NAUNANG umalis si Gelo sa akin kinaumagahan. Bilib din ako sa taong yon, kahit puyat kagabi dahil pinayagan ko na syang mag-exercise, nagising pa rin ng maaga. 8am ang call time nya pero 7am pa lang umalis na sya. Sobrang professional nya bilang actor, never pa syang dumating ng late sa location nila.
Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga pinaggagawa nya kagabi, parang ilang taon na walang sexual activities. Nagpaka-performer talaga. Sumusuko ang katawang lupa ko sa energy nya.
Sinundo ako ni Gelo nung uwian na namin sa med school. Maaga daw na-pack up ang shooting nila dahil tapos na nilang i-shoot yung mga scenes dito sa Metro. In two days time, pupunta sila ng Palawan para dun na i-shoot yung mga natitirang eksena sa movie. Medyo nalungkot ako sa balita nyang iyon sa akin.
Nasa condo na kami at nagpapahinga sa couch. Parang nawalan ako ng energy mula kaninang ibalita nya na pupunta na sila ng Palawan.
" Ang tagal mo naman malalayo sa akin bhi . Kung one month kayo dun, aabutin na kayo ng Christmas. Nakakalungkot naman kung ganon." I pouted my lips but then he pinched my cheek.
" Cute mo baby. Syempre uuwi naman kaming lahat sa Christmas, may mga pamilya din naman yung mga co-stars ko pati si direk. Hindi naman ganun kalupit ang producer na pati holiday season ay magta-trabaho kami. Most probably, mga before Christmas, stop muna yung shooting then we will resume after New Year. Don't worry matutuloy pa rin yung bakasyon natin sa US, susunod na lang tayo kila tito Adrian. " turan nya. Nakayakap sya sa akin at nakasandal ako sa dibdib nya.
" Okay. Akala ko lang kasi, dire-diretso ang shooting nyo dahil hinahabol nyo yung playdate for Valentines day. "
" Oo nga, pero malapit na rin kasing matapos yung movie. Ilang scenes na lang. Mabilis kasing magtrabaho si direk pero pulido. May dubbing pa tapos promotion. Medyo busy na ako nun panigurado. Pero wag kang mag-alala, I will make sure to spend time with you kahit gaano pa ako ka busy. Manghihina naman ako kung hindi kita makakasama. "
" Ay ang hubby ko, biglang naging cheesy na naman. " tiningala ko sya.
" Hindi ka pa ba sanay baby ko? " tanong nya then he planted a light kiss on my lips.
" Hindi eh. Kinikilig pa rin ako. "
" Yan naman ang goal ko di ba? Ang pakiligin ka araw-araw. " sabi nya tapos kinurot na naman yung pisngi ko.
" Bhi naman ang sakit na ng pisngi ko! " reklamo ko.
" Nanggigigil na naman kasi ako sayo. Let's just cuddle baby , gusto kong sulitin yung two days na magkasama tayo. Aalis na kami sa makalawa. " malungkot akong tumingin sa kanya.
" Bhi." naiiyak kong sambit.
" O walang iiyak. Sandali lang yung one month. Actually wala pang one month kasi before Christmas uuwi na kami. May Video call naman, tulad ng dati. " pag-alo nya sa akin.
" Parang ang dali lang sayo. Palibhasa may kasama kang beauty queen doon."
" Nagselos na naman ang asawa ko. Alam mong malungkot ako baby pag magkakahiwalay tayo, tinitiis ko lang. Mahirap sa akin to, isipin mo, halos isang buwan akong walang exercise. Gulong ng palad na naman—" natigil sya dahil tinakpan ko ang bibig nya.
" Bhi naman! Ang naughty mo na! "
" O bakit, dalawa lang tayo dito tapos mag-asawa pa tayo. Anong masama doon? " may pilyong ngisi pa ang damuho.
" Basta! Naeeskandalo pa rin ako. Hindi ako sanay!"
" Hmm. Masasanay ka rin baby." sabi nya tapos sinimulan na akong halikan sa pisngi pababa sa leeg ko. Hayun na naman yung parang kuryente na dumaloy sa sistema ko. Itong si Gelo talaga, ang galing manlandi.
Hindi na naman kami nakapagluto ng dinner dahil hinila na ako ni Gelo sa room namin kanina. Alam nyo naman yan, ang lakas mang-akit. Kahit anong pagpipigil ko ay bumibigay din ako. Kasi naman, who can resist Gelo? Sobrang gwapo at ang sexy pa, parang Greek god sa Greek mythology. Ang lakas pa ng stamina, hindi ka rin mabibitin. Hayan, nahawa na yata ako sa pagka-naughty nya.
" Bhi, nagugutom ako." sabi ko. Napatingin syang bigla sa wall clock namin.
" Past 9pm na pala. Halika baby, sa labas na lang tayo mag-dinner para hindi ka na magluto. I'm sure napagod na naman kita ng husto." untag nya tapos kinarga ako papuntang bathroom to take a hot bath together.
