Chereads / Across The Starry Sky [Taglish] / Chapter 9 - The Party

Chapter 9 - The Party

It's been a month since lahat ng kaganapan with Josh. He was true to his word and lagi niya ako china-chat para kumustahin. Puro chat, mahirap na kasi dito sa Manila, mas lalo siyang di makakakilos at di malayang maka-labas labas. At mas lalong lapitin ng intriga.

Fully recovered na rin ang injury niya, kaya he's now on a roll with projects and gigs and appearances. In demand ang lolo mo.

Sa wakas ay tumawag na uli ang manager ko para bigyan din ako ng raket. Bilang isang brand ambassador sa isang launching party ng pinakabagong smartphone ng Samsung. Tunog sosyal yung job title ha, pero hindi ito yung tipong ikaw yung endorser ha. Bale pag brand ambassador ka, ikaw yung model na may hawak ng produkto, enticing potential buyers at ine-explain yung features ng gadget, lagi kang pa-sweet at pa-cute.

"Lins, this is urgent, nag-back out yung talent na dapat idi-dispatch ko for this event. Kaya ikaw na lang naisip ko, pag andun ka na sa venue, at tinanong ka nung Events Manager, dagdagan mo lang ng one inch height mo," halatang stressed na pagka-instruct sa kin ni Dadu.

"Dadu may height requirement pala, baka sipain ako palabas ng event!"

"Kilala ko yug manager na yun, straight yun, magpa-sweet ka lang uubra ka dun."

"Dadu! Are you sure about this?"

"Oo no, basta punta bukas ng 5PM sa Samsung Hall sa SM Aura (Aw-ra) pa pagka-pronouce ni Dadu), hanapin mo si Sir Ben, wag mo ko ipahiya Linea ah, sige pa-expire na all-net calls ko, bye," nagmamadaling sabi ni Dadu.

---

Nakarating ako sa venue before 5, at in-interview ni Sir Ben right away. The guy's in his 30s and had this very authoritative vibe na alam mong sobrang strikto.

"What's your height?" tanong ng manager at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Patay.

For the life of me, I really can't lie about these things kaya sinabi kong, "Honestly sir I'm only 5'3". I know required po na 5'5" but this gig's important to me kaya naisip ko might as well try..."

He rested his elbows on his table and propped his chin on the back of his hands, pinagmasdan ako maigi. "I like you, you're honest. I've seen countless models here lying about their height even if it's so apparent," he rolled his eyes at may sinulat sa resume ko. "We're gunning for specific height, because that's what the headquarters wants. Personally I don't care if you were a midget as long as you do your job. Face-wise you're definitely a Samsung girl. So I'll put my ass on the line for you. Go to the changing room and get a uniform that'll fit you. If there's nothing in your size, just take anything and. Make. It. Work..."

"Yes sir! I'll do my best sir!" sagot ko na parang military trainee. Kung si Direk Kat ay explosive, this guy's the total opposite. Cold intimidation ang powers nito.

"Go!" he barked at me.

---

Nakakuha na ko ng uniform, thankfully may fit sa kin. Ang tatangkad ng ibang Brand Ambassadors at ang iba sa kanila ay tinapunan ako ng tinging nagtataka. Perhaps they're thinking how the hell did Sir Ben hire me.

"Hi, I'm Pia," approach sa 'kin ng isang babaeng living Barbie Doll!

"Hello, Linea, Lins na lang," extending my hand to hers. Di niya inabot ang kamay ko, instead she just flipped her hair.

"Alam mo na ba kung sino yung bagong endosers?" tanong ng dalaga sa 'kin.

"Hindi eh, clueless ako," maikli kong sagot. I realized for someone who wants to get in showbiz, hindi ako masyadong updated sa mga ins and outs ng mundo na 'to.

"JoCas ang endorsers!" kinikilig na sabi ni Pia, nag-sway sway pa ang balikat nito.

