Shanaia Aira's Point of View
" May bisita pa ba tayo bukod sa kanila?" tanong ni tito Eli sa asawa.
" Meron. Kami po."
Sabay-sabay kaming napatingin sa mga dumating.
OMG!
Aeious...
" My God pare, is that you?" tuwang-tuwa si Gelo na sinalubong ang best friend na si Aeious. Panganay na anak siya ni tito Eli at tita Amanda, kuya ni Eia at Abcde.
Nang maglapit sila ni Gelo ay mahigpit na nagyakap.
" Gelo, my friend! Kumusta? " tuwang-tuwa ding ani ni Aeious sa kaibigan.
" Heto, mabuti, masayang-masaya. I married my first love. " tugon ni Gelo sabay tingin sa akin.
" Hi Aira! Masaya ako na kayo rin ang nagkatuluyan." lumapit si Aeious sa akin at nakipag-beso.
" Hello Aeious. I'm happy to see you again. "
" Mga anak nyo ni Gelo? " tanong nya na nakangiting nakatingin sa kambal.
" Ah yeah, our twins, Yella and Shan. " nilapitan nya ang dalawa at sabay na pinanggigilan ang pisngi.
" Hi kids! I'm your tito Aeious, your dad's best friend. "
" Hello po tito Aeious. " sabay na sabi nung kambal at nagmano sa kanya.
" Wow! Ang galang naman. Nakakatuwa. " sabi niya.
" Ikaw pare, wala ka pa bang asawa?" tanong ni Gelo. Tila parang natauhan si Aeious sa tanong ni Gelo. Lumapit bigla sa kasama na hindi namin halos napansin kanina.
" Oh sorry, nakalimutan ko na may kasama pala ako. Pare hindi mo ba sya natatandaan?" tanong ni Aeious kay Gelo. Kunot noo namang tinignan ni Gelo ang babae, tila kinikilala.
" Nicole ? Nicole Seraphine Narvaez?"
" Ako nga Ariel Angelo Montero." sagot nung babae. Nakangiti sya ng todo kay Gelo. Maganda, matangkad, morena at maganda ang hubog ng katawan. Girlfriend kaya sya ni Aeious?
" Kumusta? Long time no see ah. Kayo ba ni Aeious?" usisa ni Gelo.
" Uy hindi pare. Magkasama kami sa trabaho sa Ireland at kasama nila ako ng boyfriend niya sa bahay. " paliwanag ni Aeious. Napapakamot pa ito ng ulo, marahil nahihiya sa tinanong ni Gelo.
" I see. Nasaan ang boyfriend, bakit hindi ninyo kasama?" tanong muli ni Gelo na kay Nicole ang tingin.
" Work. " tipid na sagot nung babae saka ngumiti ng matamis kay Gelo.
" Bakit nga pala umuwi kayo? Wala ba kayong trabaho, anak?" tanong ni tito Eli sa anak.
" Eh next month po kasi babalik na kami dito, tapos na po yung project namin dun sa Ireland. Sumama po itong si Nicole para mag-apply kay sir Paul. Isang linggo kami dito tapos babalik kami ng Ireland para ayusin yung mga iiwanan namin dun." paliwanag ni Aeious.
" Paul? You mean pare, Paul Aldama? " biglang tanong ni Gelo.
" Yeah, yung part owner ng Engineering at Architectural firm dito sa Auckland. Why? You know him? " kunot noong tanong ni Aeious kay Gelo.
" Yeah, he's my uncle. Sa kanya ako magta-trabaho. Siya ang tumulong sa amin na makarating dito." tugon ni Gelo.
" Really? Wow cool. Eh di magkakasama pala tayo. Actually, dun ako sa kanya galing noon, nagpaalam lang ako na pauunlakan ko lang yung inalok na project sa akin dahil malaki naman yung offer. Sayang kasi. Pumayag naman sya at pwede rin akong bumalik kung gusto ko. Doon nga kami nagkita ni Nicole sa Ireland at ngayong tapos na kami doon, dito ko naman siya niyayaya. "
" Mabuti kung ganon. Makakasama ko ulit kayo, gaya nung college pa tayo. " sabi ni Gelo.
