Chapter 151 - Chapter 13

"BE PREPARED, Sindy. The Stallion Club is not your usual world. Men could be dominating and egotistical most of the time. This is their world and we girls are intruders and decorations," sabi ni Quincy sa kanya habang nagkukuwentuhan sila.

Nasa staff house siya ng Rider's Verandah. Out na ito at si Miles sa trabaho. May inaasikaso pa si Gabryel kaya naisipan niyang magpaiwan muna roon. Susunduin na lang daw siya nito kapag oras na para mag-dinner.

"Pero napansin ko naman na marami ring babae rito. Some are familiar faces. Nakikita ko sa TV at sa magazines. They seem to enjoy their time here."

"Of course. Hindi basta-basta ang mga lalaki rito," sabi ni Miles. "That's why those Flower Girls would die just to get a chance to date one of them."

"Flower Girls?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Those girls who look like peacocks in their ultra hifalutin dresses. They are the companions of the members who have no formal girlfriends. Pakiramdam ng mga babaeng iyon, sila ang may-ari ng lahat ng lalaki rito. So beware. Kapag `di ka sumali o nakisama sa group nila, they will hate you," babala ni Quincy.

"Wala naman akong planong makipag-away kahit kanino. Gabryel brought me here to relax. At para din makapag-concentrate ako sa trabaho ko."

"But you'll stay here for some time. Kaya dapat, alam mo kung ano ang ie-expect mo," pahabol pa ni Quincy.

Mayamaya pa ay sinundo siya ni Gabryel at dinala sa Lakeside Mansions. Sa bahay ng member na si Neiji sila nag-dinner. It was an intimate dinner. Labindalawa lang naman silang imbitado. Neiji's wife was a gracious host.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Gabryel?" tanong ni Hiro.

"Yes. Since we were kids," sagot niya. "Both of us hail from Altamerano."

Ginagap ni Gabryel ang kamay niya at tinitigan siya nito. "She's my childhood sweetheart, my first love and the girl who said 'no' to me after four years of courting her. She broke my heart before." She felt like melting with those dreamy eyes. Na parang in love nga ito sa kanya.

"Hindi ka pa siguro masyadong guwapo noon," kantiyaw ni Yuan kahit hindi naman ngumingiti. Subalit binili naman ng iba ang joke nito at nagtawanan.

"Guwapo ka rin naman nang iwan ka ni Claudine," sabi ni Theresa Garcia, isang beauty queen-model na ka-date ni Yuan.

"Just shut up, Theresa," mariing saway ni Yuan. Tumahimik ang babae.

Claudine. Tinandaan niya ang pangalan ng babae. Naging girlfriend ba ito ni Gabryel at nag-break ang mga ito? Bakit? Gabryel seemed like an ideal boyfriend. Bakit naman iiwan ito ni Claudine?

"What is your job?" tanong ni Sierralaine.

"I am a romance novel writer," sagot niya.

"Really?" tanong ni Jemaikha, girlfriend ni Hiro. "What is your pen name?"

"Sofia Jade. I work with Streah Publications."

Kinamayan agad siya ni Jemaikha. "Favorite author kita. Pakiramdam ko kasi, pareho tayo ng wavelength ng utak. You write about girls who know what they want in life and they can live without men."

Mahigpit na hinawakan ni Hiro ang kamay ni Jemaikha at sinulyapan siya. "Please don't give her any more ideas about girl power, Sindy. She already has enough ammunition to bruise my ego."

"Pareho lang tayo ng dilemma, Hiro," sang-ayon ni Gabryel na mukhang nakahanap ng kakampi. "These women are too independent, they don't care less about their men."

"That's not true," sabi ni Jemaikha at humilig kay Hiro. "Maybe we are not docile. But it doesn't mean we don't love you."

Nakita niya ang sarili kay Jemaikha. She had that independent streak but she gave up some parts of it for the love of Hiro. Kaya rin ba niyang gawin iyon para kay Gabryel? Teka, bakit naman nasingit si Gabryel? Hindi ko naman siya boyfriend talaga. At hindi rin ako in love sa kanya!

"I have a proposal," sabi ni Neiji. "I would like you to write a series of romance novels entitled Stallion series."

Nakuha nito ang atensiyon niya. "What is it about?"

