Chereads / You and I, Just the Two of Us / Chapter 1 - 1 - The Bride

You and I, Just the Two of Us

🇵🇭AnnieGL
  • 50
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 120.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1 - The Bride

Charmaine's POV

Oh well this isn't a good day for me because today is the day that my father will crucify me. Who would have thought that at this millennial era, arranged marriage still exists. Ang malas ko lang dahil isa ako sa makaka-experience ng arranged marriage na yun. I actually don't have anything against arranged marriage, but I don't like it. Perhaps because I never wanted to get married in the first place. That isn't my priority now, not ever.

I, Charmaine Dei C. Mendoza, the youngest daughter of Teddy and Mary Mendoza does not believe that love exists. Para sa akin kalokohan lang yang love na yan. Ang sabi nila love is a wonderful feeling eh bakit namatay ang bestfriend kong si Olga na malungkot dahil sa pag-ibig at hanggang ngayon hindi pa rin pinapatawad ni Tatay si Ate Nica, so anong wonderful feeling ang dala-dala ng love na sinasabi nila.

Yes, my Tatay and I will be meeting the man he arranged to marry me. Actually, si Ate Nica ang dapat magpapakasal sa kanya but my sister was very firm on her decision to go against my father's order. And yes again, it is an order and not a request. Kaya ayun biglang nagtanan ang ate ko at hanggang ngayon, hindi pa rin sya pwedeng bumalik sa bahay namin dahil galit pa rin ang tatay ko sa kanya.

After what happen to my best friend Olga who also happens to be my cousin, I already decided to live alone. Mas gusto ko na lang talagang maging single for the rest of my life.

"Are you sure about this meeting iha?" My Nanay Mary asked me while we are having our breakfast. "You know that you can always say no to this set-up" she added.

"Then what will happen next after kong umayaw, maging kagaya ni Ate na halos two years mo nang hindi nakikita? Ok lang po ako Nay." I replied to her.

"Gusto mo ba kausapin ko ulit ang tatay mo?" she asked

"As if naman may mababago sa desisyon nya kapag kinausap mo sya ulit" I commented.

"Nag-aalala lang naman ako sa yo anak. Gusto ko naman na mahal mo ang mapapangasawa mo. Ok lang ba talaga sa iyo ang ganitong arrangement?" She asked me again, but I just shrug off my shoulders because her worries does not bother me at all.

"Siguro po sa inyo ni Tatay applicable ang love pero sa akin po hindi. Sa dinami-dami ng mga lalaking nakakasalamuha ko, walang effect sa akin ang kahit na isa sa kanila. At saka, hayaan nyo na po yun at least may magawa naman akong ikakasiya ng lolo ko, kahit nasa kabilang buhay na po sya." I replied.

"Ewan ko ba kasi dyan sa tatay mo, matagal naman nang patay ang lolo mo bakit kailangan pang tuparin ang kasunduan na yan. Papaano kung makilala mo na ang lalaking talagang para sa iyo, paano ka nakakawala dyan sa sitwasyong papasukin mo? Nakakasama ng loob na parang wala na syang pinapakinggan pagdating sa kasunduan na yan. Hindi man inisip ang kaligayahan ng mga anak nya. Tingnan mo nga ang Ate Nica mo, hanggang ngayon hindi pa rin makatungtong dito sa bahay. Miss na miss ko na ang kapatid mo, Charm." Nanay Mary said

"Hindi ko rin naman po gusto ang ganitong sitwasyon Nay, mas tahimik po ang buhay ko kung walang lalaki na makikialam sa lahat ng gagawin ko. Pero Nay, ayoko po na mag-away pa kami ni Tatay tungkol dito. Naisip ko rin naman po na since arranged marriage lang naman 'to pwede ko pa ring gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. As long as hindi ako papakialaman ng RD na yun, magiging tahimik po ang buhay naming dalawa" I replied

"Nakita mo na ba ang itsura ng mapapangasawa mo?" Nanay asked

"Hindi pa po, hindi rin naman po ako interesado. At wala rin akong pakialam kung anong itsura nya dahil pagkatapos ng kasal, wala na dapat kaming pakialam sa isa't-isa. Bahala na po kami sa mga buhay namin." I replied.

"O paano kung pangit?" Nanay asked me.

"O eh di lalo akong gaganda kapag katabi ko sya. Pero sabi naman ni Ate hindi naman daw pangit although mas gwapo yung Daddy nya. At saka tahimik lang daw na parang kailangan pang bayaran mo sya para lang magsalita. Siguro kaya umayaw si Ate Nica kasi baka mapanis ang laway nya kapag naging asawa na nya si RD." I replied and Nanay giggles.

"Eh kung gwapo naman pala eh baka ma-in love ka naman." She said.

"Susme Nay, nagkalat ang lahat ng klase ng kagwapuhan sa mga motocross competition ko, hindi pa naman ako na-inlove sa kahit na sino sa kanila." I replied.

"Oh eh baka dito kay RD ma-in love ka na, na-meet ko na si Ricky Faulkerson, as well as his father Daniel Faulkerson, and I can say na tama si Nica na gwapo ang lahi ng mga Faulkerson at mababait din naman silang tao kaya ang tutoo hindi ako nag-aalala kung isa man sa anak ko ay maging miyembro ng pamilya nila. Malamang gwapo ang panganay na lalaki ni Ricky." Nanay said.

"Ano ba Nay, ano naman ang gagawin ko sa gwapo kung malambot naman ang tuhod. Imagine, una si Ate, tapos ako, pero sya pa rin. Parang hindi lang pagsasalita ang problema sa taong yun. Parang walang rin buto at sunod lang nang sunod sa sasabihin ng Daddy nya. May chance na syang umayaw nung nagtanan si Ate pero eto nag-second attempt pa sa akin." I commented.

"Siguro mabuting anak lang talaga si RD, ayaw mo ba nun mabuting tao ang mapapangasawa mo." Nanay said.

"May point ka naman Nay, sana nga hindi ako magkaroon ng problema sa kanya. Kung hindi sya nagsasalita eh di mabuti naman, hindi ako required na kausapin sya madalas. To each its own na lang ang set-up namin, para sa maayos na pagsasama." I replied.

"Hindi ko alam kung sasangayon ako sa desisyon mo anak. Ang tutoo, partly, natutuwa ako sa ginawa ng Ate mo kasi alam kong ipinaglaban nya kung saan siya magiging masaya. Ikaw rin anak, gusto ko maging masaya rin ang buhay mo kapag nag-asawa ka na. Pero hindi ganitong buhay ang inisip ko para sa iyo." Nanay Mary said.

"Wala naman akong balak mag-asawa talaga Nay. Basta wala kaming pakialamanan ni RD, pwede na yun sa akin, bahala kami sa mga buhay namin. No offense po Nay, pero walang nang ibang makakapagpasaya sa akin ngayon, si Celestine lang" I replied

"Paano na nga pala si Celestine? Isasama mo ba sya? Pwede naman syang maiwan dito sa amin para walang komplikasyon. At baka kasi magtaka yun bakit kailangan nyo pang umalis dito sa bahay." Nanay asked.

"Saan naman ako pupunta Nay?"

"Hindi ka na papatirahin dito ng tatay mo kapag nag-asawa ka na, natural titira ka kung saan ka dalhin at itira ng mapapangasawa mo." Nanay said.

"If that's the case, kahit saan ako tumira, sisiguraduhin kong kasama ko ang anak ko" I replied.