Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 109 - Clarification

Chapter 109 - Clarification

Shanaia Aira's Point of View

PATULOY na naging usap-usapan ang pagiging " cheater" daw ni Gelo. Hinuhusgahan siya ng ilang fans at nakikisimpatiya naman kay Gwyneth. Mayroon din naman na nanahimik na lang at naghihintay na maglabas ng statement si Gelo.

Ang isang nakakawindang pa ay yung talagang nadawit ako sa issue. Ako raw ang dahilan kung bakit nag cheat si Gelo kay Gwyneth at inakusahan ako ng mga fans ni Gwyneth at ng love team nila ni Gelo na isang ahas at mang-aagaw.

Hindi gusto ni Gelo ang mga balitang lumalabas lalo na yung pagkakadawit ko sa issue pero sinabi ko na kumalma lang sya. Wala namang alam ang mga tao sa totoong relasyon namin. Pinayuhan ko sya na sundin na lang ang gustong mangyari ng agency nila, yung ipakitang may espesyal syang pagtingin kay Gwyneth. In that way, maaari na ring tumigil si Gwyneth sa paggawa ng issue laban sa kanya.

" Baby may interview ako sa Tonight with Kuya Roy tomorrow night. Are you sure you're not against on what I'm going to say to that interview?" tanong nya nung namamahinga na kami sa room. Kagagaling lang nya sa agency at in-explain ang side nya. Naintindihan naman daw sya at yun nga, sabihin lang daw nya sa interview yung gusto nilang mangyari. Ang palabasin na may maganda silang pagtitinginan ni Gwyneth at may espesyal syang pagtatangi dito.

" Bhi kung hindi ka magsasalita, lalo lang lalaki ang issue. Baka kapag naglalakad ako sa daan may bigla na lang sumabunot sa akin na fans." sabi ko.

" Yun ang huwag nilang gagawin, ang saktan ka nila. Hindi ako magdadalawang isip na ilabas ang totoo tungkol sa atin. Wala na akong pakialam sa kalalabasan ng career ko kung sakali man na may magkamaling saktan ka. Kinakaya ko pa yung mga pag-aakusa nila sayo dahil alam naman natin kung ano ang totoo pero yung saktan ka nila, ibang usapan na yun! " iritable na nyang turan.

" Easy. Kalma lang bhi. Hindi naman siguro aabot sa ganun kung magpapa-interview ka na. Promise hindi ako lalabas ng unit natin hanggat hindi ka pa naglalabas ng statement sa public. " tumingin sya sa akin at saka tumango. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

" I can't wait my contract to expire. I want to shout to the whole world that I have a beautiful, wonderful and amazing wife. Na hindi na kailangang magtago o magsinungaling para lang pagtakpan ang katotohanan. Basta baby for now, kapit lang at wag mo akong susukuan, matatapos din ang pagtatago, ang pagsisinungaling at handa akong masaktan para lang maprotektahan kita. " ramdam ko yung bigat na nararamdaman nya. Alam ko na kung pwede lang nyang takasan ang lahat, gagawin nya para lang maging maayos na ang buhay naming dalawa. Kaya lang kasi hindi ganoon kadali ang lahat, hindi siya pwedeng umalis ng basta na lang sa showbiz kasi makakasuhan sya ng breach of contract. At hindi biro ang halaga na babayaran nya kung sakali, triple ng halagang kinita nya at yun ang nakasaad sa contract nya.

I face him and cupped his handsome face with my hands.

" Bhi I'm here, hindi kita susukuan at kakapit ako ng mahigpit para hindi ako matinag ng anumang intriga na ipukol nila sayo. Sayo lang ako maniniwala at magtitiwala. Maghihintay ako hanggang sa pwede mo ng isigaw sa buong mundo na ako ang maswerteng babaeng pinakasalan mo. " bigla syang natawa sa sinabi ko.

" Silly. Isisigaw ko pa talaga na maswerte ka na pinakasalan kita? Hindi ba dapat ako ang magsasabi non? That I am so lucky because I am married to you. I am married to my dream girl. "

" Ihhhh kainis ka talaga bhi! "

" Why? Ano na naman ba ang ginawa ko? "

" Kinikilig ako! "

" Hahaha.. well that's my goal, remember? But I love you baby, so much. "

" Uhm.. I love you too bhi.. very much. "

THE next day.. Naghihintay na lang si Gelo sa call time nya. Live yung show ni tito Roy kaya gabi na rin sya aalis ng unit namin.

" You can do it bhi. I'll wait for you here. Promise hindi ako matutulog hanggat wala ka pa. " sabi ko sa kanya bago sya umalis.

