Pagkauwi ay agad kong inabot ang Pera kay Papa. "Papa!" sigaw ko pa. Baka kasi ma-misplace ko pa edi yari ako. Malaking halaga rin ito ano. Buwan-buwan kasi ay malaki talaga ang pinapadala ni Mama dahil nga sa andaming bayarin kasi puro lalaki kasama ko edi matakaw kumain tapos liban pa roon eh kailangan talaga namin lalo na sa school at pambaon. Halos magkakasunod rin kasi ang mga kuya ko na college kaya ganun. Ang laging pinapadala niya ay mahigit kumulang hindi mabilang charot. $2500 or 95000 pesos! O diba malaki rin malaki naman kasi ang sweldo ni Mama ko roon. Kadalasan pa nga ay sobra pa ang padala ni Mama kasi malaki rin naman ang kita ni Papa sa computer shop tapos tumutulong rin si Kuya Emil sa gastusin.
"Papa!" mas malakas ko pang sigaw dito.
Nakita ko naman na dali-dali ang takbo nito patungo sa kinaroroonan ko. At talaga namang nakalog pa ang tiyan niyang ubod ng laki. Bilugan ang ulo pati ba naman tiyan libog din. Ay este bilog din.
Mukhang kagagaling lang nito sa kusina naka suot pa kasi ito ng apron at may hawak pang sandok. Amoy ko na nga ang niluluto niyang adobo. Yummy!
"Papa! Nakuha ko na po!" pabibo kong sabi at sabay abot sa kaniya ng money. Nagpunas muna ito ng kamay sa towel na nakasampay sa balikat nito bago abutin ang pera sa pagkakahawak ko.
"Ay salamat naman kung ganon. Siya nga pala bilisan mo na at tulungan mo ako sa package ng Mama mo. Andami kasi eh tulungan mo akong salansanin. Sige na magbihis ka na at ambaho-baho mo na!" may kasama pang pagtakip pa sa ilong. Aba't!
Magsasalita pa sana ako kaso tinalikuran na agad niya ako at may pagtawa pa. Bwiset! Inamoy ko naman ng pasimple ang kili-kili ko. Ay putek!
"Bakit ang asim ko na?!" gulat kong tanong sa sarili.
"Nagtaka ka pa!" muntik ng malaglag ang puso ko at sobrang lakas ng tibok na parang lalabas na sa ribcage ko dahil sa gulat. Napasapo pa ako sa dibdib kong flat.
"Lintik ng! Kanina ka pa diyan?!" gulat kong sabi kay Kuya Errick na mukhang kanina pa nakahiga sa sofa namin. Malamang ay narinig at nakita niya ang ginawa ko. Pssh epal!
Ngumiti naman ito ng nakakaloko sa akin "Oo naman. Nakita ko at narinig ko. At ngayon mo lang ba nalaman na ambaho mo?" ngising tanong pa nito na para bang ang Tanga ko na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang talagang mapagtantong maasim pala ako.
"Oo bakit?! Mabaho sa labas nagkalat ang germs kaya maasim ako. Ngayon lang naman ito!" nakapamewang ko pang singhal dito at agad kumunot ang nuo nito. Tumayo naman ito at hinarap pa ako. Malapitan pa!
"Hoy Bethy la panget kundi ka Tanga at manhid never kang bumango!"
"Aba't sumusobra ka na ah! Ako ba talaga hinahamon mo ng away ha?!" inis kong sabi at kunwari pang malaki ang aking braso kahit payat dahil talaga namang pakunwari ko pang inaayos ang mga manggas ko. Mayabang na kung mayabang!
Susugod na sana ako ng pinigilan niya lang ako sa pamamagitan ng paghawak sa ulo ko. Tsk. Antangkad kasi nitong si Kuya Errick kaya luge ako!
"Panget na liit pa!" asar nito. Pero kahit na ganun pa man diretso pa rin ako sa pagsuntok-suntok. Sa hangin nga lang tumatama hindi ko siya abot dahil mahaba ang braso. Pisti!
"Matangkad ka lang 'wag kang mayabang! Loslos!"
"Bastos kang bata ka! Saan mo ba natututunan yang kabastusan sa bibig mong mabaho?! Malamang sa kaibigan mo ano? Tss dapat nilalayuan mo na sila puro bastos naman!"
"Heh! Bakit pati sila nadamay? Ang O.A mo! Loslos lang ang sinabi ko may nadamay ng tao bakit may loslos ba sila?!" ganti ko naman dito.
"Aba malay ko baka yung baklang Ryan na yun mayroon!"
"Isusumbong kita kay Rye!" pananakot ko pa sa kaniya kahit hindi naman nakakatakot yun. Naku tuwa pa siguro yun dahil may krass din siya sa mga Kuya ko eh. Malanding baklita!
"Edi isumbong mo! At ako pa talaga tinakot mo?!"
"Baka gusto mong malaman ni Jane ang sikreto mo! Na gus--hmmmpp" bastos to! Tinakpan ng mabaho niyang kamay ang bibig ko at hindi lang iyon sakop pa pati ilong ko eh sa malamang Amoy ko kamay niya. Yuckkkk!!
"Hehehehehe sabi ko nga. Tara na bunso, hatid na kita sa kwarto mo Bunso." tila ba naging maamong pusa ang itsura niya. At may lambing pa sa boses. Hahahahahaha nasa akin ang huling halakhak . HAHAHAHA.
Kahit naiilang sa pag-akbay ni Kuya Errick ay hinayaan ko na lang. Pagkahatid sa akin sa kwarto ay dumiretso na agad ako ng pasok at agad na nagbihis dahil talagang mabaho na ako. Shems ang baho ko talaga! It's unbelievable! Lagi bang bara ilong ko at hindi ko naamoy ang asim ko?!
Nagsuot lang ako ng sando na color penk tapos stripes na color penk na short den. At syempre nagsuot rin ako ng tsinelas syempre kapanget naman kung naka-black shoes pa rin ako tapos ang suot ko pambahay. Gross!
Bago muna bumaba ay chinarge ko muna ang cellphone ko tapos binuksan ko wifi para mamaya ichecheck ko notifications ko, kung meron man. Hayys.
Pagkababa ko ay sakto ring bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Emil. Bakas ang pagod sa mukha nito. Ang alam ko ay ngayon ang last day niya sa trabaho. Medyo natagalan pa nga kasi naghintay pa muna siya ng papalit sa kaniya. Mahirap rin kasing walang kapalit agad kasi maraming pasyente.
"Hi Koya" bati ko rito. Tumango naman ito bilang tugon. Nakita ko naman na nandon ulit sa sofa si Kuya Errick at nakita ko naman na busy ito dahil tambak ang mga gamit niya sa lamesita namin roon. Bilib rin ako sa mga Kuya ko kahit na palaasar sa akin at lagi akong kinakawawa ay hindi sila katulad nung iba na pariwara at balasubas sa pag-aaral. Matitino sila at matalino. Si Kuya Emil nga ay grumaduate ng cum laude sa school nila noong college siya eh.
Pagdating sa kusina ay si Papa lang ang nakita ko roon. Siguro ay si Kuya Ephraim ang nagbabantay sa computer shop. Okay na rin yun since Computer Engineering naman ang kinuha niya. Si Kuya Eliseo naman ay siguro nasa kwarto nila at gumagawa rin ng assignments niya.
Napansin naman kaagad ni Papa ang pagdating ko. "Oh ayan ang package ha. Pakiayos na muna. Tatapusin ko lang ito at saka ako susunod sa pagtulong sa'yo." sabi pa nito at itinuro na niya ang package ni Mama. Every two months kung magpadala si Mama ng package kasi hindi naman namin hilig ang mga meteryal na bagay saka every month naman ang padala ni Mama ng pera. Mas kailangan namin ng pera eh kesa sa package.
Dalawang malaking boxes ang nakita ko sa gilid ng ref namin. At yun nga ang padala ni Mama. Kadalasan ay isang kahon ang laging padala ni Mama, minsanan lang ang dalawang kahon kapag may hiling or bigay siya sa aming sapatos, damit, bags at iba pa.
Malamang yun ang laman ng boxes. Dahil mahihilig sa sapatos ang mga Kuya dahil mahilig sila sa sports na basketball. Lagi nga silang sinasali kapag may liga sa Barangay namin.
Ako naman nagba-badminton as a hobby lang. Tamad kasi akong kumilos saka ayaw ko ng pinagpapawisan ako at napapagod. Pero sige pa rin ang bili ni Mama ng mga rubber shoes sa akin kahit nagagamit ko lang siya for P.E sa school.
Kinuha ko na ang gunting para sirain ang tape. O.A kasi si Mama kaya lagi niyang pinapadamihan ng tape kasi nauso nga yung mga bwiset na modus nung ibang staff sa airport at nagnanakaw sila sa mga packages buti na lang at hindi nangyari sa amin iyon at sa awa naman ng Diyos ay wala ng nangyayari nun. Wala naman kasi akong nababalita sa news channel.
Pagkabukas ko nung unang box ay nakita ko na agad ang sandamakmak na chocolates at canned goods. Mahilig kasi ako sa chocolates kaya talagang hindi nawawalan ng chocolates sa padala ni Mama. Bebe girl niya kaya ako eh.
Isa-isa ko ng nilabas at pinatong sa lamesa ang mga nakalagay sa box.
Oh baka magtaka kayo dalawa kasi ang dining area namin sa bahay ang isa ay dito sa loob ng kusina at hugis bilog iyon. Ang isa naman ay sa labas ng kusina katapat lang ng salas namin at dun kami laging kumakain kasi nanonood kami ng t.v eh nasa salas kasi nakalagay ang t.v. kaya ganon, rectangle naman ang isang iyon.
Nakita ko naman sa gilid ko na nilalabas na ni Papa ang mga niluto niyang pagkain. Nakita ko rin na tumutulong si Kuya Emil kay Papa sa pagaayos sa hapag.
Pagkatapos kong mailabas lahat ng pagkain sa first box ay inisa-isa ko na itong nilagay sa dapat na paglagyan.
Pero ang agad ko munang inuna ay ang paglalagay ng mga chocolates sa refrigerator naming malaki. Eh sa malaki eh. Wala lang. Nagyayabang lang ako. Hahahahaha peace!
Wow ang dami talaga. Minsan nga ma-try mag-mukbang ng chocolates. Hmm? Sisikat kaya ako? Hindi ko na lang ipapakita mukha ko. Pwede naman yun eh. Katulad nung napanood ko na ASMR. Shems kagutom manuod buti na lang may ipon ako. Nung nakaraan nga eh nag-crave ako sa noodles at saka mga maaanghang na foods kaya naubos ang ipon kong pera. Tapos nagke-crave pa ako sa king crab ngayon. Waaaah. Gusto mo yon? Gusto ko yon! Hahahaha.
Dahil hindi pa kami nakakapa-grocery ay talaga namang kakaunti lang ang laman ng ref namin. Kasya man lahat ng chocolates sa loob ay hindi ko basta-basta pwedeng ilagay. Nagagalit kasi si Papa kapag lahat inilagay ko dun. Nawawalan kasi ng space para sa mga ulam, fruits at minsan mga left over na pagkain kaya dun sa cabinet nilalagay or panty ay mali sa pantry pala. Nakulangan lang ng 'R' hahahaha. Bastos!
Iwinalay ko na ang mga ilalagay ko sa ref at ang sa pantry naman. Andami naman kasi ng chocolates kaya talagang mapapareklamo si Papa sa space. Pero oks lang naman siguro kasi sa Sabado pa kami maggo-grocery. Tiyak na mabilis mababawasan ang chocolates ko. Waaaah Noooooooooo!
Ansherep ng chocolates! Ibat-ibang brands pa! May cadbury, toblerone, flake, caramilk (parang KaraMia kang ah! HaHaHaHaHa) smarties, coffee crisp, maltesers, mirage, wunderbar, bounty, Jersey milk, rolo, twix, crispy crunch, nestle crunch, eat-more candy bars, skor candy bar, cadbury Mr. big, cherry blossom candy, cadbury crunchie, big Turk, mars, milkyway, baby Ruth, Hershey's, dove chocolate at saka butterfinger. Oh diba tiba-tiba kami sa chocolates. Yumyumyum!
Pagkatapos kong maayos lahat ng chocolates na halos ata lahat nabawasan ko ng isa kasi nakakatakam saka tumitikim lang ako. 'Wag ka! Ngumunguya pa ako habang sinisimulan ko ng ayusin ang padalang mga canned goods ni Mama.
"Oh ano na? Naayos mo ba ng ayos? Yung chocolates ha 'wag mong ilagay lahat sa ref." ani ni Papa na kakapasok lang sa kusina at dumiretso na sa pagtulong sa akin dahil nabibigatan ako sa mga delatang ito. Sabi ko sa inyo eh ayaw niyang ilahat ang chocolates sa ref.
"Opo! Pa ikaw na kang dito sa delata. Nabibigatan ako" pakisuyo ko sa kaniya. Agad naman siya tumango kaya naman tinungo ko na ang isa pang box na padala ni Mama.
Dahil sa marami ngang tape ay medyo natagalan pa ako sa pagbukas nito.
Nang sa wakas ay nabuksan rin ay tama nga ako kanina laman nito ay mga toiletries, at mga sapatos, damit at bag. Kung pagkukumparahin mas malaki pala itong isang ito. Hindi ko naman napansin dahil kanina ay nakapatong yung isang box kaya hindi ko alam na mas malaki pala itong pangalawang box.
Inuna ko munang tanggalin ang mga toiletries. Pansin ko na agad na abdaming sabon, shampoo, body wash, lotion at toothpastesa loob nito. Tsk. Konti lang rin pala ang bibilhin namin sa Sabado. Hindi na namin kailangang bumili ng toiletries.
