"WHEN he took me in his arms, I just want to melt. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa ibang lalaking nakilala ko. Saka nang unang beses ko pa lang siyang nakita, malakas na ang agad ang tibok ng puso ko. As if my heart is saying that Romanov Cuerido is the one," kinikilig na kwento ni Illyze kay Jenna Rose. Wala itong masyadong customer sa boutique nang mga oras na iyon kaya may oras sila para magkwentuhan.
Humalukipkip si Jenna Rose. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Parang masyado ka lang nagpapadala sa hula ng fortune teller na iyon."
"I really believe that it's true. Come to think of it. Marami namang lalaki na pwedeng maligaw doon sa Mountain Trail. Pwede rin na nang mga oras na iyon, wala si Rome sa lugar. Baka nakalagpas na siya. Pero pinagtagpo pa rin kami."
"Naawa lang ang Diyos sa iyo kaya pinadala siya para sagipin siya. But it doesn't mean that he is your destiny. Kakikilala pa lang ninyo. It is too soon to tell right away. At close na agad kayo? Rome na ang tawag mo sa kanya."
"Pakiramdam ko close na kami sa isa't isa. We already have a connection. See, he ordered my favorite food." Naaaliw niyang pinagmasdan ang paborito niyang Mongolian noodles. "Nalaman agad niya kung ano ang gusto ko. Kung di kami destined sa isa't isa, paano niya nalaman?"
"Tumawag siya kaninang hinihintay ninyo ang mekaniko. Ako muna ang tinanong niya kung ano ang gusto mong kainin bago siya um-order sa Rider's Verandah. So it is neither coincidence nor destiny."
"Destiny pa rin iyon!" giit niya. "Napaka-considerate niya sa akin. Pwede naman niya akong tanungin pero sinorpresa pa niya ako. That is so sweet!"
"Alam mo, gustom ka lang. Isang oras mo nang tinititigan ang noodles na iyan. Kainin mo na. Baka mamaya sabihin mo sa akin na ayaw mong kainin dahil iyan ang unang bagay na bigay sa iyo ni Romanov."
"Alam mo?" tanong niya.
Nasapo nito ang noo. "Naku! Masisiraan nga ako ng ulo sa iyo! Idi-discourage na kita. Romanov Cuerido is not a man which your dreams are made of."
"Ha? Bakit? May asawa na ba siya? Anak?"
"Wala."
"Baka naman may girlfriend na siya at mahal na mahal niya." Mahihirapan siyang makipaglaban kung may iba na itong mahal.
Umiling ito. "I don't think so."
"Magkwento ka naman tungkol sa kanya. Ayaw kasi niyang sagutin ang mga tanong ko. Tinanong pa nga niya ako kung reporter ako. Ano ba siya? Artista at nagtatago siya sa press?" usisa niya.
"He is a popular young director. Sikat ang mga documentaries niya at mga movies na ginawa niya kahit na twenty-nine pa lang siya. Nanalo na siya ng various award sa mga international film festival."
"Really!" Lalo tuloy siyang na-in love dito. He was not a bum like he claimed.
"Kaya huwag kang masyadong matanong at mausisa lalo na kay Romanov. It is a no-no here at the riding club. People here value their privacy. They pay for it. Kaya nga popular ang Stallion Riding Club sa mga sikat na tao. And as a guest here, you should respect that. Kahit kapatid ka pa ng isa sa maimpluwensiya dito."
"Is he escaping from something? Bakit parang masungit siya?" Romanov is lovable even in his dark state. Subalit ramdam niya na parang galit ito sa mundo.
Huminga ito nang malalim. "I don't know. Bagong member lang siya ng riding club. Mga tatlong buwan na. At di rin siya umaalis sa villa na in-acquire niya. Tumigil na rin siya sa paggawa ng mga projects. Wala namang masyadong isyu na may nakaaway siya or if someone broke his heart. Basta pagpasok niya dito sa riding club, tahimik na ang lahat. Unethical para sa tulad namin na nagtatrabaho na pag-usapan o pakialaman ang pribado nilang buhay. But who knows? Baka nagko-concentrate lang siya sa mga susunod niyang project at gustong magbakasyon."
"He won't be alone anymore because I am already here. Malungkot talaga ang buhay niya dahil wala ako," nakangiti niyang sabi.
"Sana pag-isipan mo munang mabuti bago mo siya I-pursue. Baka kasi kumuha ka lang ng batong ipupukpok sa ulo mo o sa puso mo."