Chapter 74 - Chapter 3

"MAYI, parang awa mo na. Pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit pamasahe lang sana. Pero kung itotodo mo, gawin mo nang one thousand o kaya two thousand. Walang-wala na akong pera. Hindi na ako makakauwi," mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Jemaikha nang tawagan ang kaibigang si Mayi. Nasa isang sulok siya ng Mocha Blends sa Megamall. Di kasi matao doon. Pwede siyang magdrama nang walang masyadong makikiusyoso sa kanya.

Tumawag at nag-text na siya sa lahat ng mga kaibigan. Wala daw maipapahiram ang mga ito sa kanya. Paano ay alanganin dahil iba ang date ng sweldo ng mga ito. Si Mayi na lang ang huli niyang tinawagan.

Alam niyang sumweldo lang ito nang nakaraang araw. Mapapahiram siya nito. Malaki naman kasi ang kita nito bilang agent sa isang call center.

Bumuntong-hininga ito. "Hay, naku! Nuknukan ka naman pala ng kamalasan, friend. Naawa na ako. Pauutangin na kita."

Napahikbi siya sa tuwa. "Thank you, Mayi! You are an angel!"

"Hintayin mo lang akong mag-out, ha? Mga thirty minutes pa. Ako na lang ang manlilibre sa iyo ng lunch kasi nakakaawa ka naman. Parang pulubi ka."

"Hindi mo na ako kailangang ilibre. Pauutangin mo naman ako, di ba? Basta puntahan mo ako dito sa Mocha Blends."

"O, siya, siya! Bye na!"

Nagkasya na lang siya sa pagko-compute ng mga bills na babayaran. "Magkano kaya ang ipapahiram sa akin ni Mayi?"

"Excuse me?"

"Yes?" aniya at di basta-basta inalis ang tingin sa notepad. Baka mamaya ay waiter iyon na manghihingi lang ng order niya.

"Jemaikha, is that you?"

Bigla niyang inangat ang tingin nang marinig ang boses. Natulala siya nang makita kung sino ang may-ari ng boses at nakatayo sa harapan niya. "Hiro?"

Jemaikha stared at Hiro with mouth open. He always had that effect since they first time they met. He was tall, around 5' 10". His black hair was slightly long. Pero di ito mukhang babae kahit maamo ang mukha dahil light tan ang kulay ng balat nito. He loved outdoor sports.

He was so handsome with his Japanese eyes and his sweet smile. Iyon ang asset nito. Ang mata at ang ngiti nito. Kapag nakikita niya ito, lagi niyang iniisip na umuulan ng cherry blossoms. She felt so light.

Was it seven years ago since they first met? Estudyante pa siya noon sa University of the Philippines at nagte-take up ng Linguistics. Sinusubukan din niyang magtrabaho bilang language instructor sa mga foreign students. At isa si Hiro sa mga ito. Half-Japanese, half-Filipino ito na lumaki sa Japan.

Parehong English at Filipino ang itinuro niya dito. Only to find out that he was proficient in both languages. Nag-propose kasi ito sa kanya sa gamit ang Filipino at English nang walang trace ng Japanese accent. Kung gaano kasi ka-fierce ang nationalism ng ama nitong Hapon ay ganoon din ang ina nitong Filipina na anak ng isang dating governor. Paraan lang pala nito ang pagkukunwaring walang alam sa English at Filipino para mapansin niya ito.

She didn't find it hard to fall in love with him. Napaka-sweet kasi nito at malambing. Lagi siyang inaalagaan. Kahit nga inaaway niya ito ay nakangiti pa rin ito. Everything was okay until he proposed marriage and she refused.

Lalong lumapad ang ngiti nito at umupo sa harap niya. "My, my, hindi na kita nakilala kaninang pagpasok ko. Parang nag-iba ang itsura mo."

"Ha? Anong nagbago sa akin?" Lalo ba akong gumanda?

Lumingon siya sa glass wall ng café. Bahagya niyang nakita ang itsura niya. Medyo magulo ang buhok niya. Hindi iyon ang nakasanayan ni Hiro na itsura niya dahil laging maganda ang buhok niya. Na kahit hanginin pa ay di nagugulo dahil isang haplos lang niya ay bumabalik na sa dati.

Mukha pala akong monster ngayon dahil di ako nag-shampoo. Asar!

Sa dinami-dami naman ng pagkakataon na pwede itong sumulpot, kung kailan pa mukha siyang sinabunutan ng sampung bakla.

"Medyo mahangin sa labas kasi may bagyo," aniya at pasimpleng hinaplos ang magulong buhok. "Well, you look good. Better than ever."

Ito na ang nagpapatakbo sa Hinata Technology, isang kompanya na pag-aari ng pamilya nito. Nag-iisa kasi itong anak.

Paminsan-minsan pa rin silang nagkikita ni Hiro pero hangga't maari ay iniiwasan niya ito. Kahit pa nga maayos ang paghihiwalay nila. Hiro never held a grudge on her. Tama nang magbatian sila at magngitian.

She was still in love with him. Masasaktan lang siya dahil hindi na pwede. Dahil siya mismo ang nagtulak dito. doon.

Ngayon ay wala siyang mapagpipilian kundi ang harapin ito. Wala naman kasi siyang ibang mapupuntahan dahil wala siyang pera. Ang sabihin mo, excited ka rin na makausap siya. Kunyari ka pa, tukso ng utak niya.

Tumawa lang ito. "Alam mo naman na lagi akong naka-smile therapy. Nakakatanda kasi kapag nakasimangot at kung anu-ano ang iniisip."

Pilit siyang ngumiti. "Mukhang effective nga sa iyo." Kasi di uubra sa kanya ang smile therapy. Kahit na ngumiti pa siya, di niya mababago ang kamalasan sa araw na iyon. Problemado siya sa pera.

"Bakit nga pala nandito ka? Wala ka bang pasok."

"Nagka-problema ang power supply sa office. Kaya wala munang pasok."

Luminga-linga ito. "May hinihintay ka bang ka-date?"

"Date? Oo. Si Mayi! Pauwi na rin kasi siya kaya may usapan kaming magkikita dito. How about you?" May ka-date din kaya ito?

Sobrang malas ko naman yata kung makikita ko siyang may kasamang iba.

"Just dropped by for a coffee. Galing ako sa office and I am on my way to the Stallion Riding Club. Doon ako mag-I-spend ng weekend."

He was one of the members of the riding club exclusive for bachelors. Nalaman niya iyon nang mai-feature sa isang commercial ng Stallion Shampoo si Hiro kasama ang ibang members ng club. Nagkaroon pa nga ng raffle kung saan mananalo ng date kasama ang mga lalaki sa commercial. Kinantiyawan siya ng mga kaibigan niya na sumali para daw maka-date niya si Hiro.

She was tempted to join though. Pero naisip niya na kung gusto niyang maka-date si Hiro, di siya desperada na aasa sa kapalaran at sasali pa sa raffle. Pwede naman niya itong yayain kung makapal ang mukha niya. Isa pa, wala siyang swerte sa raffle.

"Hay! Iba na ang mayaman. Pa-Tagaytay-Tagaytay na lang," biro niya.

"Eh, di sumama ka sa akin," yaya nito. "May villa naman ako sa riding club."

"I don't have time for a vacation, Hiro."

Pinisil nito ang ilong niya. "Ang hirap kasi sa iyo, puro ka na lang trabaho. Kung pinakasalan mo sana ako dati, hindi mo na kailangang magtrabaho."