"Pa sobrang dami naman ng padala ng Mama ngayon?" taka kong tanong dito na abala sa paglalagay ng delata sa cabinet na katabi lang din ng pinaglagyan ko ng chocolates.
"Hindi ka pa ba nasanay dun?" sabi na langng nito. Kung sabagay marami talagang magbigay si Mama sa amin. Siguro dahil mas tipid siya doon kasi mag-isa lang siya, pang kaniya lang ang kailangan niyang gastusin na pagkain at iba pa.Pati sa tinutuluyan ay tipid rin siya dahil hati naman kasi sila sa renta ng apartment doon ng mama ni Kath at ni Tita Josie.
Tahimik na tumango lang ako. Bakit may maingay bang tango?
Pero nakakagulat naman kasi andaming padala eh. Yung sabon tig-lima ng dove soap at body wash ganun rin sa nivea, johnsons, at lux. Lima rin ang toothpaste. Tig-lima rin ang shampoo like dove, tresemmé, pantene at may pang keratin treatment pa! May lotion din ng nivea, dove at johnsons.
Aba sa ilalim may pabango! Tsk. Mukhang mamahalin hindi ko mabasa ang name nung brand eh. Charot!
Nilagay ko na lang lahat sa cabinet yung mga toiletries kasi ang alam ko meron pa sa kwarto ko ng ganun eh kaya saka pa ako kukuha ulit ng bago. Bahala na lang sila Kuya kumuha ng kanila. Share-share lang din naman sila don ano! Maliban lang sa pabango kasi may name na nakalagay eh kaya mamaya ibibigay ko na lang sa kanila. In fairness ambango ng pabango ko ang sweet ng Amoy parang ako lang sweet din. Hihihihi!
Pagkatapos ay nilabas ko na ang box na may laman nung sapatos para bahala na silang kunin ang kanila. Sinabay ko na rin ang pabango, nilagay ko na din sa kahon para madali na. Ayoko ng pabalik-balik. Nakakapagod kaya!
Pagkalabas ko ng kusina ay saktong kauupo pa lang ng aking mga kuya.
"Oh kunin ninyo na lang dito ang sa inyo" walang ganang sabi ko. Kapagod mag-ayos ha! Umupo na rin ako at siya rin namang labas ni Papa sa kusina at katulad ko ay umupo na rin.
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay syempre hindi mawawala ang kwentuhan at ang mga lintik nilang pambubuska sa akin. Ani pa nga bang aasahan sa kanila? Edi ayun! Puro pang-aasar lang!
"Oy Bethy ampangit mo" sabi ni Kuya Eliseo habang nakataas pa ang paa habang kumakain. Actually lahat ata kami taas paa tapos nakapatong siko namin dun sa tuhod naman ng paa naming nakataas. Gets ninyo ba? Naguluhan din ako. Basta yun na yun!
"May nagbago ba don?!" dagdag pa ni Kuya Errick na may kasama pang pag-apir yung dalawa. Tsk. Mga isip-bata!
"Tigilan niyo na nga tignan ninyo naman nakasimangot na mas lalo lang pumangit!" ani pa ni Kuya Ephraim na walang preno ang bibig at walang pakialam kahit puno pa ang bibig habang nagsasalita. ewwww!
"Mabulunan ka sana" mahinang-mahina kong sabi yung tipong gumalaw lang labi ko para masabi yung salita pero walang ingay. Yung walang boses. Ganun!
"Hahahahahaha" tawa kong mag-isa ng mabulunan nga siya. Buti nga! Pakasama kasi sa akin!
"Anong meron Bunso?" takang tanong ni Papa sa biglaan kong pagtawa mag-isa.
"Pa mangkukulam na yan si Bethy Panget. Naku baka sa mga Santo niya ay nagdasal na mabulunan ako!" O.A na drama nito kahit napaka-imposible maliban nga lang sa hiling kong mabulunan siya. Tsk. Poor you Kuya. Walang maniniwala sa kaniya. Aha!
"Tigilan mo nga yan. Wala naman sa itsura ni Bunso ang nangkukulam" pagtatanggol sa akin ni Papa.
Agad naman silang nagpeke ng ubo. Tsk. Talagang kampihan sila..
"Ano bang problema ninyo sa itsura ko ha?!" sabi ko kasabay ng pagtayo at hampas sa mesa na siyang dahilan ng pag-igtad nila.
"Mga pisti!" muli ko pang sabi bago pumunta sa kusina at hinugasan ang pinagkainan ko. Naramdaman ko naman ang presensya nilang apat sa likod ko. Hindi ako umimik dahil alam ko namang aasarin lang nila ako.
"Sorry na Bunso" sabay-sabay nilang sabi sa akin. Pasimple lang akong ngumiti. Nakatalikod naman ako kaya hindi nila makikita ang reaksyon ko. Kahit na laging nila akong inaasar at kapag napipikon ako dahil don ay humihingi naman sila ng tawad dahil alam nilang mali sila. Bukod pa doon ay ayaw nilang may sama ako ng loob sa kanila, ayaw nga rin nila akong inaapi hindi lang obvious dahil sa pang-aasar nila pero ramdam ko naman kahit papaano ang love nila sa akin.
Oh diba ang swerte ko lang?!
Inggit ka?!
Inggit ka!
Hindi ko pa rin sila kinibo. Hanggang sa matapos ako sa pag-hugas ay deadma lang si ako. Sa pagkuha ko nga ng chocolates sa ref ay nakasunod pa rin sila sa akin pero dahil maganda ako hindi ko pa rin sila pinansin. Utot nila!
"Bunso sorry na" ani nilang lahat.
"Yiieiiee ngingiti na yaaaaan" sabi pa ni Kuya Eliseo. Tsk. Poker face lang ang face ko pagharap ko sa kanila. Nakita ko namang ang pagka-dismaya sa buong pagmumukha nila dahil WA EPEK!
Walang sabi-sabi akong umalis roon at nilampasan lang sila ng basta. Tse! Buti nga sa kanila!
Nakita ko pa si Papa na inaayos na ang pinagkainan nung mga bugok at sandali lang itong tumingin sa gawi ko at ngumiti ng malungkot. Hindi ko na lang binigyan ng pansin iyon at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkapasok ay nilagay ko na agad sa gilid ng study table ko yung mga chocolates. Lagi ko itong ginagawa kapag nag-aaral at gumagawa ng assignments ay kinakain ko iyon. Yumyumyum!
Dahil nga phone is layp! Chineck ko muna ang aking phone na kanina pa naka-charge. Napangiti naman ako dahil full charged na iyon. Yiiipeee!
Pagkabukas nakita kong tadtad na ang mga messages sa Group Chat naming magkakaibigan at ang GC naman namin na pang-klase.
Hayys kakapagod kaya kapag ganito. Laging tadtad tapos nakakatamad mag-back read kasi habang nagba-back read ka tuloy pa rin ang mga chat nila. Tsk. Baka mapudpod lang daliri ko kaka-scroll.
Nagulat din ako ng makitang nag-pm sa akin si Andrei. Tsk. Kilig na ba ako Neto?!
Inuna ko munang ini-open ay ang GC naming magkakaibigan kasi kanina ko pa nababasa na minemention nila ako.
Rye Junior: Sinong game?
Jecca Bukaka: G ako! Si @Beth la panget G ka ba?
Kathakaw: G ako basta may food! Bes @Beth uyy uso mag-reply.
Rye Junior: Oo nga @Beth panget kanina ka pang online hindi ka pa nagcha-chat dito.
JaneTheBitter: Go ako diyan. Sama ako ha. Baka iwan niyo rin ako katulad ng ginawa niya ha?
Jecca Bukaka: Gaga! Ginaya mo pa kami sa ex mong hilig pa-chupa!
"Ang bastos talaga nitong si Jecca!" tawa kong sabi.
Bethy la Panget: Ano ba yon?
Rye Junior: Uso mag-back read.
Kathakaw: Oo nga!
Bethy la Panget: Tss. Ayaw ko nga. Katamad.
JaneTheBitter: Nagaaya sila bakla mag-mall saka sine.
Buti pa si Jane.
Bethy La Panget: Ahh. Weyt papaalam lang ako. Kailan ba yan?
Jecca Bukaka: Sa Sabado teh! Gora na tayo!
Napalingon naman ako sa pinto na makitang pumasok si Papa na may dala-dalang gatas.
"Beth oh. Pinatawad mo na ba mga kuya mo?" umiling lang ako at ngumiti ng pilit. "Pagpasensiyahan mo na ang mga iyon. Malakas lang talagang mang-asar lalo pa't mag-isa ka lang na babaeng kapatid nila."
"Hayaan ninyo na ho sila Pa. Hmmmp! qiqil nila ako eh"
"Sige bahala ka basta 'wag mo ng pansinin mga asar nila sa iyo." sabi pa nito at bahagya pa akong niyakap. Clingy! Charot!
"Ay pa! Magpapaalam lang po ako. Nagyayaya kasi sila Rye na mag-mall sa Sabado, pwede po ba?" pa-cute kong tanong rito.
"Rye? Yung baklang ubod ng kire?" napatampal naman ako sa noo ko sa sinabi ni Papa. Paano naman kasi ay tuwing pumupunta si Rye dito ay laging gusto sa computer shop kasi maraming poging napunta roon. Tsk. Kaya nga inis si Papa. Bukod pa ron ay grabe rin kung maka-lingkis sa mga kuya ko. Tumango naman ako sa sinabi ni Papa. "O sige. Pero samahan mo muna akong mag-grocery bago kayo mag-gala sa kung saan." Yes! Payag si Papa.
Ngiting-ngiti naman akong tumango sa sinabi niya. Buwahahahaha.Umalis rin naman kaagad si Papa kaya naman sasabihin ko na sana kanila bakla ng pumasok isa-isa ang mga kuya ko dala-dala ang halos malimutan ko ng padala sa akin ni Mama na sapatos, bag at pabango.
Nag-aalangan man ay dahan-dahan silang lumapit sa akin at inabot ang mga iyon na tila ba nahihiya. Gusto ko sanang matawa kaya lang ay pinipigilan ko dahil tiyak na sira ang acting ko. 'Hahahaha' kaya sa isip ko na lang ako tumawa.
"Bunso oh" abot sa akin ni Kuya Emil.
"Nalimutan mo Bunso kaya dinala na namin para sa'yo" lambing ni Kuya Ephraim sa akin.
"Oo nga Bunso oh kunin mo na" ngiting abot naman ni Kuya Eliseo sa akin.
"Sorry na Bunso" sabi naman ni Kuya Errick.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" malakas kong tawa kaya naman agad nalukot ang mga mukha nila. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa sobrang pagtawa. Halos hindi na ako makahinga kaya binawasan ko na muna ang pagtawa. Nakita ko naman ang pagbabago ng itsura nila ng mapagtantong peke lang ang pagtatampo ko. Hahahahaha. Buti nga.
Basta na lang nmnilagay ang mga hawak nila sa kama mo ko at dahan-dahan pang lumapit sa akin. Si Kuya Ephraim nga ay inaayos pa ang manggas ng kaniyang suot na t-shirt. Si Kuya Emil naman at nagpapalagutok pa ng buto sa leeg. Si kuya Eliseo naman ay nagpapalagutok ng kamao niya. Si kuya Errick naman ay naka-taas lang ang kamay na para baga akong sasakalin kaya naman....
"Waaaaaaaaaaahhhhh!!" hysterical kong sigaw dahil alam kong pagtutulungan nila ako. Akala ko ay babalian na nila ako ng buto ngunit nagkakamali pala ako. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" nawawalan na ako ng hangin sa sobrang tawa dahil talaga namang kiniliti nila ako. Malakas kasi ang kiliti ko kaya naman tiba-tiba sila ng pwesto. Sa paa, tagiliran, leeg, at kili-kili.
"T-tama n-na. H-hindi k-ko na k-kaya. A-ayaw k-ko na" kapos na hininga kong sabi sa kanila pero hindi pa rin sila tumigil. Andami ko na nga nasasagi sa gamit ko pero wala lang sa kanila iyon. "Stop!!!!" sabi ko pa pero wa epek pa rin!
"Susmaryosep!" gulat na sabi ni Papa na hindi ko makita dahil talagang ang lalaking harang ng mga kuya ko. "Papaaaaaaaaaa" sigaw ko dito na may tono ng pagmamakaawa dahil talagang hindi ko na kaya.
"Tigilan ninyo na yan!" malakas na sigaw ni Papa sa kanila. Hay salamat naman at tumigil na rin sila. Grabe ang pawis ko don ah! Kapagod!
Hinihingal ko silang tinignan. Pero halata pa ring inis sila dahil sa ginawa ko. Tse!
Nanlalagkit na nga ako sa pawis. Patay kasi ang aircon ko sa kwarto kaya naman ang init pero may electric fan naman kaya lang hindi pa rin yun sapat.
"Umalis n-na k-ayo!" pagtataboy ko pa sa kanila. Paisa-isa naman silang umalis at ang huli pa ngang umalis ay si Kuya Eliseo na may pagsenyas pa ng kamay tapos parang hinihiwa ang leeg. Basta yon!
Pagkaalis nila ay nagbihis muna ako ng damit dahil kadiri na ang pawis ko. Ka-bwisit kasi sila! Pagkatapos nun ay chinat ko na sila bakla.
Bethy la Panget: Bakla payag si Papa! Pero maggo-grocery muna kami. Anong oras ba?
Rye Junior: Yiiieee sigi sigi! Sa mall na lang tayo mag-lunch mga bakla! Tapos nood tayong sine. Pagkatapos shopping naman gawin natin pagkatapos. Hahahaha Aym so excoyteeed!