Sa isang Italian restaurant kami napadpad, malapit lang ito sa condo unit namin dahil nasa may bukana lang ito ng Greenhills.
Hindi ako nakapag-salita nung dumating yung mga inorder na pagkain ni Gelo. Jusko lang, para kaming galing sa giyera sa dami ng pagkain sa harap namin.
" Bhi bakit ang dami nito? Kaya ba nating ubusin ito?" namamanghang tanong ko.
" Kaya yan baby, pagod ka, pagod din ako, remember?"
" Bwisit ka! kahit pagod ako hindi naman ako makaka-ubos ng ganyan karami. Ano ko, construction worker?"
" Hahaha. don't worry kapag hindi natin yan naubos, may mga street children dyan sa labas na pwede nating pakainin. " sabi nya.
" Hmm. pwede rin. Ang galing mo talaga bhi. Idol! "
" Haha. Baby talaga. " naiiling na turan nya sa akin.
Ganon nga ang nangyari. Yung hindi namin naubos ay pina-balot namin sa waiter tapos pinakain namin yung mga street children na nasa may parking lot ng restaurant.
" Ate, kuya, salamat po sa pagkain. Kanina pa po kami hindi kumakain." sabi nung isang batang babae. Naaawa naman kami ni Gelo habang nakatingin kami sa kanila na kumakain. Napaka-bata pa nila. Dapat sana nasa bahay sila sa mga oras na ito pero maging bahay yata ay wala sila.
" Nasaan ba ang mga magulang nyo? " tanong ko dun sa bata.
'" Si tatay po naglalasing. Si nanay naman po nagsusugal. Nagugutom po kami pero hindi nila kami pinapansin." sagot nung bata.
" Paano kayo kumakain sa araw-araw kung ganon?" tanong ko ulit.
" Namamalimos po kami ng mga kapatid ko." lalong sumibol ang awa sa puso namin ni Gelo para sa mga bata. Hindi dapat ganito.
Kinuha ni Gelo ang wallet nya pero pinigilan ko sya.
" Bakit baby? Bibigyan ko sila ng pera pambili ng pagkain." sabi nya.
" No. Baka kunin lang iyan ng mga magulang nila at hindi sila ibili ng makakain. Kasi kung hindi ganon, wala sila dito ngayon." nakakaunawang tumango si Gelo.
" What do you suggest then? " tanong nya.
Binuksan ko ang wallet ko at kinuha dun yung card ng isang fastfood chain. May laman ito na kung hindi ako nagkakamali ay mga 5 thousand pesos. Pwede silang bumili na gamit ang card na ito.
" Here, gamitin nyo ito pambili nyo ng pagkain sa fastfood na yon.May laman yan na 5 thousand pesos. " tinuro ko yung fastfood na hindi naman kalayuan sa pwesto namin.
Tuwang - tuwa yung bata nung kunin sa akin yung card.
" Maraming salamat ate, kuya. Matagal-tagal na rin po naming magagamit ito. Hindi na kami magugutom ng ilang araw nito. Salamat po."
" Walang anuman. Pakainin mo ng husto yung mga kapatid mo ha?" sabi ni Gelo. Nakangiting tumango lang yung bata.
Pinagmasdan muna namin sila na pinagpatuloy na ang pagkain nila. Tapos nagpaalam na rin kami at iniwan na namin sila.
Hindi kami parehong kumikibo habang pauwi. Parang may malalim kaming iniisip.
" Bhi?"
" Baby?" halos sabay pa kaming nagsalita. Natawa kami pareho tapos sumenyas sya na mauna na akong magsalita.
" I was just thinking, bakit hindi tayo magpakain ng mga street children kahit once a month lang? What do you think?"
" That's good. Ako naman gusto kong magtayo ng foundation para sa mga street children. Ano sa palagay mo?"
" Maganda yan bhi. Sige pagtulungan nating dalawa yan. " sagot ko.
" Baby? "
" Hmm? "
" You really have a good heart. " sabi nya tapos inangat nya ang chin ko at kinintalan ako ng magaan na halik sa labi.
" Ikaw din naman bhi. " he smiled at me and claimed again my lips for another kiss. This time it is deeper and hotter.
Nagpaubaya na lang ako hanggang sa tumagal ito ng ilang minuto. Natigil lang kami ng may kumatok sa bintana ng drivers seat. Nasa parking lot na kami ng condo.
" Boss magandang gabi po. Pasensya na sa abala. Mali po kasi kayo ng spot na pinwestuhan, sa second floor po ang spot na yan." nahihiya pa yung guard habang nagsasalita.
Nagkatinginan kami ni Gelo. Pareho pa kaming nag-blush yata. Sa sobrang busy namin sa kissing, hindi na namin namalayan na mali kami ng parking.
" Sorry boss, hindi na mauulit. " sagot nya sa guard tsaka dali-daling nagmaneho papunta dun sa usual spot namin. Nandoon nga yung McLaren. Mali kami talaga kanina.
Ang haharot kasi namin eh.