Shanaia Aira's Point of View
THEY say everything happens for a reason. Madalas kong marinig yan. At yan din mismo ang pinaniniwalaan ko. Pero itong ginagawa ni Roxanne, tama ba na iakma ko ito sa pinaniniwalaan kong salita? Yes, everything happens for a reason, pero sa likod ng bawat pangyayari, may aral kang matututunan. At mula dun sa mga rason na yon, gusto ng Diyos na may matutunan ang tao, na makita natin kung ano yung dakilang hangarin Niya.
But with Roxanne's wrong doings, I can't see any good reason behind those and I know it's not God's plan at all.
" Baby, tapos na yung bakod at gate natin, wanna see it?" excited na sabi ni Gelo pagpasok niya ng room namin pero natigilan sya ng mapagmasdan ako.
" Hey, what's wrong? May problema ba?" I just looked at him then shrugged.
" Tumawag na ba si daddy Archie sayo? " napatda sya sa tanong ko. Umiwas sya ng tingin sa akin.
" Huwag ka ng umiwas bhi, alam ko na." sabi ko.
" Huwag mo ng alalahanin yon, naayos na nila ni daddy Adrian. " tipid nyang sagot.
" Alin yung mga windows natin? Hindi lang yun bhi ang dapat ayusin, I want Roxanne to be back in jail. Paano kung naroon pa rin tayo at may nangyari sa mga bata? Hindi pa ba sapat na halos mamatay ako dun sa huling ginawa nila sa atin? Bakit ba kasi hinayaan na makapag-piyansa yun? " galit na galit kong turan. Ewan ko ba kung bakit simula kanina ay hindi ko makuhang huminahon.
" Baby calm down. Ngayon lang kita nakitang nagalit ng ganyan. Don't stress yourself, everything is under control." pag-aalu nya sa akin.
" Sobrang nakakagalit na kasi bhi yung ginagawa nila sa atin. Ano pa ba ang gusto nila? Hindi pa ba sapat yung halos mapatay na nila ako? Umalis tayo ng bansa, iniwan ang pamilya natin, ang bahay natin, ang trabaho natin para lang makaiwas na sa kanila tapos ngayon hindi pa rin pala sila tapos? Nakakapagod na bhi, masyado na nila tayong ginugulo. Pagod na pagod na akong tumanggap ng pananakit nila,ng panggugulo nila. Napapagod na ako bhi. " nanghihina akong napayakap sa kanya.
Nakakapanghina pala kapag lumabas na yung galit na pilit mong kinikimkim mula noon. Naghalo-halo na yung galit, frustrations, sakit at panghihinayang na nararamdaman ko.
Iniiyak ko ngayon kay Gelo lahat ng ito. Para kasing sa huling balita ni ate Shane doon na lumabas lahat ng pagtitimpi ko. Ang dami na nilang ginawang kasamaan sa akin, tiniis ko lang lahat. Ngayon kusa ng sumambulat kasi hindi ko na kaya.
" Baby, I'm sorry. Kung hindi dahil sa akin, sa pagiging artista ko, hindi mo mararanasan ang lahat ng masasakit na nangyari. I'm so sorry." sabi nya habang niyayakap ako ng mahigpit. Napamaang ako sa narinig. Kumalas ako sa yakap nya at hinarap sya.
I cupped his face and looked straight in his eyes. Yung mata nya na sobrang lungkot na nakatingin sa akin.
" No bhi. Wala kang kasalanan. Hindi ko pinagsisihan kailanman na minahal kita. Niyakap ko ang pagiging artista mo, minahal ko ang buong pagkatao mo. Huwag mong isisi sa sarili mo ang mga nangyayari sa atin. Biktima ka rin. Sadyang may mga tao lang talaga na walang kasiyahan sa buhay, ang gusto ay makapanakit ng kapwa. Don't blame yourself, okay? Sumabog lang ang pagtitimpi ko kasi sobra na. Malayo na nga tayo, hindi pa tayo tinitigilan." I said while caressing his face. Kinuha naman nya yung kamay ko at hinalikan.
" Don't worry, ginagawa na nila daddy ang lahat para maibalik si Roxanne sa kulungan. Maging ako ay nagtataka kung bakit nakapag-piyansa sya. Kumikilos na rin yung mga lawyers natin para sa kaso niya.Promise hindi na nila tayo masasaktan." determinadong turan nya.
Yumakap akong muli sa kanya. Parang gumaan na ulit yung pakiramdam ko habang yakap niya rin ako. Napawi na niya yung mga negatibong pakiramdam na sabay-sabay na sumalakay sa akin kanina. Noon lang talaga ako nagalit ng husto, yung nanginginig talaga sa galit. Feeling ko kasi, sinugatan na nga ako, hindi pa nakuntento, pinigaan pa ng kalamansi. Ang unfair lang kasi wala naman akong ginawang masama sa kanila.