Jecca Bukaka: Wow mukhang tiba-tiba tayo sa pera ngayon bakla ah?!
Kathakaw: Oo nga. Libre naman diyan! Kahit pa-canton lang oh!
Tsk basta talaga sa pagkain nangunguna si Kath.
JaneTheBitter: Ako kay band-aid lang para maghilom na sugat ko.
Rye Junior: HAHAHAHA oo Bakla nagpadala si Nanay ngayon eh. Alam mo na. Ako lang naman anak niya kaya malaki ang naporsyento ko!
Lahat kasi kami ay may magulang na OFW. Tulad nga ng sabi ni Rye nagpadala ang Nanay niya. Sa Bahrain kasi nagta-trabaho Nanay niya, isang kasambahay. At ang laki nga ng sweldo nun kapag iko-convert sa peso. Ang Tatay naman ni Rye ay sa bahay lang. Dati itong sundalo pero na-stroke kaya naman hindi na bumalik pero dahil sa therapy at mga herbal na iniinom ay gumaling na rin pero hindi na pinayagan ng Nanay ni Rye na magtrabaho pa. Medyo may katandaan na rin naman kasi ang Tatay ni Rye. Ambata nga ng Nanay niya eh at ang ganda pa. Kaya may itsura din si Bakla kaso tiwalig na sa kalalakihan at sa kababaihan ang gusto. Sayang!
Ang Tatay naman ni Jane ay nasa America nagta-trabaho, isang caregiver doon sa isang Home for the Aged. Ang Nanay niya naman ay may sari-sari store na malaki sa bahay nila. Tatlo silang magkakapatid, dalawa silang babae at isang lalaki. Panganay nga si Kuya Jordan pogi at ang bunso naman ay si Jesie na napakagandang bata naman.
Ang kay Jecca naman ay parehong nasa ibang bansa, sa Riyadh ata iyon. Ang Nanay niya roon ay kasambahay at driver naman ang Tatay niya roon. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso. Mas matanda lang ng dalawang taon si Ate Becca kay Jecca. Ang alam ko nga ay magkaklase silang dalawa ni Kuya Eliseo, engineering din ang kinuha. Hindi ko lang alam kung may something sa kanila kasi away-bati sila sa isa't-isa eh. Laging mainit ang ulo nila sa Isa't-isa kaya naman tinutukso namin sila. Malay natin hindi ba?
Dahil nga sa parehas ng magulang ay nasa ibang bansa ang kasa-kasama nila sa bahay nila ay ang Tita nila na walang asawa at anak, si Tita Teresita o Tita Terry kung tawagin namin. Parehas lang sila ni Jecca. May landi sa pananalita at laging may green jokes.
Ang Nanay naman ni Kath ay nasa Canada parehas sila ni Mama ko na nurse. Ang alam ko ay best friends silang tatlo ni Mama ko, Tita Marjorie na nanay ni Kath at ang Mommy ni Andrei na si Tita Mildred. Samantalang ang Tatay naman ni Kath na si Tito Alfred na may-ari naman ng karendirya kaya hindi kataka-takang sagana sa kain ang bruha. Tatlo naman silang magkakapatid. Puro babae. Pangalawa siya sa magkakapatid. Ang Ate niya ay si Kendra na first year na sa kursong psychology. Ang bunso naman nila ay si Kassandra na Grade 8 pa lang. Brat nga ang bunso eh. Lahat binibigay sa kaniya ni Tita Marj kaya ganon ugali. Pero mabait rin naman kahit papaano.
Isama ko na rin ba si Andrei?
.
Hahhahahaha Okie!
Ang magulang naman nila Andrei ay mayaman talaga. Negosyante ang magulang pero napaka-simple pa rin naman ng buhay nila. Ang alam ko may-ari sila ng mga paupahan na dorm at apartment sa iba't-ibang lugar sa syudad. Ang alam ko rin ay may mga hotel and resort din sila. Oh diba super yaman!
Ang gagandang lahi pa. Dalawa lang silang magkapatid. Parehas lalaki. Si Andrei ang bunso at ang panganay nga ay si Renzo Tyrell Reyes na ubod ng yabang sa kagwapuhan. Mas matanda siya sa amin ng tatlong taon. Ang alam ko nga ay lumipat na iyon sa ibang bansa para doon mag-aral. Ayos lang naman sa kanila Andrei dahil may mga kamag-anak sila roon.
Katulad kay Andrei ay sobrang gwapo rin ng kuya niya. Mas malaki sa kaniya ng konti at ganun rin naman sa pangangatawan. Tahimik lang iyon at ubod ng seryoso. Pero naku! Akala ko lang pala iyon! Mapanlait sa akin iyon! Hilig ako laging asarin kaya naman inis ako roon. Kaya nga laking tuwa ko ng malaman na lilipat iyon sa ibang bansa. Bukod pa roon ay mag-best friends sila ni Kuya Eliseo. At ang hobby ng dalawa noon kapag nasa bahay ay pagtripan ako at asarin. Tsk.
Oh OK na ba?
Pwede yung akin naman?
Ang Nanay ko na si Meilanie ay nurse sa Canada. Kasama niya roon si Tita Josie na kamag-anak namin at si Tita Marjorie na nanay naman ni Kath. Matagal-tagal na rin si Mama roon. Siguro ay lima o higit pa sa limang taon. Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Si Kuya Emil Alindogan ay nurse, Si Kuya Jose Ephraim Alindogan naman ay graduating na sa kursong Computer Engineering, si Kuya Kurt Eliseo Alindogan naman ay isang civil engineering student at si Kuya Eliseo naman ay isang senior high school student at pangarap niyang maging doktor tagabunot ng puting BULBOL! Siyarot!
Ang Tatay ko naman na si Ignacio Alindogan ay dating Tanod. Pero ngayon ay house husband at tagabantay ng Computer shop namin. Oh diba? Marami rin kaming kamag-anak sa ibang lugar. Kalat rin kasi ang lahi naming mga Alindogan!
Pagkatapos ng maiksi pa naming paguusap na magkakaibigan ay tinignan ko naman ang GC ng klase. Tsk. Puro tungkol lang sa ML ang nababasa ko.
President Lean: May long quiz daw po tayo bukas sa English, Filipino at A.P. Magreview kayo ha?! Bawal ang bagsak lalagapak!
Tsk. Ano ba yan? May test na naman? Edi mapupuyat na naman ako nito. Sobrang dami naman kasing ginagawa.
I need rest in peace!
Nakita ko lang na marami lang nagsent ng mga emoji.
Dahil wala naman ng iba pang announcement ay tinignan ko na ang PM sa akin ni Andrei.
AndreiBFFPogi: Uy Beth!
AndreiBFFPogi: Punta ka sa amin sa Sabado! Movie marathon tayo!
AndreiBFFPogi: papaluto ako ng maraming foods kay Manang para hindi ka magutom. Game?!
AndreiBFFPogi: Uyyyyy Bethhhhh
Hala? Natadtad na pala ako nito ng chat! "Sabado? May lakad kami non. Tsk. Wrong timing naman ito!" mahinang usal ko pa.
BethyPretty: Ah eh may lakad kami sa Sabado nila Bakla. Tapos sasamahan ko si Papa mag-grocery. Neks taym na lang!
AndreiBFFPogi: Ah sige! Aasahan ko yan ha? Pero baka pwede rin naman akong sumama sa inyo?
Parang nahihiya pang chat nito. Tsk. Walang hiya-hiya dapat dito. Kaya IKAW! Oo ikaw na nagbabasa nito ayaw ko ng manipis mukha!
Dapat ay walang hiya ah!
Ang pwede lang dito ay yung makakapal ang mukha! Kuha mo?!
BethyPretty: wait itatanong ko lungs
Inopen ko na ang GC namin nila Bakla. Ang Popoke Ninyo 😂 ang name non eh.
Ang Popoke Ninyo
Bethy la Panget: Uy sama daw si Andrei sa Sabado?
Dahil lahat naman ay online pa rin ay agad rin silang nagreply.
Rye Junior: Sureness! 😍
JaneTheBitter: K lungs 😶
Jecca Bukaka: Go go go! Bukaka na besh. 😉
Kathakaw: Sige ba 😄
Bethy la Panget: Sige sasabihin ko lang sa kaniya.
BethyPretty: Uy oo daw
AndreiBFFPogi: Yown! Sige ha. Bukas na lang! Goodnight! Sweet Dreams Beth😄😍
BethyPretty: Okay! G'night. Muah muah tsup tsup! 😘😗😙😚
Dahil medyo natagalan na ako sa pagso-social media ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Grabe naman ang daming Assignment! Mula A.P, Filipino, English, Science, MAPEH, E.s.P. Tsk. Sobrang dami.
Nang matapos naman ako sa mga assignments ay nagreview naman ako dahil may long quiz kami bukas. Syempre sinabay ko rin ang pagkain ng chocolates habang nagsasagot at ngayon nga ay ubos na.
Oh dapat tularan ninyo ako. Hindi lumalandi. Pulos pag-aaral ang inuuna. Bakit nasa lalaki ba kinabukasan mo? Alin don yung patotoy niya?! Ika'y umayos ha?
Napapapikit na ako habang nagbabasa ng notes ko sa notebook. "Hay. Di pa ako pwedeng matulog. Wala pa ako sa kalahati." sabi ko at naghikab pa. Dahil desidido talaga akong makatapos sa pagre-review ay naisipan kong uminom ng kape kaya lang ay baka hindi naman ako makatulog. Ubos na ang chocolates ko kanina pa. "Makababa na nga lang"
Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong wala ng kailaw-ilaw. Malamang ay nasa kwarto na sila Papa. Ang tanging bukas na lang ay sa kusina at ang ilaw dito sa hallway. Katulad ngayon ay kailangan namin ng ilaw kapag ganitong oras ay lalabas kami, aba alangan namang patayin lahat edi wala na kaming nakita baka mahulog kami sa hagdan.
Ang pwesto kasi ng kwarto ko ay katapat lang ng mga kwarto nila pero napaggi-gitnaan naman. Gets ba?
Basta solo ko yung space sa left side. Ang katapat ng kwarto ko kapag sa baba ay ang buong kusina. Ganun din ang sukat kaya mas malaki rin ang kwarto ko kumpara sa kanila. Pabor naman sa akin iyon. Kasi magulo kwarto ko. Weekly kasi ako kung mag-general cleaning kaya ipon lahat ng kalat para isang bagsakan lang. Kapagod kaya mag-linis.
Bago pa makapunta sa kusina ay may isa pang kwarto na katabi ng hagdan namin. Dito nga ako natatakot kasi tambakan namin yung laman non. Bali halos sa katabi rin ng hagdan ang pinto kaya naman yung natira pang space ay nilagyan namin ng altar. Natatakot nga ako kasi baka mamaya kumurap-kurap ang mga Santo namin. Geez! Kaya nga kapag ganitong oras tapos pupunta akong kusina ay nakaharang ang kanang kamay ko sa kanang gilid ko para hindi ako tumingin sa gawin non. Katakot!
Pero ang alam ko ay balak na ni Papa na ipaayos ang tambakan. Puro kasi diyan nailagay yung mga sirang computer at iba pa. Eh mas mapapakinabangan nga iyon kung lalagyan na lang ng kama para kapag dito tutulog ang iba naming kamag-anak ay may matutulugan sila.
Pagkarating ko sa kusina ay naghanap ako ng pwedeng makain. Hmm.. nakakailang kasi kapag puro chocolates lang kainin ko baka magkasakit ako ng diabetes. Tsk. I don't have plans to risk my own health. Duh. hahahahahaha O.A maka-english eh.
Dahil halos wala na talagang pagkain sa mga cabinet or pantry ay nagtiis na lang ako sa kakarampot na cereals na nakalagay sa garapon namin. Nilagyan ko na lang ng gatas para MESHEREP. Hehehehe hindi na dapat ako mag-inarte ano! Eh sa iyon na lang ang meron na pwede ko pang kainin.
Wednesday pa lang ngayon may dalawang araw pa bago mag-Sabado. Tsk. Tiis-tiis sa kakarampot na tira. Hahahahaha. Hindi kasi sanay si Papa ng hindi ako kasa-kasama sa paggo-grocery. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero siguro dahil sa babae ako ay kailangan ay pati iyon ay akin ngang matutunan. Pero kasi love na love ko din mag-grocery kasi ang saya lang! Bakit ba?!
Eh masaya kasi sa pakiramdam nung magsasabi ka ng "Pa eto oh", "Pa mas maganda ito", "Pa mas mura ito", "Pa damihan na natin" yung mga ganiyan bagay. Para bagang nande-demonyo lang. Hehehehehehe!
Ansaya kasi halos ako rin nasusunod kung ilan o anong brand ang bibilhin ni Papa. May tiwala siya sa mga choices ko sa ganoong bagay. Kadalasan rin naman ay kasa-kasama sila Kuya pero kasi pampagulo lang sila. Laging cause of distraction ng mga malalanding babae don sa Super Market. Tapos yung mga kuya ko naman F na F. Kala mo kung Sinong artista. Hahahahaha. Pero sobrang gwapo rin naman kasi nila kaya hindi ko rin masisi ang mga malalanding babaeng iyon.
Kaya lang kapag napapadako na ang tingin nila sa akin. Aba puta! Makapanlait ang mga gaga Kala mo kung Sinong dyosa sa kagandahan. Kesyo alalay lang ako at panget. Huta! Mga ang sasarap kurutin sa singit nilang maitim!
Kaya nga minsan ay hinihiling ko kay Papa na kaming dalawa na lang ang magpunta sa Super Market at mag-grocery. Ka-imbyerna kapag kasama sila. Aasarin pa ako!