"Ohh Josh and Cassie? Talaga?" I got excited at least makikita kong muli si Josh. Kahit madalas kaming magka-chat nito. Iba pa rin presence nito. May ibang high sa kin na alam kong malapit lang siya. Shit, nasanay ako masyado. Those two weeks!

"Kaya if I were you, paganda ka pa more," and with that ay lumakad palayo ang kausap ko.

Did she just insult me? Hmp. Deadma.

---

8PM. The party finally started. The entire room is filled with dancing and running lights. Every corner of the venue has walls of sounds courtesy of DJ McCoy, nagsi-spin ng mixes ng EDM. Cool vibe ang theme. Sa gitna ay ang dance floor, may mga tables and couches sa paligid, at sa pinakagilid kami nakapuwestong mga brand ambassadors.

The place was jam packed and then the host came out on stage. The show proper started. In-introduce ang new gadgets na soon will be available sa stores. Each gadget's presentation was being delivered by some big boss ng kompanya.

Finally, the main event. "And now for our big reveal, introducing Samsung's latest flagship phone, give it up for this country's hottest loveteam, Josh Vergara and Cassie Garcia!"

Josh and Cassie stepped out of the stage. He was wearing an all-black suit. Sharp looking and exquisitely cut, matching his suave manners. He was also sporting that messy stylish hair, pero it worked with his formal attire. When he smiled and waved at the crowd, it was instant. Nagwala ang lahat.

Cassie's beauty is something na pinag-uusapan ng lahat, and kitang kita naman kung bakit. She's even more beautiful that the last time I saw her. She was wearing a strapless, gold-sequined dress na form-fitting, emphasizing her curves. Her golden dress matched her million peso smile!

Bagay na bagay sila. Bigla akong na conscious. I fixed my uniform kahit wala naman problema sa suot ko.

I looked back at Josh while he's introducing the product. Everything about him spells cool. Every movement he made pulled the strings of my heart. And his voice, kahit pa tungkol sa gadget ang pinagsasabi niya, was music to my ears.

I'm liking this guy more and more each day. A little too much. Medyo na-a-alarma na ko sa nararamdaman ko. I think I'm slowly falling for him. Sumabay pa sa realization ko ang paglaglag ng balloons at confetti.

He was on stage looking so handsomely spiffy, with an unbelievably beautiful girl, sharing spotlight with him. Ako, I'm in the crowd looking up at him. Ayoko mag self-pity pero that was the visual representation ng layo ng agwat namin.

Reality slapped me in the face.

---

After the presentation, the real party ensued. Ang mga big bosses, tech Youtubers, social media influencers, at mga endorsers ay nag-iikot to mingle with everyone. Kung pwede lang paliitin pa lalo ang sarili ko ginawa ko na, I don't know pero feeling dyahe ako. Sana di ako makita ni Josh. Pero at the same time gusto ko rin siya makita nang malapitan. Arrggh, I don't know! Confused din ako sa sarili ko, okay??!!

Habang nag e-entertain ako ng guest at mino-model si Samsung, kita ko gilid ng paningin ko na malapit na si Josh magawi sa area namin, Ilang steps na lang! Buti na lang iniwan ako agad ng kausap ko. I turned my back para di niya ko makita. When I turned I bumped into someone na ni sa hinagap ko ay di ko aakalain na makikita ko sa venue.

It was my f*cking ex, Ken.

---

"Oh, hi," he casuallly said.

"Oh, ikaw pala,"

"Long time no talk!" nginitian pa ko nito.

"And let's keep it that way,"

Strange, usually naiirita ako pag nasasalubong or nakikita ko siya. But this time I'm devoid of any emotions for him. Pero ayoko pa rin siya kausap dahil andyan na rin si Josh.

"Musta ka na?" tanong ni Ken, humarang pa to sa lalakaran ko.

Okay you're trying to strike a conversation but I don't have time for this! Sa isip ko. "You know we need to do our job and entertain the guests, at hindi ang kapwa ambassador, I'm planning to do my job right at kung ikaw hindi, good luck na lang " walang preno kong sagot. 