Nung medyo kalmado na ako, iginiya ako ni Gelo papunta sa ibaba para makita yung bagong gawang gate at bakod.
Natuwa ako ng makita ko yung natapos nilang gate at bakod. Ang galing ng pagkagawa nila, pulido at mabilis. Hindi ko sila nakitang nagpahinga habang ginagawa nila ito, pati pagkain nga nila madalian para umabot sila sa deadline. Sana all, disiplinado.
***
NUNG sumunod na araw ay dinala naman kami ni Gelo sa beach. Gusto nyang gawin ang lahat ng maisip nyang activity dahil sa susunod na linggo ay may trabaho na kaming pareho. Kaya susulitin namin yung mga araw na libre pa kami para sa family bonding namin.
Isa sa pinaka-sikat na beach dito sa Auckland ang pinagdalhan sa amin ni Gelo. Nagtanong lang siya kay uncle Paul at ito nga yung tinuro nya. It is 45 minutes drive from our house, mabuti na lang may sarili na kaming sasakyan kaya hindi na kami nahirapan sa byahe.
Namangha ako ng makita ko ang lugar. There is no excuse not to escape to the fresh air and relaxation that this beach has to offer. This is famous for being the surf spot of the country. Magaling si Gelo mag-surfing, hilig nya ito mula pa nung mga bata pa kami. Tamang-tama itong napili nyang beach.
The black sand beach is impressive in itself, na sa bawat pagtapak mo ay nagbibigay ng warm feeling sa mga paa mo.
Nag-check in kami sa isang hotel sa malapit. Dalawang rooms ang kinuha namin, isa para sa aming mag-anak at isa para sa tatlong kasambahay na kasama namin. Balak naming mag-overnight kaya kumuha kami ng rooms.
Dahil halos lunchtime na, kumain kami sa mga nagkalat na kainan sa paligid ng beach. Reasonable naman ang price ng pagkain nila like fish and chips, burgers at iba't ibang klase ng seafoods. Matapos kumain ay nagbalik muna kami sa hotel para magpahinga. Sa hapon na lang kami maliligo para hindi masyadong mainit.
Pagkagising nung kambal mula sa afternoon nap nila ay nagyaya na agad silang bumalik sa dagat. Wala kaming nagawa ni Gelo kundi magbihis na ng panligo namin. Pareho sila ni Shan na naka-board shorts na kulay navy blue tapos sandong white samantalang kami ni Yella pareho kaming naka-rashguard na kulay red and black.
Tuwang-tuwa na lumusong sa tubig yung dalawang bata. Sa may bungad lang kami ni Yella naglulublob samantalang yung mag-ama ay panay ang swimming dun sa medyo malalim na parte. Pero hindi naman sila pwedeng lumampas dun sa flag, kasi bawal na dun.
Nung mapagod kami sa paglangoy ay naupo na lang kami sa pampang at naglaro ng buhangin. Nagpaalam naman si Gelo na magre-rent ng surfing board dahil susubukan daw niya uling mag-surf. Ilang taon na rin daw kasi nyang hindi ginagawa kaya ipa-practice daw ulit nya.
Dahil abala kaming mag-iina sa paggawa ng sand castle hindi namin namalayan na nakabalik na pala ang daddy namin sa dagat. May mga tumitili kasi na mga babae na mukhang impress na impress kaya napatingin kaming mag-iina.
And there he is, nagsu-surf nga ng buong husay at pinapanood ng mga kababaihan. Pumapalakpak kaming mag-iina dahil sa galing na ipinamamalas niya sa surfing. Nung matapos ay naglakad na siya pabalik sa amin pero sinusundan sya ng mga kababaihan, parang gusto siyang makilala dahil humanga sila ng husto sa kanya.
Napansin ko na huminto sya at kinausap yung mga babae. Okay lang naman sa akin kasi hindi naman nya pwedeng bastusin yung mga yon pero hindi okay para sa mga anak ko lalo na si Yella.
" Mom look at daddy, he is surrounded by girls." nakahalukipkip nyang turan tapos nakasimangot pa sya.
" Oh sweetie don't mind them, they are just admiring his skills in surfing."
" You think so? Is it okay with you?" gusto kong matawa sa anak ko, ang bata pa intrimitida na.
" It's okay sweetie, no worries."
" It's a no for me mom." sabi nya tapos biglang tumakbo papunta kay Gelo kaya napasunod kami ni Shan sa kanya.
Gusto kong humalakhak nung pagdating nya don ay bigla syang nagpamewang at sumigaw ng....
" Hey! He is our dad. And the beautiful lady here is his wife. So back off!"