"Emrei, ang ganda naman nitong lake cabin mo!" excited na sabi ni Marist habang nakatayo sa porch na nakaharap sa side ng lake. Bahagi iyon ng Lakeside Mansions na binili nito mula sa isang kakilala na sa ibang bansa na titira.
"Para ito sa inyo ng Nanay mo. Para makapag-isip kang mabuti sa designs mo at makapagpahinga ang nanay mo. Sabi ng doctor niya, maganda daw kung nasa isang magandang lugar siya para tuluyan nang maka-recover," paliwanag nito. Ilang araw na lang kasi ay lalabas na ang nanay niya mula sa center. Kailangan na lang nitong harapin ang bago nitong mundo. Ang mundo na wala na ang tatay niya.
Maang siyang napatingin dito. "Hindi mo naman kailangang bilhin ito para lang sa amin. Okay na kami sa bahay. O kaya sa farm ni Ninong Fidel sa Laguna. Sobra-sobra na ito sa nagawa mo sa amin."
He caressed her hair. "Masaya akong gawin ito para sa iyo."
"Bakit?" tanong niya.
"Bago ko sabihin ang dahilan, may ikukumpisal muna ako sa iyo. Hindi naman talaga dapat ako ng ka-date mo sa raffle."
"Oo nga. Sabi mo hindi ka naman talaga member ng club."
"Ang totoo, kinailangan kong mag-member para maka-date ka. Di daw kasi ako pwedeng sumali kung di ako member ng riding club. Sumali ako pero pinilit ko siya na kailangang ako ang maka-date mo. Wala nang raffle."
"Hindi totoo ang raffle?"
Ibinuka nito ang palad. "Alam ko ang iniisip mo. Na baka niloko lang kita o kaya pinagkatuwaan ka lang namin. Hindi iyon. Mabuti ang intensiyon ko."
Humalukipkip siya. "At bakit mo naman ginawa iyon?"
"Hindi ikaw ang katulad ibang babae na ine-expect nilang mananalo sa raffle. You will never appreciate this world. And they will never appreciate you. Masyado ka kasing ilag sa kanila. At magiging miserable ang pag-I-stay mo sa riding club."
"So gusto mo lang ma-appreciate ko ang mundo mo."
"Not really. I just want you to be happy. Sa palagay ko kasi ako lang ang lalaking makakaintindi sa iyo. Other men won't really care about you. They are too self centered to care about your needs. I want to take care of you."
"Hindi mo ako kailangang alagaan. I can take care of my self."
"Basta gusto pa rin kitang alagaan. Iyon naman dapat sa babaeng mahal mo, hindi ba? And I love you, Marist."
Tinitigan niya itong mabuti. "Are you sure about what you feel?"
Hindi sa ayaw niyang maniwala dito. Pero naroon pa rin ang instinct niya na maging defensive sa mga magagandang bagay na ino-offer sa kanya. Mas sanay siya sa ideya na gusto siya ni Emrei. Pero hanggang doon lang. Love was something entirely different. Lalo na't masaya na siyang magmahal nang mag-isa.
"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa ko mula nang magkasama tayo sa date? I am doing everything to make you happy. Hindi pa siguro ako in love sa iyo noon. Alam ko lang gusto kita. But I never really cared about any other girl's happiness before. Hanggang nadagdagan na nang nadagdagan. I want to see you smile. I want to hear you laugh. I want to take care of you. And before I realize it, I am starting to admit to my self that I am in love with you."
"Maybe you are just fascinated because I am miserable."
Kinabig siya nito at maalab na hinalikan. It was a mind-blowing kiss, enough to make her brain to stop working. Pero nandoon ang lahat ng emosyon na nararamdaman nito. And even while kissing her, she felt that he was trying to take care of her. Hindi niya inaakala na maging possible iyon sa isang halik.
Dati ay walang kwenta para sa kanya ang halik. Gawain lang iyon ng mga taong walang magawa sa buhay. But it was sacred. It was an expression of love. And Emrei made her feel that way. He made her feel important and loved.
"Now tell me that one is just a fascination. I should have claimed that kiss during the last date of our date."
"Pero hindi mo ginawa." Hintay siya nang hintay dito noon.
"Maraming bagay akong gustong gawin at sabihin sa iyo noon pa pero ayokong isipin mo na ginagawa ko lang iyon dahil sa iyon ang napanalunan mo sa raffle. Kaya marami akong bagay na gustong gawin para sa iyo nang hindi mai-impluwensiyahan ng raffle. That includes spending a lifetime with you."
Napasandal siya sa poste ng porch sa sobrang gulat. "T-Teka, hindi mo naman siguro iniisip na pakasalan ako, hindi ba?"
Isinuklay nito Emrei ang daliri nito sa buhok niya. "Not right now. But I love you and I want to spend that lifetime with you."
She sucked in her breath. It was like being hit a bullet train. She didn't see it coming. Nasanay na siyang mahalin ito nang walang hinihinging kapalit. Masaya na siya kahit na matapos ang araw niya kasama ito at mawala ito sa buhay niya. She was satisfied with memories. But now, she was offering her a whole lifetime with him. It was too much. Di niya alam kung anong dapat gawin.
"Emrei, pwede bang huwag muna akong magbigay ng sagot?"
Ngumiti lang ito. "Hindi kita minamadali. Take your time. Gusto ko sigurado ka na kapag sinabi mo ang sagot mo sa akin."