Chapter 184 - Chapter 13

"Kung ibang babae ka siguro, hindi ko sasabihin ito sa iyo. Tiyak masisira kasi ang ilusyon nila sa Stallion Riding Club," panimula ni Emrei. "But I don't have illusion of yours to shatter anyway."

"Aaminin mo na bang monster ang mga lalaki dito?" Kahit naman siguro sa labas ng riding club, monster ang mga lalaki. Subalit sa lugar na iyon, naipon ang mga guwapong mayaman pero nuknukan ng yabang na mga lalaki.

"They are monsters in a way. Men here are egoistic and chauvinists. This is their world, Marist. This is built specially for them. In this place, they feel like they own everything. Kasama na doon ang adoration ng mga babae. I am not saying that they are evil. They are self-centered. Pakiramdam nila mga perpekto sila. Even their flaws are perfection itself. At inaasahan nilang pupurihin sila at mamahalin ng mga babaeng kasama nila. Iyon din ang inaasahan nila sa babaeng mananalo sa raffle."

"Hindi ko naman sila masisisi. Pantasya sila ng bayan. Ultimo nga mga lola na gusto silang maka-date," sabi niya. "Malas nga lang nila dahil ako ang nabunot. At hindi ko plano na sambahin sila mula ulo hanggang paa. Wala akong pakialam sa mga lalaki lalo na sa mga mayayabang na mayayaman."

"Mabuti na lang ako ang nabunot para maka-date mo," anang si Emrei na sumigla ulit ang boses. Kaya hindi mo na kailangang isiping may masasaktan kang ego. I can take it. Mabuti pa, ihatid na kita sa kuwarto mo."

Napilitan siyang sumama dito. Ihinatid siya ng kotse nito sa isang apat na palapag na mansion. Sa harap niyon ay may fountain. Ang reception area naman ay walang ipinagkaiba sa isang eleganteng hotel. May malaking pool area iyon at magandang garden. "Dito ako tutuloy?"

"Yes. Sa fourth floor ang kuwarto mo. This is the riding club's guesthouse. Lahat ng mga guests ng member o mga member na walang sariling villa sa Stallion Estate ay dito tumutuloy." Sumakay sila sa elevator.

"Ikaw. Dito ka rin ba tumutuloy?"

Umiling ito. "My brother has his own house here. Doon ako tutuloy."

Nang pumunta siya sa kuwarto ay nalula siya sa karangyaan. Parang kuwarto ng isang prinsesa. Nababalutan ng carpet ang sahig. May four-poster bed na may orange at yellow na gossamer curtain. Kumpleto rin ng mga modernong appliances. May LCD television na 21 inches, DVD player at pati mini bar. Elegante ang bathroom na may sariling bathtub.

Namaywang siya. "Masyadong malaki itong kuwarto ko. Wala bang mas maliit na kuwarto? Saka iyong walang masyadong gamit." Hindi kasi siya makahinga sa kuwarto na iyon. Sanay siyang simple lang.

"Uhmmm… sa palagay ko hindi papayag si Kuya Neiji na lumipat ka ng kuwarto. He made sure that you'll have the best room here."

Bumuntong-hininga siya. "Ganoon ba?" Tumanaw siya sa bintana. Kitang-kita ang kalawakan ng riding club. MUla sa malawak na lupang nababalutan ng luntiang damo, ang gubat at ang lawa. "Hanggang saan ang Stallion Riding Club?"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong lahat ng natatanaw ng mata mo? Umaabot ito hanggang sa lake area. Marami kang mapapasyalan dito."

"Paano nga pala ako tatagal dito ng apat na araw? Wala naman akong damit."

Binuksan nito ang closet. "Sa iyo na ang lahat ng damit dito. All of them are according to your size. Pinili talaga ang damit na iyan para isuot mo dito. So you can choose whatever you want."

Pinasadahan niya ng tingin ang mga damit. Halos lahat ay nasa uso. Parang hindi rin naman babagay sa kanya. Pero dahil wala siyang damit, mapipilitan siyang isuot ang mga iyon. "Masyado silang maganda."

"You are beautiful. Kaya dapat maganda rin ang isuot mo."

"Kasama ba sa premyo ko na sabihan mo rin akong maganda?"

Magaan nitong hinaplos ang baba niya. "Chill out! Masyado mo ka namang maraming iniisip. Hindi mo mae-enjoy ang maraming bagay kung masyado kang seryoso. Wala namang masama sa mga bagay na nandito. You are so defensive."

"Ayoko lang masanay sa mga bagay na wala ako."

"It is just four days. Just give it a try. How about we become friends?"

Napatingin siya sa nakalahad nitong palad. Friends? Bakit ko naman siya kakaibiganin? Kailangan pa ba iyon? Magde-date na nga kami.

Subalit parang may sariling buhay ang palad niya nang kamayan ito.

"S-Sige." Nagulat pa siya. O, saan nanggaling iyon? May sumagot ba para sa akin? Pumayag na ba ako? Nalilito na siya sa ginagawa niya. Anong nangyayari? Kinukulam ba ako? Bakit parang wala na akong kontrol sa sarili ko?

Subalit di lang siya nito kinamayan. He kissed the back of her hand while his eyes never left hers. "Then I will see you later, Marist. Take a rest."

Hinalikan niya ang kamay ko! Nasayaran ang balat ko ng labi ng isang lalaki. Germs! Alcohol! May mikrobyo!

Hinawakan niya ang sariling kamay nang makaalis si Emrei at idinampi iyon sa pisngi. "Mukha ngang kinukulam ako," usal niya at napangiti.