Nang hahakbang na ko ay may humarang uli sa daan ko. It was Pia, at lumingkis ito kay Ken! Gusto tumaas ng kilay ko buti na lang nakapag-pigil.

So eto pala yung girl that he cheated on me with!

---

It was my friend Ada who told me na he saw Ken na kalalabas lang ng Sogo with a girl. At sino ba naman ang hindi maniniwala, eh alagad ng Diyos si Ada, she never lies! When I confronted Ken, he admitted na may third party.

I was so angry. Never been that angry in my entire life. It took a hit on my self-esteem, wondered what went wrong, kung may kulang ba ako. All my ideals about relationships were torn apart. Na-witness kong daanan yun ni mama and at that time pinagdadaanan ko na rin.

At first fixated ako gumanti. Gusto ko gumawa ng Facebook post detailing our love story nang mapahiya siya dahil for sure magba-viral yung ganung posts. But thanks to my friends na tinuktukan ako and said it was just a waste of time. The best revenge is to live a happy life. Tama sila. Kahit masakit, I tried to pick up the shattered pieces of my heart and moved on.

---

"Baaabe," paka-arteng pagkasabi ni Pia, "Kilala mo pala si Linea?" tiningnan ako nito na nag-eestima, "Didn't notice, before, pretty ka pala, so you're friends with my BF?" she even emphasized the B...F...

"Yeah, he's an ex," sinabi ko na nang diretsahan, parang bandaid na biglaang tanggal.

Pinanlisikan ng mata ni Pia si Ken, "Your ex?" di yata uso sa girl na to ang maging subtle.

"Oo, ex-girlfriend, kinumusta ko lang, wala naman kaso dun," depensa ni lalaki.

"Okay, so tapos naman na siguro kayo makumustahan no? Di ka naman siguro nanlalandi" baling sa kin ng nanggagalaiting babae.

Wow ah ako pa talaga?! "Girl, alam mo naman siguro definition ng ex? Besides 'bat ako manlalandi? I'm not THAT desperate! And pagkaka-alam ko you're the girl he cheated me on with!" di ko na napigilan sarili ko magsalita, "Now think about it, who's really desparate?"

"Tama na yan, Lins," awat ni Ken.

"Hmp, di ko naman masisisi kung bat ka iniwan..." habol ni Pia.

Nagpanting lalo ang tenga ko sa sinabi ng bruha. Linea you're at work, let it go. "Ken, di ko to nasabi sa yo nun, you're a trash. And somehow it's nice to see na nakolekta ka na rin pala ng isang basurera..." sabay tingin ko kay Pia, her mouth open na may gusto yata i-clapback, "Now if you'll excuse me," inunahan ko na bago pa makapag-salita

I walked past between the two, at sinadya ko talagang banggain ang balikat ng dalawa. Masaket! But it's kinda worth it.

---

Lumayo talaga ako sa puwesto ng dalawang asungot, minsan pag nagagawi ang tingin ko kay Pia ay nahuhuli kong napakatalim ng tingin nito sa kin, bilang pang-asar ay tatapunan ko naman ito ng sarcastic na ngiti. 

Bigla ko naman nasilayan si Josh, Buti na lang din di pa ko nakikita nito. Ang daming gusto kumuha ng atensyon niya. Kanya kanyang pa-cute din ang mga girls sa binata, nagre-request ng selfie. His smile was different, parang smile na pa-polite lang...

"Hi Miss," a man's voice pulled me back to reality.

"Hi Sir! I'd like to introduce you to Samsung's latest flag..."

"Yeah yeah," he gestured me to stop, at tinuloy nito ang spiel ko, "latest flagship smartphone, the new generation of mobile innovation blah blah blah... I already know all of that. I'm Anthony, Tech Vlogger, your name?"

"Uhm, Linea," nag-aalinlangan kong sagot. Di ko gusto ang vibe ng lalaking to. Iba rin ang tingin nito sa kin, I guess he's drunk.

"Bakit may hesitation sa voice mo? Yun ba talaga name mo?"

