Nasa isang coffee shop kami sa Mother Ignacia ni Dadu, para hintayin si Direk Kat for a meeting. Habang nag-aabang, may inilabas si Dadu mula sa hand bag at ipitanong sa mesa. Nakapilantik ang daliring itinulak patungo sa akin ni Dadu ang smartphone, eto yung lumipad sa ere nung gig ko.
"Napaka-mohoool ng lintek na phone na itey anak, tumataginting ng P50,000..." nagpunas pa ng imaginary pawis ang manager ko.
So pano Dadu?" tanong ko na medyo kinakabahan.
"Okay na, don't worry, binayaran na nung vlogger na Anthony ba yun? Actually tumawag yun sa bahay kaninang umaga, para mag apologize. Pinagmumura ko nga ang gago."
"Harsh Dadu... well he deserved it."
"Korek. Dapat lang sa kanya yun. Ayun at pina-Grab Express etong phone, sa bahay. Wala naman abiso kung ano gagawin. Siguro inisip na lang na ibigay sayo."
"Hindi naman pala nabasag?"
Dadu flipped the phone at ayun, yung likod pala ang basag na basag.
"Oh," I held the phone in my hand, "Actually mas naging type ko siya ah, mas may character!"
"Ay akala ko pa naman ayaw mo, akin na lang sana hehe"
"Dadu, na-tampal ang face ako nang di oras, deserve ko to."
"Biro lang naman, to naman."
A couple of minutes, dumating na si Direk Kat. Fresh pa rin sa memory ko yung matinding pamamahiya niya sa kin nung shooting. Parang instinctively I wanted to hide or magpalamon sa luma. Be composed Linea, remember, it's all part of the journey.
May kasamang matangkad na lalaki si Direk, mukhang strikto at humorless ito. I was trying to remember kung san ko siya nakita and then it hit me. This is Mr M, ang kilalang manager ng Star Magic. OH EM GEE. Composure Linea!!!
We shook hands, umorder ng kape si Dadu at di na nagpaligoy-ligoy pa si Direk Kat.
"I'm hoping we can work again together," bungad ng sikat na direktor.
"It would be my honor na maka-trabaho ko po kayo uli, direk," sabi ko.
"Good, kalimutan na natin kung ano man yung nangyari nun. Water under the bridge."
"I agree."
"I'll be very frank, kelangan mo na matinding workshop. Kung ano man ang mga pinagtuturo sa 'yo sa kung ano mang workshop na in-attend-an mo, forget all of it. Because they're garbage."
Nasa tabi ko si Dadu at naramdaman kong napayuko ito. Awkward, siya rin kasi ang nag-workshop sa kin.
Nagsimula naman si Mr. M magsalita, "There's a growing public interest in you, and we would like to take advantage of that. Perfect timing that we're actually looking for fresh faces to launch. Nakuha mo ang sympathy ng tao and I think you have a solid background story that people will rally for."
Prangkahan nga, what's not being said is that, hindi ako kinukuha dahil sa talent ko, kung di dahil meron na akong clout or following.
"As I told you on the phone, we'd like to offer you a role sa next teleserye ng JoCas, major role ang ibibigay sayo, ikaw ang magiging third party sa storya ng dalawa," dugtong ng direktor.
"It'll be a meaty role," lahad ni Mr. M.
God! Para niyo 'kong binigyan ng expressway papunta sa pangarap ko! But can I do it?
"Anakis, chance mo na to," hinawakan ako ni Dadu sa kamay, nanlalamig ito sa excitement.
"Another thing, we'd like to co-manage you with Mr. Ramirez here," patukoy ni Mr. M kay Dadu, "but you'll be in an exclusive contract with Star Magic."
They laid down all the details of the contract medyo umiikot ang paningin ko sa dami ng opportunities na pwede mapunta sa 'kin, I was so overwhelmed. Naglalaro na sa isip ko na in a few more shakes, maa-abot ko na ang lahat ng gusto ko marating, lalong lalo na ang buhay na pinangarap ko para sa mama ko.
"What say you?" tanong ni Mr M.
"Tinananggap ko po," I said with determination.
---
A month after our initial meeting naganap ang contract signing ko together with the other new talents. Sa loob din ng isang buwan na yun ay sumailalim ako sa grabehang workshop, at nagsu-supervise din mismo si direk. Sobrang perfectionist nito para sa kanyang teleserye and she wanted everything to be on point. Ayaw ko rin naman siya ma-disappoint sa kin, kaya kahit halos lumuha ako ng dugo sa mga dramatic scene study sa workshop, go lang. Madalas din mag-PM sa kin si Josh ng mga tips. Gusto niya rin sana dumalaw sa workshop, pero pinigilan ko na lang. Chizmizz alam mo na.
