Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 81 - You are Mine and I'm Yours

Chapter 81 - You are Mine and I'm Yours

Shanaia Aira's Point of View

I WAS stunned for a moment. Its been five years since the last time I saw him. Ang laki na ng ipinagbago nya physically. Tumangkad din sya at medyo gumanda ang katawan. Mukhang sa gym na nakatira. Gwapo pa rin sya pero medyo nag-mature ng konti.

" Nice to see you here Aira. Kumusta na?" noon lang ako parang bumalik sa huwisyo ko nung magsalita sya.

" I'm fine Jaytee. We're fine." sagot ko.

" Are you guys on a vacation?" tanong muli nya.

" Yeah, with family. You, what are you doing here? I thought you were in Canada. " tanong ko.

" Work. I was assigned here 6 months ago. I work with a pharmaceutical company that based here in US, that's why. I live just a few blocks away from here." sagot nya. I just nodded.

" You knew Gelo, right? " turo ko sa kanya kay Gelo.

" Of course, the famous actor and your best friend. " sagot nya tapos biglang tumikhim si Gelo.

" Wrong. Her fiance. " mukhang nabigla si Jaytee sa sinabi ni Gelo pero hindi nagpahalata.

" Oh. Congratulations guys. I'm happy for both of you." nakangiting turan ni Jaytee.

" Thanks Jaytee. May kasama ka ba sa bahay?" tanong ko.

" Wala. I live alone for 6 months. Just me and Jigs."

" Jigs?"

" Yes, that Golden retriever puppy." turo nya dun sa puppy na nagpapagulong gulong na ngayon sa damuhan.

" Ah okay. Kung wala kang kasama sa Christmas eve, just drop by our house. That one with the white fences, dun kami. " itinuro ko ang bahay namin na natatanaw lang mula dito sa park.

" Sige. Okay lang ba kay Gelo?" parang nag-aalanganin pa syang magtanong. Alam kasi nya na sobrang higpit ni Gelo sa mga nanliligaw sa akin noon at isa sya sa muntik ng makatikim ng gulpe de gulat mula kay Gelo.

" Okay lang brod. She's mine already, there's nothing to worry about. " kaswal lang na wika ni Gelo. Sus wag ka, nagseselos yan.

" Okay." tipid na sagot ni Jaytee.

Nagpaalam na si Jaytee sa amin na uuwi na dahil pakakainin pa raw nya ang puppy na si Jigs.

Kami naman ni Gelo ay nanatili dun sa park na nagsisimula ng dagsain ng mga tao.

Nakaupo lang kami dun sa concrete bench habang tinatanaw yung mga batang naglalaro. Hindi siya kumikibo kaya hinayaan ko lang sya. May topak na naman yata.

" Bhi parang de javu lang. Hindi ba dito rin tayo tumambay nun nung ginawa mo yung song na Friends and Lovers? Sabi mo para sa special someone mo yun. I didn't realize na ako pala yung tinutukoy mo nun."

" Yeah, you're my inspiration in doing that song." parang walang gana nyang turan.

" Anyare sayo? Mukha kang nalugi dyan. " hindi na nakatiis na tanong ko.

" Tss! " umingos pa sya sa akin at tinalikuran ako.

" Teka lang. Hindi kumikibo. Check. Naka-busangot. Check. Asar na asar. Check. Tamad magsalita. Check. Alam ko na yang symptoms na yan bhi. I think may kinalaman ito sa isang tao na itago na lang natin sa pangalang Jaytee."

" Hindi ah! Paki ko dun."

" Sus. Amin-amin din bhi. Si Jaytee lang naman ang pinaka-matinding threat sayo noon di ba? Naalala mo yung King and Queen of the night? Dahil dun kaya naging tayo. Gusto ko ngang magpasalamat kay Jaytee kasi dahil dun, umamin ka sa feelings mo sa akin. Kaya imbes na magselos ka dyan, dapat nga magpasalamat ka kasi kundi sya na give way hindi ako magiging sayo." napatingin syang bigla sa akin.

" You mean kung hindi ako umamin sayo at hindi sya nag give way, siya ang pipiliin mo? "

" Oo at hindi. Oo kasi crush ko sya noon at hindi ko alam na may gusto ka sa akin. Hindi kasi crush ko lang siya at ikaw yung mahal ko talaga." nawala bigla ang pagka-busangot nya at napalitan ng malapad na ngiti.