" Oo nga pare. Na-miss ko yung mga araw na yon. Hindi ka na ba mag-aartista? " tanong ni Aeious.
" Hindi muna. " sagot ni Gelo.
" Bakit naman? Sikat na sikat ka sa Pinas,sayang naman. "
" Mahabang kwento pare. Saka ko na sasabihin sayo kapag nandito ka na ulit. "
" O sya. Halina at kumain na tayo. Baka antukin na itong mga bata. Eia, ilabas mo na dito yung mga plato." sabi ni tita Amanda.
Magana naming pinagsaluhan ang mga niluto ni tita Amanda. Lahat kami ay ganado dahil talaga namang napakasarap ng mga putaheng nakahain. Manaka-nakang nag-uusap si Gelo at Aeious, pinag-uusapan ang mga nakaraan at kasalukuyan na nangyari sa kanilang buhay. Paminsan minsan sumasali din si Nicole lalo na kung trabaho bilang Arkitekto ang usapan dahil, isa rin siyang arkitekto.
Aminado ako na medyo hindi ako maka-relate kaya si Eia ang madalas kong kausap. Nagtatanong rin naman si tito Eli at tita Amanda sa akin tungkol sa kanilang kalusugan, kaya buong lugod ko naman na sinasagot para maging maingat sila sa katawan at kalusugan nila dahil nagkakaedad na sila.
Nagulat na lang ako ng biglang sumingit si Nicole sa usapan namin.
" How do you know all those things? Baka hindi angkop yung mga sinasabi mo sa edad nila." napatingin ako sa kanya. Paano niyang nasasabi ito gayong ang linya niya ay pagguhit at paggawa ng plano.
" Facts and basics lang naman ang sinasabi ko. And I think walang masama doon kung sundin man nila dahil hindi naman ito makaka-apekto sa kanila." malumanay na tugon ko.
" Kahit na. Dapat binabase mo rin sa edad nila yung mga pinapayo mo. Siguro mas maganda kung magpa-check up na lang sila tita at tito sa doktor para malaman nila yung tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan. " turan muli ni Nicole. Napamaang ako. Wala siguro syang idea na doktor ang kausap niya. Pero kahit na, hindi na siya dapat sumasali sa usapan dahil wala namang mali sa mga sinabi ko. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang kinokontra niya ako? May problema ba siya sa akin?
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng asawa ko.
" Ah excuse me Nicole. Aira knows what she's saying coz she's a doctor and the best in her field." turan ni Gelo na may pagmamalaki pa sa kanyang tinig.
" Oh really? Well..." hindi niya na itinuloy ang sasabihin, nagkibit balikat lang siya, radam ko na napahiya siya pero pilit na ikinukubli.
Face slap.
Ang hindi ko lang maintindihan talaga, bakit parang mainit dugo nya sa akin?
Natapos ang masarap na hapunan. Tumulong ako kay Eia sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan kahit na panay ang tanggi nya at pagtataboy sa akin. Sa huli, wala na syang nagawa sa pagiging mapilit ko.
Si tita Amanda ay nagpaalam na maliligo na, sumunod na rin ang bunsong si Abcde sa taas dahil may gagawin pa daw. Niyaya ni tito Eli si Aeious at Gelo na mag-shot ng isang bote ng hard tapos sumunod si Nicole at nakisali sa kanila.
" Pasensya ka na kay Nicole ha? Talagang ganon lang yon, umaapaw ang pagiging taklesa niya." turan ni Eia habang naghuhugas kami ng pinggan.
" It's okay. Wala naman syang alam talaga tungkol sa akin. Hindi ko rin naman sya kilala personally, nakikita ko lang sya sa University noon dahil member sya ng cheering squad. " sabi ko. Nagkibit balikat lang si Eia tapos lumapit sa akin at bumulong.
" Sa totoo lang naaartehan ako sa kanya ha, hindi ko sya feel kahit noon pa. Sobra sya kung makadikit dyan kay kuya at kay Gelo noon. " hindi na ako kumibo. Maging ako ay naaasiwa sa sobrang dikit niya dun sa dalawa. May pahampas-hampas pa sya sa braso ni Aeious at ni Gelo.
