Chapter 126 - Chapter 15

"ANO KAYA'NG iuutos sa akin ni Yuan?" tanong ni Quincy sa sarili habang nagsa-shampoo gamit ang Stallion shampoo and conditioner. Patulog na siya nang gabing iyon. Kailangan pa niyang paghandaan ang mga gagawin niya kinabukasan. "Naku! Huwag siyang magde-demand ng kalokohan. I won't go to bed with him. Pakasalan muna niya ako. Iyon ay kung papayag akong magpakasal sa kanya."

Nasa kasarapan siya ng pag-iisip sa posibleng ipapagawa sa kanya ni Yuan nang katukin siya ni Miles sa pinto.

"Quincy, phone call. Si Sir Yuan."

"Sabihin mo sa kanya, naliligo pa ako."

"Lumabas ka na raw. Ayaw raw niya ng pinaghihintay. Galit na galit, eh! Baka mamaya, ako na ang awayin."

"Naku! Sinusubukan talaga ako ng lalaking iyan. Sabihin mo sa kanya, matuto siyang maghintay. Hindi iikot ang mundo ko sa kanya!" aniya. Lumipas pa ang mga sampung minuto, bago lumabas ng banyo ay sinagot niya ang telepono. "Hello!"

"Miss Montoya, kanina pa ako nandito. Nananadya ka ba? Isang oras mo na yata akong pinaghihintay rito."

"Naliligo pa po ako, your majesty. Pasensiya na kung natagalan," ngingiti-ngiting sabi niya. "Ano ba'ng kailangan mo?"

"Nai-deliver na ang isusuot mo bukas. I will fetch you at nine in the morning. Manonood tayo ng show jumping competition. Be on time. Ayoko ng late."

"Oo na, Emperor Yuan. Puro 'Oo, Yuan!' Lagi na lang," wika niya pagkababa ng telepono. Tumuloy siya sa kuwarto at binuklat ang kahon na naroon. It was a simple white summer dress with a fuchsia bolero jacket with sandals and hat to match. "The same old Yuan, sending me clothes I don't want to wear."

Kumatok si Miles at pumasok. "Iyan ba ang isusuot mo bukas? Sa tingin ko, bagay siya sa iyo. Mas may fashion sense pala si Sir Yuan kaysa kay Gino."

Niyaya rin kasi si Miles ni Gino na maging ka-date nito. Ayaw humalo ni Miles sa ibang mga babae na guest. Mga suplada kasi at kanya-kanyang payabangan. Well, she had to face those women and dress up like them.

"Ayokong isuot ito," sabi niya.

"Ha? Pero maganda naman, ah!"

"I don't want to dress up like other women. I want my own style." Hindi siya si Celine na sunud-sunuran sa gusto ni Yuan. She was Quincy now. Sukat sa naisip ay nilakad niya ang boutique na di-kalayuan sa staff's house ng Rider's Verandah. Naabutan niya roon ang designer na si Jenna Rose.

"Quincy, bakit?"

Madalas siyang bumisita sa boutique nito dahil gusto niya ang karamihan sa mga designs nito. "It's about the dress Yuan ordered for me. Maganda naman siya pero hindi ganito ang style na gusto ko. Ganito na kasi ang isinusuot ng ibang mga guests dito. I want to be different."

"Finally, may magsusuot na rin ng collection ko rito sa riding club nang iba sa usual boring designs ng mga Flower Girls."

"Flower Girls?" tanong niya.

"The great companions themselves. Puro mga designs lang na gusto nila ang dapat na isuot. I had no choice but to reinvent their style."

Binuksan nito ang closet kung saan naroon ang bagong designs nito. Maraming magagandang design pero nagustuhan niya ang halter V-strapped summer dress na may wooden bead accent. "This one is pretty."

"You can wear either boots or sandals. Whatever it suits you."

"It has to be the boots," aniya habang tumitingin siya sa shoes and accessories section. "They are funky. And I will lay my hair down."

"That's perfect. Accentuate your eyes. You have a pretty pair of eyes. At kung lalagyan ng darker tone ang skin mo, you will get the Latina effect. Women would kill for that look. My, my, tiyak na magagalit ang mga Flower Girls. You will break their dress code. Prepare yourself. Tongues will wag tomorrow."

"I don't really care. Basta maganda ako and that's it."

Nakagat nito ang labi. "Not just the Flower Girls. Uhmm... I don't think Yuan will like this either. You defied his wish. Siya pa mandin ang pumili ng damit na dapat mong isuot bukas."

Tiningnan niya ito mula sa full-length mirror. "Jen, ever since, men had been dominating my life. From what I should wear, how I should act even how I should breathe and how to run my life. I came to this place for a change."

Hindi na siya matatakot na masunod ang gusto niya. At lalong hindi siya natatakot kay Yuan. It was a head-on battle. She didn't want to lose.