"Yes it is... ang weird mo kasi"

"Weird? Hahaha, I just don't like wasting time, go-getter kasi ako."

"Why what do you want to get?" tumaas ang kilay kong sinabi sa kanya.

"You!" and he showed his mischievous crooked smile, "I mean gusto kita i-feature sa vlog ko, I have 2 million subscribers, you can gain some clout..." he licked his lips as he ended his sentence.

"No thanks, tsaka hindi naman ako YouTuber," aalis na sana ko nang hinawakan ako nito sa kamay.

"C'mon, Linea. Wag mo naman ako ipahiya dito," sabi nito. Few steps from us ay may grupo ng mga lalaki na nagsisigaw ng "whoooo wala ka pala eh"

Inirapan ko ang mga ito at binalik ang tingin sa lasing na vlogger "Sir, please let go of me... I'm working here."

"Then let's work something out..."

"No!" maikling sagot ko, pilit kong nilalagyan ng tapang ang boses ko para lauyan na ko ng siraulong 'to. From the corner of my eye, at nakita ko si Josh na nakatingin na sa kin. I think he saw it in my face na I'm having trouble. Salubong ang mga kilay nito... Inilagay nito ang iniinom sa tray ng waiter na dumaan sa harap niya. And started walking towards us.

"Sige na, let's go sa table namin at dun natin pag-usapan yang phone mo."

"No sir, hindi ho kami tume-table," pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Anthony. I tried but to no avail, malaking tao ito and a lot stronger than me. Then I saw Josh being stopped by a couple of fangirls on his way to us.

"Ang arte mo!" hinila ako nito papunta sa table nila.

"Sir! Sir! Please!" dire-diretso pa rin ito ng lakad, di pinapansin ang pagmamakaawa ko. I don't know where Josh is. It's now my back that's facing his direction earlier. "P*tang*na, bitawan mo ko sabi eh!!!" inipon ko ang huling lakas ko and lounged forward at kinagat ko ang kamay ang kamay ng baliw.

"Aray! You motherf..." itinaas nito ang braso para makawala sa kagat ko, sabay ng pagtaas nito ay humampas sa mukha ako ang likod ng kamay nito and I spun. Naramdaman ko ring tumilapon ang mino-model kong smartphone. Namuti ang paningin ko, hindi ko nakita ang nangyari pero naramdaman ko na lang na bumangga ang katawan ko sa isa pang katawan. Sa pagkaka-bangga ko sa kanya, it was surprising na ni hindi ito natinag. The person even hugged me.

I'm still slowly gaining my vision, hinawakan ko sa balikat nang isang kamay ng sumalo sa kin, ang isang kamay naman nito ay humahaplos sa aking pingi. "You okay, babe?" It's that familiar voice. Familiar and comforting voice. I can see clearly now, at nabuo ang imahe ni Josh sa harapan ko. His eyes tight and worried.

"Okay lang, ok lang ako..."

In an instant, anger flashed in his eyes like a lightning at tinungo ang Tech Vlogger. "You little piece of shit!" diretso ang kamao ni Josh sa mukha ni Anthony at natumba ito sa sahig. Pagkatumba, Josh grabbed Anthony by the collar, "Gago ka, di ka marunong rumespeto ng babae!" Akmang susuntuking muli ni Josh ang nakahandusay, pero naawat na ito ng security.

Nang maalis ang vlogger ay pinalibutan si Josh ng ilang reporters na nagko-cover ng event. Ang manager naman ni Josh ang pilit na sinasabihang bigyan ng privacy ang binata. Tila walang naririnig ang reporters, patuloy sa pagkuha ng clips at tanong kay Josh ng mga ito. Di lang official media partners, pati ang random visitors ay vinideohan ang pangyayari.

"Ano bang nangyari?" tanong ng babae sa tabi ko. Paglingon ko it was Cassie Garcia, Josh's loveteam.

"Ewan ko ba dyan sa ka-loveteam mo, tumatagal nagiging nagiging basag-ulo," sagot ng nakatatandang babae sa tabi naman ni Cassie. Her nose was up in the air. Hindi na lang ako umimik.