"Anak ang saya saya ko para 'yo, Proud ako sa 'yo" sabi ni Mama sa kin after ko mapirmahan ang kontrata, nakita kong nangingilid ang luha nito.
"Ma, para sa 'yo naman to, tsaka saka ka na ma-proud pag nagawa kong mabuti ang trabaho," I said with a nervous laugh. At the back of my head naiisip ko na patikim pa lang yung nangyari sa taping noon. I will have a major role on this one and I have to effing do it right.
"Congratumeleyshens anak, kayang kaya mo yan," Dadu said encouraginly, "nag-train ka na under Star at tinutukan ka pa ni Direk Kat."
"Salamat Dadu."
"Congrats Nea!"
Halos lumundag ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Josh. "Huy, anong ginagawa mo dito?" I said, fighting a sigh. Kasi ba naman, kahit naka-plain everything lamang ang lalaking to, he was just so breathtaking.
"What are you talking about? I wouldn't miss this for the world!" di maitago ang saya sa boses nito. Before I could react, bumeso na ito sa 'kin. "You're gonna be great," pahabol na bulong nito sa 'kin.
"You're unbelievable."
"I know I am."
Now everyone's giving us a look. Napailing na lang ako na lang ako na tipong sinasabi sa kanya na "You see?". Ayoko rin naman maging harsh sa magandang gesture niya for me, so all I said was, "Salamat."
After I introduced Josh to Dadu ay biglang tinawag ni Mr. M si Josh, "Josh, a word?" nag-usap sila sa, may kalauyan sa min kaya di ko alam kung ano ang sinabi ni Mr M. I just hope he doesn't get into trouble. Maya maya pa ay pumunta sa maliit na podium si Mr. M.
"Ladies and gents, there's someone here that I know you all know very well, someone who was in the same exact point as you all are right now, and someone who worked tirelessly and flourished, and has become one of the most sought-after actors of this generation. To give you some words of advice, please welcome, Mr Josh Vergara. "
"Magandang hapon po sa lahat! Lalong lalo na sa new contract artists ng Star Magic. I would like to welcome you all to this family. Tulad ng sinabi ni Mr M, nagsimula ako na tulad nyo, as a fresh new talent... ngayon kasi di na ko masyadong fresh...," napakamot pa ito sa ulo. Nagtawanan ang mga tao sa hall, pati ako natawa na rin sa hirit niya, "Anyway, this is not about me, this is about you and your dreams. Mahalin niyo ang trabaho ninyo, prove everyone who put you down wrong. And make everyone who loves and roots for you proud. A piece of advice as an actor, being an actor is finding that connection to a character that's different. Keyword, connection," he looked my way as he said it. "God bless sa inyong lahat, and again welcome Kapamilya!"
After that speech ay nag-disappear na ang lalaki, I guess may hahabuling shoot or what. Kami naman nakipag-mingle sa ibang mga talents, sa kani-kaniyang parents, pati na rin sa ibang managers na nandun. After socializing, uwian na.
When we stepped outside, ay may lumapit na isang lalaki na naka uniform, "Ma'am pinaa-abot ni Sir Vergara," it was a note.
I know I'm hard-headed, and I'm truly sorry. But I just need to tell you in person that I'm so verr proud of you. I'll see you soon! - Joshie.
Joshie!!! Pa-cute talaga 'tong mokong na to. Pero effective! Napangiti na lang ako.
"Ano yan anak?" tanong ni mama.
"Haba ng hair mo 'nak, abot Pasay!" kilig na pagkasabi ni Dadu
"Shhh, Naku Ma, Dadu, wala to, Congrats note lang, tara na."
"Ahh pinapasabi ni Sir na ihatid ko na raw po kayo," sabi ni manong.
"Ay ganun ba? Shushal tara!" nauna na si Dadu pumasok sa front seat.
"Bait naman ni Josh," ani Mama.
"Bait nga tara na," mabilis kong pag-change topic bago pa mauwi sa tuksuhan to.
Pagbukas ko ng pinto sa backseat ay may bouquet ng stargazers. "Ay ma'am siya nga pala pinabibigay ni sir," kinuha nito at iniabot sa kin ang mga bulaklak, may note na naman ito.
To the future Best Actress...