Chapter 84 - Chapter 13

"GOOD morning, Miss. I came here to see Mr. Hinata."

Sinuyod siya ng tingin ng sekretarya nito. Iniisip siguro na isa siya sa mga babaeng nagkakandarapa kay Hiro. "Do you have an appointment?"

"I don't. Just tell him that Jemaikha Caliente wants to see him."

"If you don't have an appointment, I don't think…"

Tinaasan na niya ito ng kilay. "Why don't you tell him my name first? If he tells you that he doesn't want to see me, then I'll leave."

Nagulat marahil ito sa tapang na ipinakita niya kaya inayos nito ang headset at saka komunekta sa intercom. "Sir, a certain Miss Jemaikha Caliente came here to see you. Shall I send her in?"

Bumukas ang pinto ng private office ni Hiro at lumabas ito. "Jem!" bati nito at kinintalan siya ng halik sa pisngi. "It is nice to see you."

Matabang siyang ngumiti. "I am sorry. I don't have an appointment."

"You don't need one," sabi ni Hiro at binalingan ang sekretarya. "Please hold my calls. I don't want any interruptions."

"Yes, Sir," anang sekretarya nito at di makatingin nang diretso sa kanya.

"And please bring two cups of coffee."

Tumayo ito sa likuran niya. "Happy Birthday!" bulong nito.

Humarap agad siya dito. "Thank you!" Ngayong kaharap na niya ito, di niya alam kung paano magagalit. Napakaamo kasi ng mata nito at maganda ang ngiti. Parang wala siyang lakas na magalit dito.

"I was about to invite you for dinner tonight."

Mahigpit niyang hinawakan ang malaking paper bag na hawak. Kailangan niyang ilagay sa isip na di siya nagpunta doon para makipag-ayos dito o makipag-dinner. She had to flung the stuffs he gave her back to him.

"You don't have to, Hiro. I just came here to bring these back."

Nagtataka nitong inabot ang paper bag at tiningnan ang laman. "Why? Mga regalo ko ito sa iyo, ah!"

"Tatanggapin ko na sana iyan. Kung hindi ko lang sana natuklasan na kinuntsaba mo si Jaimee para bigyan ako ng pera."

Humilig ito sa desk nito at humalukipkip. "And what is wrong with that? I am just trying to help."

"Ayoko ng utang na loob. I can't sleep if I know that I owe something to someone at hindi ko alam kung paano iyon ibabalik."

"You don't owe me anything. Ikaw lang kasi ang problema. Masyadong mataas ang pride mo. I really thought I am your friend. Na tatakbuhan mo kapag kailangan mo. Naghihirap ka na pero di ka nagsasalita. Nakakahingi ka ng tulong kina Mayi at Jaimee. Bakit sa akin hindi?"

"Because yours is different."

"Dahil ex-boyfriend mo ako?"

Saglit siyang napipilan. "Yes. That's one thing. Saka iba ang tulong mo. Iyong kina Mayi, utang. Ikaw naman, bigay. Hindi ko na kailangang bayaran. At iyon ang nagpapahirap ng loob ko kaya ayaw kitang lapitan."

"Mas gusto mo ang utang kaysa sa utang na loob?"

"Yes. After all, ako ang gagamit ng pera. I might as well work for it."

"Mine is different. You are my friend. Kung may maitutulong ako sa iyo, bakit hindi ko ibibigay. After all, it's just a few thousand."

She grimaced. Ano nga ba naman ang sampung libo para dito? Barya lang. "Sige. Hindi na ako magagalit," aniya nang huminahon. "I should thank you because you helped me. Pero iko-consider ko na utang ang perang ibinigay mo."

Napailing ito. "You don't have to pay me," he insisted.

"Mayaman ka kaya di mo ako naiintindihan. Yes, I have pride. Iyon na lang ang natitira sa akin. Will you help me save the little dignity I got?"

"Go ahead. Magbayad ka!"

Napipilan si Jemaikha nang sabihin ni Hiro na magbayad siya. "H-Hindi pa ako makakapagbayad ngayon, ha? Kasi wala pa akong trabaho. Babayaran na lang kita kapag mayroon na. Okay lang?"

"At kailan ka naman magkakatrabaho?"

"Malapit na! Basta magbabayad ako!"

Lumapit ito sa kanya at umuklo. Halos magkatapat na ang mukha nila. Hinaplos nito ang ilalim ng mata niya. "Kawawa ka naman. Mukhang hindi ka na nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa utang mo sa akin."

Related Books

Popular novel hashtag