Chapter 157 - Chapter 19

"SIGE na. Sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari kina Claudine at Gabryel dati. Did they have a relationship or something? If they did, why did they break up? Ano'ng ginawa ni Claudine kay Gabryel?" pangungulit ni Sindy kay Jhunnica. She was on her way to the main stable when she saw her riding her horse at the paddocks. Dito lang kasi siya komportableng magtanong tungkol kay Gabryel. After all, nai-share nito ang love story nito sa kanya.

Jhunnica checked her horse's harness. "Why ask me? Gabryel seems like an open person. Magsasabi naman siya sa iyo."

Nilaro niya ang butones ng suot niyang coat. Magho-horseback riding sila ni Gabryel. Kapag natapos daw niya ang novel niya sa deadline na ibinigay sa kanya ay mamamasyal sila. Ang gusto kasi nito ay huwag mawala ang atensiyon niya sa isinusulat niya. Kaya naman inspired siyang magsulat nang nakaraang araw. Except that the issue with Claudine was bothering her.

"Ayoko kasing maka-offend kay Gabryel. Magtatanong din naman ako sa kanya. Pero ayokong clueless ako bago ko i-open ang topic. At least I know what to expect from him. Please. Sabihin mo na!" pakiusap niya.

Ibinigay nito sa stable boy ang kabayo bago siya dinala sa shaded part sa gilid ng paddock. Walang tao roon kaya maaari silang magkasarilinan.

"Service crew pa lang ako sa Rider's Verandah nang maging girlfriend ni Gabryel si Claudine. That time, Gabryel looked dead serious about her. For some unknown reason, Claudine refused to inform the public about their relationship. Ayaw raw niyang magulo, she wanted her privacy. Until things blew up. Nalaman na lang namin na in-announce ni Claudine in public na engaged na siya sa football player na si Manchester Evans."

"What? Damn her!" aniyang naikuyom ang isang kamay.

"And worst of all, she didn't even bother to explain to Gabryel. Kung tratuhin pa nga niya si Gabryel kapag nagkikita sila ay parang hindi niya kilala."

Now she knew why Gabryel acted that way. Sinaktan ito ni Claudine. "She didn't deserve Gabryel's love," gigil na wika niya.

"Hey, forget about it," anitong tinapik ang balikat niya. "Matagal na iyon. And you are Gabryel's girlfriend now. Don't let Claudine bother you."

"Thanks, Jhunnica. I owe this to you."

"Gabryel is a nice man. So are the other guys in this club. Nami-misinterpret lang talaga sila minsan," pahabol nito bago nagpaalam sa kanya.

Sa labas ng main stable ay nakita niya si Claudine. She was wearing a maroon riding coat and light brown trousers. Nakikipag-usap ito kay Maiden, ang mare na pag-aari ni Gabryel nang lumapit siya.

"Ma'am, nakahanda na po si Maiden. Hintayin na lang daw po ninyo si Sir Gabryel," anang stable boy sa kanya.

"Thank you," aniyang nanatili sa kinatatayuan. Ayaw niyang abalahin si Maiden at ang bisita nito.

"Oh, Sindy! I hope it's okay if I talk to Maiden for a while," ani Claudine nang lingunin siya. "She has been my friend for a long time and I miss her. She's my baby."

"I don't really mind. You two look close."

"Yes, of course," she said with a sweet yet sly smile. "I am the only one who is allowed to ride her. Gabe bought her for me."

"Oh!" naiusal na lang niya. Ganoon ba katindi ang pagmamahal ni Gabryel kay Claudine at nagawa pa nitong ibili ito ng kabayo?

"Are you going to ride her?" tanong nito habang hinahaplos ang leeg ni Maiden. "Oh, I am sorry, Maiden. I am not your master anymore. It's so sad. I don't think I can ride you anymore."

Kahit kailan ay wala siyang balak angkinin si Maiden. Ang gusto lang naman niya ay sumakay sa kabayo. Bilang bagong nobya ni Gabryel, kailangan pa ba nitong sabihin iyon sa harap niya? Parang nananadya.

Ngumiti siya at hindi ipinakita na naaapektuhan siya. "You can still ride her if you want. I am sure Gabryel won't mind."

Kumislap ang mga mata nito. "Really?"

"You told me she's yours. I guess it is okay."

Hindi siya mang-aagaw. Kontrabida na nga ang tingin ni Claudine sa kanya dahil siya ang bagong nobya ni Gabryel. Ayaw niyang maging kontrabida rito at sa kabayong si Maiden. After all, she was just a temporary resident there. Ayaw niyang makadagdag pa sa gulo.

Niyakap siya ni Claudine. "Oh, thanks! You are so nice."

"Did I miss anything here?" Gabryel asked.

"Gabe, Sindy is so nice. She said I could still ride Maiden if I want to. You know how much I love her. I hope it is okay if I ride her now. I'd like to look around the club," malambing na wika ni Claudine.

"Mamamasyal din kami ni Sindy sa lake. That's what I promised her since she was able to beat her deadline. And you know I only have two horses. Burglar and Maiden. Maiden is Sindy's now," walang kangiti-ngiting sabi ni Gabryel.

"No, it's okay, Brye," aniyang kumapit sa braso nito. "You told me there are horses the club owns. They are for visitors like me. Iyon na lang siguro ang sasakyan ko. Hayaan mo na si Maiden kay Claudine."

"You are my girlfriend, Sindy. Hindi ka lang basta bisita rito," mariing sagot nito. "Saka mas komportable ako kung kay Maiden ka sasakay."

"Kung ayaw mo, eh, di huwag!" ani Claudine saka nagdadabog na umalis.

Noong una ay tinitigan lang ito ni Gabryel habang palayo. Sa huli ay tinawag din ni Gabryel si Claudine. "Okay, you can ride Maiden. Sindy is riding with me."

Nanlaki ang mga mata ni Claudine. Sa halip na matuwa ay mukhang mas masamang balita pa ang natanggap nito. "You are riding Burglar with her? Why?"

Bahagyang natawa si Gabryel. "Saan ko siya isasakay? You are riding Maiden. Kung `di naman kita pagbibigyan, magagalit siya sa akin. I don't want to make her mad. Gusto niya, palagi siyang nasusunod."

Ano ba ang problema ng Claudine na ito? Parang hindi masaya. Palagi na lang pinagbibigyan. Pati ba ang pagsakay niya kasama si Gabryel ay kukuwestiyunin nito? Ang gusto yata nito ay maglakad na lang siya.

Napansin niya ang pangingilid ng luha ni Claudine. Hindi niya alam kung ano ang nakakaiyak. "You never ride Burglar with me. Are you sure about it?"

"Of course. We've been riding together since we were kids. And it's high time Burglar recognizes his mistress."