Pagkatapos namin kumain ng tanghalian, binuksan ko ang TV para may mapaglibangan si Josh, baka himalang magka-signal, baka kasi bored na rin 'tong lalaking 'to sa 'kin. Malabo ang reception ng TV. Mula sa gilid ng aking mga mata ko nakita si Josh chine-check ang kanyang phone.
"Deadspot pala dito sa lugar niyo," sabi ng binata.
"Oo from TV hangang phone walang signal. Kaya pag gusto kong mag detox from everything dito talaga ako nagtatago," sagot ko. "Dun pa sa may kanto ka makakasagap ng signal."
"I think that's what I need right now mag-tago and get away from it all," tila absent-minded na pagkasabi nito. "Hey may Scrabble pala kayo! Let's play!"
"Sure ka? Baka hinahanap ka na nila," I turned off the TV at kinuha ko ang board game mula sa glass cabinet. "Sorry medyo maalikabok."
"It's fine, actually rest day namin today, we've been shooting for two days straight. And I don't mind if it's dusty," after kong i-set up ang board hinayaan niya na kong mauna. "Ladies' first."
Swerte ko sa letters ko I put freedom using all my tiles. Double letter score para sa F and double word score. 34 points plus 50 points dahil naubos ko ang 7 tiles. "84 points! Haha, beat that!" paghamon ko kay Josh.
"We're just starting," ganting paghamon naman nito.
"Can I ask you something? Bat ka pala naglalakad kanina na walang kasamang guards? May idea ka naman siguro kung gano ka kasikat," I asked curiously.
"Ah na-miss ko lang din kasi maglakad-lakad na walang bantay. Last year nagagawa ko pa kasi, After ng first teleserye namin ni Cassie, nag boom bigla, and everything changed, both for better and worse. I just thought na baka hindi naman ako makilala dito. I was dead wrong. Tsaka may gusto kasi kong bilhin, yung buko pie na parang cupcake. Favorite kasi ng Yaya Precy ko yun, na naging favorite ko na rin," dinugtong ni Josh ang word na family sa naung word. "28 points."
Ang sweet naman nito sa yaya niya. "Bilhan na lang kita mamaya,"
"Taga-dito kasi yaya ko, and madalas rin ako sa kanila nun. Sa kanya na rin talaga ko lumaki. She passed away a month ago."
Thus the panic attack kanina, sa loob loob ko. "Ohh, so sorry to hear that..." Napahinto ako ilagay yung word ko sa board at napatingin sa kanya.
"Nah don't be. For sure ayaw rin ako nun ako malungkot," I put down the word memory habang nakikinig sa kanya.
"Speaking of, anong fondest memory mo of her?"
"Hmm, ang dami. Okay on top of my head. Nung lumaban ako for declamation contest sa school nung grade 4 ako. Wala sa family ko ang dumating. She felt so bad for me kaya iniwan niya mga gawaing bahay para panoorin ako and to show her support. I knew I was performing so bad pero she kept on giving me the thumbs up. Turns out ako yung first place! Wala siyang dalang camera to capture the moment kaya naki-camera lang kami sa isang classmate," kinabit nito ang word na yearn sa family, "Tapos the next day sa class namin, yung bully ng klase sinabi ba naman na, bat ganun mom mo mukang katulong? Ayun nasuntok ko nang di oras. Dugo ang ilong."
"Ay gagawin ko rin yun kung ako yun!" I said in agreement.
"Ayun nung nasa guidance counselor ako, si Yaya Precy pa rin ang pumunta instead na isa sa parents ko. First time to see her so angry at sinabihan akong wag kong ikakasama ng loob na tawagin siyang mukang yaya ng ibang tao, totoo naman daw yun at hindi siya maiinsulto sa ganung salita. Yakapin ko daw ang katotohanan para di na yun magamit ng iba para saktan ako. After that whenever I hear someone uses 'mukang yaya' as an insult. Sinasabi ko na lang 'what's wrong with that?' more often than not napapahinto sila.'"
"Wow your yaya was so precious..."
"Indeed she was! I miss her so much. Kaya siguro nagka-panic attack ako kanina. I guess I'm still mourning since siya talaga ang tinuring kong pamilya. Both mom and dad ko sobrang career driven at kinain rin ng sistema ng showbiz. Siguro kaya ginusto ko rin maging artista para patunayan in the future na kaya kong magkaron ng presence sa future wife and kids ko. Teka masyado nang pang MMK to. Ikaw? What's your worst childhood memory?"
Nilagay ko ang word na crying kakabit ng R sa memory. "Hmm siguro that day na iniwan kami ni papa, teka teka I'm gonna cry!" naramdaman ko talagang nangilid yung luha ko opening speech ko pa lang. Kahiya! "Ano ba tong topic natin kainis ka naman eh."
He was just looking at me as if telling me to go on.