Josh broke through the crowd at lumapit sa kin. "Are you okay?" hahaplusin sana muli nito ang pisngi kong na-jombag.

"Yeah ayos na ako, don't worry!" hinawi ko ang kamay niya.

"Really Josh?" may threat sa boses ng babaeng kasama ni Cassie, "May media dito, gusto mo machismis sa babaeng yan? Alalahanin mo career nyo ni Cassie!" mahina ngunit puno ng inis at pagpipigil ang boses nito.

"But she's my friend! Nabastos po siya!" sagot ng binata.

"Sasagot ka pa?"

"Ma, enough... di ito ang lugar para dyan," bulong ni Cassie sa ina.

"Iniisip ko lang ang kapakanan niyo. Ano na lang iisipin ng media, ng fans"

"The hell I care," medyo tumataas na ang boses ng lalaki.

And with that hinawakan ako sa kamay ni Josh at tinungo ang exit. Sumunod sa min ni Cassie. "I'll go with you guys, para di sila mag-isip ng kung ano," inakbayan ako nito.

"Thanks Cas," sagot ng aktor.

---

Dinala ako ng dalawa sa St. Lukes BGC. Sosyal, sampal lang St Lukes agad! Wala naman problema but the both of them just want to make sure. Binigyan ako dun ng cold compress. After that nag-offer si Josh na ihatid ako sa min, siya pa ang driver.

"Wag na mag-ga-Grab na lang ako."

"Nope, I insist."

"You won't win, pag eto ang ka-argue mo," said Cassie.

"Cassie sorry, naabala ka pa," nahihiya kong sabi sa aktres.

"Wala yun, pangako namin ni Josh sa isa't isa. We'll always have each other's back."

"The best 'tong ka loveteam, Nea," proud na sabi ni Josh.

"Mukang solid yung tandem niyo, kaya pala ang layo na rin nang narating nyo," there's a little pain in my heart when I said that.

"Worried lang ako kay ma," seryosong sabi ni Cassie.

"I just hope she doesn't do anything crazy," sabi ni Josh.

"I'll take care of her,"

"Sana kaya ng powers mo."

Sa kanto na lang ako nagpababa, mahirap na baka biglang magka-mob, lalo't hindi lang si Josh kundi si Cassie ay nandito rin. Matapos ang ilang ulit na pasasalamat ay nagpaalam na ko sa dalawa.

Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa kin si mama, hawak ang kanyang phone. "Linea, trending ka na naman!"

"Hala! Na naman?"

As always, andun na naman ang mga ganap, documented sa iba't ibang videos from different users. Walang video ng pagkaka-sampal sa kin. May mga video na nagsimula habang hinahaplos ni Josh ang mukha ko. This looks bad! May mga Tweeters na nagsasabing ako daw yung secret GF ni Josh. Kaloka ang fake news! May iba naman na nagdepensa na Josh was just being a gentleman. I think pacified ang reactions dahil na rin na-videohan ang pagsama sa min ni Cassie.

"Eh bakit holding hands?" @JoCasStan.

"Nasaktan yung tao, at mukang friend din naman siya ni Cassie" @FaneyLife.

"Isn't she the same girl dun sa shoot before?" @Mariah1998.

"That's Linea del Mundo!" @LineaFanz.

OMG, so totoo pala sabi ni Dadu, me mga fan accounts na ko. Nagso-scroll ako ng feed ko at nakita ko rin ng nag tweet yung Anthony na Tech Vlogger ng kanyang apology. So he's an online celebrity pala. Nag trend ang #AnthonyTechIsCancelledt. He got bashed so bad.

Biglang tumambad ang call screen ng phone ko, isang unknown number. "Hmm sino kaya to?" sa isip ko, I tapped the answer button, "Hello?"

"Hello is this Linea de Mundo?"

"Yes po, speaking po." "This is Direk Kat. Kung available ka bukas ng lunch time. Gusto kita kausapin for a role sa Just Like a Dream."