Kinaumagahan tumambay muna ko sa may tindahan sa kanto para makasagap ng signal. Habang umiinom ng softdrink sa plastik, nag login ako sa Facebook at chineck ang real account ni Josh. Ryan Joshua A. Vergara pala full name niya. Lumabas sa screen ang account. Hindi nito gamit ang tunay ng itsura sa DP, sa halip ay isang cartoon character, si Wall-E. Hmm Pixar fan.
Naka-private ang lahat kaya hindi ko ma-stalk. Gusto ko sana mag-browse muna account niya bago i-accept. Nag-flashback sa kin ang mga pangyayari kahapon, he was really a nice guy, or he seemed to be so. Yun lang may mga hirit siyang I felt like he was sending some mixed signals. Not sure kung talagang friendly ba talaga o me halong paglalandi. Ganun na ganun din kasi si ex.
Eto yung masama pag nanggaling ka sa bad relationship. All your life's point of views are being rewritten, maski innocent na pakikipagkaibigan naku-kuwestiyon. Pakikipag-kaibigan nga ba? Ay Linea feeling ka ah!
Baka maintriga ako nito pag nakipaglapit ako dito. God knows how passionate his and Cassie's fans are. Baka maging prone ako sa dumog and not in a good way. Saka ko na lang i-add siguro, I'm on the fence here. Oh God give me a sign!
Lumipat naman ako sa Twitter para mag-usisa. May nakapag record ng videos ng habulan na nangyari kahapon. Napapaligiran ng mga fans ang sikat na aktor, kita sa clip na nagpa-unlak naman ito magpa-autograph sa umpisa. Maya maya habang kumakapal ang tao, may isang fan ang humablot kumapit sa leeg ni Josh, she looked crazy! Biglang nagkagulo at nagkatulakan, may isa ring fan na humila sa neckline ng tshirt nito. Dahil sa uncontrollable crowd ay naitulak ni Josh ang ilan upang makawala saka tumakbo palayo.
"Oh my God, grabe pala," naibulong ko. Di ko namalayan na may tumabi na sa kin.
"Ay inii-stalk mo na ang asawa ko ha!" bungad ni Eli.
"P*ta, Eli! Para kang multo," bigla ko inilagay sa dibdib ko ang phone.
"Lins! Language!" warning ni Ada.
Sumunod ang mga ito sakin sa probinsiya, mga gusto rin gumala. Andun na rin si mama kasabay nila.
"OMG! Nabalitaan mo ba na dito pala ang shoot ng latest movie ni Josh at Cassie!" excited na sabi ni Eli.
"Kaya pala sumunod ka rito yan pala ang rason."
"Hindi ko nga alam yun kahapon lang din kumalat sa Twitter."
"Yeah, at dahil sa overzealous/violent na fans, nagtago daw si Josh somewhere," singit ni Ada.
"Actually... dun siya nagtago sa bahay," medyo kaswal na pagkakasabi ko.
"NO WAY!" sigaw sa kin ng dalawa. Ngayon ko lang nakita na nanlaki ang singkit na mga mata ni Ada, at may ilalaki pa pala ang kay Eli.
"Totoo ba anak?" tanong ni mama.
"Pic or didn't happen," challenge ni Ada.
At bigla kong naalala, wala pala kami picture ni Josh. Dahil sa intense na mga ganap kahapon nawala na rin sa isip ko. At isa pa hindi naman ako mahilig talaga magpakuha ng litrato na may kasamang artista. "Yun lang, nakalimutan ko."
"Baka naman ine-echos mo lang kami?" nakataas ang kilay na sambit ni Eli.
"Ano real name ni Josh?" tanong ko sa bakla.
"Ryan Joshua Alfonso Vergara."
Pinakita ko dito ang account ni Josh. "Ayan pinapa-add niya nga ako sa personal account niya sa Facebook oh."
"Cartoons ang DP, Lins nag adik ka yata habang wala kami?"
"Seryoso ka ba talaga?" tanong ng madre.
"Seryoso!"
Ding! Ding!
Biglang nag-notify sa phone ko. You have 1 friend request. It's Josh! Nag-resend yata ng friend request. Ilang segundo akong nakatingin sa screen pinag-iisipan kung tatanggapin ko ba ang request.
Bunton-hininga.
