Shanaia Aira's Point of View
MABILIS na lumipas ang mga araw na hindi ko na halos namamalayan. Inabala ko kasi ang sarili ko sa pagbabagong anyo ng condo unit namin. Binago ko ang interior design ayon na rin sa suggestions ni Gelo. May ilang furnitures akong pinalitan at appliances na mas bago at sunod sa uso.
Yung mga pinagpalitang furnitures at appliances ay pinabenta ko online sa page ni Charlotte. May online business kasi sya kaya nakisuyo ako. Ilang araw pa lang nai-post ay dumagsa na ang gustong bumili. Mga slighty used naman kasi tapos quality pa yung brand at higit sa lahat half na yung price pag binili. Mukhang bago pa nga lahat kasi maingat naman kami ni Gelo sa gamit.
After a week, sold out na ang mga gamit at may naghahanap pa nga daw kaso wala na talaga. Yung kinita ay inilagay ko sa joint account namin ni Gelo at syempre may porsyento din si Charlotte mula dun sa pinagbilhan.
Dahil sa pagiging abala ko, nawawala yung atensyon ko sa mga balitang showbiz. Hindi ko na pinanunuod o pinakikinggan yung mga balita tungkol kay Gelo at Gwyneth para hindi ako ma-stress. Ang mahalaga, nagkikita kami ni Gelo sa bahay, nag-uusap, sabay kumakain ng agahan at nag-eexercise sa gabi. That's enough for me and I'm satisfied with that.
Nag-start na yung shooting ng pangalawang movie nila ni Gwyneth kamakalawa. Ang location ay dito lang halos sa Metro muna tapos ang pinaka-malayo ay sa Batanes pero sandali lang daw sila doon.
" Hi baby! What's up?" bungad ni Gelo sa kabilang linya. Tumatawag sya during break period nila at medyo pabulong pa dahil baka daw may makarinig.
" Okay lang bhi. Tapos na akong mag-lunch. Inaayos ko lang yung mga damit natin sa closet. Nag-lunch ka na po? " malambing kong tanong.
" Yup, katatapos lang. Lumabas nga ako para makausap kita. Miss na kita agad." sagot nya. Natawa ako, kanina lang magkasama kami sa breakfast. Ang clingy talaga.
" Anong oras ka makakauwi?" tanong ko. Nung dalawang araw na nakalipas kasi ay medyo maaga siya, wala pa raw kasi siyang gaanong scene kaya nakakasabay ko sya sa dinner.
" Marami akong scenes na isu-shoot ngayon kaya mauna ka na mag-dinner. Wag ka magpapagutom baby, ite-text kita kapag pauwi na ako."
" Okay bhi. Ingat ka. I love you."
" Alright. I love you more baby."
Matapos ang tawag ni Gelo ay inabala kong muli ang sarili ko sa pag-aayos ng unit namin. Kailangan matapos ko na ito dahil ilang linggo na lang pasukan na namin sa med school.
Hapon na nung matapos ako sa ginagawa. Pumunta ako ng kitchen upang tingnan ang stocks namin sa fridge. Halos paubos na pala ang laman kaya napagpasyahan kong pumunta sa supermarket na nasa katabi lang ng condo unit para mamili.
Naligo ako at nagbihis ng simpleng puting v- neck t-shirt at maong pants. Naka-slippers lang ako na Havaianas.
Pagdating sa supermarket ay medyo marami ang namimili. Kumuha ako ng push cart dahil medyo marami ang bibilhin ko, mostly ay meat at pang-ulam sa breakfast.
Inuna ko yung mga toiletries at cleaning aids. Tapos mga pang-agahan at sa huli yung mga pang-ulam tulad ng chicken, pork at beef.
Nung matapos na ako ay dumiretso na agad ako sa counter. Nung malapit na ako ay aksidente kong nabangga yung cart nung isang babae na nakikipag-unahan sa pila.
" Ouch miss, dahan-dahan naman! Bulag ka ba?"
" Ay sorry bigla ka kasing sumulpot kaya nabangga ko yang cart mo pero hindi ako bulag miss." sagot ko. Medyo nakangiti pa ako. Chill lang.
" So pinagbibintangan mo akong sumisingit kaya nabangga mo ako, ganon?"
" Sayo na nanggaling yan, hindi sa akin miss. May narinig ka ba sa akin?" napahumindig sya sa sinabi ko. Nagsisimula na tuloy dumami yung mga taong nakikiusyoso sa palitan namin ng salita. Siya lang naman ang hyper, mahinahon naman ako.