Dahil kaunti rin naman ang natirang cereals ay agad ko rin naman itong naubos ano. Hindi naman ako maarte kung ngumuya ano! Kaya bakit ko pa patatagalin? Duh!
"Salamat naman t medyo nadagdagan energy ko" mahina kong sabi. Ganun kasi ako, kailangan ko lang kumain or kailangan kong matawa para madagdagan ang aking energy at maging hyper. Dahil ako lang naman ang kumain edi ako na rin ang naghugas aba hoy! Hindi ako tamad ano! Minsan lang syempre.
Tamad ako minsanan lang naman. Basta kapag inuutusan ako tinatamad akong kumilos. Kaya nga gusto ko laging mag-kusa na lang. Kaya lang, ang mga bwiseeeeeeet kong mga Kuya ay hayok kung maka-utos sa akin! Akala mo ako ay isang muchacha at sila ang mga Amo. Tse!
Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko na ang mga kamay ko. Syempre ano! May nakasabit naman na towel na punasan kaya don na ako nagpunas. Pagharap ko ay "Putaaaaaaa!" malakas kong sigaw habang may nanlalaking mga mata at sapo-sapo ang sariling dede. Charot syempre sariling dibdib. Alangan namang sa iyong dibdib pa?! Tanga lang?! Ano ilulusot ko kamay ko sa screen para masapo ang dibdib mo?! Sagooooooot!!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAH" malakas na tawanan nila. Alam ninyo naman na siguro kung Sino. Puta! Ang mga magagaling kong kuya lang naman ang talagang nambu-buwisit sa akin sa araw-araw na ginawa na Diyos.
Sino ba namang hindi magugulat sa mga itsura nilang puro pulbos ang mga mukha at nag-itsurang white lady sila. At take note naka-bestida pa sila ng color white. Talaga namang pinagplanuhan! Mga pisti!
"Hahahaha m-magaling k-ka talagang magpatawa B-Bethy! Sobra-sobra mo k-kaming pinapatawa" sabi ni Kuya Eliseo at talagang tuwang-tuwa sila at may paghawak pa sa tiyan nilang puro BULBOL! Kapusin ka sana ng hininga!
Hanggang ngayon nga ay sapo ko pa rin ang dibdib ko. Tsk. Baka mamatay agad ako ng dahil sa kanila. Hindi man lang ako makakapag-asawa nun at virgin akong mamamatay kapag nangyari iyon. Diyos ko po! 'Wag naman po sana!
Dapat pala ay magsagawa na ako ng plano paano masusunod ang sinabi ni Jecca na makipag-sex na ako. Tsk. Baka kasi magkatotoo nga eh na mamatay akong virgin. Ayoko nun!
Natigil naman ako sa pag-iisip ng narinig ko ang sinabi ni Kuya Ephraim at hindi pa rin sila tumitigil sa pagtawa!
"Ikaw na talaga Bethy! Panget na at clown pa! You made our day Bunsong Panget!"
Pusanggala naman oh! Naisahan na naman a-ako. Kailan kaya sila titigil sa kaka-trip sa akin? Tsk.
"Mga walang magawa sa buhay!" singhal ko rito.
"Eh anong gusto mong gawin namin? Eh mas masaya pa nga iyong ganito Bethy la Panget!" natatawang sabi pa ni Kuya Errick.
"Ba't di na lang kayo maghanap ng makaka-sex? Ganon! Para productive ang mga similya ninyo diyan sa itlog ninyong mabaho at luom Puta ako pineperwisyo niya araw-araw! Magbunot kayo ng BULBOL niyo ganon! Para productive kayo! Mga bwiseeeeeeet!" walk-out kong sabi. Tsk. Lintik na mga ito. Iniwan ko sila sa kusina na may laglag panga. Sayad na sayad ng sa tiles namin.
Hay napaka-effective ng pampagising nila. Tsk. Ang lakas-lakas tuloy ng tibok ng puso kong sinisigaw ay ikaw. Charot lungs!
Buti na lang at bumalik na rin sa normal na takbo ang heartbeat ko. Tsk. Punyemas talaga ang mga iyon. Dahil tapos na akong ma-review (pasporward kasi pagoda na ako mga hangal! May quiz pa kami) inayos ko lang ang mga gamit ko syempre nilagay ko na sa school bag ko iyong mga gamit ko na pang-school alangan namang pambahay?! At inayos ko na rin ang kama ko. Tinabi ko muna ang mga padala ni Mama na bag at mga sapatos saka ko na lang titignan. Tsk. Puro bago eh. Marami pa naman akong gamit. Hindi ko pa masyadong kailangan iyong mga iyon.
Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog agad ako at nahimbing.
Zzzzzzzzzzz
Pagkagising kinabukasan ay katulad lang ng lagi kong nakasanayan ay naligo na ako at naggayak na para sa school. Naligo na ako at nagbihis ng pang-uniporme. Chineck ko kung lahat ba ng gamit ko ay naandon na ano! Baka mamaya may makalimutan ako! Edi yari ako sa mga subject teachers ko.
Pagka-almusal ko ay agad na akong gumora sa school. At katulad ng laging nakasanayan ay nakatayong naghihintay sa akin si Andrei. Dahil sa masyado akong appreciative sa napaka-gwapong mukha ni Andrei ay napatanga na lang ako sa kinatatayuan ko at pinagkatitigan siya. Impit akong napatili at hinawi pa ang buhok kong tumatabing sa aking mukha. "Iihhhhhh Why so Gwapo Andrei???!!" Shet! Muntik ko ng matampal ang noo ko ng nasabi ko iyon. Sa isip-isip ko lang dapat iyon, napalakas?!
"H-HUH? Gwapo?" nakita ko namang pinamulahan ng tenga si Andrei. Hala? Namula siya? Kinilig kaya siya? I grinned at that thought.
"A-ano why so ginit Andrei? Yun kasi! Bakit may iba ka pa bang narinig?" kinagat ko na lang ang labi ko dahil sa alibi kong iyon. Tsk! Ambobo ko!
"W-wala naman" sabi pa nito at nagkamot ng batok niya pero nakita ko ang pasimple niyang ngiti. Hmmm?
"Alam mo, Tara na! Dami mong usap-usap riyan! Male-late na tayo niyan." Baka magalit si Asuncion kapag na-late kami. Naku napaka pa man din noong titser na iyon!
Dahil madali lang naman kaming nakasakay sa Jeep ay agad na kaming nakarating sa school at syemperd di kami leyt.
Hindi pa man din kami nakakarating sa loob ng room. As in sa bungad pa lang kami bigla namang humarang ang impaktang si Zaylee. Tsk. Napaka naman nitong babaeng ito. Oo na maganda siya pero may something talaga sa awra nitong bruhang itey. Tsk. Nasa loob ang kulo.
"Ahm h-hi" pabebeng bati ni Zaylee kay Andrei na ngayon lang ata nilingon ang humarang sa amin. Pa-demure naman ang ipokritang Itoh!
Nagpigil naman ako ng tae ay este ng tawa ng makita ko sa gilid ng mata ko na tahimik na tumango lamang ang katabi kong si Andrei. Bleh! Nilingon ko naman si Zaylee at nakita ko namang pinandilatan ako nito ng mga mata niyang panget kaya naman tinakpan ko na lang ang bibig kong fresh ng aking fresh na kamay. Aba oo naman! Fresh ito! 99.99% germ free. Pati nga pempem ko fresh rin! You wanna try?! If yes meet me at SOGO Hotel at 4:30 P.M. Okay?! CHAROT!! Aba ano ka hilo?! Never kong ipapatikim itey sa iba, kay future husband ko lungs ano! Uy tigas ka na ba? Tigas na utong? CHAROT!
Wait! Enough of the bastos thing. HAHAHAHAHAHAHAHA It's so hard to speakining englishin righting? Charing!
"A-ah magpapatulong sana ako sa iyo Andrei" ani nito sa malambing na tinig. Yuckkkk!
"Hindi naman katulong si Andrei" mahina kong parinig rito. Nakita ko namang umirap ang Pepe ni Bruha! Tsk. Kala mo namang umikot ng 360° ang eyeballs niya. Tusukin ko utong nito eh! Ay ayoko! Baka utong nito ma-itim! Charing lang! Shh lang ikaw! Baka malaman niya naku!
"Papatulong lang ako. Hindi ko pa kasi kabisado rito. Ahm would you mind if you'll tour me around?" pa-sweet pa nitong sabi at wagas ang ngiti. Tsk. I'm sure naman na hindi papayag si And---
"Sure!" gulat kong nilingon si Andrei na marinig ko ang pagpayag niya. Tsk. Erase na yung kanina.
Akala ko hindi papayag namali pa ako! Manhid ba si Andrei at hindi niya man lang ba napapansin na nilalandi siya ni Zaylee?! Hmmmp! Sarap pag-untugin ang mga ulo nitong dalawa na ito aba!
"Pero hindi ka naman tour guide ah!" reklamo ko.
"Excuse me?! Bakit ka ba nangingialam Bethy..." at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. At namewang pa ang bruha habang taas ang kilay niyang peyk! "....la Panget"
"Aba't! Ano ka maganda! Lintik ng putang---" agad na tinakpan ni Andrei ang mabango kong bibig. And take note yung kanan niyang kamay iyong nakatakip sa bibig ko at the same time naka-akbay rin iyong kanang braso niya. Ehem! Ma-inggit kayo!
"Shh!" mahinang bulong sa akin ni Andrei at lintik ng! Parang gusto kong malanghap lang buong araw ang mabangong hininga ni Andrei. Ambango niya putcha! Parang kahit kamain siya ng mga pagkain na malalansa ay tila ba hindi nito maaapektuhan ang bango nito. Yung pang napaka-natural! Woah ang O.A ko gurls! Hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha HAHahahhha
"Just don't mind her" sabi pa ni Andrei at ang lintik, ngumiti pa kay Zaylee na halatang kinikilig na dahil namumula na ang buong mukha nito at kitang-kita ito sa maputi niyang balat. Tsk. Feeing mestisa ang bruha!
"Ah sure! By the way pwede bang ngayon na lang iyong pag-tour mo sa akin. Maybe sa break time pwede na?" ani ng mabahong singit ni Zaylee. Joke! Hahahaha I'm sure naman na puro libag iyong singit niya ano! Baka nga panty niya eh naninigas na sa sobrang daming libag at nakakaya ng tumayo mag-isa nung panty! Masyadong ipon ang libag! Ewwww! So gross bitch!
"Hmmpphmmmppp" hindi ako makapag-salita ng ayos dahil hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang mabangong kamay ni Andrei. Enebe?!
Mas lalo namang hinigpitan ni Andrei ang pagkakaakbay sa akin. Tsk. Para bang yapos-yapos niya na ako kung hindi lang sagabal ang malaki kong backpack edi nako! Nagpayapos na sana ako ng bongga! As in back hug! Hanubayan ang kire ko! Hahahaha' oy ha hindi naman mesyede! Konti lang naman! Pagbigyan ninyo na ako.
"Hmm wala naman akong gagawin nun so pwede na sa break time." sabi pa ni Andrei. Tsk. Pa-simpleng tsansing ito sa akin ah! Pero syempre enjoy rin!
Shems! Ansharap niya talagang amoyin. Pero ang tanong MASARAP DIN BA SI ANDREI?
IKAW BA MASARAP DIN?
PWEDE BANG PATIKIM?
NANG AKO'Y MAKATIKIM NG IYONG IPAPATIKIM?
Charot! Kire ko!
hahahahaha oo nga kire ka!
Sinabi mong "Kire ko" eh. Oh edi kire ka nga.
Nang sa wakas, nakawala rin ako sa higpit ng akbay sa akin ni Andrei. Lintik! Nananakit ata ang mga muscles ko. Tsk! Eh Kasi naman ang higpit talaga at may pwersa kasi alam niyang babaratin ko ang babaeng iyon.
Saka isa pa ay dating nag-taekwondo si Andrei kaya naman firm ang muscles at talagang ang lakas niya at marunong makipaglaban kaya safe ako sa kaniya. Yiiipeee ang swerte ko sa Best friend ko? Inggit ka? Hanap ka! 'Wag kang tamad gaga!
Dahil wala naman akong ganap roon ay umalis na ako. Hello! Magmu-mukha lang akong tangengot roon. Tsk hindi bagay sa akin iyon! Masyado akong gorgeous para maging Tanga! Baka ikaw?! Choss! Lab lab kaya kita. Yiiieee kiligan ka uy!
Pagkaupo ko ay siya rin namang pasok nila Andrei at Zaylee. At may ganap pa ha! Nagulo sila kung Sino ba ang uuna pumasok dahil sa tuwing lalakad na sila papasok ay nagkakabanggaan sila at di kasya sa pinto. At ang bruhang harot tuwang-tuwa pa! Tapos may paghampas pa sa braso ni Andrei!
"Napaka-kire talaga ng ipokritang ito! Crayola Khomeni (iyak) na ako. Waaaaaah!" atungal nito ng makita rin ang eksena nila Andrei sa pinto. Sigurado akong mada-drama na naman itong baklang 'toh!
"Gaga kire ka rin!" sabi ni Kath rito na abala sa paglalaro ng app sa kaniyang cellphone.
"Naku! Tiyak na tira agad ang mangyayari sa dal'wang iyan! Kay ganda ng bruhang iyan at naku! Sulit ang patotoy ni Andrei diyan!" bastos na pahayag ni Jecca na abala sa pagkikilay niya.
"Lagi ka na lang make-up na make-up Jan Jecca! Wala namang nangyayari sa mukha mo. Iiwan ka rin naman ng jowabels mo eh" puna ni Jane kay Jecca.