" Talaga ba baby? Kailan mo talaga na-realized na mahal mo nga ako? " tanong nya. Nag-isip naman ako. Kailan nga ba?

" O kitam hindi ka kaagad nakasagot. Paano yung Jaytee na yon ang unang naging crush mo." nayayamot na namang turan nya.

" Wait nga! Iniisip ko pa kung kailan ako na-inlove sayo pero mas nauna kitang naging crush kaysa kay Jaytee noh! Grade school pa lang ako nun. Naaalala mo nung hindi kita masyadong pinapansin nun pag pumupunta ka sa bahay kasama ni ate Shane? Nahihiya ako kasi tinubuan ako ng crush sayo,eh ang pangit-pangit ko, mukha akong Betty la Fea tapos ikaw mala Chris Evans ka kaya pilit ko na lang ni-divert sa iba yung crush ko sayo. Tapos na-realized ko naman na in-love pala ako sayo nung may shooting kayo sa Baguio, iba yung naging tibok ng heart ko kaysa nuong crush kita. In denial lang ako pero alam ko yun na yun. " natawa ako sa reaksyon ni Gelo habang nagsasalita ako. Alam mo ba yung teen ager na nakatingin lang sa crush nya tapos nakangiti na parang nangangarap sa tanghaling tapat? Yan ang eksaktong ayos ni Gelo habang nakikinig sa akin.

" Hoy bhi! Kung makatingin ka dyan parang ako yung pinaka magandang nilalang na nakita mo sa buong buhay mo. Punasan mo nga yang laway mo, tumutulo." saka ko binirahan ng tawa pero deadma lang ang lolo nyo. Ang intense ng titig sa akin.

" Exactly baby. You are the most beautiful thing that I've ever seen. Yung sinasabi mong Betty la Fea ang itsura mo? Inlove na inlove na ako sayo nung mga panahong yun. Its just that, you're too young so I waited for the right time. Siguro nga I was threatened when Jaytee became so persistent kaya nasabi ko sayo yung feelings ko and yes I'm thankful, because of that you became mine and I'm yours. Yes baby, I'm yours from the very start. At gaya ng madalas kong sabihin sayo noon, si Gelo Montero ay para kay Aira Gallardo lang at tinupad ko sayo yon baby 2 months ago. I love you so much kaya kung nagseselos man ako, yun ay dahil mahal na mahal kita. Akin ka lang at sayo lang ako. Pag-aari mo na ako mula noon hanggang ngayon and beyond that. " madamdaming wika nya kaya medyo naluha ako. Napaka-romantic naman kasi.

" Nakakainis ka bhi. Bakit bigla kang naging romantic? Feeling ko linya mo yan dun sa movie mo pero hindi eh, alam kong galing talaga yan sa puso mo. Sampalok ka ba bhi? " bigla kong tanong. Nangunot naman ang noo nya sa pagtataka.

" What? Bakit sampalok?" naguguluhang tanong nya.

" Kasi kinikilig ako sayo eh. "

" Aha! pumipik-up line ka ha? "

" Kabaong ka ba, baby? "

" Eiw! Ang creepy naman! "

" Basta! sige na dali."

" Oh sige bakit?"

" Kasi patay na patay ako sayo."

" Ah sige eto naman. Romance novel ka ba?"

" Bakit? "

" In love na in love ako sayo eh. "

" Hahaha. Heto baby. Kabayo ka ba? "

" Kabayo? Bakit naman? "

" Gusto kitang sakyan eh. Tara na baby uwi na tayo. Nagrerebulusyon na ang katipunero kailangan gawan mo to ng paraan. "

" Hay nako bhi para-paraan ka talaga. "

Nagtatawanan kaming naghabulan sa park.Minsan ganyan kami ni Gelo, parang bata pa rin. Pero kahit ganon yung pagmamahal namin sa isa't isa simula pa nung bata kami ay naalagaan namin hanggang ngayon. Maaaring para lang kaming naglalaro na parang bata pero gaya ng isang bata ang tiwala namin sa pagmamahalan namin ay hindi matitinag ano man ang dumating.

Related Books

Popular novel hashtag