Yumuko si Jemaikha para iiwas ang tingin kay Hiro. Hay! Alam niyang napuyat ako dahil sa kanya. Naiilang talaga siya na magkautang kay Hiro. Minsan, iniisip na lang niya na hindi niya nalaman na dito galing ang perang hiniram niya. Sana ay nakakatulog pa siya nang mahimbing. At mukhang maraming araw pa siyang di makakatulog nang mahimbing. Di lang dahil sa utang niya dito kundi dahil lagi niyang maalalala kung gaano kalapit ang guwapo nitong mukha sa kanya. Parang hahalikan na siya.
Umurong siya palayo dito. Sobra naman kung hahalikan pa niya ako. Baka naman tuluyan na akong mabaliw no'n. Naalala niya ang sinabi ng mga kaibigan sa kanya nang nagdaang gabi. Na siya na lang ang virgin sa mga ito. Ayokong mademonyo. Baka ma-rape ko pa si Hiro kapag umatake ang hormones ko.
"Problema ko na iyong tulog ko. Basta magkita na lang tayo kapag may trabaho na ako at mababayaran na kita. Sige, aalis na ako," sabi niya at mabilis ang lakad na tinungo ang pinto.
"Wait!" sigaw nito.
Anong wait ang sinasabi mo diyan? Gusto mo bang mapikot ka nang wala sa oras kapag tumagal pa ako sa kuwarto na ito?
Nang hawakan niya ang handle ng pinto ay di niya iyon mabuksan. Nakita niya na hawak nito ang remote. Hi-tech nga pala ang opisina na iyon. Courtesy of Hinata Technologies. "Hiro, na-lock ang pinto. Pakawalan mo ako!" natutuliro niyang sabi. Huwag mo akong pupwersahin, Hiro. Pwede mo naman akong akitin na lang.
Umupo ito sa office chair nito. "Bakit ka ba nagmamadaling umalis? Nag-uusap pa tayo, di ba?"
Nanatili lang siyang nakatayo sa may pinto kahit di naman ito mukhang banta sa kanya. "Tapos na usapan natin. Sabi ko magbabayad ako ng utang kapag may trabaho na ako. Wala pa akong trabaho kaya saka ko na babayaran."
Pinagsalikop nito ang mga kamay. "May naisip kasi akong paraan para makabayad ka sa akin nang utang. Para hindi mo na masyadong isipin iyon."
"Ano?" Mabilis siyang humalukipkip. Huwag ang katawan ko, Hiro. Pwede mo akong akitin pero di ako magpapabayad!
Tumayo ito. "May trabaho ako para sa iyo. Kung papayag ka, iyon na ang magiging bayad mo sa pagkakautang mo sa akin."
"Depende sa trabaho." Magkasalubong na ang kilay niya habang hinihintay kung ano ang trabahong sasabihin nito. Di naman siguro katawan ko ang hihingin niya. Noong boyfriend ko nga siya, ni hindi niya ako halos nahalikan. Sa tingin ko naman perfect gentleman pa rin siya hanggang ngayon.
"I have a group of Japanese investors coming this week. I have to convince them to invest in Hinata Technologies. And I need an assistant. Someone who would take down the details of our meetings, deal with the investors and make a report both in English and Japanese."
Hehehe! Mukhang malayo naman pala sa iniisip ko.
"Bakit kailangan mo pa akong kukuning assistant? Hindi ba mayroon ka naman? Baka mamaya magka-conflict pa iyan sa kompanya ninyo."
"Naka-leave si Chidori." Chidori was his cousin. "Kung nandito siya, wala akong problema sa pakikipag-deal sa mga investors."
"Anong ginagawa ng isa mo pang assistant sa labas? Di ba siya magaling?"
Nagkibit-balikat ito. "She's good at her job. But she doesn't know a Japanese word. I want uninterrupted conversation. Japanese ang lengguwaheng gagamitin namin sa mga meeting. Kaya kailangan ko ng assistant na pwedeng kumausap sa kanila sa Japanese. I don't want to translate for my assistant and I don't want to hire a translator just for her benefit either. That would be costly and messy. Sayang lang ang oras, hindi ba?"
Tumango-tango siya. Maganda nga ang naisip nito. Dahil sanay naman siya sa Japanese, magiging madali na lang ang trabaho sa kanya.
"How long will they stay here?"
"Four days. Or until they give the final answer on signing na contract."
"Four days din ba ang magiging trabaho ko?" Parang nalulula naman yata siya sa laki ng bayad sa kanya. Ten thousand ang hiniram niya.
Lumakad ito palapit sa kanya. "How about we discuss it tonight over dinner?"
"Ha? Magdi-dinner tayo?"
"Yes. Because it is your birthday tonight." Inunat nito ang kamay at na-corner siya nito. "And I don't want any complaints. Dahil ako na ang boss mo."