Tumigil sa pagkikilay si Jecca at tinaasan ng kilay si Jane "Oy ika'y magdahan-dahan sa pananalita gaga! 'Wag mo kaming idamay ni Melvin sa kabitteran mo!" sabi nito at dinuro-duro pa si Jane gamit ang hawak na eye liner. Umismid naman si Jane ng dahil don.
"Ay nako! Hindi ako payag doon mga bakla! Dapat ako lang! Akin naman talaga si Andrei bago pa dumating iyang Zaylee na 'yan! Una siyang naging akin! And believe me gurls, no one dares to stop me from having Andrei! He's mine from the top!"
"Punyeta ka bakla! Mage-english ka na lang mali pa!" tawang ani ni Jecca na talagang tuwang-tuwa dahil bahagya pang yumuyugyog ang dede nito joke! Yung balikat niya kasi!
"'He's mine from the start' kasi iyon!" natatawa kong singhal kay Rye. Pulos mga kalolokohan talaga ang mga alam ni Rye.
"He will never be yours bakla!" sabi ni Jane at mangiyak-ngiyak pa habang sinasabi ang mga salitang ito dahil sa pag-tawa.
"Gutom kang iyan! Mag-snickers ka muna" natatawang alok pa ni Kath kay bakla.
"Hahahahahahahahaha" tawa naming lahat dahil sa kaniya-kaniyang mga kalokohan.
*****Break Time*****
Break time came and as expected kita namin mula rito sa kinauupuan naming bench dito sa gazebo ang malanding si Zaylee na grabe kung maka-simple ng tsansing kay Andrei. At si Andrei naman ay mukhang tuwang-tuwa pa.
Dito na kami nagkayayaan na kumain kasi may mga students pang umo-occupy ng usual tambayan namin sa canteen. At mas okay na nga rito dahil sobrang daming tao ngayon sa canteen sobrang nakaka-suffocate kapag nag-stay pa roon. Eh dito mas maaliwalas at ang peaceful pa. Walang nga toxic. Kaya lang eh nagkamali pa ako dahil nakita ko nga ang toxic na si Zaylee. Hmmmp!
" Paka-manhid naman nitong si fafa Andrei! Di man lang tinatabig ang kulubot na kamay ni Zaylee!" nakabusangot na ani Rye sa amin.
"Ansarap sabunutan ng bruha! Pakunwari lang ata ang pagpapatulong niyan kay Andrei! Sa liit lang ng school natin di niya pa alam?! Kirengkeng na boba pa ang bruha!" sabi ko pa habang ngumunguya ng chicken sandwich na binili ko sa canteen kanina.
"Pinagsasamantalahan lang ni Zaylee si Andrei" sabi ni Kath na kahit Malabo ang mata nito ay tila ba parang matang lawin kung tanawin sila Zaylee at Andrei.
"Naku! Sana maging close kami ni Zaylee! Malay ninyo may mangyaring something edi might as well malaman ko kung DAKS ba si Andrei" nakakalokong ani ni Jecca na agad sinamaan ng tingin ni Rye.
"Napaka-epal mo talaga Jecca! Kanino ka ba kampi? Puro mga kahalayan ang lumalabas sa bibig mo!" reklamo ko kay Jecca at ang gaga tumawa lang.
"Gaga iba ang lumalabas sa akin! Puting likido! Sarap na sarap nga si Melvin! Juicy daw ako mga bakla at sweet daw iyon!" namumulang sabi ni Jecca na para bang inaalala ang sinabi sa kaniyang pang-uuto ni Melvin.
"Kaloka ka girl! Sinungaling iyang Melvin mo! Malansa kaya ang Pepe mo! At anong sweet?! Juicy lang HINDI SWEET! Juicy lang naman yan kasi laging basa kahit nga dampi basa agad! Sweet?! Tsk! Puro kasinungalingan lang ang sinabi niya sa'yo!" diring sabi ni Rye rito at may paghimas sa magkabilang braso marahil ay tumaas ang mga bulbol charot! Syempre balahibo.
"Tigilan ninyo na nga iyan! Puro kayo kabastusan! Di na kayo natuto! Puro kalaswaan. Naku! Dahil diyan aayawan kayo ng taong gusto ninyo." sabi ni Jane na nakapag-pahinto sa dalawang nagbabangayan.
"Naku puro ampalaya na naman ang nakain nito! Bat di mo 'ko gayahin! Puro sweets!" Bida naman ni Jane na grabe kung makalantak ng chocolates sa kamay niya.
"Ayoko. Puro sweet na lang lagi. Di mo na alam kung anong totoo roon dahil nabibilog ka sa mga Banat niyang kasinungalingan lang pala."
"Hep! Enough of the bitterness! It's overloading already guys! I can't take it enemor! " arte ni Bakla na may pagsapo pa sa malapad niyang noo. "Ah basta! Akin si Andrei kundi man edi sa'yo na lang siya Bethy!"
Nasamid naman ako sa sinabi ni Bakla. Akin? Ano to? Bagay lang si Andrei na ipinapamigay niya? Kaloka!
"Gaga ka! Anong akin? Anong sinasabi mo diyan? Kaloka ka!" sabi ko at ramdam ko nga ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
"Uyyy nagba-blush si Bakla!" asar ni Jecca sa akin ng makita ang naging reaksyon ko.
"Puta ka talaga Bethy! Sinasabi ko na nga ba eh. Gusto mo rin si Andrei ano?! Kailan pa yan? Huh? Sagutin mo ako ng matino!" at bahagya pa akong sinabunutan at grabii parang gigil na gigil talaga eh! Ansakit sa anit!
"Edi matino" pamimilosopo ko pa. At dahil nga sa pamimilosopo ko ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakasabunot sa akin. "A-aray! Wengya ka bakla ansakit! Bitawan mo na ako! Dudugo na anit ko! Baka makalbo ako parang awa mo na!"
"Sagutin mo kasi ang tanong ko ng matino!" singhal nito pagkatapos ay binitawan na ang pagkakasabunot sa akin. Shems ansakit!
"Matino nga!" humakbang naman ako paatras ng makitang aambahan ako ni Rye. "Edi ba nga sabi mo sagutin kita ng 'Matino' edi sinagot ko yung 'Matino' bakit ka nagagalit?"
"Boba! Sagutin mo tanong ko ng matitino mong sagot!" talagang inis na si Bakla kaya inayos ko na ang sagot ko.
"H-hindi ko a-alam" nakayuko kong sagot sa kaniya.
"ANONG HINDI MO ALAM?!" sabay-sabay nilang tanong sa akin.
"Hindi mo alam kung gusto mo siya?" kyuryosong tanong ni Kath.
"Hindi mo alam kung kailan ka nagkagusto?" ani ni Jecca.
"Hindi ka pa sigurado kung gusto mo siya?" ani ni Jane.
"O gusto mo siya pero hindi mo alam kung paano?" taas kilay na tanong ni Rye.
Jusko po daig ko pa ang nasa hukuman nito! Ang mga itsura nila ay parang mga detective eh! Kulang na lang magpunta kami sa madilim na kwarto at paupuin nila ako sa Bangko na may mesa sa harap at may ilaw na bahagya nilang ginagalaw para ito ay magpaikot-ikot sa aking harap. Pero dahil imposible iyon, dito na lang sa school hehehehehe. Namamawis na nga ang kili-kili ko naku! Baka magka-putok pa ako! Charot! Syempre gumamit ako ng deodorant para fresh! And it lasts long talaga!
"Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ninyo. Iyon yon! S-saka bakit naman a-ako magkakagusto kay A-andrei." sabi ko na medyo iniiwas na ang maselang paguusap na ito.
"Oo nga naman bakit nga ba? Eh tiyak naman na hindi magkakagusto si Bethy kay Andrei" pagkampi sa akin ni Kath.
"Basta sigurado ka diyan ha? Baka magulat ako isang araw isa ka na sa mga naghahabol sa kaniya." segunda naman ni Jane.
"Tigilan ninyo na nga ako! Bat nasa akin na ang hot seat! Diba minamanmanan lang natin sila Zaylee at Andrei bakit pa ako inuusisa ninyo pa?" kunwaring inis kong sabi para talagang tigilan na nila ako.
"Oo na! Oo na! Ikaw talaga!" pagsuko ni Rye at ibinaling na ang atensyon sa pagkain niya.
Nagkatinginan naman kami ni Kath at don pa lang ay nagkaintidihan na kami.
Dahil sa mabilis na rin namang natapos ang oras ng hapon ay ito na nga at nagsisi-alisan na kami dahil tapos na ang klase. Malamang! Aba tapos na diba bakit ka pa mags-stay? Sige nga sagutin mo. Bakit ka pa mags-stay kung tapos na kayo tapos masaya na nga ang buhay niya sa iba tapos ikaw nandito/ nanjan pa rin at naghihintay? Hindi ba ang unfair? He/She just left you without nothing left in you. No more to go or where to start. They left us, pained. Still mourning about the things that just happened between the both of you with a big question left 'Why did you left me without saying anything? Now your happy with your life, while me still miserable because you just left me hanging, left me with lost soul.
What the fuck! Seryoso ba ito? Napa-english ako! Hahhahahaha ang lalim naman ng hugot ko. Nahahawa na siguro ako kay Jane. Tsk.
As usual ay papunta na kami kay Aling Bebeng. O diba lagi kaming nabili roon. Hindi nga kami nagsasawa eh. Ibang-iba kasi talaga ang mga luto ni Aling Bebeng. Mura na masarap pa!
Peborit talaga namin ang mga street foods lalo na kapag kay Aling Bebeng talaga galing. Wala ng tatalo pa kay Aling Bebeng. Sulit ang perang pambili mo kasi sure kang mura at masarap na safe pa dahil talang malinis ang foods.
Hindi katulad nung sa plaza namin naku!
Ang dumi ng surroundings then 'di pa sure kung malinis.
Peborit ko nga kasi ang dugo o betamax. Kaya bumili ako nun sa plaza at jusko tuwang-tuwa pa ako kasi natatakam nga ako. Tapos pag-tikim ko. Puta! Ang asim ng lasa! Yun pala di pa masyadong luto eh nagsabi nga ako ng "Patusta po" pero ang outcome HILAW?!
Nagkakalokohan lang ata kami ni Kuyang nagiihaw. Tapos ang presyo pa 10 pesos eh 4 pieces lang sa isang stick iyon. Samantalang kay Aling Bebeng ay 4 pieces sa isang stick and worth 5 pesos na iyon. Tapos ubod pa ng tamis ang lasa kahit hindi na isawsaw sa suka pero mas madadagdagan ang sarap nun kapag isinawsaw lalo na kapag maanghang ang suka.
Basta sulit na sulit so come and visit!
Charing baka malaman ninyo pa bahay namin at bahay nila Andrei. Malapit lang kasi kila Aling Bebeng ang bahay namin pati na rin kila Andrei.
Baka mabisto ninyo pa mga illegal kong gawain at isumbong ninyo pa ako sa mga pulis.
Pagkatapos naming bumili ay syempre kinain na namin ang pinaluto namin habang naglalakad. Andami na kasing bumibili kay Aling Bebeng kaya hindi na kami nakipag-kwentuhan pa.
Hindi na nga ako nagpalibre kay Andrei kasi nakakahiya na sa kaniya. Baka sabihan pa ako ng gold digger. Duh!
***********
Dahil mas malapit nga ang bahay namin ay agad na kaming nakarating dito. Sila Rye ay konting lakad lang ay bahay na nila. Halos parang magkakalapit rin ang mga bahay namin kaya hindi problema kapag biglang nagkayaan kasi madali lang magpaalam sa kaniya-kaniyang mga magulang.
Lalo na kapag gusto naming mag-sleep over. Oh diba bongga! Kaya nga nung pinaayos ang bahay namin talagang pinasadya ko kay Mama na palakihan ang kwarto para kapag makikitulog ang mga kaibigan ko edi walang problema sa pwepwestuhan.
Nang nasa tapat na kami ng gate namin ay humarap naman ako kay Andrei na katulad ko rin ay nasa tapat na ng gate nila. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik. Ampogi naman ni Bebe. Charot! Bebe?! Hahahaha.
"Byeii" nakangiti kong pagpapaalam dito at todo kaway pa. Nakita ko namang kumunot ang noo niya. Huh? Bakit kaya? "Bakit?" I mouthed.
"I don't like you saying 'goodbye' there's nothing to end between us right?" sabi nito. Puta?! Nagbye-bye lang ending na agad? Anyare dito?!
"Huy! Ano bang sinasabi mo jan?" sabi ko dito ng nakakunot-nuo. Hindi ko kasi masyadong narinig pati. Ang narinig ko lang kasi ay end.
"Aish! Never mind" sabi nito at tumalikod na at aamba na sanang pumasok kaya lang ay lumapit ako dito at pinigilan ko siya. Aba magwo-walk out ang loko?! At sa akin pa?!
"Uy ano nga?" pagkuhit ko pa sa braso niyang hawak-hawak ko. "Dali naaaa sabihin mo naaaa" pagpapacute ko pa para mapilit ko siya. Aba hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong higitin papasok sa bahay nila at sinarado niya ang gate sa likod ko. Akala ko don na iyon matatapos dahil pumunta na siya sa harap ko pero bigla niya na lang akong tinulak sa gate kaya naman lumapat ang bag ko sa mismong gate. At nagtatakang napatingin naman ako sa kaniya dahil lumapit pa talaga siya sa akin. As in baka nga 2 inches or 1 inch na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. At amoy na amoy ko ang hininga niyang mabango.
