Shanaia Aira's Point of View
LUMIPAS pa ang isang linggo at medyo nakaka-recover na si Gelo. Kaya yung routine ko sa loob ng halos dalawang linggo na school at hospital lang ay nakasanayan ko na rin.
Madalas pa ring dumalaw si Gwyneth at nitong mga nakaraang araw nga ay sa umaga siya pumupunta kapag si tita Mindy ang bantay kay Gelo.Sinasabi naman lahat ni tita sa akin ang nangyayari kapag nasa ospital si Gwyneth. Hindi iilang beses daw na nag-insist si Gwyneth na pakainin at linisin ang sugat ni Gelo pero nagpapakatanggi-tanggi daw sila ni Gelo. Alam naman din kasi ni tita ang mga motibo ni Gwyneth. She's trying to win Gelo's heart which I doubt na magagawa niya dahil nasa akin ang puso ni Gelo, hawak ko.
" Pwede ka ng lumabas ng ospital Mr. Montero at sa bahay na lang magpagaling. Yung mga gamot mo, kapag kumirot lang saka ka uminom, stop na rin yung antibiotics. After a few days pwede ka na ulit sumabak sa trabaho. I'm sure maalagaan ka naman ni Aira dahil med student siya, alam na nya ang gagawin. " sabi ni dr. Zapata kay Gelo at sa akin matapos nyang eksaminin ang sugat ni Gelo.
" Thanks po doc. Ipapaayos ko na po yung bill namin dito para makalabas na ako bukas ng umaga. " sagot ni Gelo.
" Okay. Sige maiwan ko na kayo at may pasyente pa ako sa ibaba na naghihintay. Pahinga ka ng mabuti Gelo." turan ni dr. Zapata saka lumabas na ng suite.
" Ano bhi, pupunta lang ako sa ibaba para magbayad ng bill natin, may gusto ka bang kainin para makabili na rin ako?" tanong ko kay Gelo.
" Wala akong gaanong cash sa wallet baby. Dalhin mo yung atm ko para yun na lang ang gamitin mo." utos nya.
" May pera pa ako bhi. Hindi ko pa nga nagagalaw yung binigay mo sa akin last month eh. " tanggi ko. Ang laki rin naman kasi ng ibinibigay nya sa akin monthly, pwera pa yung mga gastusin sa condo namin. Good provider talaga sya. Kundi nga lang bayad yung tuition ko sa med school the whole year, tiyak babayaran din nya.
" Baby, allowance mo yun. Bakit hindi mo ginagalaw?"
" Eh kasi—"
" Eh kasi nahihiya ka?" tanong nya. Tumango lang ako.
" Ano mo ba ako? I'm. your. husband. What's mine is yours too." pinagkadiin-diinan pa nya yung sinabi nya na para bang nakalimutan ko kung sino sya sa buhay ko.
" Oo na nga bhi. Kung ipagdiinan naman sa mukha ko eh. "
" Eh kasi nga po bakit ba ganyan ka? Nung ipinaubaya na ni tito Andrew sa akin ang pangangalaga sayo nung ma-engaged tayo, I knew from that moment my responsibilities lalo na nung magpakasal tayo. Ikaw nga ginagampanan mo ng husto yung responsibilities mo sa akin bilang asawa, kaya dapat ganun din ako. Hindi mo kailangang mahiya sa akin dahil ako na ang magpo-provide ng lahat ng kailangan mo. Hindi ba nga sabi ko sayo noon na lahat ng pagsisikap ko at lahat ng ipinupundar ko ay para sayo at sa magiging mga anak natin? It's because you're my wife and I love you. Understand baby? " what he said warmed my heart. He really loves me and no doubt about that. Naluluha ako na lumapit sa kanya at niyakap ko sya. Pinaghahalikan ko yung buong mukha nya.
" Hey! Why are you crying? " tanong nya habang pinupunasan nya yung luha ko.
