Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 150 - Loyalty

Chapter 150 - Loyalty

Shanaia Aira's Point of View

NAGING abala na ako sa mga pasyente matapos kong dumaan sa NICU. Akala ko kung ano yung kailangan ni dr. Martin, yun pala ipapakita lang niya sa akin yung baby na halos mag-agaw buhay nung isang araw. Maayos na ito ngayon at wala na yung mga aparato dun sa katawan ng baby. Pre-mature kasi ito kaya medyo mahina.

Pauwi na ako nung mapadaan ako sa garden. Wala na yung mga nag-sshooting, mga crew na lang yung nagliligpit ng mga props na ginamit. Mabuti naman wala na yung si he who must not be named, nahihirapan kasi akong harapin siya.

Nakalabas na ako at papunta na ng parking lot ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Dada Jaytee is calling...

Excitement washed over me and I answered his call immediately.

" Hello dada! What's up?" sagot ko. Naglalakad ako habang kausap ko siya.

" Hey how are you?" sagot nya sa kabilang linya.

" I'm fine, pauwi na nga ako. Bakit mukhang hindi kayo makapaghintay sa video chat ko, miss nyo na ako?"

" Itong kambal nangungulit, gusto ka na daw nilang makita, nagpapadala dyan."

" Sorry wala pa kasi akong off, if its okay with you, you can bring them here."

" Really? I'd love that too. " masayang tugon nya.

" Kailan nyo balak? " tanong ko.

" Tomorrow. " sagot nya.

" Agad-agad? " gulat kong tanong.

" Hindi na ako pwede sa ibang araw. Next week marami akong gagawin. I'm free tomorrow and the next day. "

" Okay, tomorrow it is." sagot ko.

" Okay. I can't bring Feli with us."

" Why? "

" Laging nahihilo at inaantok. Ano sa palagay mo doktora?" tanong niya.

" Hoy may background ka rin sa medicine kahit paano. Magbunyi kana. It's positive."

" I'm so excited you know." masayang turan niya.

" Nasaan yung mga bata, pakausap nga. " narinig kong tinawag niya yung dalawang bata.

" Hello mommy, we miss you." boses ni Shan yung narinig ko. Nag-kwento siya ng kung ano-ano tapos ipapasa naman niya dun sa kakambal. Kung hindi ko pa sinabing gagabihin na ako hindi pa ibababa yung tawag.

" Okay baby, see you soon. I love you both." paalam ko sa kanila. Isinilid ko na yung phone sa bag ko at binuksan ang pinto ng driver's seat.

" Ang saya talaga kapag buo ang pamilya." muntik na akong atakehin sa puso sa sobrang gulat dun sa nagsalita sa likod ko. Natuod ako sa kinatatayuan at parang nanigas din ang leeg ko kaya hindi ko magawang lumingon.

" Kung hindi ka siguro nawala at nagpakasal sa iba, may kumpletong pamilya na rin sana tayo. But anyway its in the past, I'm happy now with my life. Roxanne is a good person. She makes me happy and I'm beyond contented." sabi niya. Parang unti-unting hinihiwa ang puso ko sa narinig. Bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin yan? Para ano? Para saktan ako? Well,I guess I deserve it. Iniwan ko siya.

" Wala kang alam. " mariin kong turan. Nakatalikod pa rin ako, ayaw ko syang lingunin. Hindi ko kaya.

" Wala akong alam? Well, sorry if I overheard your conversation with your husband, I think that's enough, you don't have to explain. It's positive right? You're pregnant again with his child." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. My goodness, mali na naman ang pagkakaintindi niya.

" I'm not pregnant! How can I be? wala naman ang asawa ko sa tabi ko. " well nasa likuran ko pala.

" What? Kaya pala nakikipagkita ka dun sa doktor sa taas kasi wala ang asawa mo dito. And you call that loyalty?"

" I AM LOYAL!" mariin kong turan. Malapit ng sumabog ang kinikimkim kong sakit.

" If you are truly loyal, wala sana tayo sa sitwasyong ito, but anyway thanks to your loyalty, masaya ako ngayon kung nasaan ako. "

Humarap ako sa kanya. Tinatagan ko ang sarili ko para hindi ako bumigay. Tinitigan ko sya sa mga mata, nakita kong may dumaang pagkasabik doon pero napalitan din agad ng malamig at pagkagalit ang mga mata niya.

" Darating ang araw na malalaman mo rin ang lahat pero sana pag dumating ang araw na yon, hindi ka magsisi dahil sa mga binitawan mong salita ngayon.Hawakan mong mabuti yang kaligayahang meron ka ngayon para hindi na mawala pa sayo. Excuse me kailangan ko ng umuwi. " tinalikuran ko na siya at sumakay na sa kotse ko. Bahala siya kung ano ang isipin niya. Matalino naman siya, unawain na lang niya.

