Nakita ni Josh ang mga hinanda ni mama. "Grabe, naghanda pala talaga mom mo, nakakahiya... sorry talaga," kita sa mukha ni Josh ang pagka-disappoint sa sarili.
"Wag ka na mag-alala, wala yun kay mama. Bawi ka na lang pagka-gising nila," I got a little naughty at gusto ko pag mang-guilt trip, "Okay lang yun, nagbihis at nag ayos lang naman sila ng slight, yung dalawa kong kaibigan parang nasa rave party ang mga itsura habang naghihintay," nangingiti kong pangti-trip sa kanya. Siyempre di ko sinabi na nag-ayos din ako.
"Oh Lord," tinakpan ni Josh ang mukha, kitang kita ang pamumula ng tenga nito. I bet buong face nito ganto rin ang kulay.
"Tsaka ano ba naman yung nag-general cleaning kami, tingnan mo yung mga kurtina namin, never ginamit ni mama yan, ngayon lang inilabas oh."
"God, Nea babawi talaga ko..." ibinaba nito ang mga kamay, pulang pula nga ang binata.
"Haha ano ka ba! I'm just messing with you, they'll understand, nabalian ka na nga ng daliri, ano ba nangyari?"
"Bugbugan scene and then I got shot, masama ang bagsak, ayun bali ang thumb."
"Yikes, ingat next time. Wag kasi lampa," biro ko.
"Bat ang harsh mo sa kin, nung nagtago ko dito ang sweet mo pa ah."
"Sweet ba yun?"
"Oo naman," sagot nito, "Ikaw, kumusta naman araw mo?"
"Wala naman masyado, bukod sa paghihintay kung kanino man,"
He put his head down on the table na animo'y gusto magtago. "Arggh ....change topic please!" he said in a muffled voice. Iniangat uli ni Josh ang mukha at hinarap ako, "Okay, part one ng pagbawi ko, tara lakad tayo sa may beach."
When we got there. There was a bonfire. Halo halong kulay na pula, dilaw, at orange ang sumasabay sa mahinang music. I knew this song, oh yes! Comfort in Your Strangeness by Cynthia Alexander.
Everything was nicely set-up, hmm actually parang medyo romantically set-up. May maliit na Japanese style table, with two blankets on either side. Sa ibabaw ng lamisita, may laptop, bluetooth speaker. Meron ding bowls of candies, some chips and bundle ng Chuckie!
"Wow naman! May paandar pa siya! Tsaka ano to? Para san to?"
"Sorry, this would've been nicer, sobrang rushed," napakamot ng ulo si Josh.
"Sorry ka nang sorry, ano ka ba, ok na no," pabebe kong tanong. This looks so much like a date!
"Well... gusto ko lang mag-chill. And wait this is for you," may kinuha saglit si Josh sa likod ng puno. When he came back, cradled in him arms was a huge bouquet of white stargazers. Tumambling yata ang puso ko as I was looking at him walking towards me. White flowers Linea, meaning friendship!
"Heyyy thanks! Ang gandaaa..." I smelled the flower as I said it, "Wait, wait Netflix and chill?" It was meant to be a joke but it came out wrong, biglang gusto ko bawiin ang sinabi ko, but it was too late.
"Uy, walang alak dito ah, kaya wala kong balak," itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang nahuli ng pulis.
"Uyy defensive siya...." dinaan ko na lang sa pang-aasar.
Di na ito sumagot, umiling na lang, and he just had this smile that gave away he's got a running joke in his head. I swear mas naging hot pa ito dahil sa liwanag na nanggagaling sa bonfire. How is that even possible!
"Ahh Miss Nea, pwede magpa-picture sa 'yo?" umaktong fan ang lalaki.
"Ako dapat magpa-pic sayo Pambansang Heartthrob!"
"Sige na po fan na fan niyo po ako!"
"Fine..."
Tumabi sa kin si Josh, our shoulders bumped, and that little moment sent tiny dancing electric shocks to my body. Tinaas nito ang phone niya at kumuha ng selfie. Click! Tiningnan nito kuha. Nakangiti na naman ang mokong. "Nice," ang sabi nito.
