Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 98 - Wait for me to come home

Chapter 98 - Wait for me to come home

Shanaia Aira's Point of View

THE premiere night of Gelo's movie was a huge success. Sa kabila ng mga nangyaring mga intriga at disgrasyang kinasangkutan ni Gelo ay mayroong kapalit na tagumpay.

Sa sobrang tuwa ng producer na si Mr. Chan, nag-announce siya na magbo-blowout sa buong cast and staff ng movie kasama na rin ang mga piling showbiz personality at mga kaibigan na dumalo sa premiere night.

Kasama kami syempre sa mga naanyayahan. Isang sikat at mamahaling restaurant ang napiling ipasara pansamantala para sa gabing iyon ng pagtitipon.

Sa Makati ang lugar kaya hindi na kami nahirapan sa pag-byahe. Nauna ang mga staff sa pagpunta kaya maayos na ang restaurant pagdating namin. Naroon na sina direk Cathy at mama D ng makarating kami ni ate Shane. Kasunod lang namin ang sasakyan ni ate Arienne kung saan nakasakay si mommy at tita Mindy.

" Congratulations anak. I know how proud you are for Gelo, just like me." bulong sa akin ni tita Mindy. Nasa isang table na kami nakaupo.

" Yes po tita. Nagmana po talaga si Gelo sa inyo ni tito Archie sa galing nya sa pag-arte." ngumiti si tita sa akin. Marahil ay naalala nya yung mga panahon na humahakot din sila ni tito Archie ng awards sa Famas at Film Academy.

" Magaling talaga ang anak mo mare. Standing ovation kanina ah. " humahangang turan ni mommy.

" Tita Elize, baka nakakalimutan nyo na mahusay din po kami ni Shane. May mga acting awards na po kami. Di ba Shane?" saad ng ayaw patalo na si ate Arienne.

" Hay nako ayaw talagang patalo nitong panganay ko mare. Ano kaya kung mag produce tayo ng movie na silang tatlo ang bida. What do you think mare? " sabi ni tita Mindy kay mommy.

" That's a good idea. Sige pag-usapan natin yan kapag libre yang tatlo at wala silang project sa iba. " sang-ayon ni mommy.

" Naku gusto ko yan. Ikaw Arienne, what do you think? " tanong ni ate Shane.

" Yeah. Nice idea. Hihintayin ko talaga yan mommy. " saad ni ate Arienne sa excited na tono.

" Sige anak, yayayain ko ang daddy mo at si tito Adrian na sumosyo sa amin ng tita Elize mo. " tugon ni tita Mindy. Tumango-tango si ate Arienne tapos bigla syang napatingin sa entrance ng resto.

" Hayan na sila Gelo! Sus hanggang dito ba naman naka-angla pa rin sa kanya yang babaeng yan?" mahina pero mariing pagkakasabi ni ate Arienne. Tila naiirita na sya kay Gwyneth.

" Shhh. Arienne baka marinig ka! " saway ni ate Shane sa kanya.

" Eh ano? Totoo naman. Sobra kung makadikit akala mo kanya si Gelo. Kung pwede ko nga lang sabihin na, hello heto ang fiancee ng kapatid ko, so back off." mataray na turan ni ate Arienne sabay irap pa. Natatawa na lang kami sa kanya.

Nakita namin na inalalayan ni Gelo na umupo si Gwyneth dun sa nakalaang table sa kanila. Kasama sa table na yun yung mga cast ng movie.Katabing table nila sina direk Cathy, Mr. Chan at mama D. Hindi ko na kilala yung mga iba pang kasama nila sa table.

Nagulat kami nang hindi umupo si Gelo sa table nila, bagkus ay lumakad papunta sa amin na dalawang table ang pagitan mula sa kanila.

" Hi family!" bati nya sa amin ng makalapit na sya. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

" Hoy Gelo! Bakit nandito ka?" sita ni ate Arienne.

" Bakit? Nandito ang baby ko kaya dapat dito rin ako." pabulong nyang turan.

" Hoy lalake wag ka ngang malandi dyan! Nagkalat ang mga taga media baka makahalata sila." pabulong din na wika ni ate Shane kay Gelo.

Sumenyas lang si Gelo na parang sini-zipper ang kanyang labi. Tumahimik na sya at behave lang sa tabi ko.

Pero dahil si Gelo sya, akala nyo ba behave lang yan? Nagkakamali kayo. Yung isang kamay nya nasa ilalim ng mesa at walang tigil sa kahihimas sa hita ko. Sinasamantala dahil mahaba ang table cloth, walang makakapansin sa pangahas nyang kamay.

" Bhi ano ba?" bulong ko pero nakangiti ako para walang makahalata na may nangyayari na sa ilalim ng table.

" Bakit ba baby? Hayaan mo lang ako, miss na kita eh." malapad din ang ngiti nya habang bumubulong. Napaka-pilyo talaga.

Kinikilabutan na ako sa ginagawa nya. Nakikiliti kasi ako sa himas nya. Wala naman akong magawa kasi baka makahalata sila. Ang hirap lang kasi pinipigilan ko yung pagragasa ng kiliti sa buong sistema ko. Baka mapapikit pa ako sa ginagawa nya, mabuko pa kami.

" Excuse me Gelo. Pwedeng pumunta ka muna dun sa table nyo kasi may mag-iinterview sa inyo ni Gwyneth?" sabi nung isang production staff kay Gelo. Pasimple nyang inalis yung kamay nya sa hita ko saka siya tumayo.

" Okay. Maiwan ko muna kayo dyan. Babalik na lang ako mamaya. " paalam nya sa amin.

After that, the food was served. Tahimik kaming kumain. Manaka-nakang sinusulyapan ko ang pwesto nila Gelo, tinitingnan ko kung kumakain na rin sya.

Sa gitna ng pagkain nila ay sumasagot din sila sa interview ng isang sikat na reporter. Naisip ko na mahirap din ang maging isang artista, pati pagkain mo ay hindi mo mabigyan ng tamang atensyon.

Halos hatinggabi na ng matapos ang celebration. Nagpaalam na kami sa producer, kay mama D at kay direk Cathy.

" Gelo mauna na kami. Hintayin na lang kita sa bahay ha? Ilang araw na tayong hindi gaanong nakakapag-usap man lang. " paalam kunwari ni ate Arienne kay Gelo pero ang pinatutungkulan ay ako.

Nakuha naman ni Gelo ang ibig ipahiwatig ni ate Arienne.

" Sige sunod na lang ako. Huwag kang matutulog, hintayin mo ako. " makahulugan din na sagot ni Gelo. Ngumiti siya ng tipid sa akin bago kami tumalikod para umuwi.

Tipid akong napangiti. Ang hirap talaga ng lihim na relasyon sa isang artista, patago-tago.

" Aira! " tawag ni ate Arienne sa akin nung pasakay na kami ng kotse. Nilingon ko sya ng nakangiti.

" Sabi ni Gelo, wait for me to come home daw."