Chapter 197 - Chapter 25

"THESE are good! Parang hindi basta-basta buko pie. Iba ang timpla," komento ni Emrei. Nasa Lake Caliraya sila dahil di iyon kalayuan sa pabrika ng ninong niya. Nai-suggest ni Nilo na doon sila pumunta dahil doon nito idinala si Constancia nang mag-date ang mga ito. Di niya alam na sinagot na ito ng kaibigan niya sa parehong oras rin nang sabihin ni Nilo na mahal nito si Constancia. Mukhang inlove ang kaibigan niya at sumuko na ito sa pag-aasawa ng mula sa Stallion Boys.

"Ikaw naman, mukhang inubos mo na ang lahat ng pwede mong mabili mula sa kanila. Lahat ng klaseng pie at tart pinili mo," sabi niya. "Kaya ba nating ubusin ang lahat ng iyan? Isang kahon nga lang, di na kasya sa atin."

"Natutuwa lang ako dahil mura sila. Aaminin ko, lumaki ako na ang lahat ng bagay na mahal, iyon lang ang may value. Iyon lang ang maganda."

"O masarap," dagdag niya at kumagat ng buko pie.

"But you proved me wrong about a lot of things."

"Emrei, I grew up without anything at all. Wala akong tatay. Hindi ako maalagaang mabuti ni Nanay dahil may sakit siya. Bata pa lang ako, tinuruan ko na ang sarili ko na huwag umasa sa iba. Sinanay ko na ang sarili ko na huwag mangarap sa mga bagay na wala sa mundo ko. Na dapat maging masaya na lang ako kung ano ang mayroon ako at kaya kong ibigay sa sarili ko."

"That's why you are happy accepting the simple things. At kapag may magagandang bagay na tingin mo naia-associate mo sa mayayaman, tinatanggihan mo kahit na ibinibigay na sa iyo."

"Masaya na ako sa kasimplehan na iyon. Ayoko ng mga bagay na sobra."

"But you know what? I am glad to hear that you won't change a thing about your self. Mukhang kahit ano pa ang marating mo, hindi mo isusuko ang nakasanayan mo na. Samantalang ang ibang tao, gustong-gusto nilang ma-recognize na mataas sila kaysa sa iba. You know, a showcase of status symbol."

"You are like a real life prince, Emrei. Hindi ka ba naiilang na katulad ko lang na simple ang ide-date mo? Marami pa rin akong hang ups sa buhay. Baka minsan hindi ko kayang makisabay sa idine-demand ng sirkulong ginagalawan mo."

"Huwag mong pansinin ang society circle na iyan. Hindi naman sa kanila nakabase ang kaligayahan ko. Ako ang magdedesisyon sa mga bagay na magpapasaya sa akin. They don't have to be expensive."

"Excited ka lang dahil bago ang nasa paligid mo."

"Yeah, you are right. Nabo-bore ako sa dati nang bagay na nakapaligid sa akin. Mas gusto ko ang mga bagay na mas naa-appreciate mo. Simple lang."

"Baka nabo-bore ka lang sa mayayamang babae kaya ako ang idine-date mo. Tapos kapag na-bore ka na sa akin, hahanap ka ulit ng iba."

"It isn't a sports to me." Tinitigan siya nitong mabuti. "Di ko ito ginagawa dahil nalilibang ako sa iyo. It goes deeper. I appreciate you. Kaya naa-appreciate ko rin ang mundo mo." He breathed deeply. "Basta mahirap I-explain."

"Naa-appreciate din naman kita. I appreciate some of your friends and some of the good things in your world. Pero may mga pagkakataon pa rin na hindi ako makahinga. May mga tao na kahalubilo mo pero di mo gusto."

"The feeling is mutual. May mga tao talagang ayaw ko. Parang pating na lang sila na basta sasagpang. I don't expect you to get along with sharks, Marist." He held her hand. "Di mo rin kailangang sumabay sa mundo ko. I will never ask you to. But I want us to meet. At dahil nag-e-enjoy ako sa mundo mo, ako na ang bahalang mag-appreciate sa iyo."

Kinintalan siya nito ng halik malapit sa labi. "Thanks."

Nagulat ito. "Para saan?"

"Sa buko pie," aniya at tumawa.

He was an entirely different man. Different from her heartless father. Hindi siya matatakot na tanggapin sa sarili na mahal nga niya ito.

NAKAHILIG sa balikat ni Marist si Aling Ising. Nakaupo sila sa paborito nitong bench sa garden ng Haven. Sa susunod na buwan, kumpleto na ang therapy nito ayon sa doctor nito. Malapit na niya itong makasama nang mas matagal.

"Anak, kapag gumaling na ako ipagluluto kita ng masarap. Imbitahan mo ang mga kaibigan mo na tumulong sa atin, ha?" anito at habang nakatitig sa mga rosal.

"Opo, Nay. Marami nga po tayong dapat ipagpasalamat sa kanila."

Malaki ang naitulong na tanggapin ng nanay niya na may problema ito at may sakit na kailangang gamutin. Kaya umusad ang session nito.

"Pasensiya ka na kung nagkasakit ako. Di kita naalagaang mabuti. Dahil sa akin, nasasaktan ka palagi. Nahirapan kang magtiwala sa iba."

Nagulat siya. Alam din lahat ng iyon ng nanay niya. "Nay, hindi po ninyo iyon kasalanan. Tanggap ko kung ano ang nangyari sa atin."

"Kasalanan ko dahil mahina ako. Di ko natanggap na di na siya babalik sa atin. Na mahal pa niya ako. Kaya pinaasa ko ang sarili ko na babalik pa siya kahit hindi na. Ngayon tanggap ko nang di nga niya ako mahal," anito at ngumiti.

Related Books

Popular novel hashtag