Shanaia Aira's Point of View
I WOKE UP late than the usual the next morning. Feeling ko para akong battery na fully charge. Maayos kasi ang pakiramdam ko dahil kumpleto ako sa tulog. Hindi rin ako nagmamadali dahil wala akong pasok ngayon at may mag-aasikaso ng mga gawaing bahay para sa akin. Hindi naman sa ayaw ko ng gampanan ang mga bagay na dati kong ginagawa dito sa bahay, in fact mas gusto ko nga na ako ang personal na gumagawa non kaya lang kailangan din naman ng katawan ko ang pahinga. At iyon din ang gusto nila na gawin ko kaya buong puso akong susunod sa kanila. Para din naman iyon sa akin, sa kalusugan ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nakaligo na ako. Dumiretso ako sa dining room at mayroon na ngang nakahandang almusal para sa akin.
" Good morning po ma'am!" masayang bati ni Linda sa akin. Galing siya sa laundry area at mukhang tapos na syang maglaba.
" Good morning! Kumain ka na ba? Halika saluhan mo ako." untag ko sa kanya.
" Nagkape na po ako ma'am. Mamaya na lang po pagkatapos kong isampay ang mga damit." sagot nya.
" Mamaya na yan, wala akong kasabay dito. Hindi naman nagmamadali ang mga damit na yan. " pangungulit ko kaya wala na syang nagawa kundi saluhan ako sa pagkain.
" Tumawag po pala si ma'am Mindy, tinatanong po kung kinain nyo yung atay kagabi. Sabi ko po naubos nyo naman kaya natuwa po sya. Makakabuti po kasi yun sa inyo ma'am. " turan nya.
" Oo nga.Nagustuhan ko naman yung luto ni tita Mindy kaya naubos ko. Salamat Linda. "
" Walang ano man ma'am. Nandito naman talaga ako para alagaan kayo at pagsilbihan. Ayaw po ni sir Gelo na napapagod kayo. Hindi raw kasi kayo tumitigil sa kagagawa dito sa bahay kaya nagkakasakit kayo. Bilin po sa akin na huwag ko daw kayong hahayaan na gumawa dito sa bahay, ako raw papagalitan nya. Kaya ma'am huwag na po kayong kumilos ha? ako tiyak ang pagagalitan. " mahabang turan nya. Natutuwa naman ako sa kanya, ma-kwento sya, mukhang magkakasundo kami.
" Hayaan mo hindi ako makikialam sayo sa mga gawaing bahay pero sa pagluluto, hayaan mo na lang ako lalo na pag nandito si Gelo. Mas gusto nun ang luto ko, para na rin daw kasi nyang natikman ang luto ng mommy nya." wika ko.
" Ah sige po ma'am." sang-ayon naman nya.
" Ilang taon ka na ba Linda at nagpo-po ka sa akin? " nakangiti kong tanong. Feeling ko kasi ang tanda ko na.
" 29 na po ako ma'am. Syempre naman amo kita ma'am. " sagot nya.
" Okay pero huwag mo na akong i-po, kasi feeling ko ang tanda ko na. 22 pa lang ako. "
" Sige po ma'am. Ay sige ma'am. " napangiti na lang ako.
Natapos ang pagkain ng agahan sa gitna ng pagku-kwentuhan namin. Nakakatuwa siyang kausap at wala syang inilihim sa akin tungkol sa buhay nya. Ayon sa kwento niya, may isa siyang anak na lalaki na 10 years old na ngayon. Iniwan daw sya ng dati nyang kinakasama dahil nakahanap daw ito ng mas bata sa kanya. Siya na lang ang tumataguyod sa anak niya na iniwan naman nya sa pangangalaga ng mga magulang niya na nasa Quezon.
Habang nakikinig ako sa kwento ni Linda, hindi ko maiwasan na humanga sa kanya. Mag-isa lang niyang pinapalaki ang anak nya at hindi iyon madali. Maswerte na nga na may maayos syang trabaho at malaki magpasahod si tita Mindy. Paano kung sa simpleng pamilya siya napunta? Paano niya pagkakasyahin ang sweldo nya sa pagpapaaral at pagpapalaki sa anak nya? Ngayong nasa amin siya, sasabihin ko kay Gelo na itaas namin ang sahod nya para mas malaki ang maipadala nya sa anak nya. Sa isiping yon parang gumaan ang alalahanin ko para kay Linda. Masarap kasi ang tumulong sa kapwa lalo na dun sa mga taong naglilingkod ng tapat sa amin.
Yung buong umaga ko ay ginugol ko na lang sa pag-aayos ng mga gamit ko sa school. Pinalitan ko yung mga cover ng books ko at notebooks. Tinawag lang ako ni Linda nung kakain na kami ng lunch. Nang matapos ang lunch ay balik na naman ako sa mga gamit ko na hindi ko natapos kanina. Nakakainip naman yung ganito lang ang ginagawa ko, hindi ako sanay. Kahit sa bahay namin sa Dasma, mahilig akong makialam sa mga gawain ng mga kasambahay namin. Yung cook nga namin, madalas napapakamot na lang ng ulo nya kapag nakialam na ako sa pagluluto.
Hapon ng hilahin ako ng antok. Ganito pala yung effect nung vitamins na binigay ni ate Faith, nakaka-antok.
Mga 5:30 pm ng gulantangin ako ng sunod-sunod na pagkatok ni Linda sa pinto ko. Parang may pagmamadali siya kaya napabangon ako bigla at pinagbuksan sya.
" Ma'am halikayo, tingnan nyo, bilis!" parang maiiyak na takot na takot yung itsura nya kaya kinabahan naman ako. Hinila nya ako papunta sa living room. Napatingin ako sa nakabukas na tv at mayroong breaking news.
Breaking news : Nagkaroon ng kaguluhan sa isang mall sa Davao kung saan mayroong show ang grupo ni Gelo Montero para sa promotion ng kanilang pelikula. Napag-alaman na mayroong isang lalaki na umakyat sa stage at pilit kinukuha si Gwyneth Faelnar na kasalukuyang umaawit kasama si Gelo Montero. Ang lalaki diumano ay stalker ni Gwyneth at malaki ang pagkakagusto sa dalaga. May dalang patalim ang lalaki at ng akmang kukunin na nito si Gwyneth ay mabilis na nahila ito ni Gelo. Nailayo naman ng mga body guard ang dalawa ngunit nakahulagpos ang suspect at hinabol si Gwyneth at Gelo na pasakay na sana sa van. Inilabas ng lalaki ang patalim at sinaksak si Gelo Montero sa likuran. Sa ngayon po ay wala pang balita kung ano ang sitwasyon ni Gelo na naisugod naman agad sa ospital na malapit lang sa mall. Ang suspect ay nahuli at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Davao Police Station.
Nanghina ako sa balitang narinig. Para akong nauupos na kandila na napaupo sa couch. Iyak ako ng iyak at labis na kinakabahan. Nanginginig din ako sa takot.
Lord iligtas mo po ang asawa ko.
" Ma'am, ma'am ano nangyayari sayo?" panay ang yugyog sa akin ni Linda. Gising ang diwa ko pero parang wala akong pakiramdan. Iyak lang ako ng iyak. Maya-maya lang naramdaman ko na lang na unti-unting nanlalabo ang paningin ko at tuluyan na akong kinain ng kadiliman.