Chapter 69 - Chapter 29

"SA wakas makakapag-relax na tayo. That was a rollercoaster finals week. Nasolo rin kita," sabi ni Hiro habang kumakain sila sa Sunken Garden. Katatapos lang nilang mag-final exam at may aayusin na lang na ilang requirement. Isaw bouquet ang ibinigay ni Hiro sa kanya habang kikiam at squid balls naman ang kinain nito. Limitado ang panahon na magkasama sila dahl sa dami ng school activities.

"I'm tired," usal niya. "Wala pa akong tulog."

"We can get away for the weekend. Naalala mo 'yung horse ranch sa Tagaytay na pupuntahan dapat natin? Pwede na nating ituloy. Ipagpapaalam kita kay Tito "

"H-Hindi pa rin ako makakasama. Kailangan kong humanap ng bagong estudyante..." katwiran niya. Ilang beses na siyang niyaya ng binata na lumabas pero lagi niyang tinatanggihan.

"Just one day before I leave for Japan?" ungot nito at binigyan siya ng pamatay na ngiti nito na di niya magagawang tanggihan.

Mataman niyang pinagmasdan ang binata. Dalawang linggo na lang at babalik na ito sa Tokyo. Wala nang panahon para tuparin ang usapan nila ng ina nito kundi ngayon.

Uminom muna siya ng tubig bago ibinagsak ang bomba kay Hiro. "Mas mabuti siguro kung maghiwalay na tayo."

Nabura ang ngiti sa labi nito. "Maghiwalay? You mean break up?"

"Yes. Break up," aniya sa matatag na boses. Ilang beses na niya itong inensayo sa isipan niya. This was the moment of truth. "Hiro, tingnan mo ang nangyayari sa akin. Nandito ka pero wala tayong oras na magkita. Masyadong maraming nangyayari sa buhay ko ngayon. Nag-aaral ako, nagtatrabaho at inaasikaso ko ang tatay ko. Hindi na ako makahinga sa dami ng gagawin ko."

"Nakakaabala ba ako sa iyo? Nagiging pabigat ba ako?"

"Hindi. Pero hindi ito ang oras para sa isang relasyon."

"Hindi naman ako manghihingi ng oras na di mo kayang ibigay sa akin. After all, I am leaving soon."

Inilahad niya ang palad. "Exactly. Mas lalo akong mawawalan ng oras sa iyo. At bakit naman gugustuhin mong makasama ang isang babae na walang oras sa iyo?"

"Sa ngayon lang iyan, Jemaikha. Kapag naging maayos ang lahat ng ito at naka-graduate ka na, susunod ka sa akin sa Japan. Iyon ang usapan natin."

Umiling siya. Walang balak ang binata na isuko siya. "Hindi ko na matutupad ang pangako ko na iyan. Hiro, maraming pwedeng mangyari."

Hinawakan siya nito sa pisngi. "Hindi mo na ba ako mahal?"

Muntik nang mapapikit si Jemaikha dahil parang may sibat na tumagos sa dibdib niya. Kung alam lang ni Hiro kung gaano niya ito kamahal. "Mahal kita. Pero hindi ito ang oras para sa atin. Kung mananatili ako sa isang relasyon, gusto ko 'yung kaya kong pangatawanan. Hindi ganito. You need someone who will take care of you, who will make time for you." Isang babae na di makakasira sa pangalan nito.

"I want to take care of you and make time for you. Ikaw ang gusto kong alagaan."

Umiling siya. "Hindi mo pinadadali ang sitwasyon. D-Dito na natin tapusin ang lahat, Hiro. Sayonara," sabi niya at tumalikod. Pinara agad niya ang dumadaang taxi at inutusan ang driver na paandarin iyon agad pagkasakay niya.

Hindi niya nilingon si Hiro kahit nang kinakalampag nito ang bintana ng taxi. Hindi na rin nito nagawang humabol. Isinubsob niya ang mukha ang palad at humagulgol ng iyak.

Kung alam lang nito na wasak na wasak ang puso niya nang mga oras na iyon. She had to let him go for his own sake. Di siya ang sisira sa pangalan ng pamilya nito at mga pangarap nito. She would protect Hiro even at the expense of her own happiness.

"Hindi kita gustong pahirapan. I told you that I will make things easy for you. You want to break up? Ibibigay ko sa iyo. But can I hug for one last time?"

Napilitan syang tumango at humagulgol siya ng iyak habang dinadama ang init ng yakap nito. Yakap na pwede niyang maranasan sa huling pagkakataon. It was probably the most heartbreaking break up. Mahal pa nila ang isa't isa pero kailangan nilang maghiwalay. Kung pwede lang ay di na siya kumawala sa yakap nito. Parang mamamatay ang puso niya.

"Magiging masaya ka rin kahit na wala ako," sabi niya sa binata habang yakap ito.

Mahabang sandali itong di kumibo. "I want us to be friends. Like before."

"Hiro..."

Hinawakan nito ang balikat niya at inilayo siya dito. "Mangako ka sa akin na magiging magkaibigan pa rin tayo. Kapag may kailangan ka, pwede ka pa ring lumapit sa akin."

Tumango siya. "Thank you. Kailangan ko nang umuwi." Hindi na niya makakayang makita ang sakit sa mga mata nito. Ayaw din niyang makita nito kung paano mahati ang puso niya.

"Ihahatid na kita. Magpapaalam lang ako sa pamilya mo. Pwede bang huwag nating sabihin na break na tayo hanggang makabalik na ako ng Japan?"

Marahan siyang tumango. She broke his heart. At sa palagay niya ay gusto siya nitong panghawakan hanggang sa huling sandali. Pero wala siyang magagawa dahil hanggang doon na lang sila.