Charm's POV
My whole family is too excited for today. Bakit ano ba meron ngayong araw na 'to? Well, pamamanhikan daw ng mga Faulkerson sabi ni Tatay. Hindi ko maisip bakit sila ganito kaaligaga, para namang napaka-espesyal ng gabing ito. This is just another part of the circus that I am currently into. Bakit ba kasi hindi na lang kami ikasal ng judge and after that mag-kanya-kanya na kami ng buhay, tapos na agad ang palabas hindi pa gagastos na sobra-sobra.
From the last time I checked with Chloe, halos abot hanggang pang college tuition fee na ni Celestine ang nagagastos ng mga Faulkerson sa circus na ito, sana ibinigay na lang nila sa akin at nailagay ko na lang sa trust fund ng anak ko.
"Hindi ka pa ba magbibihis, Charmaine? Ang sabi ni Ricky papasok na daw sila ng toll gate." Tatay Teddy asked.
"Wala namang masama sa suot ko Tay, komportable po ako dito." I replied.
"Oo naman kung walang importanteng bisita, ayos lang ang short at puting t-shirt sa bahay. Umayos ka Charmaine Dei kung ayaw mong tamaan sa akin. Pumanhik ka sa kuwarto mo at magbihis ka ng maayos." Tatay instructed me.
"Pwede rin po bang magkulong na lang ako sa kwarto ko, Tay, habang nandito ang mga bisita?" I asked him sarcastically.
"Pwede rin naman, siguraduhin mong nakalock maigi ha, yung tipong hindi makakapasok si Celestine sa kwarto mo para dun ko patulugin sa kwarto namin ng Nanay mo. Malaki naman yung kwarto namin, pwede ko ngang ipagiba yung isang portion para magawang kwarto ng apo ko." Tatay said.
There he goes again, alam na alam nyang gamitin ang anak ko para siguradong mapasunod nya ako.
"Bibihisan ko na rin po si Celestine." I said in surrended.
"Pinabihisan ko na sa Yaya nya, wag ka nang mag-abala. Akyat na at baka abutin ka pa ng mga bisita sa gayak mong yan." He said and I was left no choice but to change.
In less than an hour the visitors arrived, si Tito Ricky, malamang Lolo at Lola ni Faulkerson Jr. ito and a pretty young lady na kamukha ni Tito Ricky, most probably sya si Rizza.
"Welcome to our home, how are you Uncle Danny and Auntie Linda?" My Nanay Mary said as she gives her respect to the Faulkerson folks.
"We are good, I'm happy to be back here, Mary Ann." Lola Linda said.
"Hindi pa rin nagbabago, mabuti naman you were able to maintain this house. Napakaganda pa rin." Lolo Danny commented.
"Thank you Uncle Danny." Tatay replied. "By the way please meet my children, This is Dean and Charmaine." He said introducing us to the visitors.
"I am happy to see you Dean and Charm, nakakatuwa na dalaga at binata na kayo. The last time I saw both of you eh sobrang batang bata pa kayo." Lolo Danny said.
"And this little girl here is Celestine." Tatay said.
"Hello Lolo, hello Lola." Celestine greeted habang nagmamano kay Lolo Danny at kay Lola Linda.
"Mag-bless ka rin kay Lolo Ricky, kay Tito RJ and to your Tita Rizza also." Tatay said.
"Hello Lolo Ricky, hello Tita Rizza and hello Tito RJ." Celestine said at nagmano din kay Tito Ricky, Rizza at RJ. I do not know pero hindi ko maintindihan ang expression ni RJ nung nag-bless si Celestine sa kanya.
"Ang layo ng byahe nyo, let's go straight to the dining room for our dinner." Nanay said. "Salamat nga po pala sa mga ipinadalang nyong pagkain, sobra-sobra naman po ito Auntie, tayo-tayo lang naman ang kakain." She told Lola Linda.
"Hindi ko kasi naitanong sa iyo kung ano ang favorite food ni Charmaine kaya ayan pinadala ko kung ano ang sa tingin ko ang masarap." Lola Linda said.
I admit, I was touch when Lola Linda considered sending us my favorite food. While Rizza suddenly wraps her arms around me. "Thank you, Ate Charm." She whispered and I got surprised.
"Para saan ang thank you?" I asked her.
"For accepting this arrangement, please don't back-out kasi siguradong ako at si Dean ang pupuntiryahin ni Lolo. Hindi ko kaya ang ganitong set-up, hindi ako kasing tapang ni Kuya RJ." She sincerely said.
"Ok lang, sandali lang naman ito at saka nag-usap na rin kami ng Kuya RJ mo kung ano ang dapat naming gawin. Don't worry, I won't back-out, basta wag lang akong bwisitin ng Kuya mong anak araw." I declared and she giggles.
"Mabait naman yang si Kuya RJ, annoying minsan but he definitely has a good heart." She said.
Everyone has our own agenda while having dinner. Rizza requested to sit beside me, so nasa gitna nila ako ni RJ. Sa maiksing panahon, I could say that I like Rizza, at natuwa ako when I saw how excited she is when I told her about my motocrossing. On the other hand RJ remains silent, he only speaks kung kakausapin, after his reply tahimik na ulit sya.