"Success stories of women both in career and love with the help of Stallion shampoo and conditioner, of course," paliwanag ni Neiji. Ito kasi ang manufacturer ng Stallion shampoo and conditioner. At maganda nga namang paraan para i-promote ang produkto nito sa nobela niya dahil karamihan ng readers niya ay mga kababaihan. "I am willing to sponsor that series."

"I think I like it," sabi niya. Matagal na kasi niyang planong gumawa ng series. Wala nga lang siyang maisip na idea. Dahil sa proposal ni Neiji, ngayon pa lang ay nagsisimula nang gumana ang isip niya.

"Uh-oh!" usal ni Yuan. "I guess it has a lot of ass-kicking girls in it. Come on, Neiji. Why not create girls who are submissive and..."

"My wife won't read it! Iba na raw sa panahon ngayon. May sarili nang isip ang mga babae. Tama na raw ang stereotyping Cinderella stories," sabi ni Neiji.

"Yes. We already had enough of telenovelas where girls always cry," sang-ayon ni Jemaikha. "It is time for us girls to shine."

"Ugh! I don't want to hear this. Mula nang mag-asawa ka, Neiji, puro pagpapa-under the saya na lang ang alam mo," sabi ni Yuan saka binalingan ang ibang mga kasama na negosyo ang pinag-uusapan.

But Neiji didn't seem to take the remark as an offense. Mukhang proud pa nga ito dahil malaki ang impluwensiya ng asawa nito rito. He was an example of a man who changed for love.

"Gusto mo ng love story namin ni Jubei?" prisinta ni Temarrie, ang model ng Stallion shampoo and conditioner. "Hay! Ikukuwento ko. Tiyak na magiging best seller ang novel mo dahil sa amin."

Nagsunud-sunod na rin ang iba pang asawa ng mga members ng club. Nagtatalu-talo pa ang mga ito kung kaninong istorya ang pinakamaganda.

"Neiji, okay lang ba na gamitin kong location ang Stallion Riding Club?"

"Yes, of course," sang-ayon ni Neiji. "I am sure Reid would agree to the idea. After all, most girls' dream nowadays is to see the Stallion Riding Club and date the Stallion men. Since not all of them can enter the premises, at least give them something to fill their curiosity. I think your series will be a great one."

"Thanks for the trust, Sir Neiji."

"Hey, gusto ko yatang mag-participate sa series na iyan," ani Gabryel.

"Akala ko ba, ayaw mo sa girl power?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Siyempre, series mo iyan. Dapat, suportahan kita. Basta ba gagawin mong ako ang pinakaguwapong character sa series mo," anito saka pumalatak.

"Walang ganyan! Walang palakasan," kontra ni Hiro.

"Oo nga. Hindi puwedeng unfair!" dagdag ni Reigan.

"Pasensiya na, mga pangit!" ani Gabryel. "Tanggapin na lang ninyo na sa mundo ng mga guwapo, ako na ang pinakaguwapo. At sa mundo ng mga pangit, kayo naman ang pinakaguwapo. Puwede na siguro iyon."

Subalit kanya-kanya pa ring apela ang mga lalaki. Kaya kung kanina ay mga babae lang ang nakikigulo, nakihalo na rin pati ang mga lalaking naroon. Walang gustong magpatalo. Lahat ay gustong maging pinakabida.

"Ano namang love story ang gagawin ko sa iyo?" tanong niya kay Gabryel.

Yumakap ito sa kanya mula sa likuran niya. "Eh, di iyong love story natin."

"Ha?" Anong love story ba ang sinasabi nito? Tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya. "Sorry, Brye! Bawal ang istorya ng mga basted sa series ko. Hindi ka hero material."

"T-teka, anong basted? Hindi ako basted. Itong guwapo kong ito?"

Ngumisi siya. "Iyon naman ang istorya mo, `di ba? Basted."

"Fiction naman ang isusulat mo, `di ba? Isulat mo na lang ang mga pantasya at mga ilusyon mo sa akin. `Di ba, patay na patay ka naman sa akin?"

Inirapan niya ito. "Ewan ko sa iyo!"

Kung gagawa man siya ng love story tungkol dito, hindi siya ang magiging heroine nito. Tiyak na mabubuko nito ang mga sekretong pantasya niya rito.