Pinaandar ko ang kotse at mabilis na umalis sa lugar na yon. Nakita kong kumilos na rin siya at tinungo ang sasakyan niya. I wonder where is his girlfriend. Paano siyang nakipag-usap sa akin ng hindi alam ng girlfriend niya?

Ang sakit ng mga salitang binitawan niya sa akin. Mga akusasyon na walang basehan. Parang hindi na siya yung dating asawa ko. Yun kasi hindi ko naririnigan ng masasakit na salita. Mahal na mahal ako nun pero yung Gelo ngayon iba na, ipinamumukha pa niya sa akin kung gaano siya kasaya ngayon.

Ilang taon na ba sila? Dalawa? Tatlo? At ganon na siya kaligaya? Humigit ba yun sa dami ng taon na pinagsamahan namin?

Marahil mas minahal niya yun kaysa sa akin.

Sa isiping yon parang mas lalong lumalim yung sakit sa puso ko. Talking about loyalty and being loyal. Sa aming dalawa sino ba ang hindi naging loyal?

Kapag natuklasan niya ang katotohanan alam ko na masasaktan siya sa mga binitawan niyang salita sa akin. At ayokong may pagsisihan siya. Kahit naman siya yung talagang bumitaw sa aming dalawa, hindi ko pa rin makuhang mamuhi sa kanya. Yung galit kasi kayang takpan ng sobrang pagmamahal. At sa laki ng pagmamahal ko sa kanya, kaya kong isantabi ang galit na maaaring maramdaman ko.

KINABUKASAN. Pumasok ako sa ospital na medyo mugto ang mata ko. Umiyak ba naman ako ng umiyak paanong hindi mamumugto. Naglagay ako ng concealer at nag make up na rin ako pagdating ko sa station namin para mawala yung pamumugto. Mabuti na lang maaga pa at solo ko yung CR.

Paglabas ko ng CR ay para silang tanga na nakatingin sa akin. Walang kumikibo basta nakatingin lang sila na parang namatanda.

" Anyare sa inyo?" nagtatakang tanong ko.

" Dra. Aira ikaw ba yan o isa kang anghel?" nakatulalang wika pa ni dra. Cherry.

" Ha?"

" Ay grabe doktora, ang ganda mo talaga. Mas maganda ka pa sa mga nag-sshooting dyan sa labas." sabi naman ni dra. Rica.

" Grabe kayo! Nag-make up lang ako ng konti para na kayong natuka ng ahas dyan. "

" Saang lupalop ka ba galing? Bakit hindi mo alam na maganda ka? Sobrang ganda! Doon ba sa pinanggalingan mong mundo eh hindi uso ang pangit? " si dra. Elaine naman.

" Anong sinasabi niyo? Diyan na nga kayo at mag-rrounds na ako. " paalam ko sa kanila at dinampot ang chart.

" Huwag! Baka makita ka ng idol Gelo ko at iwanan yung Roxanne na yon. " napatingin naman ako kay dra. Che. Bakit ba parang may nakalagay nga sa noo ko na asawa ako nung isang artista sa labas? Lagi nya akong tinukso dun eh. Kahapon pa.

Naku! Kung alam mo lang talaga dra. Che!

" Sus ayan ka na naman. Sige na dyan na kayo."

Lumabas na ako ng station namin at tumuloy na sa duty ko. Sa third floor muna ako tapos saka ako babalik dito sa ibaba.

Nadaanan ko yung garden papunta dun sa elevator. Mayroong eksenang kinukunan kaya napatingin ako. Nahagip ng tingin ko si he who must not be named. Napuna kong natigagal siya pagkakita sa akin. Yung parang reaksyon nung mga kasama kong doktora kanina.

Binawi ko kaagad ang tingin ko at dire-diretso ng pumunta sa elevator. Pero bago yun narinig kong sumigaw yung direktor nila.

" CUT! What happened to you Gelo? Hindi ka naman nagte-take 2 ah."

Hindi ko na narinig yung iba pa dahil sumakay na ako ng elevator. Lihim akong napangiti, yung sobrang iyak ko kagabi ay napalitan ng konting tuwa sa nakita kong reaksyon niya.

Natulala at na-distract sa ginagawa niya.

Hindi ko yun sinasadya pero yun ang nangyari.

Umpisa pa lang yan. Hahabulin mo rin ulit ako, hindi na magtatagal...

Itaga mo sa bato!