"Patingin," hinawi ko buhok at inipit sa aking tenga nang makitang mabuti yung picture sa phone. OMG parang bagay kami. Sa isip isip ko pero dahil shy girl ako "Uy, in fairness," ang tanging nasabi ko. Patingin ko sa kanya ay nakatingin na rin siya sa 'kin. Linea wag masyado marupok!
"Let's take some more," muli ay tinaas nito ang phone at nag click ng phone nang sunod sunod na sinabayan nito ng ibang ibang poses at facial expressions.
"Teka teka ang bilis naman!" pigil ko kay Josh. Pero patuloy ito sa pag-snapshot. "Wait lang, sasaktan kita," nakatawa kong pagbabanta sa binata.
"Wala bagal mo eh," pagkasabi nito ay tumakbo ay lumayo sa kin ng konti. He was still taking pics of me.
"Ang daya mo ah! Teka!" I also took out my smartphone at kinunan ko naman siya ng video. "Kala mo ah!"
Tawa nang tawa si Josh. Bursts of deep loud hearty laughter. Ang sarap pakinggan. I guess he's now comfortable with me, ibang iba nung una ko siyang nakita na parang he was lost. This felt nice.
Nang matapos ko siya i-video, patuloy pa rin niya kong kinunan ng mga litrato. Sinakyan ko na lang trip niya at nagpo-po-pose nang kung ano ano.
"There you go!" encourage nito sa 'kin.
Nang mapagod kami sa 'habulan' namin at naupo na kami sa kanya kanyang blanket. Kinuha ni Josh ang sa kanya from the opposite side of the table at tumabi sa kin.
"Let's review kung ano mga itsura mo dito."
As we reviewed the photos, halos himatayin kami kakatawa. Ang dami kong awkward looks at mga shots na halfway ng pagsasalita or half closed ang mga mata. "Ano ba yan delete mo yan! Muka akong pang-meme!"
"Ohhh you gave me an idea! Noted!" biro ni Josh, "magba-viral ka dito."
"Naku naku don't you dare! Mababalian ka talaga ka sakin ng buto!!"
Nang makita na namin lahat ng kuha niya. Pilit kong pinapa-delete halos lahat ng nakakainis kong itsura. Ayaw nito, "These are precious memories you know?"
"Precious, precious..." I said under my breath.
Bumalik siya sa unang picture, nakita kong ginawa niya itong lock screen ng phone niya. "Ay napindot! Sorry!" pagtingin nito sa kin he was biting his lower lip to suppress a laughter.
"Huy ma-chismis tayo niyan sige ka!" legit parang may stinging pain akong naramdaman. And now I'm back to my thought na isa siyang bituin, ako naman ay isang mere mortal lamang. I know my place.
He saw my face became serious and said, "Hey sorry na, sige palitan ko na kung uncomfortable ka," he looked concerned.
"Sorry din, baka kasi makasama lalo na sa career mo... niyo ni Cassie. Alam mo naman showbiz."
"I guess you're right," naging seryosong sabi ni Josh.
Humiga ako sa blanket and gazed at the stars. It's weird na parang laging masaya ang itsura ng langit tuwing nag-e-emo ako. Humiga rin si Josh sa kanyang blanket and also looked at at the sky.
"Bat nga pala gusto mo mag-artita?"tanong niya sa kin.
"Siguro na-instill na lang rin ni mama sa kin. Frustrated artista kasi siya. Di niya naabot pangarap niya kaya siguro ako napag-buntunan at ni-groom para maging artista."
"But is that what you really want?"
"I'll do anything for my mama..."
"She must be so wonderful."
"The best!"
"Ikaw? Is is all worth it? I mean isn't kinda...." medyo ine-estima ko pa ang pagtatanong ko kay Josh para hindi ma-offend.
"Ano yun?"
"Yung arrangement ng loveteam-loveteam, tulad ng sinabi mo kanina. Hindi naman kayo ni Cassie. Pero you both are acting like an item, making the fans believe na kayo yung 'one true pair' nila. Is is worth it kapalit ng mga narating niyo?"
"I'd be a hypocrite kung sabihin kong hindi ko na-enjoy yung perks ng narating namin. Definitely malaking tulong yung fame and fortune para makatayo ako sa sarili ko. Pero naisip ko na rin yang naisip mo. Sometimes I feel sorry for the fans kasi paniwalang-paniwala sila. I guess that part is unpleasant talaga. But to say 100% it's all worth it, I think I'm still on the fence. Hopefully someday makawala na rin ako sa loveteam and be true to everyone. Someday..."
