Chapter 86 - Chapter 15

Tumango na lang siya. She felt like hyperventilating because of his proximity. "H-Hai, Shuichiro-sama," sang-ayon na lang niya. Sinadya niyang idugtong ang salitang –sama sa pangalan nito dahil ginagamit iyon sa mga taong mas nakatataas. Dapat na siyang masanay dahil boss na niya ito.

"Sa dinner mamaya, ako ang magbabayad. Ayokong maririnig sa iyo na nagko-compute ka kung magkano ang babayaran mo habang magkasama tayo."

"H-Hai, Shuichiro-sama," sabi ulit niya. Unti-unting nagsi-sink in sa kanya kung anong klaseng boss ito. Di ito pwedeng suwayin. Malayo sa ex-boyfriend niya.

Inangat nito ang paper bag na naglalaman ng regalo nito sa kanya. "I want you to wear this tonight. And don't you even dare hurl it back to my face. Or you will regret that you did."

"H-Hai, Shuichiro-sama," aniya at pilit na ngumiti.

Parang wala itong narinig sa sinabi niya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. Her eyes widened. He would kiss me for real this time. Magkaka-first kiss na yata ako. Ipinikit niya ang mga mata. Ano ba ang laban niya dito? Ngayon pa nga lang ay nanlalambot na ang tuhod niya.

Nakarinig siya ng mahinang click. Nang dumilat siya ay malayo na ito sa kanya. Nakangiti na ito sa kanya. Parang hindi ito ang lalaki na seryosong-seryoso at parang pagtatangkaan siyang halikan kanina. "I will meet you tonight, Jemaikha."

Nang hawakan niya ang handle ng pinto ay bumukas iyon. Ginamit na pala nito ang remote para ma-unlock. "P-Pwede na akong umalis?" Parang ayaw pa kasi ng paa niya na maglakad palabas doon. Wala pa ang first kiss ko!

"HAPPY Birthday to me. Happy Birthday to me," paulit-paulit na kanta ni Jemaikha para alisin ang kaba sa date nila ni Hiro. Umaga pa lang ay bihis na siya at nakaayos. Pero di pa rin siya lumalabas ng kuwarto. "Hindi nga pala date iyon. Kasama nga pala sila Tiya Vilma at si Robin. Di rin kami magsosolo. Wala akong birthday kiss. Hay, ambisyosa!"

Walang kaabog-abog na bumukas ang pinto at pumasok ang Tiya Vilma niya. "Ano pa bang tinutunganga mo diyan? Kanina pa nasa labas si Hiro."

"Bakit hindi pa po kayo nakabihis?" Naka-duster lang kasi ito. "Huwag ninyong sabihin na sasama kayo sa amin nang nakaganyan lang."

"Hindi kami sasama ni Robin. Gusto namin solo kayo sa date ninyo," kinikilig nitong sabi. "Sabi na nga ba! Si Hiro talaga ang para sa iyo. At kapag inalok ka niya ng kasal, huwag ka nang tatanggi. Kukurutin ko ang singit mo."

"Hindi po iyon date. Trabaho po ang pag-uusapan namin."

"Ah, basta! Sabihin mo kay Hiro, iyong pasalubong namin."

Nang dumating sa sala ay kausap ni Hiro ang kapatid niyang si Robin. "Kuya Hiro, bahala ka na sa ate ko, ha?"

Ginulo nito ang buhok ni Hiro. "Sure. Ate mo pa!"

Hindi komportable si Jemaikha mula sa sasakyan hanggang sa restaurant kung saan nagpa-reserve ito. Magaan naman ang conversation nila pero di pa rin niya magawang mag-relax katulad ng dati. "Hiro, ano ba ang latest project na gusto mong I-push sa mga investors?" tanong niya.

Inabot nito sa kanya ang portfolio ng project. "It is a machine that we will push in agricultural countries like the Philippines. It is a new line of plowing machines that use water as its fuel. Maraming farmers ang makikinabang dito dahil matipid. Environment friendly pa. Kung maitutulak ito sa Pilipinas, di na masyadong mahihirapan ang mga farmers natin, hindi ba? Mababawasan ang gastos."

Pinasadahan niya ang details. "How about the price?"

"Definitely cheaper. Kadalasan kasi, mga mayayamang farmers lang ang nakakabili ng ganyang klase ng machineries. Ngayon, kahit mahihirap pwede na. And besides, Filipino inventors ang gumawa nito. It is high time that we show the world that Filipinos are good in this field. Chance na natin para umangat, di ba?"

"Pag-aaralan ko ito," sabi niya. Magiging bahagi din ng trabaho niya ang pagkumbinsi sa mga investors. She and Hiro were a team. At di siya mahihirapan dahil maganda ang project ni Hiro. Malaki pa ang maitutulong sa iba.

"Two days from now, we are leaving for the Stallion Riding Club. So you better pack your things. Baka isang linggo tayo doon."

"Stallion Riding Club? Isang linggo?"

"Yes. We will hold our meeting at the riding club. Those investors love horses. They would love the club. The nice atmosphere and the horses could convince them to invest. At isang linggo tayo doon dahil kailangan kang maging familiar sa club. Dapat matuto ka ring sumakay ng kabayo."

"Ha? Bakit pati ako?"

"It is a part of your job, remember? Don't worry. Your work includes free lodging and I will give you just compensation. Bukod sa makakabayad ka sa utang."

Hindi pa mandin siya sanay na maglalapit sa mga kabayo. Pakiramdam kasi niya ay tatapakan siya ng mga ito anumang oras.

"Isang linggo?" Natigilan siya nang maisip na makakasama niya ito nang isang linggo. "Anong sasabihin ng girlfriend mo?"

"Sinong girlfriend ko?" inosenteng tanong nito.

"Si Morella. Hindi ba sinabi niyang girlfriend ka niya?"

"It is just a joke for her. Kahit naman sino ang magtanong sinasabi niyang boyfriend niya kahit hindi naman. Kung tatlo kaming lalaki na kasama niya, sasabihin niya na boyfriend niya kaming tatlo."

"Hindi mo pa pala girlfriend iyon. Grabe kung makayakap."

"Kung nagseselos ka, yakapin mo din ako. I won't mind."

She bared her teeth. "I am serious! Kung hindi si Morella, sino naman ang girlfriend na sinasabi mo sa akin noong nagkita tayo?"

"Makikilala mo siya kapag nasa riding club na tayo."

Nahirapan siyang lumulon. Parang gusto na niyang mag-back out. "H-How about your parents? Di ba sila magagalit kapag ako ang kinuha mo?"

"Bakit naman sila magagalit? They like you, Jemaikha."

Tuluyan na siyang nahirinan at nahirapang huminga. Dali-dali siyang uminom ng tubig. magugustuhan siya ng mga magulang ni Hiro. Satire ba iyon?

"Hindi ba sila magtataka na ako ang kinuha mo?"

"They know that you are good at your job."

"Hiro, isang linggo lang. Iyon lang ang trabaho ko, ha?"

"Oo naman. Babalik na rin si Chidori. Matatapos na ang bakasyon niya pagkatapos nito. Are you so eager to get away from me?"

"Not really." I just want to go on with my life. Dahil kung lalampas pa ng isang linggo ang pagsasama nila ni Hiro, di na niya alam kung paano ito lalayuan.