"Hay grabe pala no?" pagpapatuloy ko, "Some memories parang hindi mo talaga mabubura lagi mo lang dala. Nakahanap kasi ng iba ang papa ko habang nasa abroad, sa US siya nag-doctor. Di siguro kinaya yung long-distance relationship. I was so disappointed kasi he really was a great father, nag provide sa 'min with everything. Kaya di ako makapaniwala nung iniwan niya kami. 'Tong house na 'to ang ancestral house nila na pinamana sa kanya na binigay naman sa 'min pati yung business niyang apartments for rent dito. Guilty ang lolo mo. Pag naalala ko parang kahapon lang nung lumabas ng pinto si papa at hinabol pa ni mama, nagmamakaawa na kami ang piliin. That shattered my world, we were reduced to being just 'a choice' when we should've been the 'priority'," tuluyan na tumulo luha ko pero dali dali ko ring pinunasan, "Ano pwede na pang-Magpakailanman di ba?" maski ako natawa sa biro in the middle of crying.
Inabot sa kin ni Josh ang panyong kinuha niya mula sa bulsa. "Sorry to hear that as well," Ilang segundong katahimikan nang sinabi ni Josh. "Pero masama loob ko sayo ah, kapamilya ko kapuso ka pala!" Natawa ako. Thank God nagagamay na ni Josh mag-alis na awkward moments.
In the end, nanalo nga si Josh sa Scrabble. Nilabas na nito ang vocabulary skills nito, words na kahelera ng "invective" at swerteng natatamaan ang multiplier boxes. Ako pang grade 5 lang yata ang vocabulary.
"So I win, pano ba yan? Anong prize ko?"
"Ano pa eh di yung buko pie!"
"I want something bigger than that!"
"Aba abuso, remember ako tagapag-ligtas mo kanina. Ready na nga akong giyerahin ng fans mo kanina no!"
"Di ba pwedeng humirit pa ng isa?" he flashed a very naughty smile,
"Hoy kung ano yang iniisip mo? Sisigaw ako, pagsisigawan kong andito ka at ma-mob ka uli!"
"Hoy ka rin miss, kung ano yang iniisip mo mali ka..." nakangiting sabi nito, "Our shooting here will last for two weeks or so. Pwede ba kitang dalawin pag off ko?"
"Bakit?"
"Well, I now consider you as a friend. And I'd like to hang out with a friend."
Friendzone ka te! Ngayon pa naman na you're starting to like him! "Pero what about Cassie?" tanong ko, "Parang di naman tama na kayo, tapos dadalaw dalaw ka dito?" .
"Huh? Cassie and I are just friends, loveteam yes, pero JUST friends," pinagdiinan tlaga nito ang just friends. Utos lang ng management na i-imply na kami. "Ikaw may magse-selos ba?" sumeryoso ang expression nito.
"Wala na."
"Wala na? So meron before?" naningkit pa mga mata ni Josh sa nang magtanong. This guy's such a flirt.
"Hmm yeah, we broke up a month ago. Nahuli kong may iba. Actually aspiring artista rin yun, nagkakilala kami sa isa sa acting workshops, ayun nagka-develop-an yadidi yada. May pabuo buo pa raw ng pangarap for the both of us magchi-cheat din pala sa huli, 'ra ulo."
"Ano pangalan papasipa ko agad kung makasama ko sa project," he said jokingly while right fist was punching his left palm.
"Ken Santos name niya. Kaya mo gawin yun?"
"I can call the shots," mayabang na pagkasabi nito.
"Uy wag na, maintriga ka pang power tripping. Tsaka may talent rin yun, humahanap lang rin ng timing."
"Mahal mo pa," he said as a statement.
Medyo nagulat ako sa tanong niya, "Not sure, pero one thing's for sure, di ko na babalikan yun no."
"Well, looking at the bright side, walang magse-selos pag dadalawin kita."
"At ako naman pagseselosan nang kung sino mang girl meron ka!"
"Hey I'm not dating anyone right now."
"Chos! Sa daming magagandang chicks na nakapaligid sayo?" taas kilay kong tanong.
"I promise wala, cross my heart. What I want is a genuine connection with someone, and mahirap mahanap yun, halos lahat ng nakapaligid eh puro fakes at rumormongers."
Nakatingin ako sa kanya, di pa rin makapaniwala na walang dine-date ito. Sa itsura at sa klase ng buhay ni Josh, kayang kaya nito magpalit ng babae kahit gabi gabi, heck kahit oras oras!
"Tsaka pinalaki naman ako ni yaya na may respeto sa babae."
"Fine sige na nga I believe you," inilabas ang loving yaya card, medyo na-guilty tuloy ako sa nasabi ko.
"So mahal mo pa?" out of nowhere na tanong nito.
"Si ex-jowa? Ewan... Anong klaseng tanong yan?"
"I'm just curious!"
