"ALAM ba ninyo kung ilang taon kami ni Sindy nang unang beses akong mag-propose ng kasal sa kanya? She was fourteen and I was seventeen," kuwento ni Gabryel sa mga kaibigan nito habang nagla-lunch sila sa Rider's Verandah.
"Paano ka nag-propose?" tanong ni Jhunnica, asawa ng isa sa mga members ng riding club at manager ng Rider's Verandah.
"Huwag na lang iyan ang pagkuwentuhan natin," pag-iiba niya ng usapan. Isa iyon sa mga experience ng kabataan niya na ayaw na niyang matandaan.
"Nagpapaturo kasi siya sa akin na lumangoy. PE nila at hindi siya marunong mag-butterfly stroke. Siyempre, walang mapagsidlan ng kagalingan ko kaya lahat na lang, nagpapaturo sa akin."
"Oo na. Magaling ka na," aniya saka iningusan ito. Kahit naman anong pigil niya sa pagkukuwento nito, hindi rin niya ito mapipigilan.
"Sabi ko sa kanya, dapat kapag naka-line of nine siya sa grade niya, may isa akong kiss. Sang-ayon naman siya. Aba! Nang tanungin ko ang grade niya, sabi niya ninety-five daw ang grade niya. Nang halikan ko sa pisngi, biglang nag-iiyak."
"At bakit ka naman umiyak?" tanong ni Jhunnica.
"Siyempre. `Di ko naman siya boyfriend, `tapos hinalikan ko siya. Ang dami-daming nanligaw sa akin na ni hindi nahawakan ang dulo ng daliri ko."
Ngumisi si Gabryel. "Sabi ko naman pakakasalan kita, `di ba?"
Nagpalakpakan at nagkantiyawan ang lahat ng mga nasa mesa. "Teka, teka, bakit biglang napag-uusapan ang kasalan?" tanong ni Gino. "Siguro, may plano ka na ring magpakasal?"
Nagkatinginan sila ni Gabryel subalit walang sinuman sa kanila ang makasagot. Kukuwentu-kuwento pa kasi, eh! `Di ka ngayon makapagsalita, sa loob-loob niya.
"Sino ang may planong magpakasal? Don't forget to invite me to the wedding, okay?"
"Claudine!" Almost everyone around the table gasped.
Napatitig siya sa babaeng kaharap. It was Claudine Oreña. She was a host for a cable sports channel. She was with her brother, Crawford Oreña.
"Hello, everyone!" bati ni Crawford at tinapik isa-isa ang balikat ng mga lalaki. "Totoo ba na may na-hook na naman sa wedding fever?"
Walang sinuman ang makapagsalita. Tahimik lang ang lahat at parang nagpapakiramdaman. Then something ticked inside her mind. The name "Claudine." Ang babae na minsan nang nai-link sa pangalan ni Gabryel. Was she the same Claudine? Ano ang relasyon nito kay Gabryel noon?
"Claudine, I want you to meet my girlfriend, Sindy Arevallo. Sindy, this is Claudine Oreña," pagpapakilala ni Gabryel sa kanila.
Claudine wasn't able to hide the shock in her eyes. Mas madali niyang nai-compose ang sarili. Ngumiti siya nang matipid saka iniabot ang kamay rito. "Hi! You look prettier in person than on TV." The learned smile and greetings she perfected for years were useful at that moment. But she was rattled inside. So this woman had a relationship with Gabryel. And it looked like a serious one.
Ngumiti siya kay Claudine. Sa halip na kamayan siya nito ay hinalikan siya sa pisngi. "`Nice to meet you, darling," she said in a sultry voice. Her lips were cold. On the contrary, she was not convinced that she was glad to meet her.
"Mukhang wala nang balak si Gabryel na pakawalan ka," komento ni Crawford nang mapansin na mahigpit ang pagkakahawak ni Gabryel sa kamay niya. And Gabryel was holding her hand tight as if it was a lifeline.
"Of course. She's precious. Saka matagal na akong naghintay na sagutin niya. `Been courting her since she was sixteen," Gabryel said with a smile. Then he kissed the back of her hand while looking in Claudine's direction.
"What happened?" tanong ni Claudine. "Did you find another guy or something, that's why you left him?"
"It's definitely something else. After all, Gabryel is the only real guy in my life. Kung magkakaroon man ng ibang lalaki sa buhay ko, puro mga heroes ko lang sila sa romance novel. Siyempre, si Gabryel ang pinakaguwapo kong hero sa novel," malambing na sabi niya saka humilig kay Gabryel. Dati, hindi niya sinasakyan ang paglalambing ni Gabryel kapag nagkukunwari itong boyfriend niya. Sa pagkakataong iyon, ito naman ang gusto niyang protektahan mula kay Claudine.
Hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari sa dalawa. But Claudine definitely did something to hurt Gabryel.
"I thought you'd bring Manchester with you when you visit the club again," tanong ni Jhunnica.
Sumimangot si Claudine at itinuon ang atensiyon sa menu. "I kicked him out of my life. He is such an ass. He loves his football team and his groupies more than he loves me. He can't be faithful for a minute. So I came back to start anew and get back something important to me."
She felt Gabryel stiffen. Ito marahil ang tinutukoy ni Claudine na babalikan nito. At ano ang gagawin ni Gabryel ngayon? Babalikan ba nito si Claudine?
"Sometimes, a person's trash is someone else's gold. And when you find out what a gold that trash is, it's already too late," Jhunnica remarked sweetly.