romanov should like you for what you are."
"Kapag nakita ko ang destiny ko, akala ko madali na lang ang lahat. Well, it looks like I am wrong. What if he doesn't like me?"
"Ako na mismo ang tatawag ng albularyo para I-exorcise ka."
Nagtatawanan silang lumabas ng restroom. Pagbalik sa restroom ay malungkot na ang mukha ng mga naabutan nila. "Anong nangyari? Nanuno din kayo?" pabiro na niyang tanong.
"We didn't mean to make fun of Romanov," nakayukong sabi ni Reichen. "Baka nagtampo ka sa amin. We just want to make you feel better."
"Ha?" Akala ng mga ito ay nagalit siya kaya siya sumama sa restroom. "H-Hindi. Wala naman sa akin iyon."
"Ayokong sumama ang loob mo. Kaya inalam ko kung may ka-date siya," sabi ni Rolf. "Sa Rider's Verandah siya um-order ng dinner. It is only for a single person. Ibig sabihin wala siyang ka-date."
Sumilay ang ngiti sa labi niya at nabuhayan siya ng loob. "Talaga?"
"Oo. Wala naman talagang interes sa mga babae si Romanov," nakasimangot na sabi ng ka-date ni Reichen. "I tried to ask him out before, tinitigan lang niya ako nang malamig. Halos lahat ng girls dito, ganoon ang ginawa niya."
"He is a woman-hater. A major one," dagdag ng ka-date ni Eiji. "Hindi ka ba natatakot sa kanya?"
Nagkibit-balikat siya. "Ako ang babaeng pakakasalan niya. Bakit naman ako matatakot?" nakataas ang kilay niyang sabi. "Depress lang ako kanina dahil akala ko may ka-date siya. But I am okay now. Thanks sa inyo."
May inabot sa kanyang listahan si Eiji. "Here! Iyan ang mga paboritong order-in ni Count Dracula… I mean ni Romanov. I suggest that you cook him breakfast tomorrow. Gusto naming mga lalaki na ipinagluluto kami."
"Thanks, Kuya Eiji. I really owe you one."
"Illyze, marunong ka bang magluto?" tanong ng Kuya Rolf niya.