Nang matapos kami sa paghuhugas ng pinggan ay binalikan namin ang kambal sa living room na busy sa paglalaro ng computer games ni Abcde.
" Kids hindi pa ba kayo inaantok?" napatingin yung dalawang bata sa akin ng umupo ako sa couch.
" Not yet mom." sagot ni Shan na sobrang tutok dun sa screen.
" Shan! Mom is talking to you." singhal ni Yella sa kapatid. Pinapagana na naman ang pagiging ate niya.
" Tss. I don't want to miss the game my 3 minutes older sister." natawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa kaya hinayaan ko na.
" Hay nako, ang cute talaga ng mga anak nyo. Pwede ko ba silang hiramin kapag nag-work na kayo ni Gelo? Tutal lagi lang naman ako sa bahay. " sabi ni Eia.
" Bakit wala ka bang trabaho?" tanong ko.
" Home base ang trabaho ko Aira kaya malaya ako sa oras ko. " sagot nya. Nakalimutan ko, isa nga pala syang chemist at may sarili syang business kaya hawak niya ang oras niya.
" Oo nga pala, sorry nakalimutan ko. Sige kung hindi ka magsasawa sa kakulitan nyang mga yan. " nakangiting wika ko.
" Okay lang. Alam mo naman na mahilig ako sa mga bata. Teen ager na kasi si Abcde kaya wala na akong maalagaan. Ayaw pa kasing mag-asawa ni kuya Aeious para may pamangkin na akong inaalagaan. " maktol niya.
" Wala naman syang girlfriend, paano syang mag-aasawa? " sabi ko.
" Yun nga eh. Masyado kasing workaholic. Minsan gusto kong sabihin sa kanya na pakasalan na lang niya yung trabaho niya tutal dun lang sya masaya. " natatawa nyang turan.
" Hindi pa kasi siguro dumarating yung bigay ni Lord sa kanya kaya ganon. Wait ka lang, darating din si Aeious dyan. Bakit ikaw, wala ka bang balak mag-asawa? " tanong ko.
" Naku. naku. naku. Ayoko pa. Tsaka hinihintay ko rin yung bigay ni Lord. Kung hindi galing sa Kanya, wag muna. " sagot nya. Napatango na lang ako. Tama naman siya. Kung ipipilit mo ang sarili mong kagustuhan para masabi lang na may boyfriend ka, malamang hindi mag work yun. Iba talaga kung si Lord ang magbibigay sayo. Kailangan lang maghintay.
Nakiusyoso si Eia sa kambal nung mapansin nyang nahihirapan yung dalawa sa nilalaro nila. Habang busy sya sa pagtuturo kay Yella at Shan, naisipan kong lumabas at tingnan yung mga nag-iinuman sa garden.
Sumilip muna ako sa kanila sa may pinto bago ako tuluyang lumabas. Napapagitnaan ni Gelo at Aeious si Nicole habang nasa harapan naman nila si tito Eli. Si Nicole ang nagsasalita at tumatawa naman yung tatlo sa kinukwento niya. Pansin ko yung kamay niya na nakapatong sa hita ni Aeious habang nagku-kwento siya. Parang balewala naman yun sa kanila, mukhang komportable naman sila sa isat-isa. Maya-maya lang, nawala na yung kamay nya sa hita ni Aeious, yung isang kamay naman nya ngayon ang nasa hita ni Gelo. Tiningnan ko kung may reaksyon si Gelo, parang balewala rin naman sa kanya. Hindi nga nya pansin na may kamay sa hita niya dahil tutok siya kay tito Eli na nagsasalita rin.
Binalewala ko na lang yon. Siguro dahil magkaka-klase sila noon kaya balewala na yung mga ganoong galawan.
Lumipas pa ang ilang oras ng magyaya ang kambal na gusto ng umuwi, inaantok na pareho. Dahil ayoko namang lumapit kay Gelo kasi ayokong makaistorbo, ang ginawa ko nag-text na lang ako sa kanya.
Ako :
Bhi the kids are sleepy. Kung hindi pa kayo tapos, pwedeng ihatid ko nalang muna sila sa bahay tapos babalikan kita?