"U-uy a-ano..." utal kong sabi dito dahil nakakailang talaga ang distansya namin. Siguro kung may makakakita sa amin ay magugulat at bibigyan ng malisya dahil ang itsura namin ay parang naghahalikan kami which is I like. CHAROT!
"I badly want to kiss you right know" he said and looked directly at my parted lips. Si Andrei ba talaga ito?!
Nailang naman ako sa tingin niyang iyon. Binasa ko ang labi dahil natutuyot na ito dahil sa kaba ko. Grabe ang tibok ng puso ko! Baka atakihin ako nito. Bakit ganito ang epekto sa akin ni Andrei?
"May sapi ka ba?" Tanong ko rito pero mas lalo niya lang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Todo ko namang iniatras ang ulo ko. Nakakahiya!
"Wala naman sigurong masama sa isang halik 'di ba Beth?" sabi nito at bahagya pang binasa ang mapupula niyang labi ng nakatingin pa rin sa aking labi.
"U-uy" bahagya ko siyang tinulak pero hindi naging sapat iyon para mabawasan ang distansya namin sa isa't-isa bagkus ay parang walang nangyari at nanatili pa rin siya sa kaniyang pwesto. "Bad breath kasi a-ako....b-baka mabaho k-kapag hinalikan mo a-ako. N-n-next taym n-na l-lang." namumula kong sabi sa kaniya at nag-iwas ng tingin at binaling ko na lang sa sahig ang tingin ko. Kahiya naman kasi kapag nag-kiss kami tapos bad breath ako. Tsk! Baka hindi masarapan si Andrei at mabitin pa.
Grabe na siguro ang nararamdamang temptasyon ni Andrei sa akin at sa puntong iyon siguro ay hindi niya na kaya pang magpigil pero dahil isa akong may delikadesang babae ay hindi ako basta-basta papayag ano! Hello?!
"HAHAHAHAHAHAHAHA fuck!" gulat kong nilingon si Andrei dahil bigla na lang siyang tumawa. Anyare?
Lumayo na siya sa akin habang tumatawa at bahagya pang ginulo ang buhok nito. Ang hot niya grabe!
"Anong n-nakakatawa?" taka kong tanong rito.
Napahawak naman siya sa titi niyang matigas na...charot! Sa tiyan niya siya humawak at tumawa ng tumawa.
"Binibiro lang naman kita Beth" sabi nito matapos niyang tumawa.
"A-ano? A-akala....a-akala k-ko..? B-bakit?"
"Look I was just kidding earlier." he said and looked at me with amusement in his eyes because of my reaction.
"W-wait w-w-what?! I thought y-you'll k-kiss me?" I said. Aba sayang yon!
First Kiss ko rin iyon naku! Sayang naman! Kiss na naging bato pa!
"Hahahahahahaha Beth I'm just joking around. okay? I just want to make fun of you and see what will your reaction would be." saltik pala 'tong lokong 'to!
"Oh" I said a little bit disappointed. No, actually I'm very disappointed.
Ikaw ba naman akala mo ng hahalikan ka nung tao tapos isang malaking BIRO lang pala!
Parang pag-ibig niya lang sa'yo!
"Sorry it was just..." he trailed off but I cut him off.
"Hahahahahaha! Ano k-ka ba! Palabiro ka talaga Andrei! Naisahan m-mo a-ako dun ah! Babawi ako neks taym gigil mo 'ko!" sabi ko na ang para pagtakpan ang pait na aking nararamdaman. Ano yun papaitan? CHAROT!
Dahil Saturday na ngayon ibig-sabihin ay... maggo-grocery na kami ni Papa. Yehey! My favourite day, Saturday!
Maliban pa roon ay general cleaning talaga namin kapag weekend. Kaya nga heto at naglilinis na ako ng kwarto ko.
Sinimulan ko munang tanggalin ang kurtina, bedsheet, kumot at mga pillow cases. Para mamaya malabhan ko na. Ako kasi lagi ang nakatoka sa paglalaba. Damay na rin sa paglalaba ko yung mga ipapalaba ng mga kapatid ko. Sila naman ang bahala sa iba.
Like may isang maglilinis sa computer shop, tapos ang isa naman sa bakuran namin, sa salas, sa kusina. Basta sa kwarto ay kaniya-kaniyang linis.
Pagkatapos kong matanggal na iyong mga kurtina at iba pa ay nilagay ko na ito sa basket ko kung saan nakalagay rin ang mga marurumi kong damit. Madali na rin namang maglaba kasi automatic na ang washing machine, paglabas nito sa washing machine ay tuyo na kaya hindi na isasampay pa.
Nilagay ko na muna sa laundry area namin yung basket ko na punong-puno ng mga maruruming damit at iba pa. Pansin ko rin na naroon na ang iba pang basket na pagmamay-ari ng mga Kuya ko at ni Papa.
"Buti naman at nilagay na nila rito" sabi ko sa aking sarili. Minsan kasi ay kinatatamaran nila ang paglalagay ng mga dirty clothes nila rito. Eh nakakainis kaya kapag ganon.
Nadaanan ko nga ang salas at nakita ko si Kuya Errick ay abala sa pagwawalis roon at pagtatanggal ng mga pillow cases para mapalitan na ng malinis.
Si Kuya Emil naman ang nakita ko na abala sa pagpupunas ng mga Santo sa altar at nakita ko nga may bagong biling sampaguita na lagi namin inilalagay/ isinasabit sa Santo. Nakasanayan na namin ito mula pa pagkabata kaya naman every weekend ay pinapalitan namin ito ng bago kasi syempre nabubulok ang bulaklak ano! Bobo ka ba? Malamang kailangan palitan!
Palibhasa kasi 'di ka na fresh! Charot!
Pansin ko nga rin si Kuya Eliseo na nililinis naman ang buong kusina kasi mamaya ay pupunuan na iyon ng mga groceries. Ampangit naman kung puro alikabok ang mga cabinet/ pantry doon. Bastos naman iyon 'diba?! Kadiri iyon kapag pinabayaan na baka pinamamahayan na ng mga ipis o kung ano pa man.
Pati kailangan rin na ibabad sa domex ang lababo para mamatay ang mga bacteria. Pati rin ang stove namin ano. Obsess kasi kami sa paglilinis kapag ganitong walang pasok. Kapag kasi weekdays nakakatamad kasi 'diba nga hindi mo naman masabi kung kailan ka pwedeng kumilos ng kumilos kasi may times na loaded ka ng work sa work mo or even sa school. Sanay na kami sa ganitong set-up. Kaya nga laging isang bagsakan para linis lahat. Pero syempre si Papa naman ang bahala kapag weekdays like mga simple chores, pagwawalis at pagma-mop ng floor. Ganern!
'Di ka relate? Tamad ka kasi!
At ito ha Chika ko lang sa inyo!
Wala kaming binabayaran na kuryente kasi solar power ang gamit namin. Dati kasing naga-abroad si Papa. Matagal na iyon. Two years siya roon sa ibang bansa isang electrician siya roon sa Taiwan. Hindi rin siya nagtagal dahil mas pinili niya na mag-stay sa tabi ni Mama nung nagbubuntis na siya kay Kuya Emil.
Eh dahil nga may kaalaman sa mga electronics ay naging madali kay Papa na gumawa ng solar. Iyon bagang kinakabit sa bubong tapos dahil sa heat ng araw ay kaya nagkakaroon/ nagpo-produce ng energy/ electricity kaya ganon.
Kaya talagang walang problema sa bill sa kuryente kasi walang bayad. Kaya nga anlakas ng loob naming gumamit ng gumamit ng kuryente. Sulit kasi!
Tapos may dalawa nga kaming washing machine eh. Share ko lang bakit?! It's my way of pagyayabang!
Pati ang lutuan namin ay ginagamitan na ng kuryente kaya hindi na namin bumili pa ng gasul. Delikado rin iyon 'diba?
'Wag bobo! Malamang delikado iyon!
Sandali muna akong nagtagal sa laundry namin kasi chineck ko pa kung nandoon ba ang mga kakailanganin ko sa paglalaba. Para mamaya ay diretso na lang ako sa paglaba. Baka kasi may kulang na sabong powder or mga fabric conditioner. Mahirap kasi ang pabalik-balik, nakakasawa.
Kaya nga siya nagsawa sa'yo 'diba?
CHAROT lang ulit. Pero seryoso nagsawa na rin ba sa'yo ang isang tao? Nakaka-hurt naman kung ganun.
Pagkabalik sa kwarto ay sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Pero bago pa iyon ay inayos ko ang pagkakapuyod ng buhok ko at naglagay rin ako ng headband para walang nakalalay o nakalugay sa buok. Saka na naiirita kasi ako kapag hindi nakapuyod nakakabanas kasi tapos pagpapawisan pa ako ng bongga.
Hindi ko muna pinalitan ng bedsheet at kurtina ang bintana kasi baka maglaglagan ang ibang alikabok kapag nag-vacuum na ako. Saka na lang kapag tapos na akong mag-vacuum. Saka binuksan ko lang ang bintana para kahit papaano ay mabawasan ang init. Hello? Kailangan ko pa bang buksan ang aircon? Duh!
Sinimulan ko nang mag-vacuum. Pahirapan kasi tutungtong pa ako sa upuan at kama para maabot ko ang kisame at ang mga sulok ng kisame.
Pero dahil maganda ako ay laban lang!
Nangangawit na nga ako eh. Pero salamat naman at natapos na rin ako. At nakita ko nga na may mga alikabok pang nalaglag. "Buti na lang talaga hindi pa ako nag palit ng beddings at curtain" masayang wika ko "Ang talino mo talaga Beth!" proud ko pang dagdag.
Bumaba na ako sa upuan na tinutuntungan ko aba baka masira na. Kanina ko pa ito gamit. Sunod ko naman ginawa ay pinunasan ang mga gamit ko like yung study table ko at yung ibabaw ng kabinet ko na puro na ata alikabok. Ewwww!
Dahil sobrang dumi nga ng kabinet ay kailangan ko pa talagang palitan ng panibago ang basahan kasi super duper dirty na niya. Then the next thing I did was pinunasan ko naman ang bintana ko tapos nag-spray ako nung ginagamit ko sa Screen ng gadgets ko para kapag madumi or may alikabok. hehehehe yung screen cleaning kit iyon eh. Yung color blue. Basta iyon! Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng gamitin sa bintana eh kaya yun na lang din. Pero kung sabagay salamin naman iyon.
Ang bintana ko kasi rito sa kwarto ay napakalaki tapos nag-iisa lang iyon bukod roon ay may upuan iyon. Basta parang may bangbang or lubog sa pader tapos yung space na iyon ay nilaan para paglagyan ko ng mga foam. Hindi yung sa dede mo ah! Tapos nilagyan ko ng maraming unan iyon. Para masaya. Bongga! Nung mga bata pa kami ni Andrei ay hindi pa ganito iyon simple bintana lang siya eh pinaayos ko na rin nung nagpa-renovate kasi ang hirap kaya ng pwesto ko kapag nakikipagdaldalan kay Andrei. Eh ngayon oh pwede akong mahiga. Sabay nga kami kung mag-star gazing eh. Ansaya!
Habang nagpupunas ako ay napatingin ako sa katapat bahay namin. Especially sa katapat kong kwarto na pagmamay-ari ni Andrei. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil nakita ko siyang nakaupo. Pero hindi naman niya siguro ako pansin. Shocks! Naalala ko tuloy yung ganap kahapon. Yung muntik niya na akong mahalik--- Agad akong nag-iwas ng tingin ng makitang lumingon siya sa gawi ko. Enebeyen ampanget ko pa. Puro dumi ako at pawis. "Kahiya ka talaga Bethy" mahina kong bulong.
"Beth" tawag nito at pansin ko sa gilid ng mata ko na lumapit pa talaga ito sa bintana niya para mas malapit akong makita.
"'Wag kang lilingon! 'Wag kang lilingon Beth!" mahina ko pang suway sa sarili. Aba nakakahiya kaya ang nangyari kahapon. Naku baka asarin ako nito.
"Beth!" malakas nitong tawag sa aking pangalan.
"Oh Andrei" sabi ko na may pekeng ngiti. Bahagya ko namang kinurot ang braso ko dahil hindi ako sumunod sa saway ko kanina. "Aray!" daing ko pa. Ang diin kasi ng kurot ko.
"Bakit? Anong nangyari sa'yo" alalang tanong ni Andrei sa akin.
Ngumiwi naman ako sa kaniya "A-ah n-nakagat a-ako ng l-langgam hehehehe Ansakit nga eh gusto mo?" sabi ko pa. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Masakit naman pala eh bakit mo pa ako inaalok. Ikaw talaga Beth!" tawa nito. Ang babaw naman ng kaligayahan nito! Ako nga siya lang sapat na! Boom!
Ngumiti na na lang ako at umiling.
"Naglilinis ka?" tanong pa nito.
"Hindi ba obvious?!"
Napakamot naman siya sa ulo niya. "Hehehehe oo nga." Ang cute naman ng pagkakasabi niya roon! Ampogi sarap ikama!
Hihihihi parang exciting iyon ah!
"Oo nga naglilinis ako. 'Diba nga ganito naman tuwing weekend general cleaning talaga ang meron sa amin." sabi ko pero hindi nakatingin sa mga mata niya. Nakakailang kasi ang paraan niya ng paninitig. Yan nga ang lagi kong napupuna kay Andrei sa tuwing naguusap kami talagang diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya lagi akong naiilang pero sa iba naman ay hindi siya ganon. Minsan nga ay sinubukan ko kaya lang ako lagi ang talo dahil ako ang unang nag-iiwas ng tingin.
"Oo nga pala. Mukhang pagod ka na ah. Pahinga ka muna. Siya na pala, yung lakad natin. Tuloy ba?"