" Wala lang bhi. What you said warmed my heart. I'm so lucky to have you. Sorry kung nagdalawang isip ako noon na mahalin ka. I hate to love you because you're an actor. You know that I hate showbusiness back then. Natakot ako pero mabuti na lang nilabanan ko yung sarili kong damdamin kung hindi wala sana ako sa posisyon ko ngayon. Isang mapalad na asawa dahil mahal na mahal ako ng isang Gelo Montero. "
" Oh ako naman yata ang paiiyakin mo. " tudyo nya.
" Haha. mabuti pa pumunta na muna ako sa ibaba para magbayad na ng bill. Baka magka-iyakan na nga tayo dito. " untag ko.
" Tears of joy naman yan baby. "
" Sino si Joy bhi? "
" Hahaha. patawa ka na naman baby. "
Pumunta na nga ako sa billing office at nagbayad. Pinababalik din agad ako ni Gelo dahil gusto na daw nyang maligo. Nitong mga nakaraang araw panay punas at wisik wisik lang sya. But in fairness, mabango pa rin sya kahit walang ligo.
Pagbalik ko ng suite ni Gelo ay nagtaka ako dahil medyo nakaawang yung pinto. Kaninang umalis ako ay alam kong isinara ko ito. Akmang itutulak ko yung pinto ng marinig ko na may kausap si Gelo.
" I told you before Gwyneth na ayokong pumasok sa isang relasyon. I am already married." nabigla ako sa tugon nya sa kausap nyang si Gwyneth, diyata't isisiwalat na nya ang lihim naming dalawa?
" W-what? Y-you are married already? No! hindi ako naniniwala Gelo. Sinasabi mo lang yan para tigilan na kita. " halos mautal pa si Gwyneth habang sinasabi nya yon. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pwedeng masiwalat ang tunay nyang relasyon sa akin. Hindi pa. Hindi pa sa ngayon.
" Yes! I am married to my career. Hindi ko kailangan ng anumang obstructions ngayon. Mabuting ibaling mo na lang sa iba ang paningin mo. Maganda ka at talented, marami pa ang darating sa buhay mo. I can't give you what you deserve." sagot ni Gelo. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nice one bhi. Sana lang makinig si Gwyneth sa kanya.
" No Gelo. I am very much in love with you at hindi ko pwedeng basta na lang ibaling ang paningin ko sa iba. "
" I'm sorry Gwyneth. Hindi ko matutugunan ang pagmamahal mo na yan."
" Hindi ako susuko Gelo. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." determinadong turan ni Gwyneth. Hindi ko na narinig pa ang tugon ni Gelo.
Ilang segundo lang ay naramdaman kong palabas na si Gwyneth ng pinto kaya patakbo akong bumalik muli sa may elevator para kunwari kadarating ko lang.
Nagulat pa sya ng masalubong nya ako. Namumula ang mga mata nya. Iniyakan na naman nya si Gelo. Kahit nakakainis siya, naaawa rin ako sa kanya. Mahirap magmahal ng walang katugon.
" Oh hi! Galing ka kay Gelo?" medyo friendly yung approach ko sa kanya.
" Yeah." tipid nyang tugon.
" Okay. Sige balik na ko sa suite nya." paalam ko saka ko sya nilampasan.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang pagtawag nya.
" Aira? " pumihit ako at hinarap sya.
" Yes?"
" Hindi ba talaga gusto ni Gelo na magkaroon ng karelasyon?"
" Oo ayaw nya. " kasi nakatali na sya sa akin.
" Why?"
" I don't know. It's his choice."
" You are his best friend since your younger years. Wala ba talaga syang nakarelasyon?"
" Maraming nagkakagusto sa kanya pero wala naman syang sineryoso. Priority nya kasi yung studies nya that time." sagot ko.
" Really? Hindi kaya may gusto sya sa isang tao pero hindi nya masabi dahil natatakot syang may masira? "
" What do you mean? " kinakabahang tanong ko. Mukhang may tumatakbong pagdududa sa isip nya.
" Kaya ayaw magmahal ni Gelo sa iba dahil in love sya sa bestfriend nya. " diretsong turan nya.
" What? "