Pagka-send ko ay sumilip agad ako sa labas kung natanggap ba nya. Apparently, kinuha nya mula sa bulsa yung cellphone nya tapos binasa nya yung text ko.
Bhi :
Okay baby. Balikan mo na lang ako, nakakahiya kay tito Eli, marami pa yung laman nung bote. Ingat kayo.
Binulsa ko yung cellphone ko saka kinarga si Shan na tulog na tulog na. Tinulungan naman ako ni Eia na akayin si Yella papunta sa garahe nila kung nasaan ang kotse namin.
" Ingat baby." sabi ni Gelo nung nasa kotse na kami. Nasa gilid nila kami, medyo malayo ang distansya nila sa garahe.
" Bye dad. You go home, okay?" sabi ni Yella sa ama.
" Of course sweetie. Take care okay?" Yella nodded.
Pagdating sa bahay ay agad ko ng nilinisan si Yella habang gising pa. Then I tucked her to bed. Nang maayos na si Yella ay ang natutulog na si Shan naman ang nilinisan at binihisan ko.
Nang makatulog si Yella ay binilinan ko na si Isay na bantayan sila dahil babalikan ko naman si Gelo.
Habang daan pabalik kila tito Eli ay naisip ko na naman si Nicole. Ramdam ko yung indifference nya sa akin. Iniisip ko kung may nagawa ba ako sa kanya nung mga panahong nasa University pa kami. Madalas ko syang makita kasama sila Keithlin noon dahil member sila ng cheering squad. Mga fangirls sila ni Gelo.
Napabuntung-hininga ako ng malalim. Baka yun nga ang dahilan.
Pagdating ko kila tito Eli ay agad kong namataan si Gelo at Nicole. Panay ang tawanan nila. May pahampas-hampas pa si Nicole sa hita ni Gelo. Pareho na yata silang lasing.
" Bhi!" tawag ko. Biglang huminto ang tawanan. Sabay pa silang napatingin sa akin.
" Oh you're here baby. Uwi na tayo?" tanong nya. Medyo pilipit na ang dila nya. Lasing na nga.
" Yeah. Gabi na. Where's tito Eli and Aeious?" tanong ko.
" Pumasok sa loob, hinatid si tito Eli, lasing na kasi." sagot ni Gelo.
" Halika na. Uwi na tayo. " inabot ko yung kamay ko sa kanya pero nagulat ako ng tabigin ni Nicole ang kamay ko.
" Hey! Nakita mo ng wala pa si Aeious dito tapos kukunin mo na si Gelo. Sino kasama ko dito? " sabi nya. Medyo pilipit na rin ang dila dahil sa kalasingan.
" Hindi naman kami aalis ng hindi nagpapaalam kay Aeious. Besides dito ka naman tutuloy, kami uuwi pa sa bahay namin. " katwiran ko.
" Hoy ikaw kala mo kung sino ka na, naging asawa mo lang itong sikat na artistang to, feeling mo ang ganda-ganda mo na, eh mukha ka namang losyang. " hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya dahil lasing sya.
" Hey don't be harsh on her, she's my wife. " sabi ni Gelo. Nakita kong kumuyom ang mga palad nya at madilim ang matang nakatingin kay Nicole.
Mabilis ko syang inakay palayo sa garden dahil ramdam kong hindi maganda kung magtatagal pa kami. Sakto namang lumabas na si Aeious.
" Uuwi na kayo? " tanong nya.
" Oo pare. Pagsabihan mo yang si Nicole ha? Hindi maganda lumalabas dyan sa bibig nyan." sagot ni Gelo.
" Oh ngayon hindi na maganda lumalabas sa bibig ko. Bakit hindi ka rin ba nasarapan sa bibig ko kaninang hinalikan kita?" napamaang ako sa sinabi ni Nicole. Awtomatikong nag-init ang mukha ko, pati na rin ang dugo ko samantalang sya, ngiting ngiti na akala mo nanalo sa pageant.
Grabe naman pala sa ninja moves itong babaeng ito. Saglit lang silang naiwan ni Gelo nakagawa na agad ng milagro.
Aba matinde!