"Di ko alam, di ko pa masasagot yan. May pinagsamahan rin kasi kami eh. Tsaka after what happened ayoko muna mag isip ng about romantic relationships. From my dad to my ex puro na lang heartbreaks ang dulot sa kin ng mga lalake. Hirap makakita ng loyal ngayon."
"Well, We really are a rare breed," puno ng kumpiyansang sabi ni Josh.
"Talaga lang ah. Kelangan ko ng proof."
"Sa ngayon you just have to trust my word, unless jowain mo ko para ma-prove."
"Tumigil ka na nga kung san san pa mapunta tong usapan natin," hinamapas ko sa braso ang mokong. Shet ang landi nitong Josh Vergara na to ah.
"Yieee kinikilig sya!" patuloy na buro ng binata.
---
Pagkatapos ng maraming kwentuhan, di namin namalayan na ala-siyete na ng gabi. Oras na para bumalik si Josh sa kanyang tinutuluyang hotel. Ngunit pag-check ko sa labas ay andun pa rin ang mga nag-aabang. Kaloka ang tiyaga nila!
"Yikes andun pa rin yung ilang fans mo at yung leader nilang baliw na baliw sa'yo," sabi ko kay Josh.
"At wala rin signal, di ko matawagan yung PA at yung driver."
Natahimik kami habang nag-iisip.
"Alam ko na! Di ba gusto mo maglakad-lakad sa labas na walang makakakilala sayo? Wait..." pumunta ko sa kwarto at may kinuha sa drawer. "Tada!!!" pinakita ko sa binata ang hawak kong daster at wig. "Eto oversized daster ng lola ko, etong wig from my gay friend Eli na patay na patay din sayo. Then with some make-up may instant disguise ka na!"
"Are you being serious right now?"
"I'm dead serious boy! Sige na! Live a little! YOLO!"
Matapos ang ilang minuto ng pilitan ay um-oo na rin ang binata. "Okay make-up muna." Habang nilalagyan ko ng kulay ang mukha nito, bigla ko naisip na sobrang lapit rin ng mukha ko sa kanya. Pumikit ito. His face was strong and defined but also exudes softness, and ngayon ko lang na-realize those things can go together. Habang kino-contour ko siya, kita ko ng 10-times ang facial features nito. Kaya naman pala ang daming nababaliw, mukang next na ako, wag naman.
When it's time to put on some lipstick, Bahagya akong napatigil. Those lips are ripe for kissing. Di ko napigil at nag-blush ako. Buti na lang nakapikit si lalaki. Nang matapos inilagay ko na rin ang wig sa kanya.
"Okay, ready ka na," tinapat ko ang salamin sa kanya.
"Wow, pwede na kong drag queen!"
"Okay magpalit ka na ng daster."
Paglabas nito sa kwarto ko kung san siya nagpalit at tawang tawa ako sa itsura niya. "Ganda mo girl!"
"Never ko na-imagine na magdaster in real life, di ko pa 'to nagagawa sa kahit na anong movie or TV shows na ginawa ko," amused na pagkasabi nito, "Kaso pano ko itatago 'to?" sabay flex ng biceps niya.
"Yabang nito," bato ko sa kanya. In fairness maipagmamalaki naman niya talaga. "Wala nga nagawa yan kanina nung nabubog ka haha."
"Aray, your words cut so deep you know."
"Teka final touch," may kinuha ako uli sa cabinet. Paglabas ay binalot ako ang balikat niya ng balabal, "There, I think you're ready to go!"
---
Successful ang pag-disguise ni Josh, buti na lang at talented ako mag make-up. Hindi siya nakilala ng mga tao at natuloy rin ang original plan niyang maglakad lakad. Tawa lang kami nang tawa most of the time. It's been a while since I had this kind of fun, kami ni Ken nun puro away na lang towards the end.
Nakadaan rin kami sa bakery na kung saan andun ang buko pie.
We reached his hotel at tinext niya ang PA niya. Para sunduin siya nito sa ibaba. Finally, signal.
"So, til next time. Sobrang salamat talaga Nea, Di mo lang ako na-save kanina, You made this whole thing a great experience. I had fun, and I'll never forget this," he suddenly leaned forward at niyakap ako. And gave me a kiss on my cheek. Naramdaman kong mamumula na naman ako.
"Wala yun ano ka ba, happy to help. Ako rin mukang di ko to malilimutan. One for the books."
Nga pala add mo ko sa Facebook, Kinuha nito ang phone niya at binigay sakin para i-search ang name ko. After kong makita ang account ko in-add ko ito.
"Confirm ko na lang pag nakapag online ako. Alam mo naman walang signal sa bahay at pang pre-paid lang ang carry ko."
"No worries," muli ay niyakap na naman ako nito, "One for the road."
"Nakakahalata na ko ah."
Pero siyempre ginantihan ko na rin. Mas mahigpit this time.