Chapter 203 - Chapter 2

HUMAHAGIBIS ang pink Porsche na minamaneho ni Illyze sa South Super Highway. It was a bright and sunny day. Isang magandang araw para pumunta sa Stallion Riding Club. She was ready to face her destiny.

Paglagpas pa lang niya sa tollgate ay nag-ring ang cellphone niya. Sinagot agad niya iyon. "Hello!"

"Illyze, where are you?"

It was her mother, Maria Carmella Guzman. She was a social butterfly. Ito ang nag-expose sa kanya sa iba't ibang klase ng art at iba't ibang klase ng tao. While her father Damien Guzman owned a series of art galleries in the country and even abroad. Inaasahan ng mga ito na siya ang magmamana ng business nila dahil naka-focus ang kuya niya sa sarili nitong business. Rolf Guzman used to be a world famous car racer until he decided to enter car dealership.

"I had just passed by the Sta. Rosa Exit, Ma."

"What are you doing there? Saan mo ba balak pumunta, hija?'

"To Tagaytay."

"Kung gusto mong pumunta sa Tagaytay, kami na lang ng daddy mo ang sasama sa iyo. His schedule is free three days from now. Masasamahan niya tayo. We can go to Tagaytay Highlands. Hindi ka pa nakakapunta doon dahil last year lang naging member ang daddy mo, hindi ba? It is a wonderful place."

"I can't wait for three more days. I have to go now."

"What's so urgent about it?"

"I want visit Kuya Rolf at the Stallion Riding Club. I really miss him."

Three days was a very long time. Nahirapan na nga siyang kumuha ng flight pauwi sa Manila. Isang araw pa siyang na-hold ng Mama niya sa villa nila. Naghihintay na sa kanya ang destiny niya. But she won't tell her mother about it. Or else, she would fret. Tulad ni Jenna, di rin ito naniniwala sa hula.

"No, honey. Your brother surely won't allow you to set foot on that place. Siya na mismo ang nagsabi na bawal ka doon."

"Ma, I am not a kid anymore. Come on! You are talking to your daughter who already traveled the whole world. You have nothing to worry about me."

"But your brother…"

"There is nothing he can do about it," she said with finality in her tone. Once she set her heart on something, nobody could stop her.

"Fine. Tatawagan ko na lang siya para sabihing dadating ka."

"No, Ma! Don't tell him." A mischievous smile curved on her lips. "I want to surprise him." Wala naman na sigurong magagawa ang kapatid niya para itaboy siya. After all, miss din naman siya nito.

"Okay. Call me if anything untoward happens. Take care."

"I will, Ma. I love you."

Relax na siya nang ipagpatuloy ang pagmamaneho. Nakalagpas siya sa unang check point. Ang Mama niya. Ang susunod na check point ay ang Kuya Rolf niya. Pero spoiled siya dito. Tiyak na wala rin itong magagawa kundi pagbigyan siya.

Pagdating sa Rotonda ng Tagaytay ay bumaba siya ng kotse at pumasok sa 7-Eleven. Naalala kasi niyang di siya nakapagdala ng shampoo. Di niya makita ang shampoo na hinahanap niya."Miss, may Stallion Shampoo and Conditioner ba kayo?"

"Mayroon pa po yatang natirang isa," anang crew. Naghanap ito sa rack at inabot sa kanya. "Mabilis pong maubos iyan. Lahat ng babae iyan ang ginagamit kasi gusto nilang gumanda."

"Hiyang nga siya sa buhok ko." Hiniram lang niya kay Jenna Rose ang shampoo nito nang nasa hotel sila. Nagustuhan niya kaya mula noon ay lagi na siyang nagpapa-freight para lang sa shampoo. Ngayon ay di na siya mahihirapang bumili. "Miss, saan dito ang papuntang Stallion Riding Club?" tanong niya.

"Ma'am, pupunta po siguro kayo doon para rin makakita ng guwapo, no?" kinikilig na sabi ng crew. "Ako rin po. Pangarap ko ring makapasok doon. Kaso kung wala kang kilala sa kanila, di ka makakapasok."

"Kung destiny mo na makapasok sa loob, makakapasok ka."