"Eh yung issue mo sa parents mo? Will it be worth it na may patunayan sa kanila?" I asked.
"That part... I no longer care anymore. Lalo pa nung nawala si Yaya Precy. Parang lagi na lang ako may pinupunan na hindi talaga mapupunan. And another thing, hindi ko rin naman din mapapatunayan sa kanila na kaya ko until I have my own family and taking care of them."
"Tama ka dyan."
Silence.
"I hope you find something you love," biglang sabi ng katabi ko.
"Ayoko muna ng lovelife," sagot ko.
"I said 'something' haha sabaw ka na yata eh, balik lovelife ang nasa isip mo"
"Sorry naman sino ba naman hindi masa-sabaw eh anong oras na?" depensa ko. Kahiya lumalabas ba talaga yung deepest desires ko ngayon?
"Balik na tayo?"
"Just a couple of more minutes, tsaka hindi pa natin nagagalaw yung dinala mong snacks dyan oh.
Another silence.
Unti unt bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. I just felt lips saying,
"I hope you find your worth it."
---
I felt the warm air brushing my cheeks. Kinapa po ang phone ko to check the time. It's almost 6AM. Then I realized na meron nang canopy na nakatayo para bubungan kami. Kelan niya to nilagay? When I looked to the right, Josh was there, sleeping peacefully. Humilig ako pakaliwa to just have a better look of his face. Mas lalo siyang mukhang mabait pag tulog. I was marveling at the sleeping angel nang...
"Eeeeeeeehhhh," matinis na tili ng baklang Eli.
Napabalikwas patayo si Josh, naalimpungatan, "What the!"
Kahit wala pa ko sa wisyo at napabalikwas din ako ng tayo sabay takbo papunta kay Eli at tinakpan ako ang bibig ng loka. Ada was also there, na solid ang pagka-shock sa nakikita.
"Bruha shhhhhhhh, huminahon ka!"
Tumugil si Eli sa pagtili.
"Are we good?" tanong ko sa kanya.
Tumango lamang ito.
"Girl kalma, ayaw natin magka-mob dito. At itrato natin si Josh na tulad ng isang normal na tao," nagtunog pormal ako sa pag-explain sa kaibigan. Tumango muli ito. Dahan dahan ay tinanggal ko ang kamay ko sa bibig nito.
Laking gulad ko na very quietly at tumakbo si Ada kay Josh at niyakap ito! Maski si Eli aylaglag panga sa nakita! Naunahan ka beks!
"I'm such a big fan! I'm such a big fan!" naluluhang pagkasabi pa ni Ada.
"Thank you, that's very nice of you," at ginantihan na rin ng yakap ang madre.
"Sis okay na, don't freak him out," sabi ko habang tinatanggal ko ang kamay nito sa pagkaka-lingkis kay Josh. "Ah Josh mga best friends, eto nga pala si Ada. Wag ka matakot conservative talaga to."
Iniabot ng aktor ang palad kay Ada upang kamayan ito. "Eeeep," ang tunog na lumabas kay Ada habang nakipag-kamay. Kaloka talaga at ngayon ko lang siya nakita nang ganto.
"This is Eli," pag-introduce ko sa isa pang kaibigan.
"Pleasure to meet you," at kinamayan din si Eli, na uncharacteristically quiet!
"Same here," paos na boses ang lumabas dito.
"We were looking for you, in-iinit ng mama mo yung ibang handa kagabi kainin na lang for breakfast," sabi ni Ada.
"Oh God yeah, I forgot about that. I want to meet your mom and para mag apologize na rin."
Matapos naming pagtulungang mailigpit ang canopy, may tinawagan si Josh sa phone. Assistant niya siguro na tumulong para ipakuha na ang canopy at mesa. Naglakad kami pabalik ng bahay. Sinabayan ni Ada si Josh naauna ang dalawa sa pagkalad. Magiliw na ini-interview ng kaibigan ko si Josh.
Sumabay naman sa kin si Eli.
"Nag-beach sex ba kayo last night?" pilyong tanong nito.
"Gago!" napalakas na sagot ko.