Chapter 202 - Chapter 1

"Hello, Jenna! Good morning!" bati ni Illyze sa kaibigan nang mag-long distance call siya dito.

Umungol ito. "Sinira mo ang tulog ko. Alam mo ba kung anong oras na dito?"

"Yes. Two o'clock in the morning," aniya at tumanaw sa verandah ng hotel na tinutuluyan niya. Dinama niya ang malagihay na hangin.

"At kasasara pa lang ng mata ko."

"The night is still young here. Just seven in the evening." She smiled at the twinkling lights of the city. Naririnig niya ang malamyos na ancient Arabian music na mula sa mga street performers.

"Where is there?"

"Egypt. I am in Cairo to be exact."

"Cairo? Ano naman ang ginagawa mo diyan? Lumalangoy kasama ang mga buwaya sa Nile River? Or having a date with a mummified Pharaoh?"

Bumalik siya sa loob ng suite at binuksan ang closet. "Actually, I am packing my bags. I am ready to go," pakanta niyang sabi.

"Saan ka na naman pupunta? Why don't you go to Pluto for a change? Parang wala ka nang balak umuwi ng Pilipinas," nagtatampo nitong sabi. Tatlong taon na kasi siyang paikot-ikot sa iba't ibang bansa sa mundo. She really loved to travel.

Maging ang pamilya niya ay nagtatampo rin sa kanya. Kung gusto siyang makita ng mga ito, kailangan pa siyang puntahan sa kung saang bansa naroon siya. Huling beses silang nagkita ni Jenna ay nang may pinuntahan itong fashion gala sa Milan. Nasa Florence naman siya nang mga panahon na iyon.

"I am still trying to find my self, remember?"

"At ano naman ang pinag-aaralan mo ngayon? Egyptology? Anong secret ng mummification nila? O kung paano bumasa ng heiroglypics."

Natawa siya sa tanong nito. Sa bawat bansa kasing pinupuntahan niya, gusto niyang may mapag-aralan. At kapag sa tingin niya ay hindi siya fit sa bagay na iyon ay lilipad na naman siya sa kung saang bansa at tutuklas ng bago.

"I studied belly dancing with a renown belly dancing teacher here in Cairo. I really love it. Gusto mong magpaturo sa akin pagbalik ko?"

"At kailan ka naman babalik ng Pilipinas?"

"As soon as possible."

"So you finally decided to be a belly dancer. Natagpuan mo na rin ba ang lalaking para sa iyo? What is he? An oil sheik? Or a desert warrior? Katulad ni Oden Fehr sa The Mummy?" tanong nitong may impit na tili.

Iyon kasi ang dalawang kondisyon niya kapag bumalik siya sa Pilipinas. Kapag natagpuan na niya ang sarili niya at kapag natagpuan na niya ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

"Kailangan ko munang umuwi ng Pilipinas para makilala ko siya."

Natigilan ito. "What do you mean? Hindi mo pa siya nakikilala? Paano mo naman nalaman na nandito siya sa Pilipinas?"

"Iyon ang sabi ng manghuhula sa akin." Nasa flea market siya kanina ng Cairo at tumitingin-tingin ng mga accessories at kung anu-ano pang gamit na pwede niyang maging koleksiyon. Ipapadala niya ang mga iyon sa Pilipinas. "Sikat daw siya sabi ng guide ko. Parang mala-Madam Auring sa Pilipinas."

She grunted. Wala kasi itong bilib sa mga hula-hula. "Ano naman ang sinabi sa iyo ng manghuhula?"

"She told me that I would find that man when I come home."

"Hindi nga?" anito subalit nahimigan niya ang excitement sa boses nito. "Anong itsura? Guwapo daw ba?"

Napaisip siya. "Wala kasi siyang nasabi sa akin kung anong itsura. Siguro naman guwapo siya dahil maganda ako. Bagay kami."

"Saan mo naman daw siya makikita?"