Pindot ng accept.
Bahala na...
Tut tut tut tut! Nag ring ang Facebook Messenger ko, it wasa videocall. Okupado ng screen ang pagmumukha ni Wall-E. Kahit medyo dyahe ako, itinaas ko ang phone ako sabay pindot ng answer button. Bumungad ang maaliwalas na ngiti ng binata sa screen.
"Hey Nea! Ayaw mo yata ako i-add kaya ni-resend ko uli ang friend request. Mangungulit talaga ko, ganyan ka ka-special," tuloy tuloy na sabi ni Josh.
"EEEEEEEEH!" sabay sabay na tili nila mama, Eli at Ada.
---
Konting kumustahan, at konting reminder na dadalawin daw ako, then we ended our video call.
"OMG! So it's true!" di maitago ni Ada ang excitement.
"Girllll! Inunahan mo kong bruha ka! I hate you!" kitang kita ang inggit kay Eli.
"Nanliligaw ba sayo?" mukhang excited at napa-palakpak pang sabi ni mama.
"Ma! Hindi no! Gusto lang makipag-kaibigan nung tao gusto yata bumawi dahil tinulungan ko magtago. At isa pa, sila ni Cassie di ba?"
Alam kong sinabi ni Josh na walang namamagitan sa kanila ni Cassie, pero yun na lang ang naisip kong sabihin para hindi na nila 'ko tuksuhin sa binata. Mahirap na madala.
"Bagay na bagay kayo anak!"
"Nay Mercy naman!" pa-dramang banat ni Eli, "Ako ang destiny ni Josh."
"Too late! Nauna na si Lins!" sagot ni Ada.
"Che!"
"Guys, wag niyo na lagyan ng kulay, tulad ng sabi ko kanina, gusto lang makipag-kaibigan nung tao."
"Dadalaw daw siya dito di ba? I think may chance ako!" tila nananaginip na sabi ng beki.
"Sabi niya bukas daw ng dinner, not sure alam niyo naman ang shooting, minsan tuloy tuloy talaga sila. Kung matuloy man siya dito, sinasabihan ko na kayo na umayos kayo ah. Lalo ka nang bakla ka."
"Ako na naman, lagi na lang ako nang ako!"
"Maghahanda ako ng espesyal bukas!" sabi ni mama.
"Ma, wag na, feeling ko mas gusto ni Josh na itrato siya nang normal."
Ipinakita ko sa kanila ang video ng mob, at naikwento ko na rin pano napadpad si Josh sa bahay. Napa-yieeee ang mga kaibigan ko.
"Okay I give up, ikaw ang destiny ni Josh," ani Eli, "Balik na lang ako pag-booking."
"So yun pala ang meet-cute nyo," sibat naman ni Ada.
"It's not meet-cute, para kaming nasa episode ng Imbestigador kahapon."
"Sus, eh bat hindi mabura yung slight na ngiti mo oh," tukso ni Eli.
"Di ako nakangiti ah"
"Yes you are," patuloy na panunukso ni Ada.
"Kasi natatawa na lang ako sa inyo! Magsitigil na kayo sa mga ilusyon niyo."
---
The next day, dinner time. Naloka ako at tinotoo ni mama na maghahanda.
"Ma, parang mas bongga mo pang pinaghandaan pagdalaw dito ni Josh kesa nung last birthday ko ah."
"Ang birthday mo taon taon naman, minsan lang tayo magkabisita ng royalty!"
"Ma, award-an kita Mother of the Year," biro ko, "artista lang si Josh hindi siya member ng royal family."
"Ah basta, siya ang prinsipe ng showbiz kaya ipaghahanda ko talaga, isa pa paborito kong aktor yung bata."
Lumabas ang dalawa kong kaibigan mula sa guest room. Aba ayos na ayos ang mga hitad na parang a-attend ng Christmas party. Ngayon ko lang nakita si Ada na naka-little black dress! Si Eli hindi na ko nagulat pa, shocking purple lipstick ang nasa labi.
"Girl," kinuha ko atensiyon nito, "Type kitang ikahiya ngayon!"
"Ganda ka! Shuta ka, ikaw magpaganda haggardo versoza ka na kaya!"
"Tara, ayusan kita," anyaya ni Ada
Matapos ang ilang minuto...