"Ricky told me na maganda ang church na nakuha nyo dito sa Bulacan." Lolo Danny said.
"Yes, Uncle Danny though we had no choice but to move the wedding three months earlier from the original schedule since yun na lang ang slot na available." Nanay said.
Dapat matuwa ako kasi na move ng three months earlier ang kasal ko para tapos na agad, pero hindi ako natutuwa kasi konting panahon na lang makakasama ko na sa isang bubong ang anak araw na 'to .
"Ok lang na to move it on an earlier date. By the way, Chloe is doing her job well. Remind me to give her a bonus after the wedding." Lolo Danny said.
"Mukhang wala nang chance pang tumakas si Menggay." Dean butts in. "Ooppsss .... Joke lang po." He quickly said when he saw a fierce stare from Tatay, buti nga sa yo Dean ang daldal mo kasi eh, akala mo siguro papalampasin ni Tata yang kalokohan mo.
"Sinong Menggay?" RJ abruptly asked.
"Meng ang nickname ni Charm dito sa bahay, kapag gusto syang tuksuhin ng mga kapatid nya, tinatawag syang Menggay." Nanay explained.
"So Menggay pala ha." RJ commented as if merong kalokohang iniisip ang gagong 'to akala naman nya magpapatalo ako sa kanya.
"Sus parang si Kuya lang, Tisoy ang nickname nya sa house eh. Nung buhay pa si Mommy, Tisoy ang tawag nya kay kuya RJ kasi sobrang puti nya eh, unlike kami ni Kuya RD na fair skin lang." Rizza said.
"Ang daldal mo Rizza, manahimik ka kaya." RJ told Rizza.
"Ok na yung Tisoy, mas maiksi kesa sa anak araw." I whispered to Rizza and we both giggles.
"I heard that." RJ said but I just shrug off my shoulder, pakialam ko naman kung narinig nya.
"May nabili na akong bahay sa Nuvali, a few blocks away from our house. Ok lang ba sa iyo sa Laguna, Charm?" Tito Ricky said.
"Kailangan po ba talagang tumira kami sa isang bahay?" I asked him.
"Of course, saan ka naman nakakita ng mag-asawang nakatira sa magkahiwalay na bahay?" Tito Ricky replied.
"Marami-rami din naman po. Sayang naman po kasi yung bahay kung hindi naman lagi matitirhan kasi yung business ko po nandito sa Bulacan ... mahirap din po kasi .... " I said but eventually Tito Ricky butts in and did not make me finish my sentence.
"Maybe dapat ilipat mo na lang ng school si Celestine, if that's what you're worried about, hija." Tito Ricky said and it shocked me. I don't remember telling them about Celestine.
"Napag usapan na namin yan ni Teddy. Celestine will be staying with us para naman hindi mahirapan ang apo ko sa schooling nya." Nanay Mary said.
"Maluwag ang bahay na binili ko. I also make sure that Celestine will have a place there." Tito Ricky replied. Kung shocked ako sa usapan ng mga magulang namin, nakita kong mas shocked si RJ.
"Wait a minute Dad, what do you mean by Celestine will have place in our house? Hindi ko maintindihan." RJ finally speaks.
"At the age of four, nanay ang dapat kasama ng bata hindi ang lolo at lola nya." I straightly said
"Nanay? Lolo at Lola? Are you saying na anak mo si Celestine?" RJ asked me.
"Yes, Celestine is my daughter, may problema ba dun RJ?" I asked him.
"You are an unwed mother? Ano 'to Dad? Ipapakasal nyo ako sa isang disgrasyada? Are you out of your mind Dad?" He exclaimed and that is the first time na natakot ako kay RJ.
"I am not out of my mind, but you are out of line, RJ." Tito Ricky fiercely said.
"But Dad ano ang sasabihin ng mga kaibigan ko sa akin. Sa estado ko ngayon mapupunta lang ako sa isang unwed mother. I can't do this Lolo. This is totally insane." RJ said.
"Excuse me RJ, iho, not because dalagang ina ang isang babae ibig sabihin masamang tao na sya at wala na syang karapatan para maging masaya at kilalanin sa lipunan. Kung ganyan ang tingin mo sa mga unwed mother then wala na akong magagawa dun. Pero isa lang ang sigurado ko iho. Hindi masamang tao ang anak ko." Nanay said.
"Bakit ano pa ba ang expectations mo? From the very start this set-up is already insane. Aware ka naman na hindi normal 'tong gagawin natin di ba? Kaya wag kang umarte na parang pinagtaksilan kita. I'm sorry po Tay, Tito Ricky and Lolo Danny, but I guess the wedding is not pushing through. Obviously hindi po ako ang umayaw. Kaya Tay, hindi po ako masamang anak." I said because I believe I needed to burst out my disappointment at RJ. "Excuse me po, I have to attend to my daughter. Pasensya na kayo Rizza, Dean, I was not able to spare you from this insanity." I said before I leave and walk to Celestine's room.