"Nasa isang magandang lugar daw siya na maraming kabayo. Kaya lang nasa isang madilim na lugar daw siya ngayon. At ako lang ang makakatulong para makalaya siya nang tuluyan sa madilim na mundong iyon."

"Ay! Bakit? Isinumpa ba siya? Hindi kaya preso ang makakatuluyan mo? O baka bulag siya at ikaw ang magbibigay ng mata para sa kanya."

"Be serious! Listen! Sabi maraming kabayo. Saan ba maraming kabayo? Hindi kaya horse jockey siya. Naka-helmet kaya madilim ang mundo niya," hula niya.

"Bakit? Sa Sta. Ana at San Lazaro lang ba pwedeng magkaroon ng kabayo? Dito rin naman sa Stallion Riding Club maraming kabayo. At kung guwapo lang ang pag-uusapan, santambak ang guwapo dito."

"Stallion Riding Club?" mahina niyang usal. "Iyan ba iyong haven ng mga rich ang gorgeous guys?" Isa iyong exclusive club ng mga sikat na bachelors. At sa riding club na iyon, ang mga lalaki ang hari. Kaibigan ng kuya niya si Reichen Alleje, ang kapatid ng may-ari ng riding club.

"Oo. Halos lahat ng mga babae nagkakandarapang makapasok sa riding club para makakita ng mayaman at guwapong lalaki. Tingin yata nila sa lahat ng lalaki dito prinsipe."

"Kaso sabi ni Kuya Rolf, pumunta na daw ako sa lahat ng lugar sa mundo huwag lang sa Stallion Riding Club. Hindi daw siya papayag. To use his exact words, that place is forbidden." Sumama tuloy ang tingin niya sa riding club.

"Member siya ng riding club. May villa pa nga siya malapit sa forest."

"That's why he knows those men better than I do. Puro daw kalokohan nila at delikado kung diyan ako pupunta. Baka mapaaway lang daw siya. Siguro gusto lang niya akong protektahan."

"Ang sabihin mo, ayaw lang ni Kuya Rolf na makita mo ang mga kalokohan niya." May sariling boutique si Jenna Rose sa Stallion Riding Club. Kaya alam din nito kung ano ang nangyayari sa loob ng riding club.

"Sa tingin mo ba walang matinong lalaki sa riding club?"

"Ewan ko. May mga tumino naman sa kanila nang mag-asawa at nang magkaroon ng matitinong girlfriend. In short, na-in love."

"Talaga bang maraming guwapo diyan?"

"Dear, kahit saan ka lumingon puro guwapo."

"Kung diyan ko makikita ang destiny ko, ano ang sinasabi ng manghuhula na madilim na lugar kung saan siya nakakulong?"

Narinig niyang naghikab ito. "Ewan ko. Matutulog na ako, Illyze. Mamaya mo na lang ulit ako tawagan. Saka natin pag-usapan ang tungkol sa destiny mo. Antok na antok na ako. May monthly riding competition kasi bukas. At marami pa akong itse-check na gown. Alas kuwatro pa ang gising ko."

Nagpaalam siya dito subalit lumulutang ang utak niya. Stallion Riding Club. It may be forbidden for her but at the moment, it was her only option.

"Pupunta ako sa riding club." Maaring maraming humadlang tulad ng Kuya Rolf niya. Kailangan niyang tanggapin ang pagsubok na nakahanda sa kanya.

"Ganoon naman ang destiny, di ba? Pahihirapan ka muna bago mo makuha ang gusto mo," aniya habang kausap ang sarili sa salamin. "Basta! Kahit na gaano kahirap, lalaban ako! Oras na matagpuan ko siya, di ko na siya pakakawalan."

Tumakbo siya sa terrace at doon nagsisigaw. "Goodbye, Cairo! Goodbye, Pyramids!" Tumalikod siya at sumandal sa railing. "Wait for me, Stallion Riding Club! And wait for me, my destiny. Sandali na lang at magkikita rin tayo."

Related Books

Popular novel hashtag