"Guia wa ikaga desu ka?" tanong ni Hiro kay Sawada kung ano ang pakiramdam nito nang samahan sila nito sa private room ng music lounge.
"Daijubou desu. Okagesama de yoku narimashita," pasasalamat nito sa pag-aalaga nila matapos tiyakin na maayos na ang kalagayan nito. "And I won't miss this special dinner for the world."
Inayos sa Japanese setting ang isa sa mga function room ng music lounge. There were Japanese lanterns around. Low table ang ginamit at puro Japanese cuisine ang ise-serve. May maliit na stage din sa harap para sa jazz singer na kinuha ni Hiro para umaliw sa kanil.
"Try this, Jemaikha-san. This is anago sushi," alok ni Sawada sa kanya.
Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan. Baka ma-offend kasi ito. Pero di rin naman siya pwedeng kumain ng anago sushi dahil may allergy siya.
"She is allergic to anago sushi. She has an aversion to eel," salo ni Hiro. "She ate anago sushi once and she went red all over. She prefers salmon roe sushi and tempura. And she also likes ramen."
"Looks like you know a lot of things about her," usal ni Sawada.
"Yes, I do," palabang sagot ni Hiro.
Naglabanan ang tingin ng dalawa. Kinabahan siya. Ayaw niya sa lahat ay may magsimulang gulo dahil lang sa kanya. "You two, calm down," mahinang saway niya dahil ayaw niyang makakuha ng atensiyon ng ibang guest na tuwang-tuwa sa pakikinig sa musika ng jazz singer.
"Doushitano?" tanong ni Hongo-san, isa sa mga miyembro ng Fukouka International kung ano ang problema. Di nito naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil di ito marunong mag-Ingles.
"Kirimasen. Don't mind." Ipinaliwanag niya na naglalaro lang ang dalawa.
Siniko niya si Hiro na matiim pa rin ang titig kay Sawada. Awtomatiko itong ngumiti pagbaling sa iba. "Hai! Soo desu!" sang-ayon na lang nito at saka uminom ng sake. Parang balewala na dito ang pakikipagtalo kay Sawada.
"We are not yet through," mariing sabi ni Sawada at ibinaling na lang sa sushi ang pagka-irita nito. Pero tama ito. Di pa nga tapos ang lahat. At kinakabahan siya kung ano ang maari pa nitong gawin.
"JEMAIKHA, masakit ang ulo ko," sumbong ni Hiro sa kanya nang makauwi na sila sa bahay nito. "Hilutin mo naman ako."
Umupo siya sa mat at pinahiga ito sa hita niya. "Naku! Sinabi ko na kasi na huwag masyadong iinom ng sake dahil may trabaho pa bukas. Di ba bukas na nga natin idi-discuss sa kanila ang lahat ng terms sa contract."
Magiging maselan ang usaping iyon. Bagamat nagpakita ng interes ang Fukouka International sa project, di tiyak kung magkakasundo ang dalawang panig sa magiging kontrata. Kaya dapat ay maging maingat sila sa hihinging kondisyon mula sa isa't isa.
Nakatitig ito sa kanya habang hinihilot niya ang ulo nito. "I think Sawada likes you, Jem. Titig siya nang titig sa iyo buong gabi."
"Hindi ko napansin," patay-malisya niyang sagot.
"Well, Sawada is handsome. Bakit di mo siya magugustuhan?"
Tumigil siya sa paghilot sa sentido nito. "Kasi may mas guwapo sa kanya na mas gusto kong titigan."
"Sino naman iyong mas gusto mong titigan?"
"Okay na siguro ang pagkakahilot ko sa iyo. Magpahinga ka na lang, uminom ka ng maraming tubig saka Advil. Titimplahan na lang kita ng honeyed water bukas ng umaga kung masakit pa rin ang ulo mo," sabi niya at pinatayo na ito.
"Jem, hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino iyong lalaking mas guwapo kay Sawada na gusto mong titigan," pahabol pa nito.
Nakangiti niya itong nilingon. "Hmmm… siya lang naman ang dahilan kung bakit pinapak ako ng mga langgam kagabi. Oyasuminasai, Suichiro-kun!"
"Oyasumi," she heard him answer softly. Hindi niya iyon dapat sinabi kay Hiro. It would only complicate things. Pero di rin niya masaway ang sarili. She was too happy to care about the consequences. Gumaan ang loob niya nang sabihin iyon.
***