Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 43 - Kabanatang Espesyal 2

Chapter 43 - Kabanatang Espesyal 2

After what seems to be a year, Kari has already age a lot and learned a lot. Yes, natutuwa ako na ang tali-talino niya each day, yun nga lang, kinukurot ang puso ko.

"Mommy, bagay?" She showed me a pretty pink dress na may bears na kalat-kalat na disenyo ng damit. "Oo, bagay sa Baby Kari ko," hindi ko na mapigilan na umiyak at ikiss ang temple niya. Jeske! Moving up lang naman niya, naiiyak na ako, paano pa kaya kung graduation niya na from elementary?

"Tahan na, hindi naman yan ikakasal pa." Comfort sa akin ni Kard. Siniko ko siya at nag-ouch ito. "Hay naku, minsan na nga lang um-emote eh, pipigilan mo pa."

Nakakaiyak naman na talaga, ang liit liit pa noon nitong Karicha namin, tapos mukha na siyang grown-up. Gusto ko siya i-baby forever!!!

"Huwag na lang kaya tayo um-attend ng moving up day mo sa school, kainan na lang tayo?" I know it seems ridiculous to not attend, pero its just me and my conflicting emotions. Narinig kong tumawa si Alfred chicken at tinignan ko siya ng masama. "Halaa! Ano ginawa ko?" Nagtanong pa!

"Mommy, good suggestion, but Ark Shi will be there, so I need to naturally attend."

Napanganga ako at tinikom ko ang aking bibig. "Ay oo nga pala, your future husband will watch you." That cheered me up! Pero nang tumayo na ako sa pagkaka-squat nung niyakap ko kanina ang anak, naramdaman ko ang masamang aura.

"Tama, dito na lang tayo." Si Kard. Asus!