"Oo tuloy pero mamaya pang bago mag-lunch. Dun na raw kasi tayo magla-lunch." explain ko pa. "Uy sige na andami ko pang gagawin." paalam ko rito at umalis na ako sa may bintana. Hindi ko na nga hinintay pa ang ang sasabihin niya.
Ewan ko ba! Simula nung mangyari nung Thursday ay nailang na ako sa kaniya kahit presence niya lang. Hindi ka ba maiilang matapos ng muntikang halikan na iyon. Tsk.
Nung Biyernes nga ay napansin nila Rye ang pagkailang ko kaya puro tanong ang inabot ko. Pero dahil sa nahihiya ako saka baka hindi naman nila ako paniwalaan kaya nagdeny na lamang ako. Para hindi na rin sila mag-usisa pa. Hindi kasi sa kanila pwede ang isang tanong, isang sagot. Dapat maraming sagot with explanation pa. Eh nakakatamad magsalita. Sayang laway lang!
*********
Inayos ko na ang pagkasalansan ng mga libro ko dito sa bookshelf ko. Mahilig kasi ako sa mga pocketbooks eh. Lalo na kapag sale nakaka-engganyo bumili ng bumili kasi mura.
Syempre pinunasan ko rin ang bookshelf ko. Pati nga ilalim non ay na-vacuum ko na rin kaya linis na. Ang sunod ko namang ginawa ay inayos ko na ang mga damit ko sa closet ko. Mga nagsasama na kasi sila eh dapat organized iyon para madali na sa akin kapag hahanapin yung ganitong klase na damit. Oh diba di ka relate wala ka kasing sariling closet. Poor you!
Simple lang naman ang mga damit ko. Maliban lang sa mga bili ni Mama kasi kalimitan at pulos mga sando, skirt, dresses at mga short shorts. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganong damit. Puro mga loose shirt ang suot ko tapos ang short na ginagamit ko ay umaabot ng 2 inch bago tuhod oh diba ganun lang ang sukat ng shorts ko. Tapos puro pajama ang gusto ko. Pero minsan naman ay nagmamaikling shorts ako kapag sa bahay lang.
Pagkatapos ay inayos ko rin ang mga nagkalat na papeles sa study table ko. Baka kasi importante iyon ano!
Yung mga sapatos ko na nagkalat ay inilagay ko na sa dapat paglagyan nito. Nilinis ko nga rin ang mga suklay ko kasi may mga alikabok na. Lalo na iyong brush na ginagamit ko. Puro buhok na. Naku! Tinubuan na ng bulbol!
Nilinis ko rin ang ilalim ng kama ko kasi maalikabok rin iyon. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay nilagyan ko na ng beddings ang kama ko. Ang nakuha ko nga ay hello kitty na pink eh. So cute naman! Pinalitan ko rin ang kurtina na hello kitty rin ang design. Ternuhan kasi sa amin ang kurtina at beddings. Pasadya pa iyan ng Mama ko sa Tita ko na marunong magtahi.
Matapos ng lahat ay dumiretso na ako sa c.r ko kasi iyon naman ang lilinisin ko. Puno na pati ang basurahan ko doon.
Binabad ko muna sa domex ang bowl at ang mini lababo ng c.r ko. Basta lahat ng sulok. Yung mismong tiles naman binudburan ko ng powder. Hahahhhahahha parang lutuin lang ah, binudburan! Tawa ka Dali!
Binababad ko ito ng 5 minutes. Kaya habang naghihintay ay lumabas muna ako sa c.r at kinuha ang cellphone ko. Hindi pa kasi ako nakakapag-online ano! Baka may bagong ganap.
Uy baka nagtataka kayo. Hindi pa ako nagaalmusal. Eh kasi kapag nagalmusal agad ako tapos nagpakapagod ako sa paglilinis ay gugutumin lang ulit ako. Naku! May dragon ata sa tiyan ko pero hindi naman ako nananaba. Sobrang payat ko nga eh.
Pagkabukas nung phone ko. Nakapatay kasi ito habang nagcha-charge. Agad ko na itong ikinonekt sa waypay. At ayun nga may mga chat sa GC naming magkakaibigan.
Rye Junior: Hoy mga bruha 'wag kayong Indiana Jones (hindi sumipot)ah! 😒
Kathakaw: oo nga. Nami-miss ko na ang shawarma, waffles, McDonald's, Chowking at marami pang iba. Gusto ko ring mag-arcade. 🤤
Bethylapanget: Ako rin! Miss ko na yung Master siomai! 🤤
JaneTheBitter: Miss ka ba? 😏
Lintik 'tong babaeng 'to! Palibhasa kasi BITTER.
Jecca Bukaka: Miss ko na mga boys sa mall. Miss ko na ang pogi hunting natin. 😍
Bethylapanget: @Jane bakit ambitter mo? 🤔😅
JaneTheBitter: @Beth bakit ampangit mo? 😏😋
Rye Junior: @Jecca puro kalandian talaga ang laman ng utak mong wala! Susmaryosep may jowa ka na di ka pa makuntento! 🙄😒At ikaw naman @Kath hindi ka na nabusog! 😣
Kathakaw: Eh bakit ba?! 😒😒
Rye Junior: Wala lang mema lang ako 😅😅
Jecca Bukaka: Pampam! 😅
Nakita kong lampas na ang 5 minuto kaya naman nagpaalam na ako sa kanila. Baka mabura na yung c.r. ko sa sobrang babad non.
Bethylapanget: I hab 2go na mga mamsh! Kanina pa nakababad ang bowl ko sa domex! 😂😂😂😂 Kitakits na lang mamaya. Sabay-sabay ba tayong pupunta roon?? 😄
JaneTheBitter: Oo. Ayaw ko ng maiwan eh 🙄
Rye Junior: Uy Bethy Panget i-remind mo si Fafa Andrei ha? 😘😍
"Ang landi talaga nito ni Bakla!" sabi ko habang nagta-type ng reply sa chat ni Rye.
Bethylapanget: Ou na 😣 Hmmmp! Kire kang tunay baklita! 😒😅
Rye Junior: 😋😝😜😛😻
Sineen ko na lang yung huling message ni Bakla at dumiretso na ako sa banyo ko.
Simple lang ang banyo ko. Share ko lang😄😅
May lababo tapos may salamin na pwedeng storage or paglagyan ko ng mga vitamins, health/medicine kit tapos mga extra toothbrush, toothpaste. May nakalagay rin don na liquid hand soap. Sa ilalim nung lababo ay doon nakalagay ang maliit kong trash bin. Sa kabilang side naman ay ang toilet bowl , sa tabi non ay may tissue.
Sa Dulo naman ang shower ko, sliding door na salamin lang ang humaharang sa shower at bowl. Basta iyon na iyon! ✌️🤣🤣✌️
Sa sulok ay may nakakabit na lagayan ng mga shampoo, bath soap, bar soap, conditioner at iba pang mga skincare na padala ni Mama. Ibat-ibang brands kasi kaya hindi ko na alam kung para saan. Charot 😅
May shower tapos may gripo para kapag balde ang gamit edi ayos!
Di ka relate? Rich kid ka kasi.
Dahil kanina pa nga nakababad ay agad ko ng kinuskos ang tiles, bowl, lababo at kung anu-ano pa gamit ang brush. Malamang 'wag boba! Sobrang dulas na nga ng tinatapakan ko eh kaya dahan-dahan lang ang pagkilos ko.
Ayaw kong mabagok ano! Baka malimutan ko kayo, pati mga important human sa paligid ko. Hehehehe. Talagang inigihan ko ang pagkuskos kasi may mga nakita na nga akong mga color black and yellow sa mga sulok at kadiri iyon! Buti na lang talaga at magaling ang domex!
Naks! Endorser lang ang peg ko! 😂😂
Medyo nabasa na nga ang suot kong damit dahil sa mga talsik na bula at tubig. Pero wapakels tuloy lang. Para sa ikauunlad ng bayan, gora!
Todo kuskos nga ako kaya hindi ko na napansin na nasa may pinto na pala si Papa at nakamasid lang sa ginagawa ko.
"Pa!" gulat kong sabi dito.
"Nakakatuwa kang pagmasdan. Napakasipag mo. Tiyak na hindi magsisisi ang magkakagusto sa iyo." madramang pahayag nito.
"Ang O.A ninyo naman Pa. Naglinis lang ng banyo magkaka-lablayp na agad?!" exaggerated kong sabi rito. Ang O.A talaga nitong kalbo na ito!
"Hahahhhahahha hindi naman. Ang slow mo naman!" kamot-ulo nitong sabi. May kuto si Papa? Eh kalbo na siya ah bakit pa nangangati ang anit niya? Baka garapata ang meron?! Hala?! 😱😱😱
Emeged! Ang O.A ko ba? Edi wow 😒 Pisti ka 😏
"Ano po bang ginagawa ninyo rito?" tanong ko sa kaniya. Abala naman itong kalbong ito!
"Ipapaalala ko lang sana sa iyo na maggo-grocery tayo ngayon. Kaya bilisan mo na riyan at may lalabhan ka pa sa baba. " utos nito. Grabe naman!
"Oho" sabi ko na lang. Tsk. Wala naman na akong magagawa sa utos ni Papa. Baka pagalitan lang ako.
"Siya nga pala hindi ba may lakad kayong magkakaibigan?"
"Opo Papa. Bakit po?" medyo may kaba sa aking boses baka kasi biglang bawiin ni Papa ang pagpayag sa lakad naming magkakaibigan. Yari naman ako kila Rye kapag ganun!
"Wala naman. Naalala ko lang, masama ba?" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon. "Ilalagay ko na lang sa study table mo yung baon mo ha? Ano bang gagawin ninyo don?" usisa pa nito.
"Magre-relax lang Papa. Niyaya kami ni Rye. Saka may padala kasing pera kaya mayaman siya ngayon. Doon na ho pala kami magla-lunch magkakaibigan. Baka rin ho mag-sine kami. Kaya Pa, pakidagdagan na lang yung baon ko hehehehe" paglambing ko pa. Para pumayag na dagdagan. Galante kasi MINSAN si Papa. Mas galante si Mama kumpara sa kaniya. Shh ka lang!
"Ah ganun ba. Mabuti iyang relax-relax ninyong iyan. Saka may bonding pa kayo. Sige dagdagan ko. Pero umuwi ka agad bago mag alasais ng gabi. Naku tutuktukan kita kapag late ka sa oras ng usapan ha?!" pinandilatan pa ako nito ng mata. At grabe natakot ako😨😱😬 Charin!
"Oho. Salamat Pa!" sabi ko dito at akmang yayakap sa kaniya ng iharang niya ang kanang kamay niya para hindi matuloy. Taka naman akong napatingin sa bunbunan niya.
"Ambaho mo na! Daig mo pa ang masangsang na isda sa Palengke." diring sabi nito sa akin at tinakpan pa ng paa ang ilong niya. Charot! Syempre ng kamay.
Ampangit naman kung paa ang ipantatakip niya. Hahahahahhh naiimagine ko pa lang natatawa na ako. Bakat itlog niya kapag binanat niya ng husto ang paa niya para matakpan ang ilong niya. Hehehehe emebestes ke 😂😂
Sumimangot naman ako sa pagka-OA ni Papa. Parang hindi naman ako anak nitong kalbong ito! Baklang toh!😬😬
"Tse! Layas ka na nga Pa!" tampo ko dito.
"Nagtampororot naman agad ang Prinsesa ko!" tawang ani nito.
"Heh! Isusumbong kita kay Mama ko!" parang bata kong sabi. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, napalitan iyon ng kaba. Hahahaha buti nga! Under kasi siya kay Mama.
"Jok lang Beth. 'To naman! Hehehehehe dadagdagan ko nga ang baon mo eh 'diba. Kasi lab na lab kita." namamawis na siya habang sinasabi ito. Buwahahahaha.
"Joke lang naman Papa. Sige na alis na. May ginagawa pa ako. Tsupi!" Muntik ko ng masabi ang 'tsupa' buti na lang talaga. Hehehehehehe.
"Buti naman at umalis na ang matandang kalbo na iyon" sabi ko sa aking sarili.
"Narinig ko ang sinabi mo Beth!" sigaw ni Papa. Hala! Ang lakas naman ng pandinig non! Malakas ang signal? Hahahahaha.
Dahil wala na ang abala sa aking ginagawa ay natapos na rin naman ako. Kasi nung dumating si Papa ay nakuskos ko na ang lahat ng pwede kong kuskusin sa loob ng c.r kaya naman pagbabanlaw na lang ang kulang.
Matapos magbanlaw ay naghugas na muna ako ng kamay ko dahil medyo madulas pa gawa nung sabon. Pagkatapos ay bumaba na ako kasi nakaramdam na ako ng pagkauhaw.
Pagkababa ko ay nakita kong malinis na ang buong salas pati na rin ang dining table namin. Linis na nga rin pati ang altar. Berigud naman pala ang mga kuya ko! Dumiretso na ako sa kusina at pumunta na sa ref para kumuha ng malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na malamig na water.
Binasa mo na lahat? Hindi no? Tamad ka kasi!
"Ooh! So refreshing!" sabi ko pa habang nakapikit at ninanamnam ang sarap at lamig nung tubig.
"Alam mo kung hindi ka pangit bagay sana sa iyo maging endorser. Kaso nasalo mo yata ang kapangitan sa mundo kaya hindi bagay sa iyo maging endorser. Baka hindi bumenta ang product." komento ni Kuya Eliseo sa nakita niyang eksena ko. Tinignan ko naman siya at pansin ko na kagagaling niya lang sa c.r siguro ay nilinis niya iyon. Edi siya na pogi kahit pawisan.
