Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 44 - Kabanatang Espesyal 3

Chapter 44 - Kabanatang Espesyal 3

Naalala ko noong araw na makita ko ang una kong ampon. He was truly one of a kind in my mind. He has blue eyes and blonde hair. His skin was fair like his father's. At ngayon, nandito siya kasama sila Anelize Helena at Wilson Lawrence. "Ate Quelly,"

Tawag sa akin ni AnHe, pumunta ako sa banda nila at pinadulas ko ang isa kong kamay sa buhok na mahaba ng dalaga. Hindi pa rin ako makapaniwala na mga dalaga at binata na itong mga batang ito. Dati ako pa nabubully ng dalawa kong alaga.

Once upon a time, naging yaya at tutor ako nila Renz at AnHe, although, they are considered spoiled brats, I see them as cool kids. And they are my first human pets, joke, hahaha! Kasi naman madali sila mapasunod as long as mabigay ko ang gusto nila. They were deprived by the Von Dutch madam and sir, kahit na ba nabibigay ng mga yun ang mga luho at iba pang kailangan ng mga anak nila.

"Mommy, totoo ba na dyowa na ni Kari, si Ark Shi?" Napatingin ako sa ampon ko. Si AJ ay anak ni Arthur Blithe and C.c. Naging adopted mother niya lang ako kasi iniwan siya kay Art nung sanggol pa lang siya.

"Oo, they're dating." Tumingin siya sa sahig at tinignan muli ako. "Bakit hindi mo pinahintay sa akin?"

Ito talagang batang ito, alam ba niya yung word na incest? Pinalaki ko siyang parang tunay kong anak, pero bakit iba tingin niya sa tunay kong anak.

"AJ, you know, anak kita kahit hindi ka nanggaling sa akin, and sorry to tell you na kahit hindi kayo magkadugo ni Karicha, kapatid mo pa rin siya sa paningin ko." I hope this won't cause us to drift apart. Mahal ko itong batang ito. Ako nag-alaga sa kanya hanggang sa mag-three years old siya.

"Ok, Mom." He hugged me and I did too. Grabe, ang tangkad niya na. Baka mas tatangkad pa siya sa tatay niya. "May naisip lang ako, kung nakilala kita and si Mama C.c. ang nag-alaga sa akin since birth until now, papayagan mo ba ako na maging dyowa ni Karicha?"

I cupped his face, "AJ, kung ganun man ang nangyari, my answer is still a no, I can never imagine meeting you when C.c. and Art have a tacit understanding in raising you." I did fall for Art too. And my affection for his father was turned towards him.

"Mommy, Kuya AJ!" Sumali sa aming yakapan si Kari. Kahit na alam ko na nagkaroon rin naman ng little crush si Kari kay AJ, nawala rin yun kasi nakilala niya si Ark Shi.

"Talaga naman, kaya pala ayaw mo na ako bigyan ng isa pang anak, kasi quota ka na, lagi ko nakakalimutan na si AJ ang panganay mo."

Tumawa naman kaming tatlo sa sinabi ni Kard.