"Wow kabog!" tuwang tuwa si Eli, "In fairness my talent ka sa styling Ada kahit di halata."
Tiningnan ko ang sarili ko sa whole-body mirror. Not bad. Buti at bumagay sa kin ang sundress na pahiram ng kaibigan. Ang cute din ng yellow bandana na inilagay niya sa hair ko like a headband. I just put on very light make-up. After ng first encounter ko with Josh, parang ayoko na nga mag make-up.
"Ganda ng anak ko," sabi ni mama habang ang inipit nito ang magkabilang pisngi niya ng mga palad niya, "Bat di ka sumali sa mga beauty contests?"
"Wag na mangarap ma, dahil di ako biniyayaan ng height."
"You look great friend teka," tinanggal ni Ada ang bracelet at inilagay ito sa akin, "Mas bagay sa suot mo."
"Ayan, ganda ka na!" singit ni Eli.
---
7PM, nakaupo na kami lahat sa sala. Ang mga handa, nailatag na ni mama sa mesa. Ang mga kaibigan ko di maitago ang excitement.
8PM, bumaba na ang energy ng mga kasama ko. Nanlamig na ang handa. "Siguro mauna na tayo. Halina't kumain na tayo," anyaya ni mama medyo nawala na ang kinang sa mga mata nito unlike nung nagluluto pa kanina at pakanta-kanta.
9PM, wala umiimik. "Baka naman na-delay ang shoot nila?" sabi ni Ada, nakatingin sa kin na parang kinaawaan ako.
"Baka nga, it's okay, ganun talaga buhay ng superstar."
10PM.
11PM. Nagpalit na kami uli ng pambahay, tinakpan na ni mama ang ibang handa sa mesa, ang iba naman ay inilagay sa fridge. "Girl, tulog na ko, di ko na carry, beauty rest na," sabi ni Eli habang nahikab.
"Sige baks tulog na kayo, manood muna ko ng TV." Alam kong alam ni Eli na walang signal sa TV, buti na lang at hindi ako biniro kung di ay baka matampal ko bibig niya.
12AM. Ako na lang mag-isa sa sala. Hinarap ako sofa sa malaking bintana at saka ko itinaas ang mga paa ko sa pasimano. It was moon-less, at nagsabog ang mga bituwin sa langit.
Tanga-tanga mo Linea. Nagpadala ka naman sa ino-offer na friendship nun. Know your place, iba ang mundo niya. He's a star and you're a nobody.
Nakatulala ako sa kalawakan, ang gandang pagmasdan nito. Ilang bituin ang kumikinang, parang ang saya nila, taliwas sa inis na nararamdaman ko ngayon. Hirap talaga umasa.
Habang nagmumuni-mun, may kung anong biglang nag-landing sa kin. "Eek," napatili ako, akala ko ipis. Habang nagtatalon at pinapagpag ko ang dami ko. Nahulog ito sa sahig. It was a paper airplane.
Josh here, nakasulat sa dito. Dumungaw ako sa may binata. Andun ang binata nakatayo sa may gate. Nakatakip sa mukha nito ang papel na may salitang SORRY. Talagang all caps. At may sad face emoji.
He then dropped the first page then sa next na papel nakasulat ang I REALLY AM SORRY.
Next paper says. I KNOW
IT'S A SMOL WORD.
4 MY BIG... aktong dahan dahan nitong hinulog ang papel, ang sumunod ay...
MISTAKE.. Di ko mapigilan at natawa na rin ako sa pinag-gagagawa nito.
:(
BUT I'M
STANDING
HERE
HURTING
& IN PAIN....
Ibinaba ni Josh ang mga papel to show his face and that he's wincing at pinakita na naka-bandage na ang left thumb nito. Tinakpan niya uli ang mukha.
SO I HOPE
YOU
4GIVE ME
I AM HERE.
I tried so hard for my heart not to melt, but it did.
Bumaba ako at pinagbuksan siya ng gate.
"You're late," sinabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
"I'm so sorry, may accident kanina, and I broke my thumb. But hey I'm here, goes to show I meant what I promised. Mabali na mga buto ko sa katawan wag lang heart ng bago kong kaibigan. "
"Ew corny mo! Gusto mo dagdagan injury?"
And that time I actually felt I was smiling again, yung pa-sweet.