" Alright. Lilinisin ko ang pangalan ko at yung maling akusasyon nila sayo. Kung ano man ang sabihin ko about me and Gwyneth, it's just for a show, tayong dalawa yung totoo. "

" I know bhi. Just take care and I'll pray na maayos na ang issue nating dalawa. Ang hirap matawag na cheater at mang-aagaw ha? Hindi ko bet yun. " natawa sya sa sinabi ko pero tinulak ko na sya palabas ng condo, male-late na sya parang ayaw pa akong iwanan.

Sinara ko na yung pinto pero ilang segundo lang may kumatok. Binuksan ko at ang nakangising si Gelo ang bumungad. Tinulak nya ako papasok at sinara ulit ang pinto.

" Bakit na naman bhi?"

" May nakalimutan ka po Mrs. Montero"

" Ano —" hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nya akong hinalikan sa labi. Matagal. Mapusok.

" Hay grabe sya. Hindi ako nakahinga dun ah!"

" Alam mo naman kasi na hindi ako umaalis ng hindi nagki-kiss sayo. Bakit nakalimutan mo?"

" Sorry naman nawala sa loob ko. Sige na baka ma late ka pa sa call time mo." untag ko sa kanya. Lumapit na ulit sya sa pinto pero bago nya buksan, ninakawan na naman ako ng mabilis na halik sa labi. Napapailing na lang ako ng tuluyan na syang lumabas ng unit namin.

Nag-ayos na lang ako ng unit namin habang hinihintay ko ang pag-ere nung show ni tito Roy.

Pagkalipas ng halos isang oras, nag text si Gelo na nasa studio na raw sya at hinihintay na lang ang airing, naayusan na raw sya at kasalukuyang nasa dressing room.

Nung mag-umpisa ang show, naupo na ako sa couch at seryosong tumutok sa TV.

Pinakilala na si Gelo at matapos niyang bumati sa harap ng mga nanonood ay nagsimula na ang mga tanong sa kanya.

Tito Roy : Gelo, you were spotted in an island with Aira Gallardo, ang tanong ng publiko, bakit kayo lang dalawa ang pumunta sa isang romantic na islang yon?

Gelo : Tito Roy, hindi lang ito ang unang beses na nagbakasyon ako na kasama si Aira. Simula noong kabataan namin, pinapayagan kami na mag-travel na kami lang dalawa. I think there's nothing wrong with that, we're bestfriends at kumportable kami sa isa't isa.

Tito Roy : Kung ganoon, bakit inaakusahan ka ni Gwyneth na cheater? She said you are cheating behind her back with your bestfriend. How true is that?

Hindi muna nagsalita si Gelo. Hinihintay siya ni tito Roy na sumagot.

Tito Roy : Gelo?

Gelo : Yes tito Roy.

Tito Roy : Is it true? At totoo rin ba yung sinasabi ng ilang fans nyo na inagaw ka raw ni Aira sa kanya.

Huminga muna si Gelo ng malalim bago nagsalita.

Gelo : Aira has nothing to do about this. Hindi sya dapat sinasali sa issue na ito dahil walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya. I hate to admit this pero gusto ko lang linisin ang pangalan ko at ni Aira, wala po kaming relasyon ni Gwyneth. Hindi ko alam kung bakit nya sinabi na niloloko ko raw sya dahil kay Aira.

Tito Roy : Teka lang naguguluhan ako Gelo. Bakit nya sasabihin yon kung hindi naman pala kayo?

Gelo : Hindi ko po alam tito Roy. Wala po kaming relasyon dahil hindi po ako pwedeng makipag-relasyon hanggat nakatali ako sa contract ko.

Narinig ko ang pagsinghap ng audience sa sinabi ni Gelo. Mukhang nagulat sila sa isiniwalat nya.

Tito Roy : Whoa, really? Hindi mo ba sinasabi lang yan para malinis ang pangalan nyo ni Aira?

Gelo : That's the truth tito Roy. You can confirm it to my agency or even ask my manager.

Tito Roy : You mean si Gwyneth ang gumagawa ng kwento?

Gelo : I didn't say na gumagawa sya ng kwento. I'm just here to clarify things. Maybe she's just confused because I treat her nice then all of a sudden I'm with my bestfriend on a vacation. Its only a bonding with Aira and Gwyneth—well, maybe she didn't know this but she's special to me.

Muli kong narinig ang ingay ng audience. Yung iba parang kinikilig pa.

That was it.

Alam kong isang malaking kasinungalingan pero bakit parang may konting kurot sa puso ko?