" Masyado kang epal miss. Mauna ka na sa cashier baka hinihintay ka na ng amo mo,baka makaltasan ka pa ng sahod." nagulat ako sa sinabi nya. Amo? Sahod? Hala, mukhang napagkamalan pa akong kasambahay nitong babaeng ito. Komo naka-tsinelas lang ako, kasambahay na?
Nauna na nga ako sa pila at siya naman ang sa likuran ko. Panay ang murmur nya ng kung ano-ano pero hindi ko na lang pinapansin. Ayoko ng gulo, gusto ko world peace.
Nung ako na ang nasa counter, nakilala agad ako nung cashier. Regular customer naman kasi ako dito kaya halos lahat sila kilala ako.
" Hi ma'am Aira! Kumusta po. Mukhang ngayon lang kayo nag-grocery ulit ah?" masayang bati sa akin nung cashier.
" Hi Betty! Oo nga, medyo busy kasi ako lately kaya ngayon lang nakapamili." sagot ko.
" Kita mo nga naman, kapangalan mo pa yung umeepal sa Gelo-Gwyneth love team. Pareho rin kayong epal. " singit na naman nung babae sa likuran ko. Ano ba problema sa akin nito?
" Miss Betty pwedeng pakidalian mo na yang pag-punch sa items ko. I'm starting to lose my patience here. " sabi ko sa kahera tapos inabot ko na yung pera ko para sa bayad.
" So, ikaw nga si Aira Gallardo. Tama ako di ba? Ang dakilang best friend ni Gelo na isang malaking hadlang sa magandang relasyon nila ni Gwyneth. Miss, kaming mga Gelonatics, wala kaming ibang gusto para kay Gelo kundi si Gwyneth lang. Maganda ka nga pero hindi kayo bagay, si Gwyneth ang bagay sa kanya. Kaya kung ako sayo huwag ka ng umepal sa kanila, kaibigan ka lang! Kaibigan na ipinagsisiksikan ang sarili kay Gelo! " biglang nag-init ang ulo ko sa pinagsasabi ng babae sa likuran ko. Anong karapatan nyang pagsalitaan ako ng ganito?
Huminga ako ng malalim, pilit hinahagilap ang konting hinahon na mayroon pa ako. Wala siyang alam sa kung ano ang mayroon kami ni Gelo kaya hindi ko na dapat itong patulan. Pero kailangan ko syang imulat sa kung ano ang tamang asal.
" Miss hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. Hindi mo rin alam kung ano ang estado ko sa buhay. Huwag kang manghusga ng kapwa, kasi pagdating ng araw susulitin mo yan sa Diyos. Oo kaibigan lang ako ni Gelo pero ikaw miss fans ka lang. Sino sa atin ang higit na nakakakilala kay Gelo at nakakaalam ng nararamdaman nya? Hinay-hinay lang sa paghusga sa kapwa miss lalo na kung hindi mo lubusang kilala. Now if you'll excuse me, marami pa akong gagawin. Thank you Miss Betty." paalam ko sa cashier saka walang lingon likod na lumakad na palayo.
Habang naglalakad ako pabalik ng unit namin, bigla na lang bumuhos ang luha ko. Kahit naman wala silang alam tungkol sa amin ni Gelo at dun sa katotohanan sa kanilang dalawa ni Gwyneth, nasasaktan pa rin ako.
Yung pagsalitaan ka ng harap-harapan ng masasakit ay naaapektuhan pa rin ako kahit paano. Ilang ganito pa ba ang titiisin ko para sa love team nila at career ni Gelo? Kahit pa sabihin ko na sanay na ako, iba pa rin yung inaaway ako ng ganito.
Kaibigan lang ang alam nila na relasyon ko kay Gelo, nagagalit na ang fans nila ni Gwyneth. Paano pa kaya kapag nalaman nilang ako ang asawa ni Gelo? Baka hindi lang ganito ang abutin ko.
Pinahid ko ang luha ko nung pasakay na ako ng elevator. Hindi ko na nga pinansin yung guard nung batiin nya ako kasi yumuko ako para hindi nya makita yung pag-iyak ko.
Nung nasa harap na ako ng unit namin, nagulat ako sa taong naghihintay sa akin sa labas.
" Saan ka galing? Umiiyak ka ba?"