Inismiran ko lang siya. Nakakatamad magsalita wala rin namang mangyayari. Pinagpatuloy ko lang ang paginom kasi talagang nakaka-dry ng lalamunan ang kasipag ko. Naubos ko ang laman ng tumbler kaya naman hinugasan ko na ito at pinalitan ng panibagong tubig.
"Maka-snob Kala mo naman peymus! Uy 6 likes lang ang meron sa profile mo" asar nito pero deadma lang ang beauty ko kung meron man. Hehehehehe.
Nilampasan ko lang siya at nagpunta na sa laundry area namin kung saan katabi lang ng c.r namin dito sa baba.
Nakita ko namang nadagdagan pa ng panibagong labahin ang nasa basket siguro ay gawa nung mga pinaghubaran nung iba kong Kapatid at pati na rin ang kurtina at mga pillow cases sa salas.
Lumabas ako saglit para kausapin di Kuya Eliseo. "Hoy yung pinaghubaran mo akin na!"
Nakita ko naman siyang maghuhubad na kaya naman pinigilan ko siya. "Oy bakit ka maghuhubad sa harap ko?!" bastos na Kuya!
"edi ba nga sabi mo kukunin mo na?" tawang wika nito. "Kaya hinuhubad ko na para sa'yo!"
"Bastos ka na nga Tanga pa! Malamang pagkatapos mong maligo dalhin mo rito iyan. 'Wag bobo!" inis kong wika rito. Ka-stress tong lalaking ito aba!
"hahahaha biro lang. Inis ka naman agad. Sige ka tatanda ka agad niyan" pananakot pa nito. Umismid lang ako sa pananakot niyang iyon. Duh ang O.A niya ha.
Umalis na agad ako roon. Para maglaba na kaso tambak na ang labada ko.
Inuna ko muna ang mga bedsheets. Ang isusunod ko naman ay mga kumot, kurtina, mga pillow cases, at panghuli naman ang mga damit namin. Kasi isusunod ko pa yung suot ko ngayon eh. Mamaya ko na lang isasalang kapag tapos na akong maligo saka kapag natapos ko na ang iba bago ang mga damit.
Sinet ko na yung oras. Habang naghihintay ay kumain muna ako. Aba kanina pa ako gutom. Dalawa naman ang washing machine namin kaya ang first batch ay marami rin kaya mabilis rin ang usad. Oh diba wais si Bethy! 😊😊
Ansarap ng ulam! Pritong dilis na may kamatis, tapos ay sinangag na kanin na may halong itlog. Meron ring pandesal na malamig na at may tamales. Ampangit kasi kapag makunat ang tinapay. Kaya naman ininit ko ito sa toaster namin. Oh diba bongga. yumyumyum! Let's eat 😄😄
Ang sarap din kapag may mainit na kape pero dahil hindi naman ako masyadong mahilig sa kape ay tsokolateng mainit na lang ang inihanda ko. Yummy! Kasing yummy ni Andrei 😍😋😋😍
Nasa kalagitnaan na ako ng paglamon ay nagulat ako ng sabay-sabay na pumasok ang magagaling kong mga kaibigan. Muntik na akong mabilaukan sa gulat dahil parang nasa Palengke sila at nakikipag-unahan bumili ng tinda dahil bagsak presyo. Kita ko nga ang paghingal nila dahil sa pagmamadali.
"Bethy!" sabay-sabay nilang sigaw na bati sa akin ng makita nila akong kumakain take note nakataas pa paa ko habang kumakain. Ang presko nga eh. Try mo rin minsan. Singaw ang baho ng pekpek mo nun! Tignan natin kung hindi mahimatay ang makakalanghap nun!
"BAKIT?!" malakas kong sigaw sa kanila. Nakaka-bingi ang bati nila sa akin. Grabii basag eardrums ko!
"Wala lang!" chorus nilang sabi sa akin at napatampal naman ako sa noo ko.
"Yung lang?!" may halong inis kong sabi. Muntikan na akong mabilaukan dahil sa kanila tapos WALA LANG ANG SAGOT NILA!!! Ka-imbyerna!
Tinignan ko naman ang ayos nila. At ngayon ko lang napansin na may kaniya-kaniya silang dalang bag at siksik na siksik iyon dahil parang puputok na ito sa sobrang dami ng laman. "Saan ang camping?" taka kong tanong sa mga bruhang wagas kung makangiti.
"Makikitulog kami sa inyo Bethy!" ani Jecca.
"Bak---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil pinutol agad ako ni Rye.
"Nakapagpaalam na kami sa mga parents namin at pumayag sila!"
"Paan---" again. Si Kath naman ang nagsalita.
"Nakapagpaalam na kami kay Tito kaya Oks na! May dala rin kaming foods!" sabi nito at pinakita pa ang sandamakmak na chips at kung anu-ano pa.
"Pero---" and si Jane naman ang nagsalita.
"Kaya halika na at ilalagay na namin ito sa kwarto mo. Pero mamaya pa naman tayo magmo-mall."
"Teka nga!!" pigil ko dito. Kanina pa ah! Tumahimik naman sila at hinayaan na akong magsalita.
"Buti naman!" sabi ko at agad na dinagdagan ang sasabihin "Marami pa akong ginagawa ha baka manggulo kayo. Saka maggo-grocery pa kami ni Papa" sabi ko pa.
"Ay about dun hihintayin ka namin. Dito lang kami tapos mag-grocery kayo. Makiki-wifi lang pati kami. Hehehehehe" aba magaling. May wifi naman sa kanila. Tsk. Paka talaga!
"Ano pa nga bang magagawa ko nandito na kayo. Base sa nakikita ko parang dala ninyo na halos buong bahay ninyo. Pinalayas ba kayo sa inyo?" nakakawalang gana naman ito!
"Hehehehe" sabi nila. Tse!
Tinapos ko muna ang kinakain kong pagkain. At buti naman hindi sila nagreklamo sa paghihintay. Aba kahiya naman sa kanila. Hinugasan ko lang saglit at iginaya ko na sila sa kwarto ko. Isa-isa na silang nagsipasukan at nakita ko namang nakasilip sa pinto si Kuya Eliseo ng kwarto nila at nakita kong nakangiti itong nakamasid kay Jane. "Hindi ka crush ng crush mo!" sabi ko sa kaniya at agad naman kumunot ang noo nito. Hahahahaha badtrip siya! Buti nga.
May sasabihin pa sana siya kaya lang ay nagmadali agad akong pumasok sa kwarto ko. Priceless!
Buti naman at inayos nila ang mga gamit nila. Aba mahiya sila ano. Bagong linis lang ang lahat ng gamit ko. Tsk! Namewang naman ako sa kanila dahil hindi ata nila ako pansin dahil abala sila sa pakikialam ng mga gamit ko. At padala pa iyon ni Mama.
Ngayon ko lang napansin iyon ah. Hindi ko pa kasi iyon nabubuksan. Hay mga ubod ng pakialamera kong prends.
Nakita ko na wala na talaga sa balot yung mga bagong bag, sapatos, damit at mga skincare. Tsk. Bakit ba kasi mga pakialamera sila.
"Ang dami ah!"
"Tiba-tiba si Bethy!"
"Rich Kid!"
"Sana all!"
Kaniya-kaniyang komento nila matapos makita lahat ng mga iyon.
"Bakit nangingialam kayo aber?!" sabi ko dito na hanggang ngayon ay nakapamewang pa rin ako sa kanila.
Lahat naman sila ay nag-peace sign sa akin at ngumiti pa na akala mo ay hindi ko nahuli ang ginawa nilang pangingialam.
"Alam mo Bethy andami nito ha. Bongga naman si Tita sa'yo!" papuri pa ni Rye.
Tumango na lang ako at sinuri ko ang mga gamit na iyon. Andami nga talaga. Grabe naman si Mama.
May ibat-ibang klase ng sapatos Adidas at Nike, World balance at Sketchers. Meron ding bag na hawk, jansport, gucci, at chanel pa. Ang mamahal nito ah. May pabango rin na chanel din ang brand. May mga damit rin na chanel, adidas, gucci na brand ng damit. May iba't-ibang klase ng skincare. Ang basa ko nga ay may pang moisturiser, serum, antibacterial, exfoliating soap, exfoliating cream, micellar, cleanser, tapos may whitening lotion, moisturising lotion and many many more. It's too many to mention.
Ang bongga naman talaga ng Nanay ko ah. Andami kasi talaga ng ipon ni Mama para ibili kami ng mga ganito. Ilan lang sa mga ito ang nagagamit ko kaya baka masayang lang. Simpleng cleanser, night and day cream at toner lang ang nakasanayan kong padala ni Mama kaya gulat ako sa padala niya ngayon.
Gulat ka no?! Ako rin eh.
"Ang dami naman nito. Gusto ninyo ba?" alok ko sa kanila. Umiling-iling naman sila. "Grabe naman to ang arte ninyo naman! Hindi pa naman gamit yan! Bakit ayaw ninyo?" tanong ko pa sa kanila.
"Pass na muna girl mas kailangan mo yan." tanggi ni Jecca.
"Bibili naman ako mamaya kaya 'wag na" tanggi ni Rye.
"Hindi ko na kailangan iyan. Wala namang magbabago sa lablayp ko" tanggi ni Jane.
"Wala akong alam diyan ha" tanggi din ni Kath. Ang grabe naman nila sa akin. Parang nasa sukdulan na ang itsura ko ha.
"Okay. Oh siya sige baka tapos na ang first batch nung nilalabhan ko. Weyt ninyo lang ako diyan." paalam ko pa.
"Sigi kami na bahala sa mga gamit mo!" sigaw pa ni Rye ng makalabas na ako sa kwarto. Nagulat naman ako ng makita ko si Kuya Eliseo nakatayo sa tapat ng pinto. Tumayo naman ito ng tuwid. Akala mo naman hindi ko nahuli. Tsk. Huling-huli ka boi!
"Aba aba! Ano kayang tinatanga ng Kuya ko rito? May kailangan ka ba sa akin..? O may kailangan ka sa isa kong kaibigan...? Let me guess....hmm?? J..j... JANE? Ah tama JANE nga! Gusto mo tawagin ko siya?!" sabi ko dito nakita ko namang namula si Kuya Eliseo. "Weyt lang ha. JA---hmmp!!" Hindi ko na nabuo ang pangalan ni Jane na isisigaw ko sana dahil tinakpan agad ni Kuya Eliseo ang bibig ko. Bastos! Balahura! Balaj!
"Ang ingay mo Bethy!" singhal nitong bulong sa akin.
"Hmmmp" sabi ko.
"Ano?!" tanong nito. Aba bobo bakit kaya hindi muna niya pakawalan ang bibig ko. Bobo!
"Hmmmp!!" inis kong sabi. Gigil niya ako.
"Ano ba kasi iyon Bethy?!" inis na talaga nitong tanong."Ay s-sorry hehehehe" buti naman at pinakawalan niya na ako. Bobo talaga!
"Tanga ka! Kung sana pinakawalan mo agad bibig ko. Pisti ka! " inis kong singhal rito.
"Hehehehe peace. " sabi nito.
"Tse!" sabi ko rito at umalis na lang roon. Ka-bwisit siya!
******
Pagkarating ko sa laundry namin ay buti na lang at natapos na rin ang first batch ko. Tambak naman kasi ang labada kaya kailangan ko talaga ng dalawang washing machine para mas mapadali ang laba.
Kung makikita ninyo lang ngayon ang itsura ng laundry namin. Aba aakalain mong laundry shop ang meron kami sa sobrang dami ng lalabhan. Halos umabot ng walong basket ang labahin ko. Pero ayos naman kasi naka-segregate naman ang mga ito.
Nakaayos naman ang mga ito. Like ang pinakailim na damit ay puro puti at kasama na rin ang mga uniform ang sumunod naman ay pulos mga underwear, sunod ang mga pantalon or jeans, sumunod naman ang de-kolor na damit. Parang ganiyan ang ayos. Pero nasa isa pa ring basket. Pinagparte lang ang mga klase ng damit pero patong-patong pa rin. Gets mo?
Ganun rin naman sa basket na nakalaan para sa mga kurtina at beddings. Kaya diretso lang ang lagay ko sa washing machine kasi nakaayos na.
"Sa sobrang dami hindi ko na alam kung alila ba ako o pamilya nila dito." Tsk. Paka galing talaga. 😒😒
Pero oks lang naman. Kasi peborit ko rin ito. Ang paglalaba. Parang feel ko na isa akong ilaw ng tahanan. Yung malapit ng mapundi. Hehehehe 😂😂
Inayos ko na yung mga una kong nalabhan. Tuyo naman na kaya inayos ko ito ng tiklop para ilalagay na lang sa kabinet. Ambango na nga ih. Amoy na amoy ang freshness dahil sa Downy na blue yung Sunrise Fresh. O diba bongga!
Dahil naayos ko na ang first batch ay sinalang ko naman ang second batch. Grabe naman ng dami. Ang first and second batch ay pulos mga kurtina, bedsheets, blanket at pillow cases pa lang iyon. Sa third batch pa ang start ng damit. Tsk. Tulad ng kanina ay sinet ko lang ito, nilagyan ng detergent powder at fabric conditioner at water.
Buti na lang nadala ko ang cellphone ko. Pantawid din ng kaboringan ito ano. Nagcheck muna ako ng mga social media accounts ko. Ng makitang wala namang bago ay nag-browse lang ako saglit sa Facebook tapos ay nag-browse din sa Instagram ko. Aba may followers ako sa IG puro Bombay nga lang. At least meron.
yabang mo ah. Ilan ba iyo? Lapag mo nga dito. Hahahhhahahha😂😂😋😋