Shanaia Aira's Point of View
I DON'T remember the media being this wild towards Gelo and Gwyneth's issue. Siguro dahil malaking scoop ito lalo na kung ang involve ay ang largest current loveteam.
Simula nung magkaroon ng deal between Gelo and Gwyneth, hindi na nga ako ginulo ng huli. Ngunit simula din nung araw na yon, sunod-sunod din ang interview sa kanilang dalawa, tv guestings at meet and greet sa mga fans.
Halos hindi na rin kami gaanong nakakapag-usap ni Gelo dahil madalas gabi na sya nakakauwi sa condo at kapag sa umaga naman matapos ko syang pakainin ng breakfast nagmamadali ring umalis dahil sa trabaho.
Halos isang linggo na kaming ganito pero naiintindihan ko, ginagawa lang naman nya ang trabaho niya at yung iniuutos ng management sa kanya at kay Gwyneth.
But as for Gwyneth, kahit for show lang ang lahat, kahit na para sa publicity lang ay isang malaking advantage na yon para sa kanya. That way napapalapit sya ng husto kay Gelo.
It's almost a month before my classes in med school begins. In two weeks time, magsisimula na rin ang shooting nila Gelo para sa bago nilang movie. Nagsimula na nga silang mag-ingay para don at yung nangyaring issue na nasangkot ako ay parang naging preparasyon pa nga kaya itinuloy-tuloy na nila.
Malungkot kong tiningnan ang mga niluto kong pagkain na nasa hapag para sa dinner. Kakatext lang ni Gelo na gagabihin na naman sya dahil hindi pa tapos yung meet and greet nila.
Niligpit ko na lang at nilagay lahat ng pagkain sa refrigerator. Wala akong ganang kumain. Ilang gabi ng ganito kami. Ni hindi na nga kami nakakalabas na magkasama dahil nahihinuha ko na maging iyon ay ipinagbawal na rin ng management nila Gelo. Kahit hindi nya sabihin sa akin yun ang nararamdaman ko. Bawal na syang makihalubilo sa bestfriend nya. Sa akin.
Kumain na lang ako ng sandwich at uminom ng gatas. Matapos iyon ay naligo na ako para maghanda na sa pagtulog. Medyo nasasanay na yata ako na sa umaga ko na lang sya nagigisnan sa tabi ko, hindi na rin ako nagtatanong kung anong oras sya nakauwi.
I'm beginning to dislike our situation pero pilit ko na lang iniintindi. Sabi nga ni Gelo, we're in this together. Alam ko naman na hindi rin nya gusto ang nangyayari sa amin, he just stomach it for the sake of his career, his job. And I know that if not for the breach of contract, he will definitely leave showbusiness right away.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, sleep was not kind to me so I decided to watch a late night show.
Pagkabukas ko pa lang ng tv, saktong nag-uumpisa ang Tonight with Tito Roy. May pinakitang taped interview nina Gelo at Gwyneth bago ipinakilala ang guest nila para sa gabing ito.
Base sa damit na suot ni Gelo, mukhang kanina lang ginawa ang interview, siguro bago sila pumunta sa mall kung saan gaganapin yung meet and greet.
Tito Roy : Gelo, I heard from a reliable source, may nakakita daw sa inyong dalawa ni Gwyneth na nag-dinner sa isang fancy restaurant the other night. Isa ba itong dinner date?
Nahagip ng camera na nagkatinginan muna si Gelo at Gwyneth matapos ang tanong ni tito Roy.
Gwyneth : Yeah. It was our first dinner date since he said that I'm special to him.
Gusto kong magngit-ngit dahil siya ang sumagot imbes na si Gelo.
Tito Roy : Let's say na walang nakasaad sa contract ni Gelo na hindi sya pwedeng makipag relasyon habang nakatali sya sa contract, may possibility ba na maging kayo?
Gelo : Maybe. It depends on her.
Gwyneth : Well, of course Gelo, tatanggapin kita.
Naghiyawan ang mga tao sa background sa sinabi ni Gwyneth.Tiningnan ko ang reaction ni Gelo, nakangiti lang sya at hindi na nagkomento.
Tito Roy : Huling tanong para kay Gelo. May mga pictures na kumakalat sa social media, mga picture nyo ni Aira Gallardo na puro romantic ang pagkakakuha, siguro ito yung sa isla kaya nagkaroon kayo ng issues nitong nakaraan. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Gelo : I don't know kung bakit nagkaroon kami ng ganoong pictures ni Aira. Those pictures are friendly. Were bestfriends and definitely have no romantic relationship with her.
Nakaramdam naman ako ng iritasyon. Kahit na wala sa loob ni Gelo ang sagot nya, at sumasakay lang sya sa sitwasyon, nakakairita pa rin. Ang hirap ng itinatago ka sa publiko.
Pinatay ko ang tv at nahiga ng muli. Kung ano-ano na naman tuloy ang naiisip ko. Kahit na anong gawin kong pag-reminisce dun sa mga happy moments namin ni Gelo, sumisingit pa rin yung nakakairitang sitwasyon namin ngayon. Hindi naman dapat ganito ang nararamdaman ko dahil nangako kami sa isa't isa na dalawa kami dito kaya lang napanghihinaan ako ng loob lalo na ngayong nagdaang isang linggo ay hindi kami nakakapag-usap ng maayos.
Aaminin ko, nangangamba ako. I feel like we are slowly drifting apart.
It's almost midnight when I heard his footsteps in our living room. Pumikit ako at nagkunwaring tulog na. Pero kung gigisingin maman nya ako, magpapagising naman ako.
Naramdaman ko ang pagpasok nya sa aming silid. Maya-maya ay naramdaman ko ang paglundo ng kama pagkatapos ay ang marahang pagdamping halik sa aking pisngi.
Nakaupo lang sya sa gilid ko at hinahagod ang buhok ko.
" Baby, I'm sorry. Dahil sa trabaho ko, halos napapabayaan na kita. I promised you that we're in this together but I failed this past few days. Nahihirapan ako dahil ikaw dapat ang priority ko pero sa nangyayari ngayon, mas inuuna ko ang trabaho kaysa sayo. Ilang lunch at dinner na ang niluto mo pero nasasayang lang ang effort mo dahil wala na akong panahong kumain. I miss you baby, so much pero wala akong magawa. Nakatali ako sa mundo na kinaaayawan mo pero pilit mong tinatanggap dahil sa akin. Ayaw mo sa showbiz dahil sa mga naranasan mo noon sa pamilya mo, naging malungkot at miserable ang buhay mo dahil doon kaya nangako ako na hindi ko ipaparanas sayo yon. Pero ano itong ginagawa ko? Yung ayaw kong maranasan mong muli ay tila yun ang ginagawa ko sayo ngayon. Alam kong kahit hindi ka nagsasalita, nasasaktan ka. And I'm beginning to hate myself because of that. I'm so afraid baby, so afraid to loose you. " panay ang halik nya sa kamay ko matapos nyang magsalita.
Gustong - gusto ko ng bumangon para sabihin sa kanya na ayos lang ako. Sa kabila ng pangamba at sakit na nararamdaman ko ay nandito lang ako. Umuunawa. Nagmamahal. Naghihintay.
Gusto ko rin na sabihin sa kanya na magkaroon muna kami ng space para magawa nya ang trabaho nya ng hindi nya ako iniintindi. It is better to be like that than to drift apart.
Gusto ko ng magsalita pero bakit parang may nakabara sa lalamunan ko?