Chapter 125 - Chapter 14

"ESTELLA doesn't like the food," he said grimly. It meant that he didn't want to elaborate the whole horrid scene anymore. Inilabas nito ang Stallion Club card. "Charge everything to me. Isama mo na rin ang bayad para sa isa sa mga tauhan mo. Quincy is wounded and she needs rest. Give her an off."

"Hindi po, Ma'am Jhunnica. I don't think I need a day off. You can even ask my finger if you want." Tinanggal niya ang nakataling panyo. "Are you okay?" Iginalaw niya ang daliri. "See? Tumango siya. Hindi naman siguro ako mamamatay dahil lang sa simpleng hiwa sa daliri. Thank you, Sir Yuan. Pero babalik na ako sa trabaho."

Hinablot ni Yuan ang kamay niya. "Look! It is bleeding again. Mas malalim pa ang sugat kaysa sa inaakala mo. Ang kulit mo kasi!"

"Mabuti pa, sundin mo na lang si Yuan," suhestiyon ni Jhunnica.

"Pero, Ma'am, kulang tayo ng tao rito," angal niya. "Kapag umalis pa ako, baka mahirapan kayo. Kaya ko naman pong magtrabaho."

Bahagyang tumawa ito. "Sandali lang, Yuan. Kakausapin ko lang si Quincy." Hinila siya nito sa isang sulok ng restaurant. "Huwag ka nang umangal. Wala ka namang kailangang problemahin. Siya ang magbabayad ng suweldo mo. Aba! Minsan lang iyan babait. Samantalahin mo na."

Iyon nga ang ikinakakaba niya. Ang pagbait sa kanya ni Yuan at ang paggawa sa kanya nito ng pabor. Pati ang pagsagot nito sa suweldo niya. She had been living independently for more than a month now. Babalik na naman ba si Yuan sa buhay niya para kontrolin siyang muli kahit na hindi siya si Celine?

"Gusto mo ba ng coffee o gusto mo bang kumain?" alok niya pagdating nila sa staff's house. Naalala niya na hindi pa pala ito nagla-lunch.

"Don't mind me. Babalik naman ako sa Rider's Verandah mamaya. I just want to make sure you will take a rest."

Natawa siya. "Mr. Zheng, anong pahinga ba ang gusto mong gawin ko? Daliri lang naman ang nasugatan sa akin."

"Basta huwag kang maggagalaw. Don't do anything stupid!"

Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng sala. "And I have to follow your command because you paid half of my salary for today, right?" she said grimly.

"You have to follow me because it is the right thing to do."

"I don't get it. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. You don't even have to help me. Kasalanan ko kung bakit umalis ang ka-date mo kanina."

Tumangu-tango ito. "Tama. Kasalanan mo nga."

"Then why did you help me out? Ang pagkakatanda ko, ayaw mo sa akin. You treat me like an enemy. You should leave me bleeding to death!"

Humalukipkip ito. "Iyon ba ang tingin mo sa akin?"

"Yes. You are a businessman. A shrewd one. Nabasa ko pa nga sa isang article kung gaano ka kagaling na corporate raider. You leave your enemies in pieces. Dapat sana, hinayaan mo na lang ako kanina. Trabaho ko na magpulot ng mga basag na gamit sa restaurant. Hindi mo na problema kung masugatan ako."

Tumayo ito sa harap niya. "If I leave you bleeding to death, paano mo babayaran ang mga utang mo sa akin? Dalawa na ang utang mo sa akin."

"Ha? Dalawa? Paano naging dalawa?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit nag-walk out si Estella. Ginamot pa kita."

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Sandali! Kasalanan ko siguro kung bakit nag-walk out si Estella. Me and my big mouth! Pero hindi ko kasalanan kung bakit hindi mo siya sinundan. Hindi ko rin sinabi sa iyo na gamutin mo ako. I told you I can take care of myself. Pero ikaw ang namilit na manggamot sa akin."

Nagpalakad-lakad ito paikot sa kanya. She felt like he was a shark circling its victim. "Right. It is not your fault."

"Ah! Si Estella na lang ang sisihin natin dahil nag-walk out siya. Ganoon ka ba? Kapag nag-walk out ang isang babae, `di mo sinusuyo? Alam mo, minsan kailangan naming babae na maramdaman na sinusuyo kami."

"In Estella's case, I don't have to. She created a scandal out of nothing. And nobody walks out on me. Wala siyang karapatang mag-demand o magselos. She is not my girlfriend. She's just my date. `Di niya ako dapat isinasali sa away nila ni Theresa. After all, I am not her ex-boyfriend."

Itinapik niya ang daliri sa baba. "So, companions have no right to be jealous." Ayaw pala nito sa mga feeling-girlfriend.

"Future wife ko lang ang may karapatang magselos."

"Oh, I see!" Mukhang inihanda na nito ang lahat ng privilege niya bilang future wife nito. Malas lang niya dahil hindi niya matitikman ang mga privilege na sinasabi nito. Excited pa mandin siyang magselos saka siya magbabasag ng mga gamit katulad ng ginawa ni Estella. Pagkatapos, hindi magagalit si Yuan sa kanya. Masaya iyon.

"Well, now that you know the basic rule, I think you are ready to be my companion for tomorrow."

Napanganga siya. "Ha? Ako ang magiging companion mo?"

"Oo."

Future wife mo ako, Yuan. `Di ako papayag na humilera sa mga babae mo.

"At paano kung ayoko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. "You owe me. Nag-walk out ang ka-date ko dahil sa iyo. You said so yourself. That's why I didn't leave you bleeding to death. It's high time you pay your debt."

She didn't see that coming. Ni hindi niya naisip na iyon pala ang paraan ni Yuan para maningil ng utang. Ako? Companion niya? I can't imagine it. Sabi na nga ba, may lihim na pagnanasa ang taksil na ito sa akin.

"Bukod sa hindi ako magseselos sa ibang babae mo, ano pa ang kailangan kong gawin bilang companion mo?" tanong niya.

"Basta sundin mo ang lahat ng iuutos ko."